Sunday , January 12 2025

News

5,000 pamilya nasunugan sa Malabon

MAHIGIT 5,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, makaraan ang halos pitong oras na sunog, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ayon kay Malabon Public Information Office head Bong Padua, bunsod nang lawak ng sunog, nagdeklara ng “state of calamity” sa Brgy. Catmon at Brgy. Tonsuya. Sinabi ni Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR) Regional Director, Senior Supt. Wilberto …

Read More »

5 sugatan sa warehouse fire sa pasay

LIMA ang sugatan, kabilang ang dalawang bombero, nang masunog ang isang 4-palapag na bodega sa Arnaiz Avenue, Brgy. 108, Pasay City, nitong Miyerkoles. Dakong 6:00 pm nang sumiklab ang sunog sa gusaling pag-aari ng Ramish Trading Corporation, ginagamit bilang warehouse ng mga gamit sa bahay. Ayon sa Bureau of Fire Protection, pahirapan ang pag-apula ng apoy, dahil maraming gamit sa …

Read More »

Palit-puwesto sa House leaders idaraan sa botohan

IPINALIWANAG ni Speaker Pantaleon Alvarez, hindi agaran ang pagtatanggal sa puwesto sa mga lider ng Kamara, na hindi susuporta sa death penalty. Paglilinaw ni Alvarez,  patatapusin muna nila ang botohan sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan, bago magdesisyon ang liderato kung sino ang dapat alisin sa posisyon. Sa botohan sa plenaryo malalaman ang opisyal na boto ng bawat Kongresista, minorya …

Read More »

Arraignment ni Ex-Comelec chief Abalos iniliban (Sa Sandiganbayan)

INILIBAN ng Sandiganbayan ang arraignment kay dating Commission on Elections (Comelec) chief Benjamin Abalos Sr. May kaugnayan ang kasong kinakaharap ni Abalos, sa sinasabing maanomalyang pagbili ng mga sasakyan noong 2003, na nagkakahalaga ng P1.7 milyon. Ang arraignment na nakatakda kahapon, ay inilipat sa 27 Abril ng taon kasalukuyan, dahil maghahain si Abalos ng “motion for reconsideration” sa resolusyon ng …

Read More »

Sombero iniutos ni Gordon arestohin

IPAAARESTO ni Senate blue ribbon committee chairman, Sen. Richard Gordon, si dating C/Supt. Wally Sombero, kapag bumalik sa Filipinas. Si Sombero ang itinuturong bagman at middleman ni Jack Lam, para suhulan ng P50 milyon ang ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), para pakawalan ang hinuling 1,316 Chinese undocumented workers. Ayon kay Gordon, nabigo ang kampo ni Sombero na …

Read More »

Binatilyo kritikal sa saksak ng karibal

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 19-anyos binatilyo, makaraan pagsasaksakin ng dating nobyo ng babaeng kanyang nililigawan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Christian Kenneth Cañares, ng 1284 Raja Matanda St., Brgy. Daanghari, ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Mark Phil Cruz alyas Mapi, nasa …

Read More »

Duterte sa Customs: Mangolekta para sa tatlong giyera

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Nicanor Faeldon, mangolekta nang tamang buwis upang makalikom ng pondo ang kanyang administrasyon na gagastusin sa isinusulong na tatlong digmaan. Sa kanyang talumpati sa ika-115 anibersaryo ng Bureau of Customs (BoC) kahapon, sinabi ng Pangulo, kailangan ng administrasyon ng kuwartang pambili ng mga kagamitan, upang mapanatili ang kaayusan sa bansa. “I would …

Read More »

Bello, Dureza dapat pabalikin si Digong sa peace talks — Satur Ocampo

DAPAT personal na hikayatin nina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government peace panel chief Silvestre Bello III si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks sa kilusang komunista. Ito ang pahayag ni dating Bayan Muna party-list representative Satur Ocampo sa Kapihan sa Manila Bay news forum kahapon sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Nanghinayang si Ocampo …

Read More »

Lawful order ng pangulo susundin ng NCRPO

TINIYAK ni Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) walang pasubaling susundin nila ang lahat ng kautusan o lawful order ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ito ang sinabi ni Albayalde sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate Maynila bilang tugon sa umiinit na usapin na pagdakip sa mga consultant at …

Read More »

Digong umamin: Sa 5 salita tanging 2 ang tama

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa sa lima niyang pahayag ay hindi totoo at kalokohan lang pero para sa kanya ang media ay “dishonest.” Sa kanyang talumpati sa ika-115 anibersaryo ng Burea of Customs (BOC) kahapon ay sinabi ng Pangulo na mahilig siyang magpatawa at hindi lang sanay ang media sa kanyang karakter kaya lahat nang lumalabas sa kanyang …

Read More »

Leila ikukulong sa ordinary jail

NANINIWALA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, posibleng makulong si Senadora Leila de Lima sa ordinaryong kulungan, sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso, kaugnay sa ilegal na droga. Sinabi ni Pimentel, hindi “exempted” ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkabilanggo nang anim taon pataas. Ipinaliwanag ni Pimentel, ang drug cases …

Read More »

Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)

ping lacson

INAAYOS na ng PNP sa Philippine Air Force (PAF), ang eroplanong sasakyan ng mahigit 200 police scalawags, na i-dedestino sa Mindanao. Sinabi ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), agad silang magsasagawa ng koordinasyon sa PAF, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na idestino sa Basilan ang mga tiwaling pulis. Dagdag niya, maglalaan ng …

Read More »

2 basag-kotse utas sa shootout

PATAY ang dalawang lalaking basag-kotse nang pagbabarilin ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), makaraan biktimahin ang isang negosyante sa Brgy. Old Capital Site, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, naganap ang shootout ng mga suspek at mga operatiba ng District Special Operation Unit, Anti-Carnapping (ANCAR) Section, dakong …

