Friday , December 5 2025

Front Page

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

071825 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng panawagan para sa isang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng nakababahalang pagdami ng mga kaso ng pagbebenta ng mga sanggol sa social media. Ito ay kasunod ng ulat mula sa Commission on Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP) ukol sa mga sindikatong nang-aabuso sa …

Read More »

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

Antonio Carpio SC Supreme Court

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon at pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal branch of government. Ayon kay Carpio walang karapatan ang Korte Suprema na tanungin ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung …

Read More »

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

Batangas Money

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas dahil hindi pa rin naipapasa ang Internal Rules of Procedure (IRP) o ang kanilang magiging gabay para sa pagganap ng mga sesyon ng lalawigan. Nabatid na hindi pa naaaprobahan ang committee report na nilagdaan ng lahat ng Board Members sa isinagawang 2nd Regular Session noong …

Read More »

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

BBM Bongbong Marcos BFP

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa 28 Hulyo, huling Lunes ng buwan. Ito ang inihayag kahapon ni Fire Director Jesus Fernandez sa  isinagawang Meet the Press sa national headquarters ng BFP sa Quezon City. Sinabi ni Fernandez, ilang mga bombero …

Read More »

Gunman, 1 suspek sa pinaslang na congress exec, arestado sa buybust             

QCPD Quezon City

NASAKOTE ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa pang suspek, kabilang ang gunman (tinukoy na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril) sa pinaslang na opisyal ng Kongreso, sa buybust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, ng QCPD, ang mga suspek na sina alyas …

Read More »

Pag-aari ng ex-Congressman
HIGIT P21-M BUTANE CANISTER NADISKUBRE SA BULACAN

P21-M BUTANE CANISTER Sta Maria BULACAN

NADISKUBRE ang hindi bababa sa 400,000 piraso ng butane canister na nakasilid sa halos 4,000 na tinatayang nagkakahalaga ng higit P21 milyon sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng hapon, 15 Hulyo. Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police – …

Read More »

House Committee on Appropriations, dapat independent — Tiangco

Kamara, Congress, money

ISANG independent na House Committee on Appropriations na hindi nagpapadikta kahit kanino at tanging kapakanan ng mamamayan ang isinasaalang-alang, ito ang iginigiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco Ayon kay Tiangco nakahanda siyang akuin ang hamon ng trabaho bilang chairman ng Appropriations ngayong 20th Congress kung susuportahan siya ng kanyang mga kasamahan na ayusin ang proseso sa pagbuo ng 2026 national …

Read More »

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na magtatagumpay siya sa harap ng mga kababayan sa 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships na gaganapin mula Nobyembre 20 hanggang 24 sa Manila Marriott Hotel Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City. “Nais kong makapagpakita ng magandang performance dahil gusto kong maging isa sa pinakamahuhusay …

Read More »

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LRTA FIVB Mens World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship matapos ang paglulunsad ng pakikipag-ugnayan sa Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes, sa pamamagitan ng makulay na biyahe ng tren mula Recto Station hanggang sa depot ng LRT-2 sa Santolan, Pasig City. “Simula ngayong araw [Martes], makikita ng mga pasahero ng …

Read More »

Sa Talisay, Negros Occidental
P2.2-M ninakaw na underground internet cable wire narekober

underground internet cable wire

NABAWI ng mga awtoridad ang P2.2-milyong halaga ng ninakaw na underground internet at cable wire habang nadakip ang hindi bababa sa 11 katao sa Brgy. Concepcion, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 14 Hulyo. Ayon kay P/Capt. Reynaldo Bauden, Jr., hepe ng Bacolod Maritime Police Station, nagresponde ang kanilang grupo sa ulat mula sa isang concerned citizen …

Read More »

Dis-oras ng gabi
Babae binugbog, sinaksak ng kinakasamang kelot
Nagpapatrolyang pulis nakasagip

Marikina PNP Police

NASAGIP ang isang babaeng sinaksak at sinuntok sa mukha ng kaniyang live-in partner, ng mga nagpapatrolyang pulis sa Brgy. Tumana, lungsod ng Marikina, nitong Lunes, 14 Hulyo. Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente dakong 12:30 ng hatinggabi kamakalawa sa bahay ng biktima at ng suspek. Dahil sa selos at galit, sinaksak umano ng suspek ang biktima sa kaniyang kanang …

Read More »

Pag-aaral ng Nihonggo, libre sa Marikina

Maan Teodoro Marikina Sakai Japan

LIBRE nang makapag-aral ng salitang Nihonggo ang mga Marikenyo na alok para sa mga mag-aaral at bagong graduate na nais pumunta at magtrabaho sa Japan sa pamamagitan ng Nihonggo training program na inilunsad ng Marikina City local government unit (LGU) at ka-partner na bayan ng Sakai, Japan at Onodera User Run. Ang Nihonggo training program ay tatagal hanggang anim na …

Read More »

