SUMAILALIM na sa technical inspection ang mahigit 12,000 bagong M4 Carbines ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang makompleto ang delivery noong Disyembre. Ayon kay Army spokesman Col. Benjamin Hao, ang mga inorder na baril na bahagi ng modernization program ng AFP ay isasailalim muna sa inspeksiyon sa pamamagitan ng military experts bago i-turn over sa mga sundalo. “They …
Read More »Masonry Layout
Steelman nangisay sa koryente, 1 pa kritikal
PATAY ang isang 21-anyos steelman habang ginagamot ang kanyang kasama nang madikit ang hawak nilang steel bar sa linya ng koryente sa ginagawang gusali sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila si Noel Sale, stay-in sa construction site sa 1863 Pilar Hidalgo Lim St., Ermita, Manila, habang ginagamot sa nasabi ring ospital …
Read More »Politiko may demand letter mula sa NPA
AMINADO ang ilang politiko na nakatanggap na sila ng sulat mula sa New People’s Army (NPA) para paalalahanan na magbayad ng “permit to campaign” (PTC) sa mga lugar na kontrolado ng mga rebelde. Kinompirma ng tatlong kandidato na tumatakbo sa lokal na posisyon sa Quezon province na nakatanggap na sila ng demand para sa PTC fee. Ayon sa reelectionist mayor …
Read More »Bus nalaglag sa gilid ng kalsada, 15 sugatan
ZAMBOANGA CITY – Umabot sa 15 pasahero ang nasugatan nang mahulog sa gilid ng kalsada ang isang pampasaherong bus sa highway ng Brgy. Bolong sa Zamboanga City kahapon ng numaga. Sa report mula sa Police Regional Office-9, papunta na sa sentro ng bayan ng Zamboanga City ang pampasaherong bus ng Liza May na minamaneho ni Danilo Guerrero Wagas, 46-anyos, dakong …
Read More »3 political supporters sugatan sa strafing incident sa CDO
CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang tatlong political supporters ng dalawang magkaalyadong local political leaders sa bayan ng Kauswagan, Lanao del Norte. Ito’y makaraang paulanan ng mga bala mula sa grupo ni disqualified Mayor Rommel Arnado sa mismong harapan ng municipal hall ng Kauswagan ilang oras bago ipatupad ang nationwide gun ban ng Commission on Elections (Comelec). Inihayag ni …
Read More »Mas mabigat na parusa vs gun ban violators (Babala ng DILG)
DOBLENG kaparusahan ang kahaharapin ng sino mang lalabag sa umiiral na Comelec gun ban. Ayon kay DILG Sec. Mel “Senen” Sarmiento, batay sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Comelec, lalabas na dalawa ang posibleng kaharapin ng isang violator. Ito ay illegal possesion of firearms at paglabag sa gun ban na kabilang sa Omnibus Election Code. Sinabi ni Sarmiento, kapwa may kaparusahan ang …
Read More »Itinurong killer ng parak, arestado
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaking most wanted person na suspek sa pagpatay sa isang pulis, makaraang masakote ng mga awtoridad nang muling bumalik sa kanilang tirahan sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang suspek na si Danilo Natividad, alyas Ting-ting, 40-anyos, ng Luke St., Brgy. 177, …
Read More »Anak ni Tsong sinipa ng Brgy. Chairmen (Sa Parañaque City)
