TINIYAK ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) chief Liza Maza, hindi aatras ang tatlong leftists sa gabinete, sa pakikipaggirian sa mga “utak-pulbura” sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Maza, hindi sila susuko nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa pag-aambag ng boses ng mga mamamayan at hinaing ng …
Read More »Napoles nais palayain ng SolGen (May sentensiyang reclusion perpetua)
MAY tsansa kaya na maging mailap ang hustisya kay Juan dela Cruz sa isyu ng P10-B pork barrel scam case, dahil ipinupursige ng administrasyong Duterte na maabsuwelto si Janel Lim-Napoles sa kasong illegal detention, na isinampa ng star witness na si Benhur Luy? Inihayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, suportado ng Palasyo ang posisyon ni Solicitor General …
Read More »82-anyos birthday lola patay sa sunog sa Tondo
PATAY ang isang 82-anyos lola na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Tondo, Maynila, kahapon. Kinilala ang biktimang si Lorenza Calimag, nakatira sa Madrid St., Tondo. Nasagip ng mga tauhan ng Manila Bureau of Fire Protection, ang dalawang kaanak ng biktima na sina Jong Jeric Ca-limag, 23, at Michelle Ca-limag, 21, mula sa ika-apat palapag …
Read More »Komunikasyon sa Palasyo barado (P2-B sa Surigao quake itinanggi ni Andanar)
BARADO ang komunikasyon sa Palasyo kaya minsan ay mali ang balitang natutunghayan ng publiko dahil hindi regular na nakakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang communications group. Nabatid kahapon sa panayam kay Communications Secretary Martin Andanar sa DZRH, hindi totoo ang napaulat na naglaan ng dalawang bilyong piso si Pangulong Duterte na ayuda sa Surigao City, na niyanig ng magnitude …
Read More »NDF deadma sa ‘paandar’ ni Andanar sa peace talks
HINDI kikilanin ng kilusang komunista ang ano mang pahayag ng opisyal ng administrasyon kaugnay sa negosasyong pangkapayapaan, maliban kung manggagaling ito kina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, at government peace panel chairman Silvestre Bello III. Sa panayam ng Hataw kahapon, sinabi ni Satur Ocampo, independent observer ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), …
Read More »EDSA 1 bigong pangarap — Rep. Zarate
KUNG pagkakaisa ng sambayanan ang pag-uusapan sa paglulunsad ng EDSA people power noong 1986, para baliktarin ang ‘tatsulok’ sa lipunang Filipino maituturing itong tagumpay. Ngunit kung katuparan ba ng pangarap ng sambayanang Filipino ang EDSA people power, ito ay malaking kabiguan. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ang ‘pagdiriwang’ ng EDSA People Power ay muling magpapagunita ng …
Read More »Sa all-out war vs gambling ng PNP: Usapang pera-pera kaya walang sangkot na buwis-buhay — Gen. Bato
NAGDEKLARA ng all out war sa illegal gambling si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ngunit tiniyak na hindi magiging madugo gaya sa kanilang kampanya noon laban sa ilegal na droga. Paliwanag ni Dela Rosa, hindi sira ulo ang mga sangkot sa ilegal na pasugalan, ‘di tulad ng mga lulong sa droga na handang pumatay at magpakamatay. Sa ilegal …
Read More »Resolusyon sa drug cases vs De Lima ilalabas na (Aguirre kakasuhan ni De Lima)
POSIBLENG ilabas na ano mang araw ngayong linggo, ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa isinampang mga kaso laban kay Sen. Leila de Lima, dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, baka hindi na lumagpas nga-yong linggo, ilalabas na ng Department of Justice (DoJ) ang resolusyon sa graft …
Read More »Common Station Project walang konsultasyon sa commuters
HINDI nagkaroon ng konsultasyon sa commuter group ang P2.8 billion Common Station Project para sa LRT 1, MRT 3, at MRT 7, ito ang nabatid sa pagdinig ng Senate committee on public services, pinamumunuan ni Senadora Grace Poe. Kaugnay nito, tutol si Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga lugar ng common stations sa kahabaan ng EDSA, na magsasakripisyong maglakad …
Read More »Pintor tinarakan ni misis
SUGATAN ang isang pintor makaraan saksakin ng gunting ng kanyang live-in partner, nang magtalo ang dalawa habang kapwa lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center, sanhi ng saksak sa dibdib si Danilo Macaraeg, 43, ng 57 Rosario St., Brgy. 155, Bagong Barrio, habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Michelle Aguilar, …
Read More »Bebot inutas sa riles
PATAY ang isang hindi nakilalang babae, nang barilin ng hindi nakilalang suspek sa riles ng tren sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni Supt. Alex Daniel, hepe ng MPD-Station 7, dakong 1:30 am, nanonood ng television si Mark Torregoza, 27, ng 980 Hermosa St., Tondo, nang nakarinig nang sunod-su-nod na putok. Pagkaraan, natagpuan ang biktimang duguan na …
Read More »15 anyos bading, ginilitan ng tiyuhin
CEBU CITY – Patay ang isang 15-anyos bading, makaraan gilitan sa leeg ng kanyang tiyuhin sa Sitio Tambis, Brgy. Inuburan, sa ba-yan ng Naga, sa lungsod ng Cebu. Kinilala ang biktimang si John Mich Sepriano, habang ang kanyang tiyuhin ay si Arnel Sabanal, 46-anyos. Ayon kay SPO1 Gen Cabrera, desk officer ng Naga City Police Station, bago ang insidente, nag-away …
Read More »Kelot nagutay sa granada
CEBU CITY – Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang lalaki nang masabugan ng isang riffle grenade sa Brgy. Tisa, sa lungsod na ito kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ruben Genteroni, nakatira sa Sitio Katambisan, sa nasabing barangay. Ayon kay SPO1 Alex Dacua, ng Homicide Section ng Cebu City Police Office (CCPO), galing sa damuhan ang biktima dahil sa tawag ng kalikasan …
Read More »Vendor itinumba sa Quezon
TIAONG, Quezon –Patay ang isang vendor makaraan paputukan ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Lusacan, ng bayang ito kamaka-lawa. Agad binawian ng buhay si Isola Amore Su-mague, 57, biyudo, residente ng naturang lugar. Sa ipinadalang report ng Tiaong PNP, sa Camp Guillemo Nakar, sa tanggapan ni Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon PNP provincial director, dakong 7:30 pm, habang naglalakad ang …
Read More »Tserman utas sa rapido ng tandem
SAN SIMON, Pampanga – Agad binawian ng buhay ang isang barangay chairman, makaraan pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking lulan ng motorsiklo sa Brgy. Concepcion, ng bayang ito, kamakalawa ng umaga . Base sa ulat ni Chief Inspector Charlmar Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggpan ni Senior Supt. Joel Consulta, OIC Pampanga Provincial Police Office director, kinilala ang biktimang …
Read More »1 patay, 1 kritikal sa buko juice
PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang kanyang kaibigan kaibigan, makaraan tumungga ng buko juice, sinasabing may lason, sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Amado Mendoza Jr., 24, ng Block 12, Lot 32, Phase 3, Brgy. Longos, ng nasabing lungsod, habang inoobserbahan sa naturang pagamutan si Jaypee Cabillan, 20, ng …
Read More »P2-B inilaan ni Duterte sa Surigao relief ops
MAGLALAAN ang gobyerno ng P2 bilyon halaga ng relief aid sa survivors ng 6.7 maginitude lindol sa Surigao del Norte. Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa harap ng mga residente ng Surigao City, isa sa mga matinding sinalanta nang malakas na lindol nitong Biyernes ng gabi. Kaugnay nito, bahagyang nakararanas ng “delays” ang pamamahagi ng relief aid sa probinsya, …
