Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

July 17-Eid’l Fitr deklaradong holiday — PNoy

PORMAL nang idineklara ng Malacañang na regular holiday sa buong bansa ang Hulyo 17, 2015, Biyernes, para sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr ng mga Muslim. Ito ay base na rin sa Republic Act No. 9177 na nagdedeklarang regular holiday ang feast of Ramadan. Ito ang araw na pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim. Ang deklarasyon ay …

Read More »

Recruiters ni Veloso kakasuhan na — DoJ

PINASASAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) ang recruiters ni Mary Jane Veloso na nakapiit sa Indonesia dahil sa kasong pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa DoJ, nakakita nang sapat na batayan para ituloy ang reklamo kina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao. Matatandaan, inakusahan ang dalawa na siyang nasa likod ng pagtungo ni Veloso sa Indonesia …

Read More »

Fil-Am, 1 pa nadakma sa pot session

ARESTADO ang isang Filipino-American at ang kanyang kaibigan makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa isang subdibisyon sa Baliuag, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Enrico Vargas, hepe ng Baliuag police, ang naaresto ay si Rhonald Anhony Calvo, 42, residente ng Guam; at kaibigan niyang si Antonio Enriquez, 40, ng Brgy. Capihan, San Rafael, sa naturang lalawigan. Ayon kay …

Read More »

Hulidap victim ng parak nagpasaklolo sa NBI

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante na nabiktima ng ‘hulidap’ ng mga pulis na nakatalaga sa Caloocan Police District at natangayan ng P2-milyon sa ilegal na operasyon. Ayon sa NBI Anti-Organized Transnational Crime Group (NBI-AOTCD), nitong Lunes nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang negosyante mula sa Tanauan, Batangas at eksaktong isang taon na ang nakalilipas nang …

Read More »

Bagyong Falcon nanatiling malakas

NAPANATILI ng Bagyong Falcon ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pa-kanluran hilagang kanluran. Batay sa huling abiso ng PAGASA, dakong 10 a.m. nitong  Miyerkoles, namataan ito sa layong 1,250 kilometro (km) silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 …

Read More »

P.8-M shabu nasabat sa Pasay LBC hangar

HINDI kukulangin sa 200 gramo ng shabu na itinago sa loob ng lava cake ang nasabat kahapon ng joint operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency, BOC-NAIA X-ray unit at Airport Police personnel sa LBC Hangar na matatagpuan sa General Aviation Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Ayon kay Airport Police officer Alejandro M. Pineda, ang pinaghihinalaang …

Read More »

Misis na may saltik pinatay ni mister

CAGAYAN DE ORO CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung nagpakamatay o pinatay ang babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Retablo, Libertad, Misamis Oriental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Herocencia M. Pagalan, nasa hustong gulang, at nakatira sa nasabing lugar. Habang nasa kustodiya ng Libertad Police Station ang asawa niyang si Isabelo Pagalan. Ayon kay Senior Inspector Michael Lacasan …

Read More »

Sekyu nadulas, nahulog mula 7/F nabagok tigok

PATAY ang isang guwardiya nang madulas sa ikapitong palapag, nahulog sa 3rd floor at tumama ang ulo sa pinakakanto ng isang exhaust fan sa isang ginagawang gusali sa Pasay City kahapon ng umaga. Agad binawian ng buhay sanhi nang pagkabasag ng bungo ang biktimang si Rogelio Rivera, may sapat na gulang, ng Defense Specialist Security Agency, at tubong Centro Sur, Camalinlugan, Cagayan. Sa imbestigasyon …

Read More »

Mag-asawa patay sa taga ng utol ni mister

ZAMBOANGA CITY – Patay ang mag-asawa makaraan pagtatagain ng kapatid ng mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay New Katipuna, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang si Belbestre Sumuso Pintor, 33, at misis niyang si Merlyn Dapanas, 28. Batay sa report ng Police Regional Office (PRO-9), mismong ang bunsong kapatid ng lalaking biktima na kinilalang si …

Read More »

Totoy, ate, 1 pa patay sa sunog sa Batangas (1 kritikal, 5 sugatan)

PATAY ang tatlo katao nang matupok ang apat- palapag na gusali sa Brgy. Poblacion sa Lian, Batangas nitong Miyerkoles. Kinilala ni BFP Region IV-A Director Ireneo Palicpic ang mga biktimang sina Annaliza Hunson, 50; Jewel Grace Batoto, 12; at kapatid niyang si John Clifford, 9.  Sa inisyal na imbestigasyon, namatay si Hunson nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng JJJ …

Read More »

23 katao tiklo sa QCPD anti-illegal drug raids

UMABOT SA 23 katao na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City. Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, ang 12 sa nadakip ay naaresto sa buy-bust operation ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) at Batasan Police Station …

Read More »

Aresto vs Wang Bo ilegal

ILEGAL ang pag-aresto kay Wang Bo at labag sa karapatang pantao ayon sa saligang batas kaya’t dapat lamang siyang palayain, ito ang pahayag ni Atty. Dennis Manalo, sa muling pagharap sa imbestigasyong isinasagawa ng Committee on Good Governance ng mababang kapulungan.  Walang  legal na basehan ang pag-aresto ng Bureau of Immigration. “Ang mga dokumentong pinagbasehan upang idetine at i-deport ang …

