HINIMOK ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang local government units LGUs na pondohan ang pag i-install ng mga CCTV sa kanilang komunidad partikular na sa matataong lugar. Ito ay makaraan maging susi ang video footage mula sa CCTV sa pagkakilanlan ng road rage suspect na si Vhon Tanto na bumaril at nakapatay sa siklistang biktima na si …
Read More »Luzon power nasa red alert status, 7 planta pumalya
MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente. Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm. Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm. Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa …
Read More »Party-list system inaabuso (Kontra con-ass binuweltahan ni Duterte)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatanggalin na ang party-list system sa bansa kapag nabago na sa Federalismo ang porma ng gobyerno. Sinabi ni Pangulong Duterte, sobra na ang pagkaabuso sa sistema kaya bago sisimulan ang pag-amyenda sa Saligang Batas, igigiit niya ang pagtanggal sa party-list system. Ayon kay Pangulong Duterte, sinasamantala ito ng mayayaman na bumibili o bumubuo ng party-list …
Read More »3 drug trafficker tiklo sa P50-M shabu
AABOT sa P50 milyon high grade shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa magkakasunod na operasyon sa Pasig City at Taguig City. Sa ulat kay NCRPO-Regional Director, Chief Supt. Oscar Albayalde, kinilala ang mga nadakip na sina Saadodin Badron, Sukarno Bansil, at Mahatir Malaco, Napag-alaman, dakong 3:10 pm nang masakote ng pulisya si Badron makaraan ang isang linggong surveilance sa …
Read More »10 lugar signal 1 kay Carina
ITINAAS na ang anim lugar sa tropical cyclone signal number 1 bunsod ng Tropical Depression “Carina” ayon sa ulat ng weather bureau Pagasa kahapon. Ayon sa Pagasa, napanatili ni Carina ang lakas, na may maximum sustained winds na hanggang 55 kilometro kada oras. Habang palapit si Carina sa lupa, nadaragdagan ang mga lugar na inilalagay sa signal number 1. Kabilang …
Read More »Sink hole lumawak, 134 pamilya inilikas (Sa South Cotabato)
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 134 pamilya ang sapilitang inilikas mula sa Brgy. Silway 8, Polomolok, South Cotabato makaraan ang patuloy na pag-ulan sa kanilang lugar na malapit sa sink hole. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), pinangangambahang mas lumawak pa ang butas sa lupa na may lawak na 40 metro at lalim na 35 feet …
Read More »DTI official pinagreretiro ng konsyumers
HINIKAYAT ng Filipino Consumer Federation (FCF) si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na palitan na si Undersecretary Victor Dimagiba na sinasabing responsable sa pagkalat ng substandard products kagaya ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pang construction materials sa bansa. “Aside from questionable actions of Dimagiba, he is already above the mandatory retirement age of …
Read More »3 drug personalities patay sa shootout sa Ilocos Norte
LAOAG CITY – Tatlong drug personalities sa Ilocos Norte ang napatay makaraan lumaban sa mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operations kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital si Andres Pasalo, residente ng Brgy. 6, San Nicolas, Ilocos Norte, makaraan lumaban sa mga pulis sa drug buy-bust operation sa isang sabungan sa Brgy. 16 sa nasabing bayan. Una …
Read More »Bebot utas sa saksak ng ex-dyowa
PATAY ang isang 27-anyos ginang makaraan pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner habang nagtatalo sa Tondo, Maynila kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, 13 beses sinaksak ng suspek na si Resie Sese, 30, ang dati niyang kinakasama na si Rizza Sanchez, 27, kapwa residente ng 226 H. Lopez, Balut, Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police …
Read More »Operasyon ng NPA pigilin (Hamon ng Palasyo sa CPP-NPA)
HINAMON ng Palasyo ang kakayahan ng matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines- National Democrrtic Front (CPP-NDF) na nakabase sa Utrecht, The Netherlands sa pagkontrol sa operasyon New People’s Army (NPA) makaraan ang pananambang ng mga rebelde sa apat na militiamen sa Davao del Norte. “That’s what we are assuming and that’s what President Duterte is challenging,” tugon …
Read More »Sariling ceasefire nilabag, AFP doble kara — NPA (Ultimatum ni Digong ngayon)
NAPIGILAN ng mandirigma ng Comval North Davao South Agusan Sub-Regional Command ng New People’s Army sa Southern Mindanao ang opensibang militar ng Civilian Auxilliary Force Geographical Unit (CAFGU) ng 72nd Infantry Battalion at armadong Alamara paramilitary troops at isinagawa ang pananambang na ikinamatay ng isang miyembro ng Alamara na si Panggong Bukad, at nasugatan ang apat iba pa sa Bagnakan, …
Read More »Road rage suspect arestado sa Masbate
ARESTADO ng Philippine Army Intelligence units ang road rage suspect dakong 11:50 am kahapon sa Brgy. Bangat, Milagrosa, Masbate. Ayon kay Armed Forces of the Phillipines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, naging mapayapa ang paghuli ng mga sundalo sa dating reservist na si Vhon Tanto at hindi siya nanlaban. Si Tanto ang suspek sa pagpatay sa cyclist na si Mark …
Read More »Titsers may umento rin sa sahod — Duterte
