Saturday , January 11 2025

News

Kahit mahirap puwedeng maging piloto — Lacson

KAHIT mahirap o anak ng ordinaryong mamamayan, puwede nang maging piloto ng Philippine Air Force (PAF). Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa sandaling maisabatas ang panukala niyang Senate Bill 259, layong buuin ang Philippine Air Force Academy (PAFA) na tatanggap sa lahat ng kuwalipikadong estudyante na nais maglingkod sa pamahalaan bilang piloto ng PAF. “The PAFA will fulfill the constitutional …

Read More »

Arraignment kina Gatchalian, Pichay et al iniliban

INILIBAN ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay Jr. at 24 iba pa. Ayon sa anti-graft court, may nakabinbin pang mosyon na kailangan resolbahin bago umusad ang paglilitis. Itinakda ang panibagong schedule ng arraignment sa Oktubre 5, 2016. Ang kasong katiwalian na kinakaharap nina Gatchalian at Pichay ay …

Read More »

Tunnel sa Quezon gumuho 1 patay, 5 nawawala

workers accident

PATAY ang isang isang manggagawa habang pinaghahanap ang lima pa niyang kasamahan makaraan gumuho ang tunnel ng itinatayong dam sa General Nakar, Quezon. Kinompirma nitong Lunes ng Municapal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC), kasagsagan ng pag-ulan nitong Sabado nang masira ang cofferdam o dam tunnel sa Sitio Sumat, Brgy. Umiray. Natabunan ng guho ang mga manggagawang sina Roland …

Read More »

Gen. Bato inalok ng protection money (Mula sa gambling lords)

ronald bato dela rosa pnp

CAGAYAN DE ORO CITY – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng mga pulis na itigil ang pagtanggap ng bribe money mula sa illegal gambling lords o operators sa bansa. Ginawa ng PNP chief ang pahayag makaraan ibunyag na mismong siya ay tinangkang suhulan ng milyon-milyong halaga ng pera ng ilang …

Read More »

Hi-end bars papasukin vs droga

BIBIGYAN ng pahintulot ng mga may-ari na makapasok sa high-end bars sa Metro Manila ang mga miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang suportahan ang mahigpit na kampanya ng Duterte administration laban sa ipinagbabawal na droga. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, pumayag ang mga may-ari ng naturang mga establisimento na makapasok ang mga tauhan ng …

Read More »

Negosyante sa drug watchlist patay sa ambush

dead gun police

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang negosyante at ika-10 sa drug watchlist ng pulisya makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki kamakalawa. Ang biktima ay si Kokrit Verzola, 37-anyos, aresidente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela. Ayon kay Chief Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Reina Mercedes Police Station, nakikipag-inoman ang biktima sa kanilang lugar nang dumating ang dalawang suspek na …

Read More »

Duterte, gov’t funds ginagamit ng drug rings – CPP

IPINAGMALAKI ng Palasyo na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra-droga at krimen mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) hindi magtatagumpay ang “drug war” ni Duterte dahil hindi binibigyan ng solusyon ang ugat ng problema. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, batay sa ulat ng Philippine National Police …

Read More »

P200-M passport scam buking (Hepe ng Muslim office ipinasisibak kay Digong)

hajj mecca muslim NCMF

IPINASISIBAK kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Muslim Affairs sa ilalim ng Office of the President dahil sa sinasabing P200-milyong anomalya kaugnay ng pagpoproseso ng Philippine hajj passports na iniisyu sa non-Filipino Muslims. Sa liham na kanilang ibinigay kay Duterte, sinabi ng concerned employees of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang maanomalyang  pilgrimage passport processing ay talamak …

Read More »

3 Chinese arestado sa drug raid sa Maynila

shabu drug arrest

ARESTADO ang tatlong Chinese national na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng droga sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Binondo, Maynila nitong Sabado ng gabi. Nadakip ang mga suspek nang halughugin ng NBI Anti-Illegal Drugs Division ang bahay ng isang Shenghua Zang sa Attaco building, Sto. Cristo St., sa bisa ng search warrant. Narekober sa nasabing bahay …

Read More »

Ex-konsehal patay, 3 sugatan (Birthday party niratrat)

PATAY ang isang dating konsehal ng Malabon City makaraan pagbabarilin ng isa sa hindi kilalang kilalang riding-in-tandem habang sugatan ang tatlong kainoman kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Staff Duty Officer, Insp. Mark Flores ang napatay na si Eddie Nolasco, 61, siyam taon naging konsehal ng lungsod at residente sa 54 Mangoosteen St., Brgy. Potrero. Ginagamot sa Manila Central …

Read More »

8 patay, 16 sugatan sa drug raid sa Cotabato

shabu drugs dead

MIDSAYAP, North Cotabato – Naglunsad ng air to ground assault ang puwersa ng pamahalaan laban sa mga armadong grupo na sangkot sa illegal drugs sa probinsya ng Cotabato dakong 5:00 am kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao at 16 ang sugatan. Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Darwin Espaliardo ng Naval Forces, CPL. Jose Miraveles, at PFC …

Read More »

2 karnaper patay sa shootout

dead gun police

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper  nang makipagbarilin sa nagpapatrolyang mga pulis makaraan sitahin sa hinahatak na motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay sa alyas Sammy,  20-25 anyos, at alyas Intoy, 20-25-anyos. Ang mga suspek ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Ospital ng Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, …

Read More »

