Friday , October 11 2024

Solusyon sa BI tumbok ni Evasco (Konteksto nasapol)

040617_FRONT
NATUMBOK ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco ang permanenteng solusyon sa isyu ng tinanggal na overtime pay ng mga nag-aalborotong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na kamakailan ay inabandona ang kanilang counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maghain ng leave at/o resignasyon.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre , ipinanukala ni Evasco na sertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang pag-amyenda sa Philippine Immigration Act of 1940 para mabilis na maaksiyonan ng Kong-reso bilang solusyon sa suliranin sa sahod ng Immiration employees.

“Ang pinaka-latest na may proposal is si CabSec Jun Evasco, na in the meantime, ipa-fast track natin ang enactment ng Immigration Law. Siyempre ise-certify ng Pangulo ‘yan para bumilis but siyempre it has to start with the House of Representatives,” ani Aguirre bago magsimula ang  29th annual national convention ng Prosecutors’ League of the Philippines sa Clark Freeport.

Suportado aniya ni Evasco ang hirit niya na ibalik muna sa dating sistema na kunin sa Express Lane Fund ang overtime pay hanggang hindi pumapasa sa Kongreso ang bagong immigration law.

“Nakikiisa sa amin si Sec. Evasco (sa) nilalakad namin na palliative measure until the new immigration law is approved, kung puwede ibalik muna ‘yung dating pamamalakad sa express lane fund. So siguro ang ating Pangulo na ang aakto rito considering na hindi namin ma-convince ang DBM tungkol sa temporary arrangement na ito,” ani Aguirre.

Halos 40 kawani na ang nagbitiw  at nakaamba ang mass leave ng BI employees na nagresulta sa mahabang pila ng mga pasahero sa NAIA, mula nang tanggalin ang kanilang overtime pay na nagmumula sa ELF.

Idineklara ni Budget Secretary Benjmain Diokno, ilegal ang paggamit sa ELF para pondohan ang overtime pay dahil hindi aniya puwedeng makatanggap ng OT pay nang hindi hihigit sa 50% ng basic pay ng isang kawani.

Ngunit batay sa legal opinion ng Department of Justice (DoJ), legal na source ng OT pay ang ELF base sa Section 7-A ng Immigration Law of 1940, ang overtime ay maaaring bayaran ng shipping companies at airlines at iba pang napagsilbihan sa paliparan at pantalan.

“Unfortunately, ayaw ng DBM, meron silang legal reservation na ‘di raw puwede ‘yun. Magkakaroon ng impasse, so, sa ngayon walang pagkukuhaan ng overtime kaya ngayon delikado tayo rito sapagkat kapag walang mag-man sa ating ports, exit and entry ay delikado ‘yun sa national security,” ani Aguirre.

Si Evasco ay dating pari na naging komander ng New People’s Army (NPA), matagal naging mayor ng Maribojoc, Bohol at hanggang ngayon ay isinusulong na burahin ang burakratismo sa burukrasya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *