Friday , November 15 2024

Masonry Layout

MRT tren biglang huminto, pasahero nagtumbahan

BIGLANG huminto ang tren ng MRT dahilan para magtumbahan ang mga pasahero nito kahapon ng umaga. Ayon sa pasahero ng MRT na si Mildred Anyayahan, “smooth” pa ang biyahe nang sumakay siya mula sa MRT-Quezon Avenue Station southbound. “Kaya lang pagdating sa pagitan ng Cubao saka Santolan (stations), bigla na lang pong nag-sudden stop ‘yung train tapos halos lahat po …

Read More »

Serial holdaper/rapist todas sa pag-agaw ng baril

PATAY makaraan mang-agaw ng baril ang suspek sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa walong establisimento sa Quezon City at pagpatay sa isang Koreana.  Pasado 11 p.m. nitong Lunes, katatapos lang ng ikatlong inquest proceedings sa mga kaso laban sa suspek na si Mark Soque nang bigla niyang agawin ang baril ng lady cop na si PO3 Juvy Jumuad, isa sa …

Read More »

3 pasyenteng under observation negatibo sa MERS-Cov

NEGATIBO sa MERS coronavirus (MERS-Cov) ang tatlong kaso na mino-monitor ng Department of Health (DoH). Ang tatlo ay nakasalamuha ng Filipina nurse galing ng Saudi Arabia na nagpositibo sa virus. Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ang isa sa mga inobserbahan nilang pasyente ay may pneumonia at hindi MERS-CoV. Ang isa pang pasyente na hindi naka-confine sa Research …

Read More »

DQ vs ER Ejercito isinapinal na ng SC

PINAL na ang desisyon ng Korte Suprema na nagdi-disqualify kay Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna.  Ito’y makaraan ibasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni Ejercito noong Nob-yembre 25, 2014.  Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, walang bagong argumentong iprinesenta ang kampo ni Ejercito para gamiting batayan sa hi-nihingi niyang pagbaligtad sa naunang desisyon.  Nobyembre noong …

Read More »

Parak tigbak sa Cavite ambush

PATAY ang isang pulis makaraan tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Palico 4, Imus, Cavite kamakalawa. Kinilala ang biktimang si PO3 Renato Amin, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng lalawigan. Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Inspector Ricky Neron, galing sa surveillance ang biktima at pabalik na sa estasyon nang tambangan at pagbabarilin. Isang babaeng …

Read More »

Lolo tiklo sa anti-drug ops sa Pasay

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug-Station Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Pasay City Police ang isang 65-anyos lolo na nasa top ten drug personality, sa anti-drug operation kamakalawa sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police  Officer-In-Charge (OIC), Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia ang suspek na si Francisco Navor alyas Batito, ng 505 Edang St., Zone …

Read More »

Buntis, 3 kaanak patay sa Pasay fire

PATAY ang apat na magkakamag-anak, kabilang ang isang buntis, sa sunog sa Merville Access Road sa Pasay City kahapon. Pasado 9 a.m. nang marekober ang magkakapatong na labi nina Nida Lacaimat, 49; anak niyang si Ramil, 25; buntis na manugang na si Danna Mente, 20; at apong si Cindy Pacayun, 10-anyos. Ayon sa ulat, nahulog sa creek ang apat makaraan …

Read More »

Ex-DND Chief Gonzales utak sa destab plot (Ayon kay Trillanes)

TINUKOY ni Sen. Antonio Trillanes IV si dating Defense Secretary Norberto Gonzales bilang nasa likod ng planong destabilisasyon laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Trillanes, gumagalaw si Gonzales at kinokombinse ang desmayadong SAF troopers upang mag-aklas laban sa administrasyong Aquino. Ginagamit aniya ni Gonzales ang isyu nang madugong Mamasapano incident upang hikayatin ang mga miyembro ng PNP …

Read More »

US role sa Oplan Exodus patunayan (Hamon ng Malacañang)

HINAMON ng Malacañang ang Special Action Force (SAF) officer na nagbulgar sa sinasabing pagpapasimuno ng US sa operasyon laban sa teroristang si Marwan. Magugunitang sa nasabing operasyon, namatay ang 44 PNP-SAF troopers at namataan ang pag-rescue ng US choppers. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mainam na maimbestigahan sa pagdinig ng Kongreso ang mga alegasyon para malinawan. Dapat din aniyang …

Read More »

Binay sa destab plot bineberipika ng Palasyo

BINEBERIPIKA ng Palasyo ang ulat na kasali si Vice President Jejomar Binay sa mga pagkilos para patalsikin si Pangulong Benigno Aquino III, at kabilang ang Bise Presidente sa bubuo sa transitional council na ipapalit sakaling magtagumpay ang oust Aquino movement. ”Kailangang beripikahin kung kinokompirma ng panig ni VP ang nakasaad sa balita,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Ang …

Read More »

Pari, Santo Olio ibinawal ni Garin sa MERS-CoV patients

WALANG ‘anointing of the sick’ sa mga biktima ng MERs-COV. Ito ang babala ni Acting Health Secretary Janet Garin at pinayuhan ang mga pari na iwasan magbigay ng sakramentong ito upang makaiwas na mahawa ng virus. “Ministering of the sick requires them to face and make direct contact with the patient, they are strictly prohibited from doing it for the …

Read More »

Oil price hike dapat tanggapin ng publiko — Palasyo  

DAPAT ay tanggap na ng publiko ang realidad na pagtaas at pagbaba  ng  presyo ng produktong petrolyo dahil dalawang dekada nang umiiral ang ganitong uri ng sistema, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi na dapat nakararamdam ng pag-aalala o pamomroblema  ang mga motorista at transport group sa tuwing may nakaambang pagtaas sa presyo ng langis at produktong …

