Saturday , December 20 2025

Metro

Lasing na-trap sa sunog

Fire

PATAY ang isang hindi kilalang lalaki na hinihinalang  nakainom dahilan upang hindi nakalabas sa nasusunog na inuupahang silid sa Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sa report ng QC Fire Department, dakong 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa sa ikalawang palapag ng 2-storey residential at commercial building na sinabing lumang gusali sa kanto ng Zambales St., …

Read More »

COMELEC iniutos imbestigasyon sa posibleng paglabag sa eleksiyon ni Lino Cayetano

Comelec Elections

INATASAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang law department ng ahensiya na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa posibleng kasong kriminal laban kay Lino Edgardo S. Cayetano, natalong kandidato bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Taguig, dahil sa sinabing paglabag sa Omnibus Election Code matapos ang kanyang pagkatalo sa halalan noong 12 Mayo 2025. Sa resolusyong inilabas ng COMELEC First Division …

Read More »

Koreano tiklo sa NAIA P7-M ketamine nasabat

Koreano tiklo sa NAIA P7-M ketamine nasabat

ISANG Korean national ang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng nasabat na mahigit sa P7 milyong halaga ng ketamine ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) nitong Linggo ng gabi. Batay sa report ni PNP-DEG Acting Director PBGen. Edwin Quilates, 6:20 ng gabi nang makompiska ng kanyang mga tauhan ang droga sa Final Security Screening Checkpoint 3, …

Read More »

14 kawatan ng P2-M cable huli sa 2-minutong responde

QCPD Quezon City

SA LOOB lamang ng dalawag minuto, nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang 14 kawatan at narekober ang aabot sa P2,461,759 halaga ng mga nakaw na cable wire ng PLDT sa lungsod nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng QCPD, ang mga nadakip na sina alyas …

Read More »

‘Obsessed’ kay misis mister sinilaban binatang kapitbahay

062425 Hataw Frontpage

HATAW News Team ISANG lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos buhusan ng gasolina at silaban ng isang mister na ‘super-obsessed’ sa kanyang misis, habang nadamay ang isang naglalabang babae sa Taguig city. Inoobserbahan hanggang ngayon ang kondisyon ng nakaratay na biktimang si James Villaruel, 28 anyos, residente sa Brgy. Pitogo, na nasa 3rd ­degree burns ang pinsala sa mukha …

Read More »

Araw ng Maynila ipinagdiwang ika-454taon
ICTSI, Kaagapay sa Makabagong Maynila

ICTSI Manila

MAYNILA — Sa gitna ng masiglang selebrasyon ng ika-454 na Araw ng Maynila, tampok ngayong taon ang pagkilala hindi lamang sa makulay na kasaysayan ng lungsod kundi pati na rin sa mga katuwang nitong institusyon sa paghubog ng isang makabago at maunlad na kapitolyo. Isa sa mga pangunahing kinikilalang haligi ng urbanong pag-unlad ay ang International Container Terminal Services, Inc. …

Read More »

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

Anthony Banayad Granada

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat na nawawalang De La Salle University (DLSU) law student na natagpuang naagnas na ang bangkay at halos hindi na makilala sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapa, Naic, Cavite nitong Sabado. Halos 15 araw na nawala, hanggang noong Sabado, 1:20 ng hapon nang madiskubre sa …

Read More »

Warehouse ng gasolina sumabog 3 laborer sugatan sa Tondo

LPG Explosion

SUGATAN ang tatlong construction worker matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng isang warehouse ng gasolina sa Vitas, Tondo, lungsod ng Maynila nitong Sabado ng umaga, 21 Hunyo. Naganap ang insidente dakong 9:00 ng umaga habang may inaayos ang mga construction worker sa loob ng warehouse. Batay sa mga paunang ulat, may natamaang crude oil pipeline ang mga trabahador …

Read More »

San Juan’s Wattah Wattah Festival handang-handa para sa 24 Hunyo

Zamora Basaan Wattah Wattah

HANDANG-HANDA na ang San Juan City government sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival, kasabay ng kapistahan ng San Juan Bautista na mahigpit na babantayan ang mga kalye at tanging sa itinalagang “Basaan Area” lamang magaganap ang buhusan upang walang madamay sa mga ayaw mabasa sa gaganaping piyesta. Gagawing organisado at kontrolado ang “Basaan Area” mula Guevarra St., daraan sa Pinaglabanan …

Read More »

Antuking pulis bawal sa SPD

Antuking pulis bawal sa SPD

MAGALANG at hindi tutulog-tulog na pulis ang nais ng bagong talagang District Director Officer-In-Charge (DD-OIC) ng Southern Police District (SPD) na si P/Brig. Gen. Randy Ygay Arceo. Ipinahayag ito kahapon sa opisyal na pagsasalin ng responsibilidad bilang bagong DD-OIC ng SPD kay P/Brig. Gen. Arceo na ginanap dakong 1:00 ng hapon sa SPD Headquarters Grandstand, Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig …

Read More »

Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa  
TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI

Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI

TIMBOG sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang transportation network vehicle service (TNVS) driver na gumahasa at tumangay sa bag at suot na kuwintas ng babaeng kanyang pasahero, sa isang hot pursuit operation sa Cainta, Rizal, nitong nakaraang Lunes, 16 Hunyo. Iniharap nitong Huwebes ni NBI-NCR Director and Spokesperson Ferdinand Lavin sa media ang suspek na …

Read More »