Read More »

Bilateral talks sa China muling ibinasura ng PH

MULING ibinasura ng Malacañang ang panukala ng China na daanin sa bilateral talks ang territorial dispute sa West Philippine Sea. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, malinaw ang posisyon ng Filipinas: kailangang kilalanin ang prinsipyo ng ASEAN Centrality dahil sa Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan noon pang 2002. Ayon kay Coloma, hindi lamang …

Read More »

Roxas: Trabaho muna

HINDI alintana ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga isyung politika sa pagbisita niya sa San Fernando City, La Union para sa Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) briefing sa San Fernando City Hall. Kasama ni Roxas si DSWD Secretary Dinky Soliman upang magdala ng 30,000 family food packs para sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay. “Nandito kami para masiguro …

Read More »

Patay sa Ormoc tragedy 62 na

ISANG bangkay ng bata na pinaniniwalaang pasahero nang lumubog na M/B Kim Nirvana ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Ormoc City sa Leyte. Sa pagtaya ng mga nag-ahon sa bangkay, nasa pagitan ng dalawa hanggang apat na taon gulang ang naturang biktima. Agad dinala ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay sa punerarya dahil ‘bloated’ na …

Read More »

P.2-M droga nakompiska sa checkpoint sa Lucena

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang mangingisda makaraan makompiskahan ng ilegal na droga sa checkpoint operation ng mga awtoridad sa Lucena City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Florencio Delos Angeles, 43-anyos. Nakuha sa pag-iingat ni Delos Angeles ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may laman ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia. Sa pagtaya …

Read More »

Impraestruktura, agrikultura pininsala ni Egay

NAG-IWAN ng milyon-milyong pinsala sa impraestruktura at agrikultura ang bagyong Egay nang manalasa sa bansa. Sa press conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes ng umaga, sinabi ni spokesperson Mina Marasigan, may napinsalang mga bahay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Palawan at Benguet. Sa nabanggit na mga lugar aniya, apat na bahay ang …

Read More »

Aussie natagpuang patay sa hotel

HINIHINALANG inatake sa puso ang isang 48-anyos Australian national makaraan matagpuang walang buhay sa loob ng isang hotel sa Maynila kahapon. Nakaharang sa pintuan nang matagpuan ni Alvin Dela Pena, 34, room boy, ang biktimang si Jason Pericles Fahibusch, ng 23 Melford St., Hurlston, Sydney Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7:05 a.m. …

Read More »

Restrooms for gays ipatatayo sa paliparan

MAGPAPATAYO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga communal toilet o all-gender restrooms. Alinsunod sa Gender Awareness Development Program ng pamahalaan, isasagawa ito ngayong buwan kasabay ng pagsasaayos sa mga palikurang nasa 41 paliparan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng CAAP. Ang all-gender restrooms ay magagamit ng mga babae, lalaki o ano mang gender identity o expression …

Read More »

Chinese nat’l, 2 pa timbog sa droga

ARESTADO ang isang Chinese national at dalawa niyang kasama sa pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Patrick Martin (Ching Qin Ang), 48, negosyante; Wilson Resurreccion, 37, at Adrian Bersola, 45-anyos. Ayon sa …

Read More »

Kelot todas, 1 pa kritikal sa karera ng motorsiklo

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang isa pa nang magkasagian ang kanilang motorsiklo habang nagkakarera kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Jeralyn Paredes, nasa hustong gulang, sanhi ng pagkadurog ng ulo at bali sa katawan, habang kritikal ang kalagayan sa Chinese General Hospital ng kakarera niyang si Jonathan Sajonia. …

Read More »

Forensic probe sa Kentex tapos na — PNP (74 opisyal na bilang ng biktima)

IKINOKONSIDERA ng pamunuan ng PNP Crime Laboratory na tapos na ang kanilang trabaho sa pagsasagawa ng forensic investigation kaugnay ng naganap na Kentex fire tragedy sa Valenzuela City. Ito’y makaraan ma-identify ng PNP Crime Lab ang huling dalawang naging biktima sa naganap na sunog noong Mayo. Kinilala ang dalawang biktima na sina Jony Ang Discallar, isang lalaki, natagpuan ng PNP …

Read More »

Most wanted person sa Bulacan timbog

NAGWAKAS ang malaon nang pagtatago sa batas ng isang lalaking kabilang sa itinuturing na most wanted person sa Bulacan, makaraan masakote ng pulisya sa kanyang pinagtataguan. Kinilala ang nadakip na suspek na si Jonjon Rama, alyas Nognog, naaresto ng pulisya sa kanyang lungga sa Brgy. San Juan, San Ildefonso, sa naturang lalawigan. Sa ulat, napag-alaman si Rama ay no.2 most …

Read More »

Egay sasamahan  ng isa pang bagyo

INAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isa pang bagyo na may international name na Chan Hom. Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, posibleng sa Martes o Miyerkoles pumasok ng PAR ang Tropical Storm Chan Hom. Tatawagin itong bagyong Falcon pagpasok ng PAR. Sakaling pumasok, nasa border lang ito ng PAR, ayon kay state weather …

Read More »