INIHAYAG ng mga pari mula sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto na ngayong Biyernes, Enero 8 magsisimula ang tradisyonal na Pahalik. Ito ay dahil may mga debotong maagang pumila sa Quirino Grandstand kahapon sa pagbabakasakaling maagang simulan ang Pahalik sa Nazareno. Iginiit ni Fr. Douglas Badong ng Quiapo Church, dakong 8 am ngayong Biyernes magsisimula ang …
Read More »Masonry Layout
12 sugatan sa salpukan ng 2 DLTB sa Quezon
NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang 12 pasahero makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Sariaya, Que-zon, 12:30 a.m. kahapon. Ayon kay PO3 Andrew Radones, imbestigador ng Sariaya Municipal Police Station, naganap ang insidente nang mag-overtake ang bus mula sa Manila sa kapwa DLTB bus mula sa Bicol. Nagkabasag-basag ang mga salamin ng unahang bahagi ng bus habang basag din …
Read More »25 mangingisda sa Surigao kalaboso sa Indonesia
BUTUAN CITY – Kinompirma ng dalawang barangay chairman ng Surigao City na umabot sa 25 mangingisda ang nakakulong ngayon sa Indonesia dahil sa illegal fishing. Ayon kay Kapitan Josselyn Mantilla ng Brgy. Sabang, 15 sa nasabing bilang ay kanyang constituents habang ang 10 ay taga-Brgy. San Juan base na rin sa pagkompirma ni Brgy. Chairman Monina Caluna. Sa salaysay ni …
Read More »Coed patay sa selfie (Nahulog sa roof deck ng 20-storey condo)
AGAD binawian ng buhay ang isang 19-anyos estudyante nang mahulog habang nagse-selfie mula sa roof deck ng 20-palapag na condominium sa Ermita, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Cristina Marie Pagalilauan, 3rd year Mass Communication student sa Adamson University, residente sa B2, L21 Eternity St., Compil 3, San Vicente, San Pedro, Laguna. Ayon kay Manila Police District Homicide Section PO3 …
Read More »VP gumasta ng P600-M sa pol ads
SI vice president Jejomar Binay ang pinakamalaking gumasta sa TV commercials o political ads mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30 ng taong 2015. Ayon sa monitoring ng media research firm na Nielsen Philippines, gumastos ng P595,710,000 milyon ang kampo ni Binay para sa pag-ere ng mga political ads sa iba’t ibang estasyon sa telebisyon. Kinuwestyon ng tagapagsalita ni Daang Matuwid …
Read More »Doble dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno
INAASAHANG dodoble sa bilang noong nakaraang taon ang mga deboto at turista na dadalo sa parada ng Itim na Nazareno dahil nataon ito sa araw ng Sabado. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic discipline head Crisanto Saruca, napaghandaan na nila ang nasabing bilang dahil magtatalaga na rin ng karagdagang mga personnel ang PNP at AFP para makontrol ang …
Read More »20-anyos bebot sex slave ng tiyuhin
NAGA CITY – Nabunyag ang paulit-ulit na pagsamantala ng isang lalaki sa kanyang 20-anyos pamangkin sa loob nang mahigit isang taon sa Tiaong, Quezon. Kinilala ang biktima sa pangalang Vangie, 20-anyos. Nabatid na mag-isa lamang ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin noong Disyembre 25, 2015 nang biglang dumating ang suspek na si Marco, 68-anyos. Puwersahang pinapasok ng suspek ang …
Read More »Tanggal-lisensiya sa abusadong taxi driver
IPINAKAKANSELA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Roger Catipay, ang taxi driver na nag-viral sa social media dahil sa paninigaw at pananakit sa kanyang pasaherong si Joanna Garcia. Ayon sa LTFRB, personal na humarap si Catipay sa kanilang opisina para ipaliwanag ang kanyang panig. Napag-alaman, nagpahatid ang biktima sa …
Read More »Senado wala nang mapipiga sa Mamasapano probe — Palasyo