NABALOT ng kontrobersiya ang pamunuan ng Liga ng mga Barangay sa Parañaque City matapos patalsikin bilang pangulo ng kapwa niya mga punong barangay si Jeremy Marquez, anak ng komedyanteng si Joey Marquez, dahil sa sinasabing magaspang na pag-uugali at pagiging oportunista na nagresulta sa pagkawala ng tiwala sa patuloy na pamumuno sa kanilang samahan. Sa isang panayam, kinompirma ni Johnny …
Read More »Anti-Poverty Program ng INC pambulaga sa 2016 (Pinaigting, pinalawak, pinarami)
SA direktiba ni Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Ka Eduardo V. Manalo sa pagpapaigting ng mga proyektong nakatuon sa pagsugpo sa kahirapan na pangunahing isinasakatuparan sa ilalim ng Lingap sa Mamamayan Program ng Felix Y. Manalo (FYM) Foundation, agad isinakatuparan ng INC ang ikalawang bugso ng kanilang 2016 outreach program noong nagdaang Sabado, Enero 9, sa Maharlika Trade Center, …
Read More »Maitim na bigas ipinamudmod sa mga maralita sa Caloocan
MULING kinondena ng grupong Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MataKa) ang pagiging manhid ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nagpamigay ng maitim na bigas nitong Kapaskuhan. Ayon kay MataKa Chairman Almer Cruz, nakalulungkot ang patakarang ‘walang pakialam’ ni Malapitan sa mga maralita na hikahos na sa buhay ay iinsultuhin pa sa ipinamudmod na bigas na hindi kinonsumo ng mga pinagbigyan …
Read More »Paslit dinukot sa Laguna mall
DINUKOT ng hindi nakilalang babae ang 2-anyos paslit sa loob ng isang mall sa Sta. Rosa, Laguna kamakalawa. Ayon sa report ng pulisya, naglalaro ang bata sa amusement park ng mall habang ang ina ay nakaupo sa isang ‘di kalayuang bench ngunit hindi na niya nakita ang paslit. Batay sa CCTV footage, nakita ang biktima habang bitbit ng isang teenager …
Read More »Traslacion ng Nazareno tumagal nang higit 20 oras
MAKARAAN ang mahigit 20 oras na prusisyon, naibalik na sa loob ng simbahan ng Quiapo ang imahen ng Itim na Nazareno. Dakong 2:02 a.m. kahapon nang pumasok ang andas ng Nazareno sa loob ng simbahan sa gitna ng hiyawan at pagwawagayway ng panyo ng libo-libong debotong matiyagang sumama at nag-abang sa prusisyon. Agad nagpasalamat si Msgr. Hernando Coronel, rector ng …
Read More »Pinoys sa Saudi Arabia ligtas – Phil. Embassy
TINIYAK ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na ligtas ang overseas Filipino workers (OFWs) sa harap ng umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi at Iran. Ayon kay Philippine Ambassador to Riyadh Ezzedin Tago, nananatiling normal ang situwasyon sa Saudi at ligtas ang mga kababayang Filipino. Kahit sa katabing mga lugar ng Riyadh ay nagmo-monitor aniya ang embahada ngunit wala …
Read More »P102-M Grand Lotto no winner pa rin
WALA pang nakakuha sa P102,982,312 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto sa latest draw nito. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumabas ang number combination na 24-21-26-05-47-33. Dahil dito, inaasahang tataas pa ang pot money sa susunod na bola nito. Samantala, lumabas sa 6/42 Lotto ang number combination na 07-21-31-26-03-12.