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup 2025 at tinambakan ang South Korea, 7-0, sa Xi’an, China, noong Martes.  Agad na umatake ang koponan, nakapuntos ng tatlo sa unang “inning” bago sinelyohan ang panalo sa apat na puntos na karagdagan sa ikalima. Ipinakita ng panalo ang determinasyon ng Filipinas na magkaroon ng …

Read More »

168 empleyado arestado
Online lending app na Easy Peso sinalakay ng NBI-ACG

168 empleyado arestado Online lending app na Easy Peso sinalakay ng NBI-ACG

SINALAKAY kahapon sa ikinasang operasyon ng magkakaibang ahensiya ang ika-22 palapag ng Robinsons Equitable Tower sa Pasig City, na kinilala bilang pangunahing sentro ng operasyon ng Creditable Lending Corporation, ang kompanya sa likod ng kontrobersiyal na online lending application na Easy Peso. Umabot sa 168 empleyado, pawang mga Filipino ang dinakip sa pagpapatupad ng Warrant to Search, Seize, and Examine …

Read More »

Sa Commonwealth Avenue, QC
Bus mabilis na umatras  babaeng vendor naligis, hita naipit sa gulong, nakaladkad, sugatan

Dead Road Accident

SUGATAN ang isang 53-anyos babaeng vendor matapos maatrasan at makaladkad ng isang bus sa Commonwealth Ave., sa lungsod Quezon, nitong Linggo ng hapon, 13 Hulyo. Sa pahayag ng isang kagawad ng Brgy. Commonwealth na kinilalang si Elmer Buena, huminto ang bus upang magbaba ng pasahero nang bigla itong umatras at masagasaan ang ilang sasakyan bago natamaan ang biktima dakong 1:00 …

Read More »

PNP-CIDG, may lead na sa missing sabungeros

PNP CIDG

KOMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III sa leads ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para matiyak na makakamit ang hustisya sa kaso ng nawawalang sabungero sa lalong madaling panahon. Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Macapaz, bagamat hindi sigurado kung kailan malulutas ang kaso, hindi sila titigil sa pangangalap ng mga impormasyon na magiging …

Read More »

2 barko ng China naispatan sa Occ. Mindoro

China Coast Guard CCG Peoples Liberation Army PLA Navy

DALAWANG barko ng China, isang People’s Liberation Army (PLA) Navy na ineeskortan ng barko ng China Coast Guard (CCG), ang namataan sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro, iniulatng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon kay Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS), ang lokasyon ng mga barko ay naitala sa 69.31 nautical miles mula sa …

Read More »

Ini-request para sa home service
BABAENG MASAHISTA PINATULOG SA DROGA GINAHASA, NINAKAWAN SUSPEK ARESTADO SA PASIG

Dead Rape

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagnakawan at gahasain ang isang 22-anyos babaeng massage therapist sa loob ng isang condominium unit sa lungsod ng Pasig, nitong Biyernes, 11 Hulyo. Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas Dex sa follow-up operation na isinagawa ng mga tauhan ng Pasig CPS at Rosario Police Sub-Station 7 matapos magsampa ng reklamo ang …

Read More »

Quezon Rep. Suarez, bagong Chairman ng Appropriations Committee

Jayjay Suarez

MAY bago nang chairman ang House Appropriations Committee na inaasahang iaanunsiyo ng liderato ng 20th Congress bago pa ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon sa Congress insider, majority ng House members na lumagda ng manifest of support kay Speaker Martin Romualdez ang siyang pumili kay Quezon province 2nd District Representative Jayjay Suarez para …

Read More »

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

Dave Gomez Sharon Garin

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Dave Gomez bilang bagong Presidential Communications Office (PCO) Secretary. Kasabay nito itinalaga rin ng Pangulo si Atty. Sharon Garin, isang Certified Public Accountant bilang bagong kalihim ng Department of Energy (DOE). “We are pleased to announce that President Ferdinand R. Marcos Jr., has appointed …

Read More »

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

Marikina

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng mahigit 7,000 sapaterong Marikenyo na pinauunlad at mas lumalawak na industriya ng sapatos sa Marikina, mas kilala bilang “shoe capital of the Philippines.” Personal na ipinagmalaki ni dating mayor at ngayo’y Rep. Marcy Teodoro ang Marikina Shoe Museum, isang cultural landmark na matatagpuan sa J.P. …

Read More »

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

PAGASA Bagyo LPA

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure area (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Dakong 8:00 ng umaga kahapon, ang LPA na namataan sa loob ng PAR ay may mababaw na tsansang maging bagyo sa susunod na 24 oras. Naitala ito sa layong 790 km hilagang silangan ng Itbayat, …

Read More »

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, sinabing kapatid ng dating economic adviser ng Duterte administration na si Michael Yang. Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto si Jianxin Yang, na kilala bilang Antonio Lim y Maestrado, Antonio M. Lim, at Tony Yang dahil sa mga kasong Falsification of Public Documents, Perjury, …

Read More »