Friday , December 27 2024

Front Page

Puganteng binatilyo kritikal sa boga ng tanod

KRITIKAL sa isang ospital ang puganteng binatilyo nang barilin ng barangay tanod habang pagala-gala sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Yiro Bonita, 16, ng Block 33, Lot 21, Phase 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 sa tiyan nang barilin …

Read More »

4-oras sunog 140 bahay tupok

NILAMON ng apoy ang may 140 bahay sa sunog na naganap sa Parola Compound, Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Sa ulat ni FO2 Edilberto Cruz, ng Manila Arson Division, dakong 1:31 a.m., nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma matapos ideklarang fire-out dakong 5:55 a.m. sa Gate 20, Pier 2, Parola Compound, Tondo. Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil …

Read More »

Commitment order kay Napoles conflict sa ibang court order

KOMPLIKADONG court order ang idinahilan ni PNP PIO head, C/Supt. Reuben Theodore Sindac kaya hindi natuloy ang paglilipat kay Janet Lim-Napoles sa BJMP jail facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Kamakalawa, ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd division na ilipat na si Napoles sa female dormitory ng BJMP mula sa Fort Sto. Domingo. Ayon kay Sindac, nag-iingat lamang sila dahil may …

Read More »

P2.606-T 2015 budget ihahain sa Kamara

KINOMPIRMA ni Budget Sec. Butch Abad na hindi na nadagdagan o nabawasan ang P2.606 trillion proposed national budget sa 2015 na unang iniharap sa gabinete. Ang nasabing national budget ay mas mataas nang 15 porsiyento sa 2014 at nakatakdang ihain sa Kamara pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III sa Lunes. Sinabi ni Sec. …

Read More »

Japanese, nobyang Pinay missing

NANGANGAPA hanggang ngayon ang Mandaluyong City Police sa pagkawala ng isang Japanese national at nobya, sa Barangay Hulo, isang buwan na ang nakararaan. Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Abelardo Villacorta, kinilala ang nawawala na sina Yuji Okada, 54, Japanese national, at Honeylyn Cirunay, 42, kapwa nanunuluyan sa Unit 1417, Irish Bldg., Tivoli Garden Residences, sa …

Read More »

Napoles biyahe na sa BJMP

INIUTOS ng Sandiganbayan 3rd Division kahapon na ilipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang itinuturong pork barrel fund scam queen na si Janet Lim-Napoles. Ayon kay Sandiganbayan 3rd Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, kailangang maipatupad agad ng BJMP  ang order to transfer kay Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig mula sa …

Read More »

NLEX truck ban sa INC Centennial

MAGPAPATUPAD ng truck ban sa isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) mula ngayong araw, Hulyo 26 hanggang Lunes, Hulyo 28 dahil sa centennial celebration ng Iglesia Ni Cristo (INC)  sa Linggo sa Bulacan. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang bahagi ng NLEX,  pagitan ng Balintawak Tollgate …

Read More »

P4-B ‘savings’ sa Comelec kinuwestiyon sa Senado

BUKOD sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP), nabunyag sa pagdinig ng Senado na mayroon pang ibang pinagkukunan ang administrasyon bilang karagdagang pondo para sa proyekto o programa ng ahensiya. Sa pag-uusisa ni Sen. Nancy Binay, kasabay nang pagdinig ng Senate finance committee sa isyu ng DAP, natuklasan na umabot sa mahigit P4 billion ang pondo na ibinigay ng Malacañang …

Read More »

Kano nadenggoy ng US$2,500 sa credit card

DUMULOG sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang American national na natangayan ng $2,500 kasama ang bagong kaibigan sa isang kilalang Mall sa Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Kenneth Jerome Reed, 58, ng 362 Mendoza St., San Roque, San Pedro, Laguna. Sa imbestigasyon ni PO3 Jayjay Jacob, ng MPD-GAIS, naganap ang insidente sa …

Read More »

Mag-asawang Fil-Am dedbol sa buhawi

PATAY ang mag-asawang Filipino-Americans sa hagupit ng buhawi sa estado ng Virginia sa Estados Unidos kamakalawa ng gabi. Sinabi ni Virginia State Police Spokeswoman Corrine Geller, kinilala ang mga biktimang sina Lord Balatbat at Lolabeth Ortega, nakatira sa Jersey City sa New Jersey. Nasa camp ground sa Virginia ang mag-asawa kasama ang anak nilang lalaki nang manalasa ang buhawi. Kabilang …

Read More »

14-anyos Grade 6 pupil binoga

MALUBHA ang isang grade 6 pupil nang barilin ng naka-bonnet na suspek habang bumibili sa isang tindahan sa Navotas City. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Ernie Derriada, 14, ng Chungkang St., Brgy. Tanza ng nasabing lungsod. Bumibili sa tindahan ang biktima nang lapitan ng suspek saka binaril sa Block 5, Lot 28, St. Carville Subd., Brgy. …

Read More »

PNoy 5th SONA handa na — Palasyo

HANDANG-HANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28, 2014. Kahapon, may isa pang round ng meeting si Pangulong Aquino sa kanyang speechwriters para plantsahin ang kanyang talumpati. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nananatiling ‘work in progress’ ang SONA ni Pangulong Aquino at maaaring may mababago pa …

Read More »

Pasyente sa Maynila pinagbabayad ni Erap

KAILANGAN nang ipatupad ang paniningil ng mga ospital na pinamamahalaan ng lungsod ng Maynila dahil sa kakapusan ng pondo at para hindi na ito mapabayaan tulad ng pamamalakad ng nakaraang lokal na administrasyon. Ito ang pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada sa ginawang SOCA o State of the City Address, at inamin na mahigit P4 bilyon ang iniwang utang ng …