Read More »Kuya Germs ihihimlay sa Enero 14
ITINAKDA sa araw ng Huwebes, Enero 14, ang libing ng tinaguriang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa Loyola Memorial partk sa Marikina. Ito ang sinabi mismo ng kanyang pamangkin na si John Nite. Nabatid na patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay mula sa malalapit na kaibigan sa showbiz, kamag-anak, kaibigan at mga fans sa burol ni Kuya Germs. …
Read More »Iringan nina Bautista at Guanzon sa DQ case ni Sen. Poe tumitindi
LALO pang tumindi ang bangayan nina Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon kaugnay ng inihaing tugon sa Supreme Court (SC) para sa isyu ng disqualification ni Sen. Grace Poe. Bukod kina Bautista at Guanzon, ilang persona ang nagbigay ng panig sa sinasabing walang pahintulot na paghahain ng commissioner ng comment sa kataas-taasang hukuman. Ayon sa tagapagsalita ni Poe …
Read More »Bebot binoga sa ulo patay (Sa unang araw ng gun ban)
SA unang araw ng pagpapatupad ng gun ban sa buong Filipinas, isang babae ang binaril sa ulo ng hindi nakikilalang suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Meiji Moreno, 28, ng 260 North Diversion Road, Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Caloocan City Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng …
Read More »‘Secure and fair elections’ inilunsad
INILUNSAD kahapon ng Commission on Elections, Philippine National Police, Department of Interior and Local Govenrment at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang Secure and Fair Elections (SAFE) para sa kampanya kaugnay sa nakatakdang May 2016 Elections. Ito na ang hudyat para sa pagsisimula ng election period kahapon. Pinangunahan mismo nina DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at Comelec Chairman Andres Bautista …
Read More »Mison sinibak ni PNoy (Sa Bureau of Immigration)
SINIBAK na ni Pangulong Benigno Aquino III si Siegfred Mison bilang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) at itinalagang kapalit niya si Atty. Ronaldo Geron. “According to Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., President Aquino has appointed Atty. Ronaldo A. Geron, Jr., as Commissioner of the Bureau of Immigration effective 06 January 2016,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kahapon. …
Read More »Asthmatic, 2 patodas sa trike na sumalpok sa bus (Hindi makahinga itinakbo sa ospital)
CAUAYAN CITY, Isabela – Isinugod sa ospital ang isang lalaking maysakit para masagip ang buhay ngunit namatay din kasama ang kanyang misis at isa pang kamag-anak nang sumalpok sa bus ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa. Biktima ang driver ng tricycle na si Bernardo Saguiped, 47-anyos, at ang mag-asawang Rosalinda at Ricardo Malapit, pawang residente sa Brgy. Flores, Naguilian. Sugatan ang …
Read More »Comelec humabol sa deadline ng comment sa Poe DQ cases
HUMABOL sa deadline ng filing ng comment ang Comelec sa Supreme Court (SC) kahapon ukol sa disqualification cases ni Sen. Grace Poe. Ito’y sa kabila ng kawalan ng abogado ng poll body na dedepensa sa kanilang panig, makaraang umatras ang Office of the Solicitor General (OSG) dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal (SET) na may posisyong pabor sa …
Read More »Shabu queen tiklo sa Kalye Demonyo (Paslit pa tulak na)
HINDI nakapalag nang pagsalikopan hanggang maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinaguriang “shabu queen” ng Bulacan sa isinagawang entrapment operation kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang suspek na si Sharry J. Bartolome, residente ng Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon sa …
Read More »Palasyo blanko sa naarestong 3 Pinoy sa Saudi
HINDI pa makompirma ng Malacañang ang napabalitang pagkakaaresto ng tatlong Filipino na sinasabing sangkot sa terorismo sa Saudi Arabia. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kailangang maberipika muna ang nasabing report at wala pa silang kompirmasyon. “Kailangan nating alamin ang correctness or validity of that report. Wala pa tayong kompirmasyon,” ani Coloma. Magugunitang binitay kamakailan ng Saudi Arabia ang isang …
Read More »Doktor, nurse sinaksak ng injection needle ng ama (Pasyenteng sugatan ‘di agad naasikaso)
DAVAO CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang lalaki na sumaksak sa isang doktor at nurse sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) gamit ang injection needle nang hindi agad naasikaso ang kanyang anak na naaksidente. Kinilala ang suspek na si Jesus Manalo, 41, may asawa, laborer, residente sa Purok 2, Gravahan, Brgy. Matina Crossing sa lungsod. Sa imbestigasyon ng …
Read More »Obrero tigok sa bangungot
WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 24-anyos obrero makaraang bangungutin sa loob ng kanyang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Rowel Morla Lorica, walang asawa, nanunuluyan sa T. San Luis Street, Pandacan. Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:43 a.m.nang matagpuan ng kanyang kasamahan na si Raylan …
Read More »