TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ang kasong multiple murder laban sa lalaki na pumatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya sa bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Emilio at Hilaria Coloma at kanilang anak na si Maria Christina. Batay sa imbestigasyon ng PNP Pamplona, sumugod ang suspek na si Ciano Bunag sa bahay ng pamilya …
Read More »Masonry Layout
PH walang balak makigiyera sa China — PNoy
WALANG plano ang Filipinas na pumasok sa giyera laban sa China kaugnay ng sigalot sa teritoryo sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa Publish Asia 2016 sa Manila Hotel, ayaw ng Filipinas ng giyera dahil walang panalo rito kaya ang ginamit na pamamaraan ng gobyerno upang resolbahin ang territorial disputes sa West …
Read More »Singaporean tumalon mula 5/F ng condo
PATAY ang isang Singaporean national makaraan tumalon mula sa ikalimang palapag at bumagsak sa lobby ng tinutuluyan niyang condominium sa Pasay City kahapon ng umaga. Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Kee Kian Eng, 48, ng Unit 5L, 5th floor, Montecito Residential Resort Condo, Resort Drive, New Port City, Villamor ng naturang …
Read More »10 Indonesian crew, hawak na ng ASG sa Sulu
ZAMBOANGA CITY – Sinasabing nasa kamay na ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu ang10 Indonesian crew na kamakailan lamang ay napaulat na dinukot habang sakay ng kanilang tugboat sa karagatan ng ZAMBASULTA area. Ayon kay incumbent Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, base sa nakuha niyang ulat mula kay PRO-ARMM Regional Director, Chief Supt. Ronald Estilles, …
Read More »Ex-Bukidnon solon et al ipinaaaresto (Sa pork barrel scam)
HAWAK na ng pulisya ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan laban kay dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo Jr. Ito’y makaraan makitaan ng probable cause ang kasong graft at malversation laban sa dating kongresista kaugnay ng pagkakasangkot sa pork barrel fund scam. Hindi na rin maaaring makalabas ng bansa si Pancrudo dahil sa hold departure order. Bukod sa dating …
Read More »3 bangkay natagpuan sa GenSan
GENERAL SANTOS CITY – Halos magkakasunod lamang nang matagpuan ang bangkay ng tatlong lalaki sa magkakaibang lugar sa lungsod kahapon ng umaga. Ang una ay natagpuan sa Diversion Rd., Brgy Apopong. Ang bangkay ay may tama ng bala ng baril sa ulo. Ang ikalawang bangkay ay natagpuan sa Prk-13, Brgy. Fatima, pinaniniwalaang ang sugat sa mukha ay natusok ng kahoy …
Read More »Helper nagbaril sa sentido, kritikal
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 23-anyos helper makaraan magbaril sa sentido sa loob ng inuupahang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Harold Panuncio, tubong Capiz, residente ng Gate 15, Area D, Parola Compound, Tondo, Manila. Sa ulat ni PO3 Tom Jay Fallar, dakong 6:45 a.m. nang maganap ang insidente …
Read More »10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte
NAGA CITY – Umabot sa 10 katao ang sugatan sa banggaan ng dalawang tricycle sa Brgy. Batobalani sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Napag-alaman, habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Elias David, 61, kasama ang anak niyang si Jennifer David, ang kahabaan ng nasabing kalsada nang mahagip ito ng humaharurot na tricycle na minamaneho naman ni Reynante Ybarola. Dahil sa …
Read More »Mag-utol binoga ng kaanak (Dahil kay Luningning)
KAPWA sugatan ang magkapatid makaraan barilin ng kanilang kaanak na nakatalo ng isa sa kanila dahil sa girlfriend ng suspek na si Luningning sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril si Mark Gregory Vibar, 30, habang nilapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center …
Read More »KASAMA ni vice presidential aspirant Senator Bongbong Marcos ang kanyang mga anak na sina William Vincent (pangalawa sa kanan), Joseph Simon (kaliwa); at kapatid na si Irene Marcos Araneta (kanan), sa kanyang campaign sorties kahapon (Marso 29) sa Pampanga. ( JERRY SABINO )
Read More »INIHAYAG ni Leyte congressional candidate Yedda Romualdez, asawa ni senatorial candidate Martin Romualdez, ang kanyang plataporma de gobyerno sa harap ng 10,000 na tagasuporta sa proclamation rally sa RTR Gymnasium sa Tacloban City nitong Lunes. Ipinangako ni Mrs. Romualdez na itutuloy niya ang mga proyekto ng kanyang asawa sa district 1 sa edukasyon, kalusugan, agrikultura at women empowerment.
Read More »SINALUBONG ni Mayor Jaime Fresnedi ang Linggo ng Pagkabuhay kasama ang mga kumakandidato sa lokal na posisyon sa isinagawang proclamation rally sa Bayanan Baywalk, Muntinlupa nitong Marso 27. Libo-libong tagasuporta ang dumalo sa programa na nagsuot ng mga dilaw na kasuotan upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa Punonglunsod. ( MANNY ALCALA )
Read More »NAGMARTSA ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang grupo ng Kabataang Makabayan bilang pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Maynila kahapon. ( BONG SON )
Read More »BILANG paggunita sa ika-47 anibersaryo ng New People’s Army (NPA), nagmartsa ang mga tagasuporta at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) dala ang abo ni CPP Spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City. Nakalagay ang urna sa isang transparent glass box na napapalibutan ng pulang rosas, bilang simbolo ng pagmamahal ng …
Read More »Robredo ‘Nabulok’ sa LP — Bello (Nilamon ng sistema)
MATAPOS iendoso ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang tambalang pambato ng Liberal Party, hinamon ng independent senatorial candidate na si Walden Bello si Leni Robredo kung maaatim niyang hiwalayan si Mar Roxas at tumiwalag sa maruming politika ng LP na aniya ay nag-etsa-puwera sa mga progresibong kaalyado at binigyang-kiling ang dinastiyang politikal – mapaangat lamang ang tsansa na manalo sa …
Read More »Archbishops umalma kay Duterte
NAGSALITA na si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Archbishop Emeritus Oscar Cruz laban sa mga nagiging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang mga pamamaraan ng pamumuno kung sakaling siya ang maging susunod na pangulo. Noong nakaraang debate ng Commission on Elections, sinabi ni Duterte na kailangan, kayang pumatay ng pangulo upang maging epektibong pinuno ng …
Read More »GMA dapat ipagamot sa abroad — Bongbong
PAMPANGA – Inirekomenda ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tulad ng ibang mga may sakit dapat din payagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Marcos, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi mapayagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo. Tinukoy ni Marcos na maging si …
Read More »Foreigners sabit sa money laundering — KIM WONG
ISINIWALAT ng negosyanteng si Kam Sin Wong alyas Kim Wong ang personalidad na maaaring nasa likod ng $81-milyon money laundering sa Filipinas, ang perang ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank sa New York reserve. Gayonman, todo tanggi siya na may kinalaman siya sa multi-million dollar money laundering. Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, idiniin ni Wong …
Read More »7 katao kinasuhan ng AMLC (Sa money laundering)
PITO katao na ang nasampahan ng kaso ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay ng kontrobersiyal na $81 million money laundering sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad, kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso sina dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito, negosyanteng si Kim Wong, Weikang Xu at apat na account holders …
Read More »Broadcaster hinoldap ng call center agent (Sa loob ng simbahan)
HINAMPAS sa ulo ang isang broadcaster ng silyang kahoy ng isang call center agent at inagaw ang kanyang bag habang taimtim na nagdarasal sa loob ng prayer room ng isang simbahan sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Yvone Rebeca, 50, broadcaster ng hindi pinangalanang network, at residente ng Muntinlupa City. …
Read More »Paslit patay sa umatras na jeepney
PATAY ang isang batang lalaki nang maatrasan ng pampasaherong jeep habang naglalaro sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Joshua Lungakit Corpuz, 4-anyos, residente sa NPC Road, Brgy. 16, Kaybiga ng nasabing lungsod. Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police …
Read More »Ex-army utas sa ambush sa Negros Occ (Mister ng kandidatong konsehal)
BACOLOD CITY – Patay ang isang retiradong sundalo na asawa ng kumakandidatong konsehal, makaraan barilin ng armadong grupo sa Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Armando Castillo Secuya, 61, residente sa Brgy. Guinpana-an, Moises Padilla. Batay sa impormasyong hawak ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) director, Senior Supt. William Señoron, nangyari ang insidente sa terminal …
Read More »IGINUHIT NG TADHANA. Tila iniaadya ng pagkakataon, nagkita at nagyakap ang ‘nagtuturingang mag-utol’ na sina senators Bongbong Marcos at Grace Poe sa gilid ng gusali ng PhilPost sa Plaza Lawton, matapos magsalita ng lalaking senador sa proclamation rally ni Erap. Ang ‘mag-utol’ ay kapwa inendoso ni Estrada bilang tumatakbong presidente at bise-presidente para sa May 9 elections. ( BONG SON …
Read More »MAINIT na tinanggap si vice presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV ng mga mamamayan sa Antique nang bumisita siya rito kamakailan.
Read More »ANINAG sa mukha ng mga responsableng kandidato sa #2016Elections, sa Oriental Mindoro na pinangunahan ni Gov. Alfonso Umali, Jr., Vice Gov Humerlito “Bonz” Dolor, 1st district Congressman Doy Leachon; Konsehal Edil Ilano, kandidatong Board Member; Romy Roxas kandidatong Vice Governor; at Naujan vice mayor Henry Joel Teves, kandidatong congressman sa unang distrito ng nasabing lalawigan, ang kasiyahan sa pagdedeklara ng pakikiisa …
Read More »