Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Habagat pinaigting ni Florita

TITINDI pa ang hanging Habagat na maaaring magdulot ng panibagong mga pagbaha ngayong pumasok na sa Philippine area of responsibility  (PAR) ang bagyong Florita na nasa kategorya bilang ganap na typhoon o malakas na bagyo. Ayon kay PAGASA forecaster Glaiza Escullar, huli itong namataan sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin …

Read More »

House Probe sa P65-B Line 1 Cavite Ext Proj

PAIIMBESTIGAHAN ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang P65-B Line 1 Cavite Extension Project dahil sa hinihinalang anomalya. Sa panayam kay Colmenares, House Senior Deputy Minority Leader, tinukoy ang ilang kahina-hinala sa proyekto tulad ng pagkakaroon ng “conflict of interest” sa pagitan ng Department of Transportation and Communications at ng Ayala Corporation na kasosyo ng Metro Pacific Investmenst Corporation sa …

Read More »

Globe Telecom Network 100% 3G na ngayon (4G coverage sa loob ng 90 araw)

ANG Globe Telecom ang unang telecommunications company sa Pilipinas na natamo ang 100% 3G coverage para sa buong network nito, na nagbigay sa kanilang customers ng high-speed wireless internet para sa mas mabilis na data interchange sa kanilang mobile devices. Umaasa rin ang Globe na ganap na mabibigyan ang network nito ng mas makabagong 4G infrastructure, na may HSPA+ technology, …

Read More »

Bangkay ng sanggol sa sako iniwan sa mini-bus

ISANG bangkay ng bagong panganak na sanggol ang natagpuan sa loob ng isang pampasaherong bus sa Cavite City kahapon. Sa ulat ni PO3 Jonathan Baclas, may hawak ng kaso, dakong 11:00 a.m. nang matagpuan sa mini-bus, may plakang DXR-221, minamaneho ni Ogie Morillo ang lalaking sanggol na kapapanganak lang. Ayon sa barker na si Roselito Boac, habang nakapila sa terminal …

Read More »

Gigi Reyes bantay- sarado sa Sandiganbayan

MAHIGPIT ang seguridad na ipinatutupad sa Sandiganbayan dahil sa pananatili sa kanilang hurisdiksyon ng akusado sa pork barrel scam na si Atty. Gigi Reyes. Ayon sa Sandiganbayan sheriff, nagdagdag sila ng mga tauhan kompara sa regular duty upang matiyak na masusubaybayan ang sitwasyon ni Reyes. Maging sa labas ng tanggapan ay nagtalaga ng dagdag na pwersa ang anti-graft court para …

Read More »

Mosyon ni Enrile ‘di haharangin ng Palasyo (Konsiderasyon sa edad at kalusugan)

INIHAYAG ng Malacañang kahapon, hindi haharangin ng gobyerno ang ano mang hakbang ng kampo ni Senador Juan Ponce Enrile para sa paghiling nang mas maayos na kulungan kung ito ay age o health related. Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi ito special treatment kundi konsiderasyon sa edad ni Enrile at kondisyon …

Read More »

Dismissal kay Cudia pinagtibay ng Palasyo

PINAGTIBAY ng Malacañang ang desisyon ng Philippine Military Academy (PMA) na pag-dismiss kay dating cadet Aldrin Jeff Cudia, na sumira sa kanyang pag-asang makakuha ng diploma mula sa military academy. Sa sulat na naka-address sa magulang ni Cudia, may petsang Hulyo 11, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., walang basehan para baliktarin ang findings ng military at ng PMA …

Read More »

Impeachment vs PNoy isasabay sa SONA (Abad kakasuhan din)

ITUTULOY ng militanteng grupo ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III. Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, “culpable violation of the Constitution” at “betrayal of public trust” ang magiging grounds ng kanilang reklamo. Ani Casiño, sinira ng punong ehekutibo ang tiwala ng mga mamamayan nang gamitin ang kaban ng bayan para sa Disbursement Acceleration …

Read More »

3 kelot sinunog ng ‘Vigilantes’

TATLONG bangkay ng lalaki na pawang sunog ang natagpuan sa isang basurahan sa Tagoloan, Misamis Oriental. Sa ulat ng pulisya, nagda-jogging ang isang Ricarte Talipan, nang mapansin ang mga sunog na bangkay ng tao na nakahalo sa mga basurahan. Ayon kay Talipan, napatingin siya sa mga basura dahil umuusok pa kaya napansin ang mga bangkay. Nang siyasatin, nakita na may …

Read More »

5 estudyante timbog sa hazing ( 3 biktima itinakbo sa ospital)

HINDI pa man nalulutas ang insidente ng hazing sa Dela Salle College of Saint Benilde (DLS-CSB) na ikinamatay ni Guillo Cesar Servando, 18 anyos, sa ilalim ng Tau Gamma Phi, isa pang insidente ang naganap sa lalawigan ng Cavite na nagresulta sa pagkaka-ospital ng tatlong estudyante. Limang estudyante ang naaresto sa initiation rites na sinasabing mga kasapi ng Tau Gamma …

Read More »

Miriam seryoso sa 2016 prexy bid (Kapag gumaling sa lung cancer)