MAGANDANG balita sa mga guro. Isusunod na ni Pangulong Rodrgigo Duterte ang pagbibigay ng umento sa sahod sa mga guro. “Ito, itong increase of salaries, ang sunod ko mga teachers,” aniya sa situation briefing sa mga sundalo sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon kamakalawa Ayon sa pangulo, ibibigay niya ang salary increase sa mga guro oras na maayos na …
Read More »2 sa 3 narco generals may prima facie evidence
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno, may prima facie evidence na nakita ang probe team ang DILG sa dalawa sa tatlong active police generals na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs. Ang tatlong active police generals na sinasabing sangkot sa illegal drugs ay sina Police Director Joel Pagdilao, Chief Supt. Edgardo Tinio at Chief Supt. …
Read More »2 ex-DoJ off’ls nakinabang sa Bilibid drug money — Aguirre
BUBUO ang Department of Justice (DoJ) ng fact-finding committee na iimbestiga sa dalawang dating mataas na opisyal ng kagawaran na sinasabing nakinabang sa milyones na drug money mula sa high-profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP), at sangkot sa sinasabing korupsiyon sa pondo ng Bureau of Corrections (BuCor). Ito ang ibinunyag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa ginanap …
Read More »Miss U tiyaking ‘di prehuwisyo sa Filipino
AGAD sisimulan ng Filipinas ang paghahanda bilang host ng 2016 Miss Universe pageant. Sinabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo, may napili na siyang nais maging venue ng coronation night sa Enero 30, 2017. Ito ay sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nasa 20,000 ang capacity bagama’t patuloy pa itong pinag-aaralan. Habang isasagawa sa anim lalawigan ang …
Read More »Pinoy sa reclamation ng China mananagot (Sa Panatag Shoal)
KAILANGANG managot ang sino mang Filipino na tumulong sa China para matambakan ng lupa para maangkin ang Panatag (Scarborough) Shoal na sakop ng Masinloc, Zambales at bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa ibinunyag ni Zambales Governor Amor Deloso na pinayagan ni dating Governor Hermogenes Ebdane na magbenta sa China ng …
Read More »9 ninja cops dating nakatalaga sa QCPD-SAID (‘Ikinanta’ ng salvage victim)
POSITIBONG pawang pulis Quezon City at dating nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs ang “ikinantang” siyam ninja cops nang natagpuang salvage victim na hinihinalang sangkot sa droga nitong Huwebes sa Brgy. Culiat ng nasabing lungsod. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nag-utos na siya nang masusing imbestigasyon hindi lamang ang pagsasangkot sa droga …
Read More »3 itinumba sa Tacloban airport iniugnay sa drugs
TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa tatlo kato sa DZR Airport sa siyudad ng Tacloban nitong Biyernes ng umaga. Tadtad ng mga tama ng bala sa katawan ang tatlong biktimang hindi pa nakikilala. Ayon kay Senior Supt Rolando Bade, hepe ng Tacloban City Police Office (TCPO), ang mga biktima ay isang babae, isang lalaki …
Read More »Tiyuhin pinatay ng pamangkin dahil sa walis-tingting
DAGUPAN CITY – Pinatay sa taga ng pamangkin ang kanyang tiyuhin nang mapuno dahil sa pananakit sa kanya sa Brgy. Guliman sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Silverio Angel nang tagain ng pamangkin na si Oliver Ramos makaraan pagalitan dahil sa hindi pagbabalik ng hiniram na walis-tingting. Ayon sa suspek, …
Read More »Sanggol, 3 bata patay sa pasay fire (4 sugatan)
PATAY ang isang sanggol at tatlong bata habang apat ang sugatan, nang masunog ang isang residential area sa Sitio Pag-asa, Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga biktima ay kinilalang sina John Derrick Guarino, 8; Aya Shantal Guarino, 5, at Baby Aris Patrick Romano, limang-buwan gulang, at Kim Regene Argarin, 7, pawang …
Read More »Ultimatum vs CPP-NPA banta ni Duterte (CAFGU inambus)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin ang idineklarang unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) kapag hindi nagpaliwanag kaugnay sa pananambang sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) militiamen sa Davao del Norte. “Are we into this truce or not? Kapag wala, tatanggalin ko. I am demanding an …
Read More »Giyera kontra drug capitalism isusulong
MISTULANG drug war ang inilalarga ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tapusin ang illegal na droga sa Filipinas. Sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony sa League of Cities and Provinces sa Palasyo kamakalawa ng gabi, inihayag ni Pangulong Duterte na nakita niya ang lawak ng problema at kung hindi niya tutuldukan ang “drug crisis” sa bansa ay hindi na ito malulutas …
Read More »Miss U sa 2017 gaganapin sa PH sa Jan 30 — DoT
INIANUNSIYO ni Tourism Sec. Wanda Teo ang pagdaraos ng Miss Universe sa Filipinas sa Enero 30, 2017. Napag-alaman, ito ang agenda na isinakatuparan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa bansa at courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kamakailan. Ipinaabot ni Pia kay Duterte ang pagnanais na matuloy ang kanyang proposal na ang Filipinas ang …
Read More »9 ninja cops ‘ikinanta’ ng salvage victim
BAGAMA’T patay na nang matagpuan ang isang hinihinalang biktima ng summary execution, mistula niyang ‘ikinanta’ ang siyam ‘ninja cops’ o nagre-recycle ng nakokompiskang shabu, makaraan matagpuan sa kanyang katawan ang listahan ng pangalan ng siyam na mga pulis. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), dakong 3:00 am nang matagpuan ang lalaking biktimang …
Read More »