Read More »

P.2-M reward vs killer ng brodkaster

CEBU CITY – Naglaan ang Bohol provincial government at LGU-Tagbilaran City ng reward money sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa gunman na pumatay sa isang brodkaster nitong umaga ng Sabado. Si Bohol Gov. Edgar Chatto ay nagpalabas ng P100,000 habang P50,000 mula sa city officials at may private sector na magbibigay para sa karagdagang halaga. Layunin ng pagbibigay ng …

Read More »

Babala ni Duterte minaliit ng Palasyo

MINALIIT ng Malacañang ang babala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat umaksiyon agad si Pangulong Benigno Aquino III para pigilan ang inaasahang kaguluhan sa Central Mindanao bunsod nang pagkaunsyami ng Bangsamoro Basic law (BBL). Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng operasyon ng militar at pulisya ay nasa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng Pangulo bilang commander …

Read More »

14-anyos dalagita pinatay saka itinapon ng rapist sa damuhan

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita na unang iniulat na nawawala makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa Marilao, Bulacan. Sa ulat na nakalap sa Marilao police, kinilala ang biktimang si Analyn de Guzman, 15-anyos, out of school youth, at residente ng Brgy. Lambakin, sa naturang bayan. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa madamong bahagi sa nabanggit …

Read More »

P11-B Pacman-Floyd mega fight tuloy na

UMAABOT ng halos P11 bilyon ang premyo sa mega fight nina eight division world champion Manny Pacquiao at undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. Ayon sa source ng telegraph.co.uk na malapit sa Filipino ring icon, nagkasundo na sina Pacman at Mayweather sa $250 million mega fight na maaaring mangyayari sa Mayo 2, 2015. Katunayan, sinasabing nakalagda na si Pacman sa kontrata …

Read More »

Mison sinupalpal ng DOJ

SINUPALPAL ni Justice Secretary Leila de Lima ang kahilingan ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred B. Mison na mabigyan ng awtoridad sa paghahain ng administratibong kaso at imbestigahan ang mga empleyado ng BI. Nauna rito, hiniling ni Mison sa kalihim na mabigyan ng exclusive authority “to file or initiate administrative cases against BI employees, conduct preliminary investigation and formal investigation.” …

Read More »

Shabu lab sa Masbate supplier din sa Luzon

LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang hindi lamang mga lugar sa Bicol region ang sinusuplayan ng shabu laboratory na ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Masbate. Ayon kay Major Roque Merdejia, tagapagsalita ng joint operation, base sa volume ng mga narekober na kagamitan sa loob ng laboratoryo, posibleng …

Read More »

Pagpaslang sa brodkaster kinondena ng Palasyo

NAKIISA ang Palasyo sa pagkondena sa pagpaslang sa isang radio commentator ng DYRD sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa. Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., kumikilos na ang mga awtoridad para madakip at mapanagot ang pumatay sa broadcaster na si Maurito Lim. “Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa ating lipunan kung kaya patuloy itong nakikipagtulungan sa …

Read More »

Malamig na panahon patapos na – PAG-ASA

KINOMPIRMA ng Pagasa na papasok na ang tag-init sa mga darating na linggo, kasabay ng paghupa ng malamig na temperaturang dala ng northeast monsoon o hanging amihan. Ayon sa ulat ng Pagasa, nagsisimula nang maramdaman ang easterlies na naghahatid ng mainit na hangin. Ito ay inaasahang mamamayani sa buong summer season. Samantala, patuloy ang paglapit ng low pressure area (LPA) …

Read More »

Indoor air pollution mas matindi kaysa outdoor

MAS matindi ang air pollution kaysa outdoor air, ito ay ayon sa artikulo ng The Green Magazine, ang science publication sa Estador Unidos. Tinukoy ang resulta ng pagsasaliksik ng US Environmental Protection Agency (EPA), sinabi ni Helke Ferrie, isang science writer, ang isang sanhi ng indoor air toxity ay ang gas appliances na nagpoprodyus ng carbon gayondin ng nitrogen monoxide, …

Read More »

Recall election laban sa Puerto Princesa mayor kinuwestiyon sa SC

ISANG petisyon ang isinampa sa Supreme Court na humihiling ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa recall election bid kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron. Ayon sa petisyon, labis na umabuso sa poder ang Commission on Elections (Comelec) nang aprubahan ang petisyon para sa recall election kahit marami itong depekto. “Bahagi ang recall elections ng ating …

Read More »

HOOQ, Asia’s video-on-demand service,  inilunsad sa Pinas (Kapartner Ang Globe )

INILUNSAD na sa Pilipinas ang HOOQ, ang Asia’s video-on-demand service,  sa pakikipagtambalan sa Globe Telecom. Magkakaloob ang HOOQ, isang start-up joint venture sa pagitan ng Singtel, Sony Pictures Television at Warner Bros. Entertainment, sa mga customer ng Globe Telecom ng unlimited online streaming access at offline viewing option para sa Hollywood at Filipino movie at television content, sa pamamagitan ng …

Read More »

31 pamilya inilikas dahil sa sinkhole

INILIKAS ang 31 pamilya mula sa Purok Tinago, Dadiangas South, General Santos City dahil sa hinihinalang sinkhole malapit sa dalampasigan. Kwento ng mga residente, bandang 5 a.m. nitong Linggo nang biglang dumausdos ang buhangin sa dagat. Unti-unti na ring nilalamon ng tubig-dagat ang buhanging kinatitirikan ng haligi ng ilang bahay. Pansamantalang mananatili sa covered court ng Irineo Santiago National High …

Read More »