300 pamilya nasunugan sa Alabang

UMABOT sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Alabang, Muntinlupa nitong  Sabado ng hapon. Sinasabing sumiklab ang apoy nang sadyain ng isang Michael Cabalquinto na silaban ang kanyang bahay sa Purok 13, Sitio Pag-asa. “Pagkakaalam ko may problema sa asawa (si Cabalquinto). Tapos addict pa,” anang isang residente. Umabot sa Task Force Charlie …

Read More »

11-anyos pisak sa killer truck

road traffic accident

PATAY ang isang 11-anyos batang lalaki nang mabangga at magulongan ng isang trailer truck sa Malabon City kahapon ng tanghali. Ang biktimang agad namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkadurog ng ulo ay kinilalang si Joshua Sagala ng Sitio, Lupa Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis upang maaresto ang hindi …

Read More »

5 patay, 70K katao apektado ng habagat

INIULAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), limang indibidwal ang namatay sa kasagsagan nang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila. Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, patuloy  nilang mino-monitor ang lagay panahon. Tiniyak din ni Jalad na sapat ang food packs sa evacuation centers. Batay sa datos ng NDRRMC, nasa 15,665 pamilya o nasa 70,665 …

Read More »

Pader sa Old Bilibid Compound gumuho (2 patay, 15 sugatan)

DALAWA ang kompirmadong patay sa pagguho ng pader sa Oroquieta St., Old Bilibid Compound, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Johnny Yu, kinilala ang mga biktimang magkapatid na sina Argielyn Joy, 16, at Mary Verina 14-anyos. Habang nasa 15 ang sugatan kabilang sina Rommel Ebio, 31, at Arnold Gomez, …

Read More »

Malakas na ulan Limang araw pa

MARARANASAN pa rin hanggang sa susunod na tatlo at limang araw ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas. Sinabi ngayon ni Pagasa forecaster Aldzar Aurelio, ang habagat pa rin na hinahatak ng low pressure area (LPA) ang dahilan ng pabugso-bugsong ulan sa mga nabanggit na lugar. Huling natukoy ang LPA sa boundary line ng teritoryo ng …

Read More »

Bars, nightclubs sa Caloocan sorpresang ininspeksiyon

PINANGUNAHAN ni Caloocan Mayor Oca Malapitan ang biglaang inspeksiyon sa bars at nightclubs sa siyudad upang masigurong ang mga may-ari ng establisimiyento ay sumusunod sa nakatakdang standard building at labor codes. Tiningnan din ng kasamang grupo ni Mayor Malapitan kung may health clearances ang mga nagtratrabaho sa mga lugar ng panggabing-aliwan. At upang makatiyak na ligtas sa “sexually transmitted diseases” …

Read More »

P4.5-M cash, shabu, gadgets nakompiska sa Cebu jail raid

CEBU CITY – Umabot sa P4.5 milyon cash at 88 grams illegal drugs ang nakompiska sa isinagawang greyhound operation ng Police Regional Office (PRO-7) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa loob ng Bagong Buhay Rehabilitation Center (BBRC) o Cebu City Jail kahapon ng madaling araw. Tumambad ang iba’t ibang klase ng gadgets, cellphones, pocket Wifi, flatscreen TV, mga …

Read More »

Biktima ng summary killing natagpuan sa Makati

NATAGPUAN ang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa itim na plastic garbage bag sa gilid ng kalsada sa Makati City kahapon ng madaling araw. Inilarawan ng Makati City Police ang biktimang nasa hustong gulang, nakasuot ng pula at puting long sleeves at itim na short pants. Ayon sa inisyal na ulat, dakong 1:30 am kahapon natagpuan ng isang residente ang …

Read More »

2 patay, 1 arestado sa anti-drug ops

PATAY ang dalawang lalaki habang arestado ang isang babaeng kanilang kaanak nang lumaban sa mga pulis na nagsisilbi ng search warrant sa kanilang tahanan sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na sina Alvin Comia, 39, tubong Laguna, at Gaerlan Makahilig, nasa hustong gulang; kapwa residente sa Road 1, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana. Batay sa imbestigasyon ni …

Read More »

Territorial dispute ‘di natalakay sa talks — FVR

HONG KONG – Itinuturing ng China na “friendly” ang pag-uusap na namagitan kina dating Pangulong Fidel Ramos at senior officials ng Beijing sa Hong Kong. Sa nilagdaang statement nina Ramos, Chinese Congress foreign affairs committee chair Fu Ying na dati rin ambassador ng China sa Filipinas, at Wu Shichun na presidente ng Chinese National Institute of South China Sea studies, …

Read More »

Inosenteng namatay sa droga ilan? (Pasaring ni Digong)

NAGPASARING si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritikong wala na raw ginawa kundi magbilang ng mga napapatay sa maigting na kampanya laban sa illegal na droga. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi naman binibilang kung ilan na ba ang mga inosenteng namatay dahil sa mga durugista. Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi siya nagdalawang-isip ipapatay ang mga sangkot sa illegal na …

Read More »

Mandatory evacuation sa Marikina

IPINATUPAD ng Marikina City government kahapon ang mandatory evacuation sa lungsod. Sinabi ni Marikina City mayor Marcelino Teodoro, umabot sa alarm level 3 ang water level sa Marikina Ri-ver (18 meters above sea level). Ayon kay Mayor Teo-doro, lahat ng mamamayan sa lungsod ay pinapayuhang lumikas sa kanilang mga bahay at pumunta sa designa-ted evacuation centers. Umiikot ang rescue teams …

Read More »