Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Davao City inalerto ng pangulo

PINULONG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga lokal na opisyal at matataas na pinuno ng law enforcement agencies makaraan makatanggap ng tawag mula kay Pangulong Benigno Aquino III para ipaalam na may banta sa seguridad ang lungsod. Kamakalawa ng gabi inilagay sa heightened alert ang buong Davao City bilang pagtalima sa ibinigay na impormasyon ni Aquino. Hindi …

Read More »

Mag-utol na paslit, alagang aso patay sa karne ng pawikan (Tatay, 3 pa kritikal)

DALAWANG paslit na magkapatid ang hinihinalang nalason sa kinain na karne ng Pawikan sa Aroroy, Masbate. Bukod sa dalawang paslit, nalason din ang ama ng mga namatay at dalawang kapatid pa na kumain din ng nasabing karne. Sa ulat ng pulisya, binigyan umano ng kanilang kapitbahay ng karne ng pawikan ang mag-aama na kanilang inulam. Pagkatapos makakain, nakaramdam na ng …

Read More »

Muslim binati ni PNoy sa Ramadhan

NAGLUNSAD na ng seremonya ang mga Muslim sa Philippine Ramadhan Tent bilang paggunita sa Ramadhan sa Charito Planas Garden, Quezon Memorial Circle, Quezon City. (Ramon Estabaya) IPINAABOT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang pagbati sa Muslim Filipino community sa pagsisimula ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Sinabi ni Pangulong Aquino, ang Ramadhan ay sagradong panahon para sa pagninilay …

Read More »

Manok ng admin sa 2016 pipiliin sa LP — Palasyo

HINTAYIN na lamang ang magiging anunsiyo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa magiging standard bearer ng administrasyon sa 2016 elections. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon. Ayon kay Lacierda, wala pang napipili ang Pangulong Aquino at dumaraan sa proseso ang pagsala ng pambato sa presidential derby. Ayon kay Lacierda, dapat taglay ng kanilang pambato ang …

Read More »

Alcala highest paid sa gabinete

SI Agricultural secretary Proceso Alcala ang may pinakamalaking kinita sa hanay ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon. Ito ay ayon sa lumabas na resulta ng pagsisiyasat ng Commission on Audit (CoA). Sa report ng CoA kaugnay sa salaries and allowances, , lumalabas na P4.2 milyon ang kinita ni Alcala noong 2013. Kasama na rito ang mahigit …

Read More »

Bangkay ng Pinoy na sinapak sa New York iuuwi ng DFA

TUTULONG ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maiuwi ang bangkay ng Pinoy na namatay nang humampas sa bangketa ang kanyang mukha matapos suntukin ng isang lalaki sa New York City. Sinabi ni DFA Spokesperson Charles Jose, patuloy na makikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa New York sa pamilya ng biktima. Ayon sa opisyal, ang konsulada na rin ang makikipagtulungan sa …

Read More »

Dalaga sumagot nang pabalang tinarakan ng madrasta

SUGATAN ang isang 18-anyos dalaga matapos saksakin ng kanyang stepmom nang sagutin nang pabalang habang pinangangaralan kamakalawa ng hapon sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Analiza Alintan, 18, ng Tulay Uno, Brgy. Daanghari. Siya ay naka-confine sa Tondo General Hospital dahil sa isang saksak sa kaliwang hita. Kusang-loob naman sumuko ang suspek na si Donna Diodece, 38, sinasabing kinakasama …

Read More »

Boracay waitress timbog sa tsinelas na may shabu

TIMBOG ang isang waitress na tulak ng shabu sa isang buy bust operation sa Sitio Bulabog, Barangay Balabag, Boracay. Nakapiit na sa detention cell ng Aklan Provincial Police Office (PPO) ang suspek na si Nestle Estropegan, 20, residente ng Barangay Feliciano, Balete, Aklan at pansamantalang nakatira sa Sitio Ambulong, Barangay Manoc-Manoc, Boracay. Ayon kay PO2 Joy Raot-Raot ng Boracay Tourist …

Read More »

DOLE plantation sinalakay ng NPA (Revolutionary tax inisnab)

PINAGTATAGA at itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga puno ng saging sa banana plantation ng DOLE sa barangay Anahaw Daan, Surigao del Sur. Napag-alaman na sinalakay ng may 50 rebelde ang tatlong farm ng DOLE na nasa Sitio Cabalawan at Sitio Ibo dahil umano sa kabiguang magbayad ng nasabing plantation ng revolutionary tax sa NPA. Sa …

Read More »

Rice cartel ipinabubuwag ni PNoy (Utos sa PNP, NBI)

INUTASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang posibilidad na cartel ang nasa likod ng paglobo ng presyo ng bigas. “Inatasan natin ang NBI (na) makipagtulungan sa PNP na talagang siyasatin nang masinsinan itong posibilidad na may mga tinatawag na cartel, at magsampa ng kaukulang kaso dahil kahapon …

Read More »

Miriam manok ni PNoy sa 2016?

INAABANGAN ng Malacañang maging ng oposisyon ang major announcement ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa susunod na linggo na sinasabing may kinalaman sa 2016 presidential elections. Nauna rito, lumabas ang haka-haka na maaaring bitbitin ng Liberal Party (LP) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang standard bearer si Santiago dahil hanggang sa ngayong ay wala pang direktang tinutukoy ang administration party …

Read More »

Ibinasurang amyenda vs Revilla inangalan ni De Lima

IPINAGTAKA ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagbasura ng Sandiganbayan 1st division sa amended information ng Office of the Ombudsman laban kay Sen. Bong Revilla at iba pang mga akusado sa kaso. Ayon kay De Lima, hindi normal sa isang kaso na pigilan ang prosekusyon na maamyendahan ang kanilang reklamo kaya dapat agad maghain ng mosyon ang panig ng …

Read More »

Retiradong maestro itinumba (Sinabing video karera operator)

ISANG retiradong guro na sinabing video karera operator ang namatay matapos barilin nang malapitan ng naka-bonnet na gunman habang naglalaro ng ‘tong-its’ sa Candelaria, Quezon. Namatay sanhi ng isang tama ng punglo sa batok ang biktimang si Antonio Pagdangan, alyas Maestro, 58, ng Barangay Masalukot I. Nakatakas ang hindi nakilalang suspek pagkatapos ng pamamaril. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad …

Read More »

San Juan COP, SWAT members sibak sa hostage

SINIBAK sa puwesto ang chief of police at miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng San Juna City police station kaugnay ng hostage drama na naganap kamakailan. Agad nag-isyu ng relief order si EPD director, Chie Supt. Abelardo Villacorta, kay Sr. Supt. Joselito Daniel at mga tauhan ng SWAT. Hindi pa pinangalanan ang mga tauhan ng SWAT na …

Read More »

PNoy muling nabiktima ng hecklers

NADESMAYA ang Palasyo nang muling maranasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paninigaw sa kanya ng apat na estudyante habang nagtatalumpati sa inagurasyon ng isang road widening project sa Iloilo City kahapon.                   Ito ang pangalawang insidente ng heckling sa Pangulo sa nakalipas na dalawang linggo, una ay kagagawan ni Ateneo de Naga psychology student Emmanuel Mijares sa Independence Day event …

Read More »

DoJ probe vs Alcala, Abad sinimulan na (Sa pork barrel scam)

UNTI-UNTI nang sinisimulan ng Department of Justice (DoJ) ang imbestigasyon laban kina Department of Budget Sec. Butch Abad at Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Ngunit tumanggi munang magbigay ng detalye si Sec Leila De Lima kung kailan ang pormal na pagsisimula dahil dumadaan pa sa vetting process ang …

Read More »

PNR operation babalik sa Setyembre

NAGA CITY – Nagtungo sa lungsod ng Naga ang grupo ng Philippine National Railways (PNR). Ito’y upang isagawa ang inspeksyon sa mga pasilidad, riles at tulay na dadaanan nang muling pagbiyahe ng Bicol Express. Ayon kay PNR division manager Constancio Toledano, pinangunahan ang inspection team ni PNR general manager Joseph Allan Dilay. Ang inspeksiyon ay kasunod nang tuluyan nang pagpirma …

Read More »

Pahinante pisak sa trak

PISAK ang ulo ng isang pahinante matapos masagasaan nang tumalon mula sa sinasakyang trak matapos sabihin ng driver na nawalan ng preno kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City . Patay agad ang biktimang si Jowersky Manrique, 18, ng Tibagan, Bustos, Bulacan, sanhi ng pagkalasog ng katawan at pagkapisak ng ulo nang maipit sa gulong ng trak. Kusang-loob na sumuko …

Read More »

Ulan, baha posibleng maulit — PAGASA

MAAARING maulit ang malakas na pagbuhos ng ulan kamakalawa pati na ang baha sa ilang bahagi ng Luzon. Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 240 silangan sa Baler, Aurora. Kabilang sa mga posibleng ulanin ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bataan, Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija at Quezon. Magugunitang libo-libo ang stranded …

Read More »

Batang naligo sa ulan nalunod sa estero

PATAY ang isang 7-anyos na batang lalaki nang tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Jonard Pinoquio, ng 2416 Blumentritt St., Sta. Cruz, Maynila sa Estero de Antipolo. Nabatid na nakuha ni SN 1 Rennel Quiacos, ng Philippine …

Read More »

4 minors, 1 pa timbog sa ninakaw na kawad ng koryente

LIMA katao, apat dito ay menor de edad, na pawang tinaguriang ‘Spaghetti Gang’ ang inaresto dahil sa pagnanakaw ng kawad ng koryente sa Taguig City. Laking tuwa naman ng mga residente ng Pulang Arienda, Taytay, Rizal, sa pagkakaaresto sa mga suspek dahil hindi na sila makararanas pa ng biglaang pagkawala ng koryente. Ayon kay Juvy Oray, ng Ruhalle St., madalas …

Read More »

West PH sea inangkin ng China sa mapa

HINDI pwedeng ibatay lang sa drawing ang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea. Ito ang bwelta ng Palasyo sa inilabas na bagong mapa ng China na kasali na ang pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea na halos umabot na sa Palawan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kahit may sinasabing batayan sa kasaysayan ang …

Read More »