Read More »

Transfer ni Napoles sa BJMP hinarang

NANGANGAMBA ang kampo ni Janet Lim-Napoles na muling lumala ang kondisyon ng kalusugan ng negosyante kapag nailipat sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Ayon kay Atty. Stephen David, natukoy na ang sakit ni Napoles kaya sapat na itong basehan para bigyan ng konsiderasyon ang kanilang kliyente. Dahil dito, sinisikap ng panig ng depensa na maharang ang paglipat sa …

Read More »

Australianong Global Jihadist ipinatapon ng BI

IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ng gabi ang Australian national at sinabing global jihadist na si Robert Edward Cerantonio sa pagiging undocumented alien sa bansa. Ayon kay BI spokesperson Atty. Elaine Tan, Cerantonio alyas “Musa Cerantonio” ay ipinatapon sa Australia dahil kinansela ng kanilang Ministry of Foreign Affairs ang kanyang pasaporte. Ani Tan, mismong ang Australian Embassy …

Read More »

70-anyos ina pinugutan ng adik na anak

BACOLOD CITY – Pinugutan ang 70-anyos ina ng kanyang adik na anak sa lungsod ng Bacolod kahapon. Kinilala ang biktimang si Eledina Gabitanan, habang ang suspek ay isang Percival Gabitanan, 34, kapwa residente ng Villa Esperanza, Brgy. Tangub, Bacolod City. Sa imbestigasyon ni Insp. Richard Pajarito, police deputy chief ng Bacolod Police Station 8, nangyari ang insidente dakong 2 a.m. …

Read More »

Misis na dinukot ni mister natagpuan sa hotel

NATAGPUAN na ang negosyanteng ginang na sinasabing dinukot ng kanyang asawa kamakalawa ng gabi, sa isang hotel sa Muntinlupa City. Ngunit nilinaw ni Ma. Rosario “Jinky” Pangilinan, 42, canteen owner, ng Block 7, Lot 4, Saint Catherine Village, Paranaque City, hindi siya dinukot kundi hindi lamang sila nagkaunawaan ng kanyang mister dahil sa selos. Bunsod nito, kakasuhan na lamang ang …

Read More »

Sanggol, paslit patay sa landslide

PATAY ang isang sanggol at kapatid niyang paslit nang matabunan ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa liblib na lugar sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang insidente dakong 3:30 a.m. sa Sitio Bambanin, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan. …

Read More »

Pagkilala sa mag-iinang Pinoy sa MH17 aabutin ng 1 buwan

POSIBLENG matagalan ang paghahanap sa bangkay ng mag-iinang Filipino na namatay sa pinasabog na flight MH17 ng Malaysian airlines. Sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose, spokeperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring abutin ng hanggang isang buwan ang pagkilala sa mga bangkay na dadalhin sa Netherlands at hindi pa sigurado kung kasama roon ang bangkay ng mag-iinang Filipino. Base …

Read More »

3rd impeachment vs PNoy isasampa ngayon

MAY kasunod pa ang ihahaing impeachment complaints ng mga kritiko laban kay Pangulong Benigno Aquino III. Ngayong araw ay may ikatlong reklamo pang maihahain sa Kamara laban sa punong ehekutibo. Ngunit  sa pagkakataong ito, hindi na nakasentro sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang reklamo kundi ito ay nakabase na sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Estados Unidos. …

Read More »

3 anak, 8 pa, 8-oras ini-hostage ng businessman at 2 kaanak

DAVAO CITY – Makaraan ang walong oras na hostage taking nasagip ang tatlong anak at walong empleyado mula sa may-ari ng insurance company at dalawang kaanak sa Times Beach Ecoland sa lungsod ng Davao. Naging matagumpay ang negosasyon ni Brgy. R. Castillo Agdao Chairman Mar Masanguid sa pangunahing suspek at may-ari ng insurance company na si Dennis Bandujo nang pakawalan …

Read More »

Pasingawan ng isda sumabog (Obrero kritikal 3 pa sugatan)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero habang tatlo pa niyang kasamahan ang sugatan nang sumabog ang pasingawan ng isda (steaming machine) sa loob ng isang fish processor sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital si Joven Taylo, nasa hustong gulang, sanhi ng mga lapnos at tusok ng nabasag na bote sa kanyang katawan. Habang …

Read More »

Nataranta sa tsunami lola nadedbol

DEDBOL ang isang lola nang mahulog mula sa sinasakyang tricycle nang mataranta sa balitang magkakaroon ng tsunami sa Candelaria, Quezon kamakalawa. Barog ang ulo nang humampas sa kalsada ang biktimang si Julieta Pañoso, 64-anyos. Ayon sa anak ni Julieta, kumalat ang text message bandang 10 p.m. na may magaganap na tsunami sa Tayabas Bay kaya nataranta sila. Sakay ng tricycle …

Read More »

‘Tagapagmana’ ni Sir Paul McCartney

SUMIKAT din naman ang mga anak ni Sir Paul McCartney subalit napapanahon nang tumanyag ang tunay na tagapagmana ng batikang multi-instrumentalist ng The Beatles matapos mamataan ang panganay na apo na si Arthur Alistair Donald habang nagpa-party sa popular na Chiltern Firehouse. Natiyempohan ang 15-anyos na estudyante, anak ng retratistang si Mary McCartney, sa hottest bar and restaurant sa London …

Read More »