Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Protesta ng Iglesia umatras na

PAGKATAPOS nang halos tatlong araw na protesta sa ilang bahagi ng EDSA, umatras na ang Iglesia Ni Cristo at pinauwi ang kanilang mga miyembro kahapon ng umaga. Sa isang pahayag, inianunsiyo ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago na nakapag-usap na ang kanilang panig at ng pamahalaan at naipaliwanag nang mabuti ang posisyon ng gobyerno. Tinanggap ito ng INC kaya’t pinatigil na …

Read More »

5 UP Manila mountaineers nalunod, 6 missing sa Tarlac creek

NALUNOD ang limang mountaineers habang anim ang patuloy na pinaghahanap makaraan tangayin ng alon sa Nagsasa Creek sa San Jose, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.  Ayon kay Cha Mallari ng Region 3 Office of the Civil Defense, tumatawid sa creek ang mga biktima bandang 3 p.m. nang biglang tumaas ang tubig at tinangay ng mga biktima.  Dagdag ni Mallari, ang …

Read More »

P4-M droga nakompiska sa Davao Norte (4 patay, 9 arestado)

DAVAO CITY – Umabot sa P2.2 milyong halaga ng shabu at P1.7 milyong halaga ng marijuana ang nakompiska ng Davao del Norte PNP sa inilusad na simultaneous implementation ng warrant of arrest. Matagumpay at sabay-sabay na nahuli ang siyam suspek sa operasyon laban sa illegal na droga, ng Davao Del Norte Police Provincial Office (DNPPO), CIDG Eastern Mindanao, RAIDSOTG 11, …

Read More »

5 patay, 1 missing sa Batangas fire

 LIMA ang patay at isa ang nawawala sa naganap na sunog sa Taal, Batangas kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay Taal PNP Chief Inspector Apolinario Lunar, may limang bangkay na ang kanilang natagpuan ngunit hindi na nila makilala dahil sa sunog na sunog ang mga katawan. Ngunit ayon sa nakaligtas na si Gerry Paz, anim aniya ang alam niyang naiwan sa …

Read More »

“Ako ay Pilipino” Movement inilunsad

INILUNSAD kahapon ang Pambansang Araw ng mga Bayani ng sektor ng mga kabataan, sa pangunguna ng Partido ng mga Mag-aaral na Nagkakaisa, ang AKO AY PILIPINO MOVEMENT na magsisilbing tinig ng saloobin ng sambayanang Filipino sa gitna ng mahahalagang usapin at suliranin na kinakaharap sa kasalukuyan ng ating bansa. Layunin ng kilusan na ipahayag ang damdamin ng sektor ng kabataan …

Read More »

Kuwestiyon sa Customs tagos sa gov’t

“LAHAT ito ay hahantong sa kuwestiyon ng tiwala. At sa ngayon, wala nito ang gobyerno.” Ito ang mariing pahayag ni OFW Family Rep. Juan Johnny Revilla kasabay ng pahayag na ang galit ng overseas Filipino worker (OFW) sa Bureau of Customs (BoC) at sa gobyerno matapos mapabalita ang planong buksan ang mga balikbayan box ay resulta ng  masamang karanasan sa …

Read More »

Roxas, De Lima nanindigan sa batas

PUMANIG sa Iglesia ni Cristo ang maraming politiko dahil na rin sa pambabatikos ng netizens sa ginagawang pagkilos ng INC. Nagsimula ang pagkilos nang magprotesta ang mga miyembro ng INC sa Padre Faura sa harap ng Department of Justice (DoJ) nitong nagdaang Huwebes. Kinabukasan, Biyernes, ay lumipat sila sa panulukan ng EDSA at Shaw Boulevard na naging sanhi ng mas …

Read More »

Yolanda survivor patay, anak sugatan sa ratrat ng 4 armado (Tulong pinansiyal pilit kinukuha)

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kaso ang apat suspek sa pagpatay sa isang benepisaryo ng Emergency Shelter Assistance (ESA) na ipinamimigay ng National Government sa survivors ng bagyong Yolanda. Kalaboso ang mga suspek na sina Felix Boring, George Palconit, Eugenio Gervacio, at Michael Corpin, agad nahuli makaraan ang pagpatay sa biktimang si Romeo B. Lauron, 55-anyos, residente ng Sitio Dalupingan …

