Saturday , April 20 2024

3 Briton, 35 Pinoys arestado sa NBI raid (Foreign investors pinuwersa)

INIHARAP sa media ng National Bureau of Investigation (NBI), ang naarestong tatlong British national na sina Andrew Robson, Allan Bennet, at Dominic Whellams, company consultant, trainor, at IT experts ng PLUSTEL Solutions Inc., may tanggapan sa 3/F ng 88 Bldg., sa Governor’s Drive, Brgy. Maduya, Carmona, Cavite, illegal na nag-o-operate ng telemarketing company sa nabanggit na lugar. (BONG SON)
INIHARAP sa media ng National Bureau of Investigation (NBI), ang naarestong tatlong British national na sina Andrew Robson, Allan Bennet, at Dominic Whellams, company consultant, trainor, at IT experts ng PLUSTEL Solutions Inc., may tanggapan sa 3/F ng 88 Bldg., sa Governor’s Drive, Brgy. Maduya, Carmona, Cavite, illegal na nag-o-operate ng telemarketing company sa nabanggit na lugar. (BONG SON)

INARESTO ang tatlong British national at 35 Filipino ng National Bureau of Investigation (NBI), makaraang salakayin ang isang telemarketing company, na ilegal na nag-o-operate sa Carmona, Cavite.

Iniharap sa media kahapon ang mga suspek na sina Andrew Robson, Allan Bennet, at Dominic Whellams, company consultant, trainor at IT expert ng PLUSTEL Solutions Inc., may tanggapan sa 3/F ng 88 Bldg., sa Governor’s Drive, Brgy. Maduya sa Carmona.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, ang pagsalakay ay isinagawa sa bisa ng search warrant, na inisyu ni  Judge Cynthia R. Mario-Ricablanca, ng Fourth Judicial Region sa Sta. Cruz, Laguna, sa kahilingan ng International Operations Division ng bureau.

Ayon sa ulat ng NBI, modus ng mga suspek ang pagbebenta ng mga non-existent bonds, securities, debentures at iba pa sa mga prospective investor sa engineering, oil and gas and manufacturing industry.

Tatawagan ng mga suspek ang isang prospective investor at sa sandaling makita na may kakayanang mamuhunan sa Filipinas ay saka nila pupuwersahin na bumili ng mga peke at non-existent na bonds at iba pa.

Sa imbestigasyon, kinompirma ng Securities and Exchange Commission, na walang awtoridad ang PLUSTEL na magbenta o mag-alok ng securities.

Nakadetine sa NBI ang tatlong dayuhan kasama ang 35 kawaning Filipino, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code, kaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o RA 8799 in relation to RA 10175.

Kasamang dinala sa punong tanggapan ng NBI ang 172 kawani ng PLUSTEL, na nagtratrabaho bilang data miners, qualifiers at verifiers upang maimbestigahan. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *