Saturday , January 11 2025

News

2 sugatan sa sunog sa Parañaque City

DALAWANG residente ang nasugatan at halos 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasunog na residential area sa Paranaque City kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Medina Vargas, 59, at Gilma Carasco, 39, kapwa ng Glenn St., Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod. Sila ay bahagyang nasugatan sa paa makaraan tumalon sa bakod habang nasusunog ang kanilang bahay. Base …

Read More »

5 drug suspect patay sa parak sa drug den raid sa Bulacan

LIMANG hinihinalang sangkot sa droga ang napatay ng mga pulis sa operasyon sa hinihinalang drug den sa Norzagaray, Bulacan nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng Norzagaray Police Station ang mga napatay na sina Richard Calonzo, Angel Ivano, Levi Mateo, Chito Talento at isang alyas Neneng Bokser. Ayon sa pulisya, nagsilbi ang mga operatiba ng search warrant sa Brgy. FVR dakong …

Read More »

Mag-asawa pinatay sa kanilang bahay

PATAY ang isang mag-asawa makaraan pasukin at pagbabarilin ng apat armadong kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sto. Rosario, Pateros kahapon ng umaga. Si Romeo Rondolo ay agad binawian ng buhay sa insidente habang ang misis niyang si Nelia ay nadala pa sa Rizal Medical Center ngunit nalagutan ng hi-ninga habang nilalapatan ng lunas. Patuloy pang inaalam ng …

Read More »

2 killer ng OFW, patay sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang holdaper at tulak na responsableng sa pagpaslang sa isang OFW nitong Biyernes, nang lumaban sa mga pulis sa follow-up operation kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Sa inisyal na ulat kay QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa CIDU, kinilala ang mga napatay na sina alyas “Rodman” at alyas “Inggo” kapwa hinihinalang dayong …

Read More »

6 drug suspect patay, 3 kritikal sa vigilante

ANIM hinihinalang sangkot sa droga ang patay habang tatlo ang kritikal makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City. Sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am kahapon, nasa loob ng kanyang bahay sa115 Bouganivillea St., Brgy. 166 si Joel Torcelino, 36, nang biglang pasukin ng tatlong armadong …

Read More »

PNoy, Dinky pananagutin sa Yolanda

MAKARAAN ang tatlong taon, nais panagutin ng libo-libong pamilyang biktima ng supertyphoon Yolanda sa ‘kriminal na kapabayaan’ sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman. Sinabi ni  Marissa Cabaljao, secretary-general ng People Surge, pinag-aaralan na ng kanilang grupo na asuntohin sina Aquino at Soliman dahil sa kabiguan na bigyan …

Read More »

Gender kalasag ni Leila vs drug case — Palasyo

GINAGAMIT na kalasag ni Sen. Leila de Lima ang pagiging babae para protektahan ang sarili sa santambak na ebidensiya sa kaugnayan niya sa high-profile druglords at talamak na bentahan ng illegal drugs sa New Bilibid Prisons (NBP). Ito ang buwelta ng Palasyo sa petisyong inihain ni Sen. Leila de Lima laban kay Pangulong Duterte hinggil sa sinasabing paglabag sa kanyang …

Read More »

De Lima nagpasaklolo sa SC

DUMULOG si Senator Leila de Lima kahapon sa Supreme Court at humiling ng proteksiyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay nang inilunsad niyang “legal offensive” laban sa aniya’y pagkilos ng gobyerno na pagsasangkot sa kanya sa illegal drug trade. Naghain si De Lima ng “petition for habeas data,” legal remedy na naglalayong maprotektahan impormasyon na may kaugnayan sa isang tao …

Read More »

Seguridad kay Kerwin panawagan ni Lacson

BUKOD sa panawagang seguridad para kay Kerwin Espinosa, anak nang napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pamahalaan ang agarang pagkuha ng affidavit o sinumpaang salaysay sa hinihinalang drug lord lalo’t may banta sa kanyang buhay. Ayon kay Lacson, dapat ay may taong karapat-dapat na kumuha ng affidavit at mayroong dalawang …

Read More »

Hero’s welcome kay Pacman

INIHAHANDA na ang Malacañang sa mainit na pagsalubong kay boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao makaraan ang panalo sa laban kay Jessie Vargas. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, pinanood din nila ang laban ng Filipino ring icon at mukhang si George Foreman ang boksingero na pinaliit dahil sa kanyang galing sa loob ng ring. Ayon kay Andanar, maging ang meeting …

Read More »

Digong sumikat sa banat ng media (Media maging mapagbantay)

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga banat sa kanya ng media ang naging behikulo niya sa karera sa politika at naghatid ng tagumpay niya sa sampung halalan hanggang maging Presidente ng bansa. “The more that you rub it on, the more I get popular,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng mga opisyal ng National …

Read More »

NBI: Painting Exhibit Art Clinic Workshop, Photo Exhibit & Competition

PINAGKALOOBAN ng Certificate of Recognition ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Dante Gierran si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman, Jerry Yap, isa ring publisher at columnist, sa katatapos na pagdiriwang ng 80th anniversary bilang guest of honor at hurado sa ginanap na Painting Exhibit Art Clinic Workshop at Photo Exhibit & Competition. Naging guest speaker sa okasyon …

Read More »