Read More »MASAYANG nakipagkita si Transport Secretary Arthur Tugade (kaliwa) sa NAIA terminal 1 board room para kilalanin ang tatlong tapat na manggagawa sa airport na sina (mula kaliwa) Alfredo Baldoza (security guard), Antonio Infante (taxi driver) at Rizalde Ocde (wheel chair attendant) na nakatalaga sa NAIA terminal 3 na nagsauli nang mahigit sa isang milyong pisong halaga ng salapi at mahahalagang …
Read More »Hambog na maton mahirap kausap sa peace talks — CPP
SA kalatas kagabi ay sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pinatunayan ni Pangulong Rodigo Duterte sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at sa sambayanang Filipino kung gaano kahirap magsagawa ng seryosong negosasyon sa isang ‘hambog na maton’ gaya niya na sariling batas lang ang kinikilala. “Duterte is proving to the NDFP and the people how …
Read More »103 solon pumirma pabor sa peace talks
HUMIGIT sa isandaan mambabatas ang pumirma sa isang resolusyon, nananawagang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at komunistang grupo. Nilagdaan ng 103 kongresista ang House resolution 769, humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ituloy ang peace negotiations ng Government of the Republic of the Philippines (GRP), at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Kabilang sa lumagda ang 42 mambabatas …
Read More »Tiwala ni Duterte sa 3 leftist cabinet execs mananatili
TINIYAK ng Malacañang, nananatili ang “trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa tatlong makakaliwang miyembro ng gabineteng sina DSWD Sec. Judy Taguiwalo, DAR Sec. Rafael Mariano, at NAPC chairperson Liza Maza. Kasabay nito, ikinagalak ng Malacañang ang pahayag nina Taguiwalo, Mariano at Maza, na mananatili sila sa gabinete, sa kabila nang pagkansela ni Pangulong Duterte sa peace talks sa …
Read More »Meridien legal — Fortun
INIHAYAG kahapon ng Meridien Vista Gaming Corporation na legal at lehitimo ang operasyon ng kanilang kompanya na pinupustahan gamit ang larong jai-alai. “Habang wala pang pinal na paghuhusga ang Korte Suprema sa kaso kung legal o hindi ang lisensiyang inisyu ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ay walang ahensiya ng gobyernong puwedeng magsabing ilegal ang aming mga laro,” pahayag kahapon …
Read More »3 bangkay ng bebot itinapon sa Kennon Rd
LA UNON –Palaisipan sa pulisya, ang dahilan sa pagpaslang sa tatlong kababaihan, natagpuan ang bangkay sa dike ng Kennon Road, sa bahagi ng Brgy. Bangar, sa bayan ng Rosario, La Union kamakalawa. Ayon sa isang tsuper, unang nakakita sa naturang mga katawan ng mga babae sa nabanggit na lugar, nakabalot ng packaging tape ang mukha ng mga biktima. Ayon kay …
Read More »Lopez nanindigan laban sa 23 minahang ipinasara (Digong naiipit sa banggaan ng Gabinete)
DESIDIDO si Environment Secretary Gina Lopez na ipatigil ang Tampakan mining operations, kahit masagasaan ang interes ng promotor ng proyekto na “best friend forever” (BFF) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, itinanggi ni Lopez ang pahayag ng Department of Finance (DoF), na walang basbas ni Pangulong Duterte, ang pasya niyang ipasara ang 23 mining sites sa …
Read More »Closure, suspension orders vs minahan ipinatigil ng Palasyo
IPINATIGIL muna ng Palasyo, at ng Gabinete ang closure at suspension orders, ipinatupad ni Environment Secretary Gina Lopez, laban sa mga minahan sa bansa, sinasabing nakasisira ng kalikasan, at kakapiranggot ang naiambag sa kabangbayan. Sa pahayag ng Department of Finance nitong Huwebes, pag-aaralan muna ng pambansang pamahalaan ang pasya ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sinisiguro …
Read More »