Read More »

OFWs sa Hong Kong nagprotesta vs BoC

NAGKILOS-PROTESTA ang overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong kahapon laban sa anila’y “oppressive” taxation at inspection na nais ipatupad ni Customs Commissioner Alberto Lina sa balikbayan boxes. Ayon sa Migrante Hong Kong, sinimulan ng OFWs ang demonstrasyon dakong 11 a.m. sa Chater Road at nagtungo sila sa Philippine consulate general para sa programa. Panawagan ng grupo sa pamahalaan ni …

Read More »

Kelot tigok sa hit & run ng 2 kotse

AGAD binawian ng buhay ang isang lalaki makaraan mabundol ng dalawang kotse sa Boni Serrano, Katipunan-bound, sa kanto ng 19 Putol St., Murphy, Cubao, Quezon City kahapon. Ayon kay BPSO Richard de Ticio, isang residente ang humingi ng tulong upang madala sa pagamutan ang biktima ngunit bago dumating ang ambulansiya ay wala na siyang buhay. Kinilala ang biktimang si Von …

Read More »

2 Chinese nat’l 2 taon kulong (Nagpanggap na Pinoy)

HINATULAN ng dalawa at kalahating taon pagkabilanggo ang dalawang Chinese national na kinasuhan ng falsification of public documents makaraan magparehistro sa Commission on Elections at nagpanggap na mga Filipino at nakaboto sa halalan. Bukod sa  pagkabilanggo, pinagmulta rin ng P5,000 ni Metropolitan Trial Court Branch 9 Judge Yolanda Leonardo sina Aurora Co Ching at kanyang anak na si Jaime. Base …

Read More »

Deped Usec utas sa motorbike

BINAWIAN ng buhay ang isang undersecretary ng Department of Education (DepeD) sa isang aksidente dakong 9 a.m. sa lalawigan ng Rizal nitong Sabado. Hindi na umabot nang buhay si DepEd undersecretary for Finance and Administration Francisco Varela sa Padilla District Hospital sa Antipolo City makaraan dumulas at tumumba ang sinasakyan niyang motor sa kahabaan ng highway sa Rizal. Ayon sa …

Read More »

CCW Magpupulong sa BBL, Tribo

NAGPULONG ang anti-crime group Citizens Crime Watch (CCW) kahapon upang isulong ang kapayapaan at kapakanan ng mga tribo at Muslim sa Cordillera at Mindanao. Ayon kay CCW leader  sa Cordillera Administrative Region (CAR) Leonardo Balicdan, ang program ay nasa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang bersiyon ay inamyendahan sa Senado ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman …

Read More »

Mag-asawang swindler arestado

ARESTADO sa mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang swindler nang makatunog sa kanilang “modus operandi” ang negosyanteng kanilang biniktima, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nakapiit ngayon sa MPD-Police Station 4 at nakatakdang sampahan ng kasong estafa thru swindling ang mga suspek na sina Walter Peckson, 41; at Susan Peckson, 29, kapwa ng 127 Ignacio St., Pasay …

Read More »

INC hihirit magpalawig ng protesta

NAGPAHIWATIG ang Iglesia ni Cristo (INC) na posibleng humirit sila ng extension sa kanilang permit upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng rally sa Mandaluyong. Nitong Linggo nakatakdang matapos ang permit na ibinigay sa kanila ng lokal na pamahalaan ng siyudad. Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang city government kaugnay ng pagpapalawig ng bisa ng permit ng INC. Unang nagsagawa ng …

Read More »

Pambubugbog sa ABS-CBN cameraman iimbestigahan

 IIMBESTIGAHAN ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pambubugbog sa cameraman ng ABS-CBN nitong Biyernes. Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala, aalamin nila kung totoong mga kaanib ng sekta ang tatlong lalaking nanakit sa cameraman na si Melchor Pinlac sa kasagsagan ng protesta sa EDSA. Tiniyak ni Zabala na kung mapatutunayan na miyembro ng INC ang mga kumuyog …

Read More »

4 sugatan sa sunog sa Koronadal

KORONADAL CITY- Apat ang sugatan at 15 pamilya ang apektado sa sunog sa Prk. Magsaysay Brgy GPS, Koronadal dakong 4 p.m. nitong Sabado. Ayon kay SFO1 Cezar Salarza ng BFP Korondal, walong bayhay ang totally damage at may kabuuang P500,000 danyos. Idineklarang fireout ang sunog dakong 4:51 p.m. Sa imbestigasyon ng BFP, nag-umpisa ang sunog sa bahay ni Nenita Samudin. …

Read More »

NAKIKINIG si Pangulong Benigno Aquino III habang inihahayag ni His Excellency General Prayut Chan-o-cha, Prime Minister ng Kingdom of Thailand, ang kanyang mensahe sa State Luncheon sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon para sa opisyal niyang pagbisita sa Filipinas. (JACK BURGOS)

Read More »

ORTEGA MURDER CASE. Humingi ng tulong ang pamilya Ortega sa tanggapan ng Department of Justice (DoJ) para sa hustisya sa pinaslang na si Doc. Gerry Ortega. Kasabay nito, nanawagan ng lagda ang pamilya sa inilunsad nilang campaign drive upang makombinsi ang DoJ na bigyang atensiyon ang kaso na umabot na ng limang taon ngunit hindi pa rin nahuhuli ang suspek …

Read More »

PATAY ang riding in tandem makaraan makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng QCPD-Special Traffic Action Group (STAG) nang tangkang takasan ang inilatag na checkpoint sa Regalado St., hanggang umabot ang habulan sa Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro, Quezon City kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

Read More »

DALAWAMPU’T LIMANG kandidata na homosexual ang lumahok sa beauty pageant sa Quezon City bilang pagpapakita ng lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng patas na kasarian o gender equality na ginanap sa Annabels restaurant kahapon. (ALEX MENDOZA)

Read More »

Media killings, harassment kinondena

NANAWAGAN ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga awtoridad na agarang resolbahin ang panibagong insidente ng karahasan na biktima ang ilang kagawad ng media. Kinondena ng KBP sa pamamagitan ni National Chairman Herman Z. Basbaño ang pagpatay sa radio broadcaster na si Cosme Maestrado sa Ozamiz City, sa Misamis Occidental. Si Maestrado, isang hard-hitting anchorman ng himpilang DXOC, …

Read More »

Positive Poe, constructive Chiz sa 2016 — Mendoza

“SAMYO ng sariwang hangin sa napakaruming mundo ng politika.” Ganito ang pagha-hambing ni Batangas Rep. Mark Mendoza kay Sen. Grace Poe kasabay ng obserbasyong patuloy na lumulobo ang bilang ng mga sumusuporta sa babaeng mambabatas dahil sa kanyang positibong paningin, talino at kaaya-ayang disposisyon. “Makikita ito sa reaksiyon ng mga estudyante ng University of San Carlos sa Cebu noong maimbitahan …

Read More »

Milyones mawawala sa gov’t sa No Remittance Day

INIHAYAG ng grupong Migrante party-list, milyon-milyon ang mawawala sa gobyerno sa ikinasang “No Remittance Day” ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Biyernes, Agosto 28. Ikinasa ang “No Remittance day” bilang pagpapakita ng protesta ng OFWs sa isyu ng pagbubukas ng balikbayan boxes sa Bureau of Customs. Sinabi ni Migrante chairperson Connie Bragas-Regalado, kompirmadong kasunod ng panawagan at udyok ng OFWs …

Read More »

‘NRD’ inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang ilulunsad na “No Remittance Day” ng grupong Migrante bilang protesta sa pagtatakda ng gobyerno ng P600-milyong revenue sa balikbayan boxes. Iginiit ng Migrante na hindi dapat ituring ng gobyerno na “milking cow” ang overseas Filipino workers (OFWs). Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang dapat ikabahala sa “No Remittance Day” dahil dati na itong ginawa …

Read More »