Monday , December 23 2024

Masonry Layout

5 Pasay PNP officials sinibak

WALANG kinalaman sa mga ulat na pagtaas ng krimen sa hurisdiksyon ang nangyaring pagbalasa sa limang opisyal ng Pasay City Police. Ito ang paglilinaw ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, na nagsabing kinakailangan lamang palitan ang ilang opisyal dahil sa pagiging “pamilyar” na sa kanilang puwesto at para na rin sa tinatawag na “career development.” Kabilang sa …

Read More »

3 studes tinubo mag-utol na sekyu kalaboso

KALABOSO ang magkapatid na sekyu matapos hampasin ng tubo ang tatlong estudyante sa Echague, Isabela. Nakapiit ngayon ang magkapatid na suspek na sina Jestoni Chito Antonio at Jestom Antonio, kapwa security guard ng Ugad National High School. Habang naka-confine sa ospital ang mga biktimang itinago sa mga pangalang Enti, Alfred at Erol, pawang estudyante ng nasabing paaralan. Kuwento ng mga …

Read More »

Hotel mogul, int’l car racing champ itinumba (Sa Davao at QC)

PATAY ang isang prominenteng Cebu businessman makaraan pagbabarilin sa loob ng kanyang hotel sa Davao City habang binawian din ng buhay ang isang international car racing champion nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Desmayado ang grupo ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa nangyaring pamamaslang kay hotel mogul Richard Lim King sa …

Read More »

Plunder, Graft vs 3 Pork Senator ini-raffle na

INI-RAFFLE na ng Sandiganbayan kahapon ng umaga ang kasong plunder at graft na inihain ng Ombudsman laban sa tatlong senador kaugnay sa multibillion-peso pork barrel scam. Pinagsamasama ng anti-graft court ang 45 criminal information na kanilang natanggap, 42 ang graft at tatlo ang plunder. Ang plunder case at graft cases ni Senador Juan Ponce Enrile ay hahawakan ng Sandiganbayan 3rd …

Read More »

Kris Aquino sa Tarlac tatakbo (Artista ‘wag iboto?)

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa political plan ni presidential sister Kris Aquino, napaulat na kakandidato bilang gobernador sa Tarlac at iba pang mamanukin ng administrasyon sa 2016 elections. “ I’m not quite sure about the plans of the Presidential sister. I am also, at this point, not aware of any candidates that are being fielded by the President’s party …

Read More »

Van sumalpok sa footbridge, 2 pahinante tigok (Driver lasing)

PATAY ang dalawang pahinante nang sumalpok ang delivery van na minamaneho ng lasing na driver sa paanan ng footbridge sa EDSA-Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni SPO4 Raymundo Layug, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 1, kinilala ang mga namatay na sina Bener Bagungol, 30, may-asawa ng Brgy. Sacred Heart ng nasabing lungsod, at …

Read More »

85,000 profs masisibak sa K-12 (287 pribadong kolehiyo pinayagan sa tuition hike)

MAHIGIT 85,000 faculty members ang mawawalan ng trabaho sa pagsisimula ng 2016 kapag ipinatupad na ang dalawang dagdag na taon sa high school, ayon sa grupo ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities. “Ang sinasabi nga namin, wala talagang mag-eenroll sa first year college (sa 2016), dahil ‘yung fourth year (high school) mag-e-enroll na sila sa Grade …

Read More »

Killer ng Bukidnon radio commentator arestado

INIHAYAG ng pulisya kahapon, arestado na ang hinihinalang pumatay sa Bukidnon radio commentator na pinaslang noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ng kanilang mga operatiba ang suspek na si Dionesio Daulong dakong 5:30 a.m. sa Brgy. Paitan sa bayan ng Quezon. Si Daulong ay sangkot sa pagpatay sa biktimang si …

Read More »

Kalusugan ni PNoy maayos (Medical report ‘di ilalabas)

WALANG plano ang Malacañang na isapubliko ang medical report ni Pangulong Benigno Aquino III bilang patunay na siya’y malusog at may kakayahan gampanan ang kanyang mga tungkulin hanggang 2016. Ito’y kahit madalas ubuhin ang Pangulo habang nagtatalumpati sa iba’t ibang okasyon, tulad noong Independence Day sa Naga City na tatlong beses siyang napatigil sa pagsasalita bunsod nang mahigpit na pag-ubo. …

Read More »

Bilibid doctors itinuro sa VIP inmates confinement

INIREKOMENDA niJustice Undersecretary Francisco Baraan III ang pagsibak sa ilang mga doktor sa New Bilibid Prisons (NBP) hospital bunsod ng siyam “questionable” outside referrals na kanilang ginawa para sa high-profile inmates sa loob lamang ng dalawang linggo nang walang clearance mula kay Justice Secretary Leila De Lima. Sinabi ni De Lima, ang rekomendasyon ay bahagi ng initial report ni Baraan …

Read More »

MPD PCP chief sinibak sa maruming CR (Wala pang isang linggo)

TINANGGAL sa pwesto ni MPD District Director, Chief Supt. Rolando Asuncion si S/Insp. Manny Israel, ang hepe ng Don Bosco Police Community Precinct ng MPD Station 1 sa R-10, Tondo, Maynila makaraan ang sorpresang inspeksyon sa kanyang nasasakupan kahapon. Paliwanag ni Asuncion, marumi  ang loob ng estasyon kabilang na ang comfort room na hindi kaaya-aya para sa mga magtutungo roon. …

Read More »

