PINAALALAHANAN ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang publiko sa mahalagang paggamit sa nationwide 911 hotline. Ginawa ng heneral ang paalala kasunod nang naitalang maraming bilang ng nanloloko o prank calls sa unang araw nang ‘activation’ ng 911 numbers. Nagbanta ang PNP chief, malalaman ang mga tumatawag na ginagawang biro ang 911 at sila ay aarestohin. Batay …
Read More »Kompanyang may ENDO ipasasara
IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kompanya, maliit man o malaki, na nagpapairal ng ilegal na “ENDO” O end of contract scheme o labor only contracting. “Huwag n’yo akong hintayin na mahuli ko kayo. You will not only lose your money you will also lose your funds,” ani Duterte. Ang ENDO ay isang eskema nang paglabag sa Labor Code …
Read More »Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino isinusulong ng KWF
ISINUSULONG ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng wikang Filipino sa trabaho, media, at pagtuturo ng mga asignatura sa eskuwelahan. Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika sa tanggapan ng KWF sa Palasyo ng Malacañan kahapon, binigyang-diin ni Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sangay ng Salin at Publikasyon ng KWF, ang pagpasok ng Filipino sa sistema ng edukasyon bilang …
Read More »Ulan para sa sakahan, ‘di sa karagatan
NAGSASAYANG ng maraming tubig ang Filipinas ngunit kung iipunin ang sampung porsiyento ng tubig na nasasayang makatutulong ito sa pagpapalaki ng produksiyon sa pagkain, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Nadedesmaya si Catan na marami tayong nakukuhang tubig mula sa malakas na buhos ng ulan ngunit hindi tayo makapag-imbak nang sapat para sa …
Read More »1,000 pamilya sa Region 2 inilikas (Dahil sa baha)
TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa mahigit 1,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidwal ang nakaranas nang pagbaha dahil sa pagsalanta ng bagyong Carina sa Region 2. Sa nasabing bilang, 129 pamilya ang nasa 10 evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa kani-kanilang mga kamag-anak. Sa Cagayan, anim na bayan na may 102 pamilya o 326 indibidwal ang binaha. Sa infrastructure, …
Read More »Estudyante nahulog sa railings ng PUP
SUGATAN ang isang 17-anyos lalaking estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang mawalan ng balanse at mahulog mula sa kinauupuang railings ng isang gusali sa loob ng unibersidad sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa UERM Memorial Hospital ang biktimang si Euclid Gareth dela Peña, 1st year student ng Bachelor of Arts of Filipinology …
Read More »Buntis patay, 7 sugatan sa tribal war
CAGAYAN DE ORO CITY – Bangayan sa tribo ang tinukoy ng pulisya na motibo sa pamamaril sa gitna ng lumad wedding sa Sitio Tibugawan, Brgy. Kawayan, San Fernando, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni San Fernando Police Station commander, Insp. Rham Camelotes, mayroong personal na alitan ang grupo ng isang Aldy Salusad alyas Butsoy sa pamilya ng namatay na si Makinit Gayoran …
Read More »Kapritsoso si Duterte
TINAWAG ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kapritsoso si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa paggiit na tapatan nila ang tigil-putukan idineklara bagama’t nilabag umano ng mga tropang gobyerno ang kanyang utos. Sa kabila nito, nakahanda umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdeklara ng unilateral ceasefire sa gobyerno sa Agosto 20, ang unang araw nang pagpapatuloy …
Read More »Ceasefire idedeklara ng CPP
IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na nais nilang magdeklara ng tigil-putukan kung hindi lang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang uniletaral ceasefire kamakalawa ng gabi. Ani Dureza, ang naturang pasya ng kilusang komunista ay matagal nang hinihintay ng gobyerno at sumasang-ayon sa kahalagahan nang matatatag na aksiyon ni …
Read More »SOPO binawi ng PNP
BINAWI na rin ng pambansang pulisya ang naunang idineklarang Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) epektibo kahapon sa buong bansa. Ito ay batay sa inilabas na memorandum ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa kasunod nang ginawang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklarang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF. Sa memorandum ni PNP chief, nakapaloob ang katagang “immediately” na pagpabawi …
Read More »AFP nasa high alert
NASA high alert ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire laban sa CPP-NPA-NDF. Ayon kay AFP chief of staff General Ricardo Visaya, bilang pagsunod sa kautusan ng commander-in-chief, magpapalabas sila ng angkop na patnubay para sa lahat ng AFP units. Sinabi ni Visaya, kanya nang ipinag-utos sa …
Read More »Massive reshuffle ipatutupad ng PNP
INAMIN ng pamunuan ng pambansang pulisya na marami pang mga pulis ang mare-relieve sa kanilang puwesto. Una rito, nasa 88 pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) ang sinibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon kay PNP chiefm Director General Ronald Dela Rosa, kapag ang isang pulis ay nakulayan sa ilegal na droga, wala …
Read More »2 Chinese drug lord itinumba sa Maynila
KAPWA pinagbabaril ang isang lalaki at isang babaeng parehas na “Chinese looking” at itinapon ng hindi nakikilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Maynia. Unang natagpuan dakong 3:30 am ng isang pedestrian na si Mesalyn Milagros Probadora, 45, ang bangkay ng lalaking Chinese, edad 30-35, may taas na 5’4, nakasuot ng maong na pantalon, itim …
Read More »Rep. GMA patungo sa Germany (Spinal problems ipagagamot)
PATUNGO si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Germany sa darating na Setyembre Sinabi ni Arroyo, kanyang balak na ipagamot sa Germany ang iniindang problema sa spine. Ayon sa dating Presidente, sumasakit pa rin ang kanyang kaliwang braso. Magugunitang kamakailan lang ay tuluyan nang pinalaya si Arroyo mula sa halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans …
Read More »PNoy admin sinisi ni GMA sa kalusugan
PINASARINGAN ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nakaraang administrasyon kaugnay sa kanyang pagkaka-hospital arrest nang ilang taon. Sa kanyang pagbisita kamakalawa sa Pampanga, hindi napigilan ni Arroyo ang sarili na magpaabot nang kanyang hihinakit dahil halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center bunsod nang kinaharap niyang PCSO plunder case. Sinabi ni Arroyo, …
Read More »Carina ‘bumagsak’ sa Cagayan
NAG-LANDFALL ang sentro ng bagyong Carina dakong 1:20 pm kahapon sa bahagi ng Cabutunan point sa San Vicente, Lallo sa lalawigan ng Cagayan. Sa abiso ng Pagasa, binabaybay ng bagyo ang bahagi ng Northern Cagayan. Kaugnay nito, nakataas ang signal number 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kabilang din ang Babuyan …
Read More »Manugang todas sa taga ng biyenan
TAGKAWAYAN, Quezon – Patay ang isang magsasaka nang tadtarin ng taga ng kanyang biyenan makaraan ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Cagascas ng nasabing bayan kamakalawa. Isinugod sa pagamutan ang biktimang si Roderick Gadia Regala, 41, ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan ng hininga. Mabilis na naaresto ang suspek na si Avelino Buendia Hernandez, 63, magsasaka, tubong Agdangan, Quezon, pansamantalang …
Read More »5 ‘labor leaders’ tiklo sa kotong
TIMBOG sa mga elemento ng Manila Police Ditrict-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang limang miyembro ng isang labor group na nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at nangikil ng P100,000 sa isang kompanya, sa isang kilalang foodchain sa Intramuros, Maynila kamakalawa ng umaga. Nakadetine na sa MPD-Integrated Jail ang mga suspek na kinilalang sina Alicia Apurillo, 63, …
Read More »Bike rider utas sa HPG
PATAY ang hinuling bike rider sa traffic insident, makaraan barilin ang mga tauhan ng PNP-HPG nang lumaban at tangkang agawin ang baril ng isang pulis sa loob ng mobile car sa Makati City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si John Dela Riarte, 27, may apat tama ng bala ng baril sa dibdib, leeg at baywang. Base sa inisyal na …
Read More »Opensiba iniutos ni Digong (Unilateral ceasefire binawi)
BINAWI na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniutos niyang unilateral ceasefire para sa rebeldeng komunista noong Hulyo 25. Kinompirma ito dakong 7:00 pm kahapon ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza. Bago ito tinabla ng New People’s Army (NPA) Southern Minadanao ang utos ni Duterte na magdeklara ng ceasefire hanggang 5:00 pm kahapon. “Let me now announce that I am hereby …
Read More »Ultimatum ni Digong tinabla ng NPA (NPA SMROC: Unilateral ceasefire hindi sinunod ng militar na sabit sa droga at illegal mining)
TINABLA ng New People’s Army (NPA) ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara sila ng ceasefire hanggang 5 pm kahapon. Sa pahayag ni Rigoberto sanchez, NPA Spokesperson, Regional Operations Command, Southern Mindanao Region, hinimok niya si Duterte na busisiin ang operasyon ng tropang militar upang malaman kung totoong sinusunod ang ideneklara niyang unilateral ceasefire noong Hulyo 25. Hindi aniya …
Read More »Gov’t-NDF talks tuloy kahit walang ceasefire
TINIYAK ni Presidential Adviser on the Peace Proces Jesus Dureza, walang epekto sa peace process ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) sakaling bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire declaration sakaling mabigo ang mga komunista na makatugon sa ultimatum. Sinabi ni Sec. Dureza, katunayan tuloy ang nakatakdang pagsisimula ng formal peace negotiations sa Oslo, Norway sa …
Read More »Road rage killer arestado (Huwag ninyo akong tularan — Tanto)
NASA kostudiya na ng Manila Police District ang Army reservist at suspek sa road rage killing na si Vhon Martin Tanto. Ito ay apat na araw makaraan ang pamamaril sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil lamang sa alitan sa trapiko sa P. Casal street sa Quiapo, Maynila. Makaraan ang police booking procedures ay ang suspek ay dinala sa Department …
Read More »CCTV dapat pondohan ng LGUs — Dela Rosa
HINIMOK ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang local government units LGUs na pondohan ang pag i-install ng mga CCTV sa kanilang komunidad partikular na sa matataong lugar. Ito ay makaraan maging susi ang video footage mula sa CCTV sa pagkakilanlan ng road rage suspect na si Vhon Tanto na bumaril at nakapatay sa siklistang biktima na si …
Read More »Luzon power nasa red alert status, 7 planta pumalya
MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente. Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm. Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm. Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa …
Read More »