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

Gun poinnt

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee sa tama ng isang bala sa kanyang ulo makaraang pagbabarilin ng ‘riding in tandem’ habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng anak na babae partikular sa kanilang pamilya, at Father’s Day sa buong bansa, sa Barangay Commonwealth, Quezon City nitong Linggo ng hapon. Sa ulat ni  P/ …

Read More »

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula sa isang trailer truck na tumama sa footbridge sa bahagi ng Abad Santos Ave., sa lungsod ng Maynila, nitong hatinggabi ng Sabado, 14 Hunyo. Sa kuha ng CCTV, nakitang liliko pakaliwa sa Recto Ave., ang taxi nang tumama ang dumaraang trailer truck sa footbridge, dahilan …

Read More »

535 pulis ng EPD kasado sa Oplan Balik Eskuwela

EPD Eastern Police District

KASADO ang 525  pulis ng Easter Police District (EPD) para sa balik-eskuwela na itinalaga sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes, 16 Hunyo. Ayon kay PBGen. Aden Lagradante, District Director ng EPD, lubos na nakatutok ang mga pulis sa seguridad ng lahat ng nasasakupang pampublikong …

Read More »

Sa Malabon  
42 paaralan handa sa pasukan ngayon

Malabon City

HANDANG-HANDA ang nasa 42 pampublikong paaralan sa Malabon City matapos pangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Schools Division Office (SDO) ang Brigada Eskuwela para sa School Year 2025-2026 para sa pasukan ngayong Lunes, 16 Hunyo. Ayon kay Mayor Sandoval, nakiisa rin sa Brigada Eskuwela ang mga guro at mga magulang na nagtulong-tulong para maging maayos ang mga silid-aralan ng mga …

Read More »

Isang araw bago pasukan
QC SAN FRANCISCO HS NASUNOG

Fire Smoke

ISANG araw bago ang pagbubukas ng klase, nasunog ang isang eskuwelahan sa Brgy. Bagong Pagasa  malapit sa isang kilalang mall sa lungsod ng Quezon City kahapon ng umaga. Dakong 11:00 ng umaga nang itaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng sunog sa San Francisco High School sa Brgy. Bagong Pagasa ng lungsod. Sa report ng BFP, …

Read More »

Kelot nalapnos, 25 bahay natupok sa Sampaloc

Fire

SUGATAN ang isang lalaki sa sumiklab na sunog na ikinatupok ng tahanan ng 25 pamilya sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw. Nasa maayos na kalagayan ang biktima na may pinsala ng lapnos sa balat at sinabing residente sa tahanang pinagmulan ng sunog. Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong 4:28 ng madaling araw …

Read More »

Sa Maynila
3-anyos nene nabundol na, nakaladkad pa ng tricycle

tricycle

SUGATAN ang isang 3-anyos batang babae matapos mabangga at makaladkad ng isang tricycle sa Brgy. 336, Sta. Cruz, Maynila. Ayon sa Manila Police District (MPD), bigla na lamang tumawid ang bata sa kalsada sa nasabing insidente. Dagdag ng pulisya, tinangkang magpreno ng driver ng tricycle ngunit bahagya itong tumagilid kaya natamaan ang biktima saka siya nakaladkad. Agad dinala ang batang …

Read More »

Sa Makati
MAG-INA PATAY SA TRUCK VS MOTORSIKLO

Dead Road Accident

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang ina at kaniyang 15-anyos anak na lalaki matapos mabangga ng isang truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. San Antonio, lungsod ng Makati, nitong Sabado, 14 Hunyo. Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga biktimang sina alyas Rhecy, 40 anyos, at kaniyang anak na si Jade, 15 anyos. Ayon sa mga awtoridad, naganap …

Read More »

48 toneladang basura nasuyod ng MMDA

MMDA Basura

NAGSIMULA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis ng mga creek sa Kalakhang Maynila. Nabatid na umabot sa 48 toneladang basura ang nasuyod ng MMDA sa ginawang cleanup drive sa Maligaya Creek sa lungsod ng Caloocan. Kasama ng MMDA ang city government ng Caloocan at Department of Environmental and Natural Resources (DENR) para mahakot ang mga basura sa …

Read More »

Onsehan sa droga  
Bebot todas sa tandem

Riding-in-tandem

PATAY ang isang 34-anyos babae nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Dead on the spot ang biktima makaraang paulit-ulit na paputukan ng mga hindi kilalang suspek bandang 6:00 ng gabi sa panulukan ng McArthur Highway at P. Bautista St., Brgy. Marulas, ng nabanggit na lungsod. Agad na tumakas ang mga suspek nang makitang bumulagta ang biktima …

Read More »

Deklaradong bigas, prutas
P8-M Marijuana kush buking sa Balikbayan box

P8-M Marijuana Kush PDEA Central Mail Exchange Center CMEC

MAHIGIT sa P8 milyong halaga ng marijuana kush na idineklarang bigas, laruan, at prutas mula Thailand ang nakompiska ng mga awtoridad sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Biyernes ng umaga. Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement ­Agency (PDEA), 11:30 ng umaga nitong Biyernes nang madiskubre ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) …

Read More »

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

Tanso Copper Cable Wire

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa pagnanakaw ng kable ng PLDT na naibebenta ang tanso (copper) matapos isumbong ng isang nakasaksi habang nagsasagawa ng patrol ang pulisya, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay 71, Caloocan City. Sa report mula sa tanggapan ni P/BGen. Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police …

Read More »

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

Arrest Shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga awtoridad at makompiskahan ng aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu sa Valenzuela City nitong Miyerkoles ng hapon. Dakong 5:30 ng hapon nitong Miyerkoles, 11 Hunyo, nang ikasa ang buybust operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office – National …

Read More »