Parak durog sa truck

HALOS madurog ang katawan ng isang tauhan ng Parañaque police nang masagasaan at magulungan ng truck habang sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa San Mateo, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni S/Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si PO3 Rolindo Ondagan, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Parañaque PNP, at nakatira sa bayan ng San Mateo. …

Read More »

3 tiklo sa buy-bust

NASAKOTE ang tatlo katao kabilang ang isang ginang sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act) ang mga suspek na kinilalang sina Gerardo Agregondo, 33, Christian Gonzales; at Flordeliza Silvestre, 34-anyos. Sa ulat ni PO3 Fortunato Candido, dakong 1 p.m. kamakalawa …

Read More »

Kawatan inasintang parang ibon tigok (Nakakapit sa barandilya ng condo)

PATAY ang isang lalaking tinaguriang tirador ng manok na panabong, makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakakapit sa bintana ng isang condo unit sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi pa nakikilala ang biktimang tinatayang 40-anyos, 5’8 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng shorts at walang saplot na pang-itaas. Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila …

Read More »

Boto ‘di dapat sa artista — PNoy

SINA Pangulong Benigno S. Aquino III, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, at Dean of Diplomatic Corps Archbishop Guiseppe Pinto sa traditional toast sa ginanap na Vin d’ Honneur bilang paggunita sa ika-116 anibersaryo ng proklamasyon ng Philippine Independence sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) NANAWAGAN si Pangulong Benigno Aquino III sa mga botante na huwag ihalal …

Read More »

Ebidensiya ‘di politika batayan sa pork case (Giit ni PNoy)

EBIDENSIYA at hindi politika ang batayan sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga akusado sa P10-B pork barrel scam. Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Independence Day speech sa Naga City kahapon o isang araw makaraan akusahan ni Sen. Jinggoy Estrada ang administrasyon nang pamumulitika kaya sinampahan sila ng kasong plunder  nina Sens. Juan Ponce-Enrile …

Read More »

Independence Day ‘di natinag ng ulan

116TH INDEPENDENCE DAY. Iwinagayway ang higanteng bandila ng Filipinas sa Luneta Park bilang pagdiriwang sa ika-116 Araw ng Kalayaan ng bansa. (BONG SON) MALAKAS man ang ulan, itinuloy pa rin ang mga aktibidad sa loob at labas ng Metro Manila kaugnay ng paggunita sa ika-116 taon ng kasarinlan ng ating bansa. Pinangunahan nina Vice President Jojo Binay ang flag raising …

Read More »

Senado lalaya sa pol crisis (Drilon umaasa)

DETERMINADO si Senate President Franklin Drilon na sa kalaunan ay magiging malaya ang Senado sa kaliwa’t kanang kontrobersiya na kinasasangkutan kabilang sa usapin ng maanomalyang paggamit ng mga miyembro nito ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel. Kasabay ng kanyang pangunguna sa paggunita ng ika-116 anibersaryo ng kalayaan ng bansa sa Pinaglabanan Shrine sa lungsod ng San Juan, …

Read More »

16-anyos dalagita niluray, pinatay sa Catanduanes (Naghuhugas ng pinggan sa ilog)

LEGAZPI CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 16-anyos dalagita na makaraan halayin ay pinatay ng hinihinalang drug addict sa lalawigan ng Catanduanes. Kinilala ang biktimang si Lyka Bermejo ng Brgy. San Andres, Pandan ng nasabing lalawigan. Natagpuan ang bangkay ng biktima isang liblib na lugar na wala nang saplot at nagsisimula nang maagnas. Ayon sa ina ng biktima na …

Read More »

2 Koreano kalaboso sa carnapping

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit ang dalawang Korean national makaraan karnapin ang isang Hyundai Starex van sa Malate, Maynila. Sinampahan ng kasong carnapping ng biktimang si Michelle Ann Nangit, 31, negosyante, tubong Nueva Ecija, at residente ng San Andres Bukid, Maynila, ang mga suspek na sina Jeong Eung Shik at Sin Juyoung, ng 1712 Palma …

Read More »

Bagahe ng OFW tinangay ng taxi driver

NANLULUMONG nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) makaraan tangayin ng taxi driver ang kanyang bagahe sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Halos maiyak sa sama ng loob si Almaliza Valeriano, 29, may asawa, tubong-Tuguegarao, Cagayan, residente ng 2142 Alvarez St., Pasay City. Sa pahayag ng biktima kay Chief Insp. Joey Goforth, sumakay siya sa …

Read More »

Pahinante tepok driver kritikal sa ‘hijackers’

PATAY ang isang pahinante habang nasa malubhang kalagayan ang kasamang driver nang saksakin ng dalawang hindi nakilalang suspek dahil pumalag ang dalawa sa tangkang pag-hijack sa dala nilang container  van kahapon ng umaga sa lungsod ng Las Piñas. Nalagutan ng hininga bago idating sa Ospital ng Parañaque si William Batuga Biagcong, pahinante, ng 44 B-1, Bernal S Bank Road, Floodway, …

Read More »

68-anyos soltera nagbigti (Puso lumalaki )

HINIHINALANG dahil sa karamdaman sa puso kaya nagbigti ang isang 68-anyos matandang dalaga sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Natagpuan na wala nang buhay si  Ofelia Almazar, ng 51 Maryluz St., Brgy. 137, Zone 13 ni Rolando Tiosen, 53, sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima dakong 1:40 a.m. Ayon kay Tiosen, lumabas siya ng kanyang kuwarto upang magtungo sa …

Read More »