Imee nanguna sa dasal-martsa, vigil para sa libing ni Marcos (Sa paghihintay sa SC decision)

NAGMARTSA ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (FEM) kahapon mula Raja Sulayman Park sa Malate, Manila, patungo sa Supreme Court (SC) para sa ‘Illumin8’ prayer march and vigil, habang hinihintay ang positibong desisyon ng korte kaugnay sa paglilibing kay FEM sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB). Lumahok si Gov. Imee R. Marcos, panganay na anak ng dating …

Read More »

Pacquiao itinumba si Vargas

NANATILI ang bilis, lakas at kara-nasan ni Manny “Pacman” Pacquiao kaya naitukma niya si American fighter Jessie Vargas at makuha muli ang WBO welterweight belt sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, kahapon. Nabawi ng 37-anyos na si Pacquiao ang titulo kay Vargas matapos ilista ng tatlong hurado ang 114-113, 118-109, 118-109 unanimous victory ng Pambansang kamao ng Filipinas. …

Read More »

PacMan, Donaire huwaran ng Pinoy – Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na gayahin ang tapang at determinasyon na ipinamalas ng mga boksingerong Filipino sa Las Vegas para gapiin ang problema sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsiyon sa bansa. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagtatagumpay ang gobyerno sa isinusulong na digmaan sa tatlong pangunahing suliranin ng bansa kaya kailangan tularan ang tibay ng mga boksingerong …

Read More »

Digong mas malakas pa sa kalabaw

MAS malakas pa sa kalabaw si Pangulong Rodrigo Duterte at kayang-kayang gampanan ang mga responsibilidad bilang Punong Ehekutibo ng bansa. Ito ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Martin Andanar kaugnay sa mga ulat na may sakit si Pangulong Duterte. Marami aniyang mga aktibidad ang Pangulo araw-araw at sa iba’t ibang bahagi pa ng bansa kaya hindi dapat pagdudahan ang kanyang …

Read More »

Mayor Espinosa kawalan sa drug war (4 beses binaril – Autopsy)

MALAKING kawalan sa drug war ng administrasyong Duterte ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, ayon sa Palasyo. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, malaking palaisipan ang pagpaslang kay Espinosa sa loob ng kulungan dahil ang alkalde ay malaking tulong sa gobyerno sa pagtugis sa mga personalidad  lalo sa mga taong gobyerno na sangkot sa illegal drugs. “Personally, ako …

Read More »

Zero crime rate sa Metro Manila (Sa Pacquiao figh) – NCRPO

WALANG iniulat na insidente ng krimen sa Metro Manila habang nagaganap ang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo (PH time). “We have not recorded any crime incident on the duration of his fight,” ayon sa inilabas na pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraan ang laban ni Pacquiao. Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. …

Read More »

Mark Anthony nagtangkang mag-suicide?

INAALAM ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang mga lumabas na balitang nagtangkang magpakatay ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa loob ng Pampanga Provincial Jail. Ayon sa isang insider mula sa Angeles City regional trial court (RTC), tinangka ng 37-anyos aktor na maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng gunting. Ang gunting ay sinasabing kinuha ng aktor mula sa isang …

Read More »

Seguridad mas hinigpitan sa Bar exam sa UST

SINIMULAN na kahapon, Nobyembre 6, ang apat Linggong Bar examination para sa libo-libong nais na maging abogado. Kasabay nito ay nagpatupad nang mas mahigpit na seguridad sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) na pinagdausan ng pagsusulit. Kaugnay nito, paiiralin sa paligid ng UST ang traffic rerouting para sa mga sasakyan tuwing araw ng Linggo ngayong buwan. Gagawin ang …

Read More »

4 gun for hire arestado sa Montalban

ARESTADO sa mga tauhan ng CIDG ang apat hinihinalang mga miyembro ng gun for-hire group na tinaguriang “Hinirang Gang” sa kanilang hang-out sa PNP-AFP Housing, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kinilala ang mga nadakip na sina Roberto Berones, Ronilo Marbon, Jose Belleza at Dominic Ortega. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay nadakip nang pinagsanib na puwersa …

Read More »

Abogado nagbaril sa sentido

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos abogado makaraan magbaril sa sentido nang maburyong sa iniindang sakit sa kidney at prostate enlargement kamakalawa ng hapon sa San Rafael St., San Miguel, Maynila kamakalawa. Kinilala ni PO1 Lester Evangelista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Atty. Augustus Cesar Comin Binag, residente ng Room 205 La Casarita Condominium Corporation sa …

Read More »

Tulak patay, 3 nadakip sa Galugad

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher habang tatlo ang naaresto sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4 sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Que-zon City nitong Sabado ng gabi. Sa ulat kay Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang hindi pa nakikilalang napatay na lalaking suspek ay nasa edad 30 hanggang 35-anyos. Habang ang …

Read More »

5 holdaper utas sa parak

PATAY ang limang hinihinalang drug user at holdaper nang lumaban sa mga pulis makaraan holdapin at i-gapos ang isang babae, sa inilatag na dragnet operation ng mga awtoridad sa Jala-jala, Rizal kahapon ng umaga. Ayon kay Chief Inspector Joseph D. Macatangay, chief of police ng Jala-Jala PNP, dakong 6:30 am nang holdapin ng mga suspek ang biktimang si Flora Oruga, …

Read More »