Monday , October 18 2021
Navotas, NAVOTAAS

Navotas nagdagdag ng skilled workers

NADAGDAGAN muli ang bagong batch ng skilled workers sa Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakompleto ng Japanese Language at Culture habang 11 ang nakatapos ng Basic Korean Language & Culture.

May limang nakapag­tapos sa Beauty Care NC II; apat sa Hairdressing NC II; 10 sa Dressmaking NC II; pito sa Tailoring NC II; at 12 sa Bread and Pastry Production NC II.

Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakompleto at naka­tanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasipagtapos at pinuri sila dahil ginamit nila ang kanilang oras sa pagsasanay para maka­kuha ng bagong kasanayan.

“I commend all our tech-voc graduates for choosing to be productive even while we are under community quarantine. Our current situation should not hinder us from learning new things and striving to improve ourselves,” aniya.

“Maaaring mag­simula ang mga nag­sipagtapos ng negosyo o dalawin ang Na votaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede nilang pasukan,” aniya.

Sinabi ni Cong. John Rey Tiangco, ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamama­raan at iba’t ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanap­buhay at pamumuhay.

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa nabanggit na training institute.

Ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams nang libre depende sa kursong kukunin nito.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply