Saturday , November 23 2024

Front Page

Validity ng lisensiya ng tricycle at jeepney drivers palawigin — Solon

Drivers license card LTO

SA GITNA ng patuloy na pagbaba ng bilang ng nahahawa ng CoVid-19, hiniling ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation (DOTr) na palawigin ng anim na buwan ang bisa ng drivers license motor certificate of registration (CR) ng tricycle drivers at operators maging ang mga tsuper sa bansa. Naunang nagpadala ng liham ang …

Read More »

Endoso ni Bro. Mike kay Marcos, Jr., maling-mali — Bacani   

Teodoro Bacani Bongbong Marcos Mike Velarde

“ANG endorsement ni Bro. Mike kay Bongbong Marcos, sa aking palagay, ay maling-mali. Sapagkat kung mayroon man dapat i-endorse na pagka- presidente, hindi iyon si Bongbong Marcos.” Inihayag ito ni Most Rev. Bishop Teodoro Bacani, spiritual adviser ng Catholic charismatic group El Shaddai, kahapon bilang paglilinaw sa  isyu ng pag-endoso ni Bro. Mike Velarde sa tambalang Marcos-Duterte sa 2022 elections. …

Read More »

Sa sponsored presidential debate
QUIBOLOY ‘BINOYKOT’ NG 4 ASPIRANTS

021522 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario INISNAB ng apat na presidential aspirants ang itinakdang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI), broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy ngayon. Hindi kaya ng konsensiya ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na dumalo sa naturang debate lalo na’t si Quiboloy ay wanted sa US sa iba’t ibang kaso kabilang …

Read More »

Protocol violators sa campaign period, kakasuhan – Año

Eduardo Ano

NAGBABALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kaniyang kakasuhan ang kandidato o mga supporters na lalabag sa health protocols sa panahon ng kampanya para sa halalan sa Mayo. Ayon kay Año, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang political parties at candidates upang mapaalalahanan ang kanilang mga supporters na obserbahan ang CoVid-19 health protocols …

Read More »

Leni-Kiko suportado ng urban poor group

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAGPAKITA ng buong-puwersang pagsuporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang chapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tambalang presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan. Ang suporta ng grupo sa tambalang Leni-Kiko ay nag-ugat sa ipinadamang pagkalinga upang sila’y makatawid noong 2020 sa kasagsagan ng unang Luzon hard lockdown. “Gusto namin si [Kiko] na …

Read More »

Sa pagkalat ng kasinungalingan
MARCOS, JR., MAY MALAKING PAKINABANG SA ‘FAKE NEWS’

021422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAKIKINABANG ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kumakalalat na kasinungaligan o falsehoods, ayon sa grupo ng fact-checkers para sa 2022 elections sa bansa. Sa weekly update sa website ng tsek.ph, grupo ng fact-checkers, nakasaad na ang mga lumalaganap na kabalintunaan ay pumapabor kay Marcos, Jr. Inihalimbawa ng grupo ang umano’y …

Read More »

Sinopla ng US
FBI’s ‘QUIBOLOY WANTED’ POSTER WALANG KINALAMAN SA PH POLLS

021022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO WALANG kinalaman sa umuusad na presidential campaign para sa 2022 elections ang paglalabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng wanted poster ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy bunsod ng tambak na kasong kriminal gaya ng child sex trafficking sa Estados Unidos. Sa opisyal na pahayag ng US Embassy, binigyan diin na ang …

Read More »

Laylayan sentro ng gobyerno ni Leni Robredo

021022 Hataw Frontpage

HATAW News Team IPINANGAKO ni Vice President Leni Robredo na ang mga nasa laylayan ng lipunan ang magiging sentro ng kanyang pamahalaan sakaling siya ay palarin na maging susunod na Pangulo ng bansa. Sa kanyang talumpati sa grand rally sa Naga City noong Martes, 8 Pebrero, tiniyak ni Robredo na ang kanyang pamahalaan ay makikinig sa mga hinaing ng taong­bayan. …

Read More »

Nagpasaring sa ilang presidentiable
MAHIRAP IPANGAKO ANG IMPOSIBLE — LACSON

Emmanuel Maliksi Tito Sotto Ping Lacson 2

HINDI napigilan ni presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang sarili na pasaringan ang ilan sa mga presidential aspirant na tulad niya, dahil sa pangakong lubhang imposible. Kabilang sa pinasaringan ni Lacson na imposibleng mangyari ay ang pagbibigay ng pabahay sa bawat pamil­yang Filipino, ang pagbibigay ng gadgets sa bawat mag-aaral, ang kabiguang dumalo sa mga forum, at ang …

Read More »

Endoso ni PRRD ginto

Ping Lacson Tito Sotto Rodrigo Duterte

AMINADO si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ginto pa rin ang endoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang tumatakbong pangulo para sa May 9 elections. Ayon kay Sotto at kay presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson, kanilang iginagalang ang pasya ng Pangulo. Anila Lacson at Sotto, ito ay bahagi ng karapatan ng Pangulo na dapat igalang …

Read More »

Duterte ‘bitter’ pag-alis sa poder

Rodrigo Duterte sad

MAY lungkot sa tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag ang retirement plan niya kagabi pagbaba sa poder. Hindi na hihintayin ng Pangulo ang pagtatapos ng kanyang termino sa 30 Hunyo 2022 para lisanin ang Palasyo dahil nag-eempake na siya ng mga gamit at ang iba ‘y naipadala na niya sa Davao City. “Ako ang — I don’t know where …

Read More »

Mga biktima ni Quiboloy, lumutang

Pastor Quiboloy

PINATOTOHANAN ng isang overseas Filipino worker (OFW) at dating miyembro ng KOJC na nakabase sa Singapore ang akusasyon laban kay Quiboloy. Sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 , sinabi ni Reynita na pinagtinda rin siya ng grupo ni Quiboloy sa Singapore at pinagkolekta ng mga donasyon para sa pekeng charity sa Filipinas. “Noong umpisa ako parang okey. We were …

Read More »

Proclamation rally ng ‘Agila at Tigre’ sa PH Arena dinumog

Bongbong Marcos Sara Duterte proclamation rally Micka Bautista Photo

DINUMOG ng libo-libong tagasuporta ang naging proclamation rally nina presidential at vice presidential aspirants Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte sa Philippine Arena, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 8 Pebrero. Dinalohan ng iba’t ibang personalidad mula Luzon, Visayas at Mindanao ang programa na tinampukan ni Toni Gonzaga bilang host. Nagsara ang mga entry at exit points …

Read More »

Leni kay Kiko:
MAY MABUTING PAGKATAO, TRACK RECORD, MALINIS PRINSIPYO’Y MATUWID

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAGPAHAYAG ng kaniyang buong tiwala si presidential candidate Maria Leonor “Leni” Robredo nitong Martes, 8 Pebrero, sa kaniyang desisyong piliin si Senator Francis “Kiko” Pangilinan bilang kaniyang running mate, kasunod ang pagsasabing may pagkakatulad ang ugali ng Senador at ng kaniyang namayapang asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo. Sa opisyal na campaign kickoff sa lungsod ng Naga kahapon, isinalaysay …

Read More »

Duterte mananahimik
KINGDOM NI QUIBOLOY ‘DI IKAKANTA SA US

020922 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAKATALI ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa utang na loob kay Pastor Apollo Quiboloy, leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaya hindi alintana ang tambak na kasong isinampa ng Estados Unidos laban sa kanyang spiritual adviser. Sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi, tila hindi alintana ng Pangulo ang patung-patong na kaso sa …

Read More »

Lacson-Sotto: ‘Atin Na ‘To!’

