Wednesday , December 25 2024

Overseas

Imbestigasyon ng Kamara sa EJKs magagamit ng ICC — Solon

073124 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo KUNG ano man ang makalap ng  House Committee on Human Rights sa imbestigasyon nito sa extrajudicial killings noong nakaraang administrasyon ay maaaring gamitin ng  International Criminal Court (ICC) sa mga kasong isinampa laban kay dating Pangulo Rodrigo  Duterte at iba pang opisyal ng kanyang administrasyon. Ayon kay Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House committee …

Read More »

Marcoleta Nanawagan ng Matibay na Legal na Proteksyon para sa OFWs mula sa DMW

Marcoleta Cacdac

Sa isang sesyon ng pagtatanong, mahigpit na kinuwestiyon ni Hon. Rodante D. Marcoleta, Kinatawan ng Kamara, si Kalihim Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) hinggil sa mga plano ng ahensya na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Tinukoy ni Marcoleta ang mga hakbang ni Kalihim Cacdac, kabilang ang pagbibigay ng legal, medikal, …

Read More »

Vietnamese national timbog sa party drugs at ketamine

Vietnamese national timbog sa party drugs at ketamine

INIHARAP sa mga mamamahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes ang isang Vietnamese national na nakuhaan ng maraming party drug  sa isang anti-illegal drugs operation. Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Van Thai Nguyen, a.k.a. Van Vinh Nguyen, at Van Quan Nguyen, naaresto sa isang buybust operation ng mga operatiba ng NBI – Dangerous …

Read More »

Kasunduan ng PH at China sa resupply mission para sa BRP Sierra Madre dapat nabanggit sa SONA ni BBM

BRP Sierra Madre

SINABI ni Senador Francis Tolentino na kontento siya sa inihayag na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Batasang Pambansa, sa Batasan Hills, Quezon City kahapon. Sa kabila nito, nais sanang marinig ni Tolentino sa SONA ang paglilinaw sa naging kasunduan ng Filipinas at China ukol sa rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre …

Read More »

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang programang “cruise visa waiver” upang maiwasan ang abala sa pagpasok ng mga turista sa kanilang pagbabakasyon sa bansa sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan.           Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco,  ang cruise visa waiver program ay isang paraan para suportahan ang kanilang layunin na …

Read More »

POGOs ‘pag nilusaw 25,064 Pinoy workers dapat protektado

072224 Hataw Frontpage

SINABI ni Senador Win Gatchalian dapat maglagay ng safety nets para sa mga manggagawang Filipino sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na maaapektohan sakaling ipagbawal na ang lahat ng POGO sa bansa. “Titiyakin namin ang pagsasabatas ng pagbabawal sa mga POGO ay may kasamang probisyon para sa mga safety net upang hindi maapektohan ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa …

Read More »

Paglagda ng PH, JAPAN sa RAA magpapalakas sa sandatahan

PH Japan RAA

NANINIWALA ang mga senador na higit na magpapalakas sa ating sandatahan ang kasunduan sa pagitan ng Filipinas at Japan o ang Reciprocal access agreement (RAA). Ayon kina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, at Senador Alan Cayetano malaking tulong ito para sa patuloy na magandang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa. Naniniwala ang mga senador …

Read More »

76-taon relasyong PH-Argentina mas lalong lumalakas

Argentina Philippines FEAT

PITONG dekada at anim na taon ang lumipas nang magsimula ang diplomatikong relasyon ng Filipinas at Argentina noong 1948. Mula noon, ang pagtutulungan para sa pantay na kasunduan, kalakalan, at palitan ng kultura sa pagitan ng dalawang bansa ay lalo pang yumabong.          Itinuturing na may pinakamalaking kabuhayan o ekonomiya sa Latin America, ang Argentina ay may mahalagang papel sa …

Read More »

Para sa pagpapataas ng kamalayan ng bawat Pinoy
FUN RUN PARA SA WPS SUPORTADO NI TOLENTINO

Francis Tol Tolentino WPS Fun Run

SINUPORTAHAN ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang idinaos na fun run para sa West Philippine Sea (WPS) na dinaluhan ng itong libong katao na pinangunahan ng Philippine Coast Guard upang higit na bigyan ng kamalayan at kaalaman ang publiko na ginanap sa Mall of Asia (MOA). Ayon kay Tolentino malaking tulong ang ganitong okasyon upang higit na magkaroon …

Read More »

Sa Ilocos Sur
P6.7-M SHABU NATAGPUANG NAKALUTANG SA WPS

070124 Hataw Frontpage

HATAW News Team NATAGPUAN ng mga mangingisda ang isang paketeng may timbang na halos isang kilo na naglalaman ng hinihinalang shabu sa bahagi ng West Philippine Sea sa Brgy. Daclapan, bayan ng Cabugao, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Sabado, 29 Hunyo. Kinompirma ng Ilocos Sur Provincial Forensic Unit na shabu ang natagpuang kontrabando na may timbang na 997.51 gramo at …

Read More »

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

airplane

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ikalawang subok ng isang American sex offender na makapasok sa bansa. Ayon sa BI, sumubok na gumamit ng ibang pangalan at pagkakakilanlan si Kent Thomas Kuszajewski, 59.    Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang nasabing pasahero na si Kent Thomas Kuszajewski, …

Read More »

OWWA tiniyak Pinoy seafarers ng MV Tutor pinaghahanap

MV Tutor

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging sa international agencies upang masigurong natututukan ang paghahanap sa nawawalang Marino ng MV Tutor. Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, gagawin ng ahensiya ang lahat na makakaya para mahanap ang nawawalang marino. Dagdag rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni …

Read More »

EU Ambassador nababahala sa panibagong aksiyon ng China sa West Philippine Sea

China Philippines European Union

NANINIDIGAN ang European Union ng pagsuporta sa International Law at sa mapayapang pagresolba sa mga usapin sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni European Union Ambassador Luc Veron, dahil sa mapanganib na maniobra ng barko ng China ay napinsala ang mga barko ng Filipinas at naantala ang maritime operation sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Filipinas. Kaugnay nito, ikinabahala ng …

Read More »

PH Coast Guard dapat manghuli ng Chinese trespassers — Solon

Chinese Coast Guard Kamara

KINONDENA ng isang kongresista ang China sa pagpapatupad ng ilegal na batas sa West Philippine  Sea (WPS) nang salakayin ng mga Chinese ang barko ng Philippine Coast Guard. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (CDO, 2nd District) ilegal ang ginawa ng Coast Guard ng China at walang basehan ang kanilang regulasyon na nagbibigay ng pahintulot sa kanilang Coast Guard na hulihin …

Read More »

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

Migz Zubiri Pope Francis

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.” Ito ang pagbuod ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa pakikipagkita nito kay Pope Francis noong bumisita siya sa Vatican kamakailan. Nakita ni Zubiri—na isang debotong Katoliko—ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito, na nag-aalay din siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig. Ang Pilipinas …

Read More »

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU).  Given recognitions at a gala dinner at the Manila Hotel were Hall of Fame awardees businessman Larry Tan Villareal, professor and pioneer APCU member Gabriel “Gabby” Ma. Lopez, Outstanding Contribution awardees Special Envoy to China and businessman Benito Techico and Cagayan …

Read More »

Filipino Muslim pilgrims nagkaproblema sa Saudi Arabia immigration

Saudi Arabia

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Riyadh Saudi Arabia na nai-turnover na nila sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang medical supplies at equipment na maaaring kailanganin ng pilgrims. Ito ang pahayag ng Embahada ng Filipinas matapos magkaroon ng immigration issues ang ilang Pinoy Muslims pagdating a Madinah, Saudi Arabia. Nagtutulungan na ang Philippine Embassy sa  Riyadh at ang Philippine …

Read More »

Sa usapin ng West Philippine Sea
PANGINGISDA ITULOY PAGKAT “ATIN ITO”

filipino fishermen west philippine sea WPS

MANGISDA NANG MANGISDA sapagkat atin ang West Philippine Sea (WPS). Ito ang tahasang payo at sinabi nina running priest Fr. Robert Reyes at Edicio Dela Torre na pawang mga co-convenor ng Atin Ito sa kanilang pagdalo sa Agenda Forum sa Club Filipino. Ayon kina Reyes at Dela Torre, walang masama na pakinabangan natin ang ating likas na yaman partikular sa …

Read More »

Blacklisted Malaysian nagtangkang pumuslit arestado sa NAIA

NAIA arrest

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang blacklisted Malaysian national na nakatakdang sumibat papuntang Kuala Lumpur. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansinco, nahuli ang 38-anyos Malaysian na si Chong Wei Keong, matapos magbigay ng impormasyon sa BI ang mga impormante tungkol sa kanyang nalalapit na pag-alis sa bansa. Nabatid na si Chong ay na-blacklist ng BI noong nakaraang taon …

Read More »

Sa Pasay City
P4.5-M ILEGAL NA DROGA SA ABANDONADONG PARCEL NASABAT SA WAREHOUSE

Sa Pasay City P4.5-M ILEGAL NA DROGA SA ABANDONADONG PARCEL NASABAT SA WAREHOUSE

MAHIGIT P4.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency –Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (PDEA-IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang warehouse sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay mula sa walong abandonadong parcel mula California at Canada. Ang mga naturang parcel ay nagmula sa iba’t ibang …

Read More »

May 9(g) working visa pero…
7 CHINESE NATIONALS ARESTADO SA ILEGAL NA TRABAHO SA QUARRY

ARESTADO ang pitong Chinese nationals na natuklasang ilegal na nagtatrabaho sa isang quarry sa bayan ng Taysan, lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles, 29 Mayo. Nadakip ang pitong suspek sa isingawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) Regional Intelligence Operations Unit IV-A katuwang ang Taysan MPS. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nag-ugat ang pag-aresto sa impormasyong ilang Chinese national ang …

Read More »

Sa fishing ban ng China sa WPS
MANGINGISDA SA BAJO DE MASINLOC MAY AYUDA KAY SEN. TOLENTINO

Sa fishing ban ng China sa WPS MANGINGISDA SA BAJO DE MASINLOC MAY AYUDA KAY SEN. TOLENTINO

NAKATAKDANG maghatid ng tulong si Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino sa mga mangingisdang Filipino sa Bajo de Masinloc matapos magpatupad ng fishing ban ang China kahit sa nasasakupang Exclusive Economic Zone ( EEZ) ng Filipinas. Ayon kay Tolentino magtutungo siya sa Zambales para mabigyan ng pangmatagalang livelihood program ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar. Aniya hinaharang na ng …

Read More »

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia.                Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang …

Read More »

Sinalakay ng Houthi rebels sa Red Sea  
23 TRIPULANTENG PINOY SAKAY NG BARKO LIGTAS NA — DMW

DMW Department of Migrant Workers Middle East

AGAD nakipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa isang barko kung saan sakay ang mga tripulanteng Filipino habang naglalayag patawid sa Red Sea and Gulf of Aden (RSGA). Ayon sa DMW, ligtas at walang nasaktan sa 23 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang …

Read More »