DUDA ang Palasyo na may mapipiga pa ang Senado na bagong ebidensya sa pagbubukas muli ng imbestigasyon sa Mamasapano incident. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa pagkakaalam ng Malacañang, lahat ng mga ebidensya at testimonya hinggil sa insidente ay nailabas na sa ginanap na mga imbestigasyon ng Senado, Mababang Kapulungan , Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation …
Read More »PNoy nagpatawag ng pulong sa tensiyon ng Saudi vs Iran
IPINATAWAG ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa tensiyon sa Middle East. Magugunitang napaaga rin ang pagbaba ni Pangulong Aquino mula sa Baguio City dahil sa girian ng Iran at Saudi Arabia. Nababahala raw si Pangulong Aquino sa kalagayan ng dalawang milyong Filipino sa Middle East na maaaring maipit sa kaguluhan. Kaya ipinatawag niya …
Read More »Bebot itinumba sa binggohan (1 pa sugatan)
PATAY ang isang babae habang isa pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalaro ng Bingo sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection unit (QCPD), kinilala ang napatay na si Marianita Barbo, 46, may asawa ng Senatiorial Road, Brgy. Batasan Hills sa …
Read More »Libreng anti-rabies vaccine ibibigay ng DoH
MAGBIBIGAY ang Department of Health (DoH) ng libreng bakuna kontra sa nakamamatay na rabies sa animal bite treatment centers sa buong bansa. Ito ay upang palagana-pin pa ang kanilang kampanya at maiwaksi ang rabies na nakukuha mula sa kagat ng mga alagang hayop partikular ng aso at pusa na sanhi ng kamatayan ng higit 220 katao noong 2015. Kinompirma ni …
Read More »3-anyos nabanlian ng kumukulong tubig tiyahin arestado
NABANLIAN ng kumukulong tubig ang 3-anyos batang paslit ng kanyang tiyahin sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Nakapiit na sa Muntinlupa City Police ang tiyahin ng biktima na si Maryann, 20, ng Brgy. Putatan, ng natu-rang lungsod. Dinala sa pagamutan ang biktimang itinago sa pa-ngalang Marie. Base sa report na natanggap ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa …
Read More »Brownout sa eleksiyon posible — Colmenares
NANGANGANIB na magkaroon ng brownout sa eleksiyon. Inihayag ito ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, base sa pahayag ng Meralco na ang walong power plants sa Luzon na may combined capacity na 4,547.8MW ay may scheduled shutdowns ngayong taon. Bunsod nito, posibleng magkaroon ng manipis na supply ng enerhiya kaya nanganganib na magkaroon ng brownout sa nalalapit na eleksiyon. “The …
Read More »929 final count sa firecrackers injuries
TALIWAS sa unang pagtaya ng Department of Health (DoH) na bumaba nang mahigit 50 porsyento ang bilang ng mga naputukan ngayong taon, mas malaki pa ang lumabas sa final tally kahapon. Ito ang final report ng kagawaran para sa firecracker at stray bullet cases, kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon. Nagsimula ang pagbibilang noong Disyembre 21, 2015. Sa record ng …
Read More »School service naipit sa 2 truck, 2 sugatan
SUGATAN ang dalawang estudyante ng St. Theresa’s College sa Quezon City nang maipit ang kanilang school service sa dalawang truck nitong Miyerkoles ng umaga. Papasok sa eskuwelahan ang mga bata nang biglang banggain ng isang trailer truck sa likod ang kanilang school service sa Mindanao Avenue. Kuwento ni Eduardo Danao, service driver, nakahinto sila dahil traffic ngunit bigla silang sinalpok …
Read More »Traffic constable wala nang diaper — MMDA (Sa traslacion ng Nazareno)
HINDI na pagsusuotin ng diaper ang mga traffic constable dahil hindi komportable habang nagbabantay at nangangasiwa ng trapiko sa gagawing prusisyon ng Itim na Nazareno. Inihayag ito kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos. Ayon sa MMDA Chief, hindi komportable para sa kanilang mga tauhan ang pagsusuot ng diaper habang ginagawa ang kanilang trabaho kaya hindi na nila ito gagawin. …
Read More »Call center agent nagnakaw ng baby (Para ‘di iwan ng BF)
CEBU CITY – Inamin na ng suspek sa pagdukot ng sanggol sa ospital sa Cebu ang ginawang krimen. Ayon kay Melissa Londres, call center agent, nagawa niya ang pagnanakaw ng sanggol para hindi siya iwan ng kanyang kasintahan na si Philip Winfred Almiria. Isinalaysay niya na nakunan siya sa kanyang ipinagbubuntis at hindi niya ipinaalam sa kanyang nobyo para hindi …
Read More »Rider patay, angkas kritikal sa SUV
PATAY ang isang lalaking lulan ng motorsiklo habang kritikal ang kanyang kapatid makaraang banggain ng SUV sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Richie Claraval, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang namatay na si Benjamin Abundo, 35, empleyado ng pest control company, ng Wallnut St., Brgy. West Fairview, Quezon City. Habang nakaratay sa …
Read More »NAGBIGAY ng tulong ang nagbabalik na ama ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim sa mahigit 3,000 residente ng dalawang barangay sa Dagupan Ext.,Tondo, Maynila na biktima ng sunog kamakailan. Kasama ni Mayor Lim ang tandem na si aspiring Vice Mayor incumbent 1st District Congressman Atong Asilo at Konsehal Niño Dela Cruz sa kanyang pag-ayuda sa Manileño na …
Read More »2 paslit patay sa sunog mula sa katol
CAGAYAN DE ORO CITY – Natupok ang katawan ng magpinsang paslit nang hindi makalabas sa nasusunog na bahay sa Purok 9-B, North Poblacion, Maramag, Bukidnon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si Riza Mae Paas, 9, at Angela, 7, residente sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Karen Quijal ng Maramag Police Station, ang naiwang sinindihang katol ang itinuturong dahilan …
Read More »Investors takot manalo si Binay
NEGATIBO sa foreign investors kung sakaling manalo sa halalan si Vice President Jejomar Binay, ayon sa Economist Intelligence Unit (EIU). Ang EIU ay grupo para sa research and analysis ng Economist Group, ang naglalathala ng The Economist, isang batikan at respetadong magasin sa Asia. Sa pag-aanalisa na tinawag nilang “Asia in 2016: Elections” na lumabas noong isang linggo, sinabi ng …
Read More »Palasyo nakatutok sa tensiyon sa Saudi vs Iran
TINIYAK ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran para sa kaligtasan ng maraming migranteng manggagawa. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng overseas Filipino workers (OFWs). Aniya, nakatutok …
Read More »Comelec humirit sa SC ng extension sa kaso ni Poe
HUMIRIT ang Commission on Elections sa Korte Suprema ng karagdagang panahon para tumugon sa dalawang petitions na inihain ni Sen. Grace Poe kaugnay ng kinakaharap niyang disqualification case sa 2016 presidential elections. Ito ay makaraang maghain ng manifestation ang Solicitor General sa Korte Suprema na nagsasabing hindi nila maaring katawanin ang Comelec dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal …
Read More »Blackout sa eleksiyon sa Mindanao posible
MAAARING magkaroon nang malawakang blackout sa Mindanao sa panahon ng 2016 elections. Ito ang babala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng sunod-sunod na pagpapasabog ng mga rebelde sa towers ng NGCP sa Mindanao. Sinabi ni Cynthia Alabanza, Spokesperson ng NGCP, umabot sa 15 tore ang pinasabog ng mga armadong grupo nitong nakaraang taon. Ang reserbang …
Read More »