Tito Sotto Ping Lacson

IMUS CITY, Cavite — Mananatiling solido ang samahan nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson (kanan) at running mate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III (kaliwa) hanggang dulo ngayong simula na ng kanilang kampanya bilang pangulo at pangalawang pangulo sa Halalan 2022. Nagtungo ang tambalan sa Imus Cathedral, Martes ng hapon, upang hingin ang basbas ng Poong Maykapal sa kanilang …

Read More »

Sa extradition case
US-PH DIPLOMATIC TIES DELIKADO KAY QUIBOLOY

Philippine USA flag

ni ROSE NOVENARIO MALALAGAY sa alanganin ang diplomatikong relasyon ng Estados Unidos at Filipinas dahil sa extradition case ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy bunsod ng tambak na kaso sa Amerika gaya ng child sex trafficking. Ayon sa ilang political observers, may posibilidad na muling ‘yanigin’ ni Pangulong …

Read More »

VP Leni Robredo nagpasalamat kay Percy Lapid, Lapid Fire

Leni Robredo Percy Lapid

PERSONAL na ipinaabot ni Vice President Leni Robredo ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay veteran broadcaster at public affairs commentator Percy Lapid at sa mga tagasubaybay ng programang “Lapid Fire” na sabayang napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng Facebook live at YouTube. Si Lapid na nagsusulat ng kolum sa pahayagang ito (Hataw D’yaryo ng Bayan) ay napapakinggan gabi-gabi sa kanyang …

Read More »

De Venecia Group, gumamit ng bogus na pangalan, tumanggap ng pekeng debt notes

Blind Item, Gay For Pay Money

ANG Inang Nag-aaruga sa Anak Foundation, na binuo at pinamunuan ni dating congresswoman Georgina de Venecia at iba pang indibiduwal ay gumamit ng pekeng pangalan nang mamuhunan sa instrumento ng pautang na pawang palsipikado rin. Sa isang tao lamang, sa katauhan ni Liza Arzaga, dating branch business center manager ng RCBC nakipag-usap nang ilang taon ang grupo gamit ang hawak …

Read More »

Batay sa ebidensiya
MAGKAKASANGKOT SA PHARMALLY DEAL KASUHAN — PING

020722 Hataw Frontpage

HATAW News Team HINDI kombinsido si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na akma ang kasong ‘betrayal of public trust’ na ipataw sa mga opisyal ng pama­halaan na sangkot sa isyu ng katiwalian dahil sa eskandalo ng Pharmally ngunit naniniwala siyang may dapat managot sa kanila. Inihayag ni Lacson, may mga agam-agam siya sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee …

Read More »

Wanted sa child sex trafficking
QUIBOLOY HAMON SA MARCOS-SARA TANDEM, at DUTERTE REGIME

020722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ISANG malaking hamon sa rehimeng Duterte at tambalang Marcos-Duterte ang pagiging malapit kay Kingdom of Jesus Christ church leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ihayag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos na ang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kasama sa kanilang most wanted list bunsod ng patong-patong na kaso kabilang ang child sex …

Read More »

 ‘Anak’ ng diktador substitute kapag na-DQ si Marcos, Jr.

Maria Aurora Busoy Marcos

“AKO ang substitute ni Ferdinand Marcos, Jr., kapag na-disqualify siya hindi si Imee.” Tahasang sinabi ito ni Maria Aurora Busoy Marcos,  isa sa mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para presidente, ngunit idineklarang nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec), at nagpakilalang lehitimong anak umano ng yumaong diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Aurora, matapos siyang ideklara …

Read More »

Cusi, 11 opisyal ng DOE ipinaasunto ni Gatchalian

Win Gatchalian Alfonso Cusi Malampaya DoE

INIREKOMENDA kahapon ni Senate committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian na kasuhan ng graft si Energy Sec. Alfonso Cusi at 11 opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa maanomalyang bentahan ng shares ng gobyerno sa Malampaya gas project. Pinangunahan ni Gatchalian ang transmittal ng Senate resolution para irekomenda na sampahan ng graft si Cusi at iba pang opisyal …

Read More »