Read More »

21 sugatan sa Tondo fire

UMABOT sa 21 katao ang sugatan, kabilang ang 16 bombero, habang 3,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, makaraan ang 10 oras sunog sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, Maynila, kamakalawa. Ayon kay C/Insp. Marvin Carbonnel, fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog dakong  9:41 pm sa bahay ng isang kinilalang si Lola Adan. Umabot ang alarma …

Read More »

Ex-Colombian prexy idiot — Duterte

TINAWAG na “idiot’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, si dating Colombian President Cesar Gaviria, dahil binatikos ang kanyang drug war. “Colombia has been lecturing me, that idiot,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ika-115 anibersaryo ng Bureau of Customs kahapon. Sa isang artikulo, napalathala sa New York Times, sinabi ni Gaviria, ang problema sa illegal drugs ay hindi malulutas sa malupit …

Read More »

Leftist officials mananatili sa gabinete – Palasyo

Malacañan CPP NPA NDF

MANANATILING miyembro ng gabinete, at patuloy na dumadalo sa Cabinet meetings, ang mga kalihim na inirekomenda ng National Democratic Front (NDF). Magugunitang makaraan kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa CPP-NPA-NDF, at tawaging terorista ang mga rebeldeng komunista, marami ang nanawagan sa pagbibitiw sa gabinete nina DAR Sec. Paeng Mariano at DSWD Sec. Judy Taguiwalo. Sila ay kasama …

Read More »

Folk musicians fellowship itinampok sa ‘Live Jamming’

GINANAHAN nang todo sa pakikinig ang masusugid na listeners ng ‘Live Jamming with Percy Lapid’ sa Radio DZRJ-810Khz nitong nakaraang Linggo. Kinailangan pang ma-extend nang isang oras kaya inabot hanggang 3:00 ng madaling araw ang masayang programa para sa napakaraming requested songs ng listeners. Ang Live Jamming tuwing Linggo ng gabi, 11:00 pm – 2:00 am, ay produksiyon ng arts …

Read More »

8 ASG utas sa military ops sa Sulu

ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa walo ang kompirmadong napatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG), sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa lalawigan ng Sulu. Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kabilang sa mga napatay ay sina Karra Kinod, Asbiali Ijiram, Bari Rabah, at Hassan Angkong, pawang may warrant of arrest. …

Read More »

3 holdaper todas sa enkwentro sa Makati

dead gun police

PATAY ang tatlong hinihinalang mga miyembro ng Brondial robbery holdup group, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad, sa follow-up operation sa serye ng pagholdap sa lungsod ng Makati, kahapon ng madaling araw. Wala nang buhay nang idating sa Ospital ng Makati ang mga suspek na sina Jason Brondial, lider ng grupo; Noel Fajardo, at Donald Bacsal, pawang ng Pasay City. Base …

Read More »

2 sugatan sa rambol ng construction workers

construction

MALUBHA ang kalagayan ng dalawang construction worker makaraan masaksak nang magrambolan habang nag-iinoman sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi mga saksak sa likod ang biktimang si Marlon Bartolo, 29, at isa sa mga suspek na si Joselito Nabao, 35, may saksak din sa likod, kapwa stay-in sa Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. …

Read More »

Giit ng NDF: Hinuling peace consultant sa Davao pakawalan

DAVAO CITY – Nanawagan ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa paglaya ng kanilang  peace consultant, na hinuli ng militar sa checkpoint sa Toril, sa lungsod ng Davao. Ayon kay  NDFP peace panel chairperson Fidel Agcaoili, ang paghuli  kay Ariel Arbitrario at sa kasamahan, ay isang paglabag sa usapang pangkapayapaan. Magugunitang sinita si Arbitrario sa checkpoint ng Task …

Read More »

Ground troops bahala sa papalag na NDF consultants

Malacañan CPP NPA NDF

BAHALA ang ground troops kung papalag at lalaban ang consultants, ng National Democratic Front (NDF), na ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Magugunitang makaraan kanselahin ni Pangulong Duterte, ang peace talks sa CPP-NPA-NDF, iniutos niya ang pag-aresto sa NDF consultants na pansamantalang nakalaya, at ibalik sa kulungan. Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, alam na ng mga sundalo ang gagawin kung …

Read More »

Asylum sa NDF consultants, OK kay Digong

WALANG nakikitang problema si Pangulong Rodrigo Duterte, kung hihingi ng asylum sa Netherlands, ang political consultants ng National Democratic Front (NDF), na lumahok sa peace talks. Sinabi ni Pangulong Duterte, oras na humingi ng asylum ang political consultants, tiyak hindi na sila makababalik sa Filipinas. Ayon kay Pangulong Duterte, pinakamasakit para sa isang Filipino ang mamatay sa ibang bansa, nang …

Read More »

Mandatory ROTC sa Grade 11 & 12 aprub kay Digong

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC), sa Grades 11 at 12, sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. Nabatid kay Agriculture Secretary Manny Piñol, sinertipikahan bilang “Urgent” ni Pangulong Duterte, ang usapin sa ginanap na cabinet meeting kahapon, at ipadadala na sa Mababang Kapulungan at Senado. Si Defense Secretary Delfin Lorenzana …

Read More »

4-anyos patay sa QC fire

fire dead

PATAY ang isang 4-anyos totoy, makaraan maiwan sa isa sa apat na nasusunog na bahay, sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon. Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal, Sr. Supt. Manuel Manuel, ang biktima ay kinilalang si Angelo Sison, ng Kasoy St., Brgy. Commonwealth. Ayon kay Manuel, dakong 3:25 pm, nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni …

Read More »