NANINIWALA ang mga kaanak na seryoso si Sen. Miriam Defensor Santiago sa planong muling pagtakbo bilang pangulo ng bansa. Inihayag ni Gng. Liberty Palma Ledesma, kapatid ng ina ng senadora, seryosong ikinokonsidera ng kanyang pamangkin ang muling pagkandidato kapag naka-recover sa kanyang stage 4 lung cancer. Suportado aniya ng kanilang pamilya ang senadora dahil naniniwala silang siya lang ang may …

Read More »

PNoy, Abad mananagot sa DAP — SC

INIHAYAG ng Supreme Court na maaring managot sa batas ang mga opisyal ng gobyerno sa likod ng pamamahagi at paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Ito ay sa harap ng pagpupumilit ng Malacañang na walang pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Budget Sec. Butch Abad kahit maituturing na sila ang utak ng pagpapalabas ng naturang pondo na sinasabing …

Read More »

Airport ground crew malubhang nasugatan (Kidlat tumama sa buntot ng eroplano)

MALUBHANG nasaktan ang isang ground personnel nang tamaan ng kidlat ang nakaparadang Cebu Pacific Airbus A320 plane sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3, ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon. Nasa ground ng airport ang biktimang si Celdon Abalang, nang biglang tumama ang kidlat sa buntot ng eroplano na tumulay sa wire ng kanyang headset kaya labis siyang …

Read More »

Kano tsugi sa trabaho nagbitay

PATAY ang isang American English teacher matapos magbigti dahil sa depresyon sa Bacoor City, Cavite. Nakabigti gamit ang nylon cord nang madatnan ng kanyang asawang si Arlene ang biktimang si Dustin Jacob Suchin, 31, tubong California, USA, English Teacher sa Hankuk University of Foreign Studies, sa Ortigas, Pasig City, nakatira sa Blk.12, Lot 12, Maena St., Rosewood Subd., Barangay Niog …

Read More »

Disbarment case vs Brillantes, 5 pa aprobado sa SC

INAASAHAN nang matatanggalan ng lisensya bilang abogado si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes, Jr., at lima pang commissioners matapos aprobahan ng Korte Suprema ang disbarment case na isinampa ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) laban sa anim na opisyal. Kasama ni Brillanters sa mga inaprobahan na i-disbar sina Commissioners Rene Sarmiento, Lucenito Tagle, Armando Velasco, Elias Yusoph at Christian …

Read More »

Jueteng ops ni Bolok Santos lalarga na sa Metro South

MULING nagpapalawak ng operasyon sa larangan ng illegal numbers game partikular ang jueteng, pinalapad ng matunog at kilalang gambling lord na si Bolok Santos ang kanyang teritoryo sa Metro South. Sa ulat na nakarating sa intelligence community, pinakikilos na ni Bolok Santos ang kanyang mga personero at kabo sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Pateros, at …

Read More »

Dasal para kay Miriam vs cancer bumuhos

BUMUHOS ang pag-aalay ng dasal ng netizens para sa ikagagaling ni Miriam Defensor-Santiago sa sakit na lung cancer. “Nakaka-sad malaman na may stage 4 lung cancer si Sen. Miriam Santiago. Please pray for her… Please help me to pray for Sen. Miriam who still fight for the right and the truth even she has a stage 4 lung cancer,” ayon …

Read More »

Warden ng PNP Custodial Center sinibak

TULUYAN nang sinibak sa pwesto bilang warden ng PNP Custodial Center si Supt. Mario Malana. Ito’y makaraan mapatunayan na nilabag niya ang takdang oras ng pagbisita para sa dalawang nakakulong na senador na sangkot sa P10-Billion pork barrel fund scam. Nabatid na nilabag ni Malana ang takdang visiting hours para sa mga bilanggo partikular sa dalawang senador na sina Jinggoy …

Read More »

Bodega ng ex-mayor sinalakay (NFA rice ini-repack na commercial)

ITINURO ang isang dating alkalde na may-ari ng bodega ng bigas na sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Sinalakay ang nasabing warehouse matapos mabalitang pinag-iimbakan ng libo-libong sakong bigas ng NFA na sinasabing inire-repack sa anyong commercial rice. Ayon kay Chief Insp. Rey Magdaluyo, ng CIDG-Bulacan, madaling-araw nang salakayin …

Read More »

Spider lift bumigay 2 obrero patay

DALAWANG obrero ang namatay nang bumagsak mula sa ikawalong palapag ang sinasakyan nilang Spider lift habang gumagawa sa gusali ng Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Agad namatay bago makarating sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng pagkabale ng mga buto at mga sugat sa katawan sina Ronaldo Caballero, 29; Segrid Puntalan, Jr., 28, …

Read More »

60 HS studes hinimatay sa earthquake drill

UMABOT sa 60 estudyante ng Parañaque National High School sa Brgy. Tambo, Parañaque City ang isinugod sa Ospital ng Parañaque at Las Piñas District Hospital dahil sa pagkahilo, sakit ng tiyan, pamamanhid ng kalamnan at hinimatay makaraan ang isinagawang earthquake drill kahapon. (JERRY SABINO) NAWALAN ng malay ang mahigit 60 estudyante habang nagsasagawa ng earthquake drill sa Parañaque National High …

Read More »