INARESTO ng mga awtoridad ang isang dayuhan matapos ireklamo ng pananakit sa kinakasamang Pinay sa Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng umaga. Sa ulat mula sa tanggapan ni PBGeneral Cesar Pasiwen, PRO3 regional director, ang arestadong dayuhan ay si Ma Yichun, 24-anyos, Chinese national at kasalukuyang naninirahan sa The Sharp Clarkhills, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga. Ang suspek ay inaresto …
Read More »
Truck drivers, pahinante at operators sa Bulacan, tumigil na sa pagbiyahe…
PROTESTA SA HINDI PATAS NA IMLEMENTASYON NG ANTI-OVERLOADING LAW
Sabay-sabay na tumigil sa pagbiyahe ang nasa 6,000 miyembro ng Bulakan Truckers Group nitong Setyembre 23 bilang protesta sa anila ay hindi patas na implementasyon na ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa gilid ng highway sa boundary ng Nueva Ecija at Bulacan ay nagtipon-tipon ang mga truck drivers, pahinante at operators na may kanya-kanyang hawak ng …
Read More »Markado bilang top 10 most wanted person sa Bulacan, nakalawit
NAARESTO ng mga awtoridad ang isang pugante na markado at matagal nang pinaghahanap ng batas matapos masukol sa pinagtataguan sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, sa mabalasik na manhunt operation na isinagawa ng tracker team ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City, dakong alas-11:45 ng …
Read More »Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote
ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high value individual ng Central Luzon sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 21 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek na si Ronaldo Montalbo alyas Bong, 48 anyos, …
Read More »
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN
SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Dr. Sevillo David, nasa 176.17 metro ang lebel ng Angat Dam, na mababa nang halos apat na metro sa minimum operating level na 180 metro. …
Read More »
Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE
NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na droga sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan nang tuluyan na silang mahulog sa kamay ng batas nitong Martes, 20 Setyembre. Nagsagawa ng buybust operation ang SDEU ng Sta. Maria MPS bilang lead uniy, katuwang ang SOU 3 PNP DEG at sa koordinasyon …
Read More »Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN
SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro upang resolbahin ang mga kasalukuyang problema ng lalawigan sa ginanap na Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management sa The Manor, Camp John Hay, sa lungsod ng Baguio mula 19 hanggang 21 Setyembre. Sa kanyang pambungad na …
Read More »No. 1 most wanted rapist ng Nueva Ecija, nasakote
ARESTADO sa inilatag na Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang nakatalang Rank no. 1 Most Wanted Person para sa kasong Statutory Rape sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Martes ng umaga, 20 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Richard Caballero, OIC ng Nueva Ecija PPO, dakong 9:40 ng umaga kahapon nang magsagawa ang mga operatiba ng …
Read More »Peace and order sa Masungi Georeserve, ibabalik — Gen. Nartatez
TINIYAK ni Police Regional Office 4A Regional Director, P/BGen. Jose Melencion Nartatez, Jr., na agad maibalik ang katahimikan at kaayusan sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal na ginulo kamakailan ng mga guwardiya matapos kubkobin ang ilang bahagi ng lugar. Ang pagtitiyak ay inihayag ng heneral matapos ang ginawang mabilis na pagresponde ng kanyang mga tauhan sa lugar upang payapain ang …
Read More »Misis na pusher ng Tarlac nasakote sa Bulacan
HINDI nagtagumpay ang isang dayong babae mula sa Tarlac na ikalat ang dalang shabu sa lalawigan ng Bulacan matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue nitong Lunes, 19 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Arnel Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ikinasa ng magkakatuwang na elemento ng SOU 3 PNP DEG sa pamumuno ni …
Read More »
Wanted na dating rebelde nakalawit
MIYEMBRO NG QRT TIMBOG SA PAMAMARIL
Magkasunod na inaresto ang isang dating rebeldeng pinaghahanap ng batas at isang miyembro ng Quick Response Team (QRT) dahil sa walang habas na pamamaril sa ikinasang police operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 17 Setyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 01:53 ng hapon kamakalawa nang madakip sa isinagawang manhunt operations ng tracker teams …
Read More »POGO company sinalakay, pinasara <br> 43 dayuhan nasagip
SINALAKAY ng mga awtoridad, nitong Sabado, 17 Setyembre ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lungsid ng Angeles, lalawigan ng Pampanga kung saan nasagip ang 43 dayuhan na puwersahang pinagtatrabaho. Pinangunahan nina Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kasama ang iba pang police officials ang pagpapasara sa Lucky South …
Read More »
P400-M shabu nasabat sa Pampanga
2 Chinese nationals timbog
