FIRST degree burns ang dinanas na pinsala ng isang 17-anyos dalagita nang magliyab ang kanyang Halloween costume sa bayan ng Estancia, sa lalawigan ng Iloilo, nitong Linggo, 31 Oktubre. Nabatid na lumahok ang hindi pinangalanang biktima sa isang patimpalak na inorganisa ng Pag-asa Youth Association of the Philippines sa plaza ng Estancia bilang pagdiriwang ng Halloween kamakalawa. Nire-retouch umano ng …
Read More »Glue stick nag-apoy
P/BGen. Baccay itinalagang bagong Top Cop ng Region 3
IPINAGKATIWALA ni P/BGen. Valeriano De Leon ang kanyang puwesto bilang PRO3 Regional Director kay P/BGen. Matthew Baccay, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Idinaos ang Change of Command Ceremony sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga na pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eeazar. Dating nakatalaga si P/BGen. Baccay sa PRO3 bilang hepe ng Comptrollership Division …
Read More »Sex videos, nude photos bantang ikalat, kelot ipinadakip ng ex-GF
ARESTADO ang isang lalaki sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng hapon, 31 Oktubre, matapos ireklamo ng dating nobya na kanyang pinagbabantaang ikakalat ang kanilang mga sex video at hubad na larawan. Kinilala ang suspek na si Aldrin Dale Pingon, residente sa Brgy. Canalate, Malolos, na inaresto ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) sa …
Read More »
Sa Bansalan, Davao del Sur
REPORTER BINARIL TODAS SA LOOB NG APARTMENT
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mamamahayag nang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang apartment sa bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur, nitong Sabado ng gabi, 30 Oktubre. Kinilala ni P/Maj. Peter Glen Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Orlando “Dondon” Dinoy, pinatay sa loob ng kanyang apartment/boarding house sa Mother Ignacia St., …
Read More »
Baril, shabu kompiskaso
HVT ARESTADO SA ZAMBALES
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value target (HVT) sa bayan ng Iba, lalawigan ng Zambales, nitong Linggo, 31 Oktubre. Ayon sa ulat na ipinadala ni P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kay P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 Regional Director, nagtungo ang mga operatiba ng 305th Maneuver Company RMFB3 at PIU ZPPO sa …
Read More »Top 4 MWP ng Zambo del Norte nasakote sa Bulacan
NADAKIP ang itinuturing na pang-apat na most wanted person (MWP) ng Leon Postigo, Zamboanga Del Norte sa inilatag na manhunt operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Ambang Sangcom na …
Read More »Pichay ipinadidiskalipika sa Comelec bilang Surigao cong’l bet
IPINAKAKANSELA sa Commission on Elections (Comelec) ang muling pagtakbo ni Surigao Del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay, Jr., dahil sa kawalan umano ng kalipikasyon para humawak ng posisyon sa public office. Sa petisyon ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) partylist Representative Romeo Momo, iginiit na dapat kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Pichay. Aniya, wala nang karapatan si Pichay …
Read More »Bulacan 911, maaari nang tawagan para sa emergency cases
OPERASYONAL na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anomang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 nitong Linggo ng umaga, 31 Oktubre, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos. Sinabi ni Gob. Daniel Fernando, matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag …
Read More »
Handog ni Mayor Boy Cruz tinanggap ni Konsehal Cris Castro
2 AMBULANSIYA SA 2 BARANGAY NG PANDI, BULACAN
MASAYANG TINANGGAP ni Pandi Councilor Cris Castro nitong nakaraang 24 Oktubre 2021 ang dalawang ambulansiya na ipinagkaloob ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz para sa dalawang barangay ng naturang bayan, sa lalawigan ng Bulacan. Sa pagsuporta ni Mayor Boy Cruz, na tatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Bulacan, isinabay na rin ang isang medical mission sa mga barangay ng Cacarong Bata …
Read More »Taytay LGU wagi sa pandemic response
DINAIG ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on CoVid-19 Pandemic Response” …
Read More »Motornapper ng Bulacan tiklo sa Pampanga
BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang kawatan ng motorsiklo sa Bulacan na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ng Region 3 sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Niqui, bayan ng Masantol, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 30 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3 PNP, kinilala ang suspek na si Roell Guintu, nakatala bilang pang-37 Regional …
Read More »PNP applicants kinikilan Med rep timbog sa bitag
NASAKOTE sa ikinasang entrapment operation malapit sa regional headquarters ng pulisya ang isang babaeng medical representative na inireklamong nangingikil ng pera mula sa mga aplikanteng magpupulis sa bayan ng Palo, lalawigan ng Leyte, nitong Biyernes, 29 Oktubre. Kinilala ang suspek na si Cherie Pulga, 36 anyos, isang medical representative, huli sa aktong tumanggap ng boodle money mula sa isang aplikanteng kanyang …
Read More »Paninira sa panahon ng halalan, ‘wag patulan — Angat VM
SA MENSAHE sa Facebook na inilahad ni Vice Mayor Jowar Bautista, tatakbong alkalde ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, kanyang sinabing hindi niya pinapatulan ang mga paninira na walang kabuluhan lalo kung mga fictitious o dummy accounts ang nagbabato nito. Kasunod ito ng bintang na siya ang nasa likod ng mga paninira sa kanyang kalaban sa mayoralty race na …
Read More »
Sinibak ng CBCP
3 PARI MAS PINILINGMAGLINGKOD SA TAOKAYSA SIMBAHAN
MANILA — Sa gitna ng pag-iinit ng usapin ng halalan, maging ilang miyembro ng klerigo ay nahimok nang pumasok sa politika at nagbunsod para alisin sa kanilang tungkulin ng mga opisyal ng Simbahan ang tatlong paring nagdeklarang tatakbo sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo ng susunod na taon, 2022. Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), natanggap na …
Read More »
Bulacan PNP handa sa Undas
HIGIT 636 PULIS, 706 FORCE MULTIPLIERS IDE-DEPLOY
HANDA na ang Bulacan PNP sa taunang paggunita ng Undas na inaasahang daragsain ng malaking pulutong ng mga tao kahit nasa gitna ng pandemya ng CoVid-19 upang gunitain ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay. Ayon kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, mahigit 636 police officers at 706 force multipliers ang ide-deploy sa iba’t ibang …
Read More »
Sa Pampanga
2 PUGANTE NASAKOTE SA MABALACAT CITY
NAHULOG sa kamay ng mga alagad batas ang dalawang pugante nitong Miyerkoles, 27 Oktubre, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga na malaon nang pinaghahanap ng batas. Batay sa ulat ni P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ng manhunta operation ang magkasanib na elemento ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB3 3rd Platoon Polar Base, at 2nd …
Read More »2-M dosis ng CoVid-19 vaccine naiturok na sa lalawigan ng Bulacan
NAKAPAGBAKUNA na ang lalawigan ng Bulacan ng kabuuang bilang na 2,009,498 dosis ng bakuna ng CoVid-19 batay sa tala ng Provincial Health Office – Public Health noong 25 Oktubre 2021. Sa numerong ito, 1,123,117 ang itinurok para sa unang dose; at 886,381 ang kompleto na ang bakuna laban sa CoVid-19. Ang mga may kompletong bakunang indibidwal ay bumubuo sa 34 …
Read More »Most wanted rapist ng Malolos timbog
NASAKOTE ang itinuturing na most wanted person (MWP) ng lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan sa inilatag na manhunt operation ng pulisya kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Aldwin Bernardino, alyas Alphine, residente sa Brgy. Caingin, sa naturang lungsod. Batay sa ulat, nakorner si alyas Alphine sa …
Read More »
Habang nanghuhuli ng dagang-bukid
7-ANYOS TOTOY NAATRASAN NG TRAKTORA PATAY
NAUWI sa trahedya ang masayang panghuhuli ng dagang-bukid ng isang batang lalaki, kasama ang ilang kaibigan, nang maatrasan ng isang traktorang pang-ani at bawian ng buhay sa bayan ng Ramos, sa lalawigan ng Tarlac. Sa ulat, kinilala ang biktimang si Prudencio Mangaoag, Jr., 7 anyos, residente sa Brgy. Panse, sa nabanggit na bayan. Nabatid na may kasamang ibang bata ang …
Read More »P360-M puslit na gulay sinunog sa Pampanga
SINIRA at sinunog ng mga awtoridad ang may 60 container shipment na puno ng mga puslit na agricultural products sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga, nitong Lunes ng umaga, 25 Oktubre. Tinatayang nagkakahalaga ng P360,000,000 ang mga kargamentong nasabat ng Bureau of Customs -Port of Subic (BoC Subic) na itinuturing na pinakamalaking kompiskasyon ng mga produktong agrikulutural sa nasabing …
Read More »
LLEGAL QUARRYING TULOY PA RIN
Raid sa Montalban, moro-moro
BINATIKOS ng netizens at sinabing moro-moro ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa ilegal na quarrying site sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. Nabatid na naunang nasamsam ng mga operatiba ang mga heavy equipment at produktong mineral na aabot sa P36.4 milyon habang nadakip ang 12 trabahador ng ilegal na quarry operation. Sa ulat, …
Read More »Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur
NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang isang 54-anyos lalaking itinuturing na Top 1 most wanted person (MWP) may nakasampang kasong Parricide. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naarestong suspek na si Alfonso Sto. Domingo, residente sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, sa lungsod ng Pasig. Nabatid na dakong 1:00 pm …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 7 TIMBOG
SINALAKAY ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon ang isang pinaniniwalaang drug den, na ikinaaresto ng pito katao sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 22 Oktubre. Nagresulta ang operasyon sa pagkakakompiska ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang entrapment operation sa Brgy. Pandan, sa naturang lungsod. Kinilala ni PDEA 3 Director …
Read More »Kanang kamay ng gang leader tiklo, 4 pa nasakote
NADAKIP ng mga awtoridad ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng Serrano Crime Group habang inaresto ang apat na iba pa dahil sa paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Oktubre. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang arestadong suspek na si Kart Vergara, residente ng Brgy. Tinejero, sa bayan …
Read More »231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan
PINANGASIWAAN ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong kaanib ng Philippine National Police kasunod ng pagpapakilala ni P/Col. Joyce Patrick Sangalang, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division, nitong Biyernes ng umaga, 22 Oktubre, sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Pupunuin ng 231 matatagumpay …
Read More »