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P400-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operations sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 14 Setyembre. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagkasa ang magkasanib na mga operatiba ng SOU NCR at IFLD PNP-DEG katuwang ang Pampanga PPO at PDEA NCR ng anti-illegal drug …
Read More »Bulacan, isinusulong ang football bilang laro para sa lahat ng edad
NAGTIPON at naglaro ang mga atleta mula sa loob at labas ng lalawigan sa isang friendly competition sa kauna-unahang Singkaban Football Festival na ginanap sa Bulacan Sports Complex, sa lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Linggo, 11 Setyembre, na layuning isulong ang football bilang isang laro para sa lahat ng edad. Ayon kay Atty. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng Provincial Youth, Sports, …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
4 TIKLO SA ILEGAL NA BENTAHAN NG BUTANE, LPG
HINDI na nakapalag ang apat na katao nang dakpin ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 13 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagkasa ng buybust operation ang magkasanib na puwersa ng Bulacan …
Read More »
DRUG DEN SINALAKAY
4 tulak arestado
ARESTADO apat na indibiduwal na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa isinagawang raid sa isang makeshift drug den sa lungsod gn Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 13 Setyembre. Sa ulat mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edward Concepcion alyas Popong, 30 anyos; John Liangcungco, 37 anyos; …
Read More »No. 5 most wanted ng Bulacan nasukol sa Misamis Oriental
NAGBUNGA ang pagsisikap ng mga awtoridad na mabigyan ng hustisya ang isang babaeng ginahasa sa Bulacan nang maaresto ang salarin sa pinagtataguan niya sa Misamis Oriental nitong Martes, 13 Setyembre. Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit 3 at intelligence personnel ng Bulacan PPO sa mga awtoridad mula sa PRO10 sa pagsasagawa ng manhunt operation sa Brgy. Agay-ayan, Gingoog, …
Read More »Bulakenyo ipinagdiwang ang LGBT pride
BITBIT ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in Bulakenyo LGBT Ecosystem” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, …
Read More »
TOP MOST WANTED PERSON SA PRO4-A TIMBOG
7 pang wanted, 22 sugarol swak sa selda
NAARESTO ng Bulacan PNP ang Top Most Wanted Person sa Regional Level ng PRO4-A, gayundin ang pito pang wanted persons at 22 sugarol sa anti-criminality operations na isinagawa sa lalawigan nitong Lunes, 12 Setyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, isinagawa ang manhunt operation ng magkakatuwang na mga tauhan ng San Jose del Monte …
Read More »7, 684 magsasaka sa Bulacan tatanggap ng tig-5k financial assistance
UPANG punan ang kawalan sa kita ng mga magsasaka ng palay dahil sa pagbaba ng presyo nito, pagtaas ng presyo ng fertilizer at iba pang inputs, magbibigay ang Department of Agriculture sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa 7,684 magsasakang Bulakenyo ng P5,000 Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) simula 12 hanggang 16 Setyembre 16. Karagdagan ito sa 19,588 benepisyaryo …
Read More »Rank No. 5 MWP nasakote sa Laguna
ARESTADO ang No. 5 most wanted sa provincial level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo, 11 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang akusadong si Dennis Olivarez, 34 anyos, fish vendor, at nakatira sa Brgy. Sampiruhan, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, …
Read More »
Menor de edad, 6 pa sugatan
RESTOBAR SA COTABATO PINASABUGAN
SUGATAN ang pito katao kabilang ang isang menor de edad nang pasabugan ng granada ang loob ng isang kainan sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguindanao nitong Linggo ng gabi, 11 Setyembre. Ayon kay P/Capt. Kenneth Rosales, kumakain ang mga biktima sa “Park and Dine Restobar” pasado 9:00 pm kamakalawa nang maganap ang pagsabog. Aniya, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang …
Read More »10 ‘pasaway’ sa Bulacan pinagdadakma
SUNOD-SUNOD na inaresto ang 10 katao na pawang may mga paglabag sa batas sa operasyong isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo hanggang nitong Lunes ng umaga, 12 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO ang mga suspek na sina Jayson Garcia, alyas Ison, para sa kasong Lascivious Conduct, at Anthony Corporal, alyas …
Read More »
Natunton sa CSJDM
PUGANTENG TULAK SA SELDA ISIN’WAK 
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal nang nagtatago sa batas sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Setyembre. Dakong 12:45 am nang magkakatuwang ang mga elemento ng SOU 3, PNP DEG bilang lead unit at pinamumunuan ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, mga tauhan ng San Jose del Monte CPS, Malolos CPS, 1st …
Read More »Baha sa 2 bayan ng Bulacan dekada nang ‘di humuhupa
HINDI humuhupa, sa loob ng isang dekada, ang baha sa ilang komunidad sa mga barangay na nasasakupan ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan. Ilang bahagi ng komunidad ang mistula nang ‘ghost town’ dahil maraming mga bahay ang inabandona ng mga residente, habang ang iba ay piniling tiisin ang paninirahan sa ganitong sitwasyon dahil walang ibang …
Read More »