INAAYOS ng mga tauhan ng Meralco ang bumagsak na transformer makaraan sumabit sa isang container van at tinakbuhan ng hindi nakilalang driver sa Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila. ( BONG SON )
Read More »Masonry Layout
KAPWA sugatan ang magkaangkas na sina Nermal Nemuel at Sheila Bernardo makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa intersection ng Aurora Blvd. at Seattle St., Quezon City. ( ALEX MENDOZA )
Read More »Calauan Mayor inambus (Youth leader, 1 pa patay)
LOS BAÑOS, Laguna – Dalawa ang patay kabilang ang isang youth leader na tumatakbong konsehal sa Calauan, Laguna nang tambangan si Calauan Mayor Buenafrido Berris kamakalawa ng hapon. Ayon kay Senior Supt. Ronnie Montejo, Laguna provincial police director, agad dinala sa isang ospital sa San Pablo City ang sugatang si Berris makaraan dakong 5 p.m. sa Brgy. Imok, Calauan. Ngunit …
Read More »Lim inendoso ni Aquino
SA dalawang pangalan lang dapat ipagkatiwala ng mga Manilenyo ang poder ng lungsod, kina Alfredo Lim at Atong Asilo. Ganito inendoso ni Pangulong Benigno Aquino III ang kandidatura ng tambalang Lim-Asilo na pambato ng Liberal Party sa Maynila sa proclamation rally na ginanap sa Plaza Miranda, Quiapo kagabi. Binigyang-diin ng Pangulo na ang Plaza Miranda ay isang sagradong lugar para …
Read More »10 taon kulong vs LLDA chief
HINATULAN ng Sandiganbayan ng anim hanggang 10 taon pagkakakulong si Presidential Adviser for Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta. Ito’y makaraan mapatunayang guilty sa isang kaso ng katiwalian si Acosta kasama ang kanyang ina na si dating Manolo Fortich Mayor Maria Socorro Acosta ng Bukidnon. Nag-ugat ang kaso kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa …
Read More »5 nalunod sa beach sa Negros Occ. (Trahedya sa Easter Sunday)
BACOLOD CITY –Lima katao ang nalunod sa isang beach resort sa Hinigaran, Negros Occidental, kasabay ng selebrasyon ng Easter Sunday. Kinilala ni SN2 Jeron Maloto ng Philippine Coast Guard ang mga nalunod na sina Mary Jane Tabligan Desucos, 49, ng Doña Juliana Subd. Lungsod ng Bacolod; Kian Tabligan Betilla at Nica Betilla ng Brgy. Singcang, Bacolod City; Jane Rose Tabligan, …
Read More »18 patay, 64 sugatan sa Lenten break — NDRRMC
UMABOT sa 18 katao ang bilang ng mga namatay habang 64 ang naitalang sugatan sa kasagsagan nang mahabang bakasyon nitong Semana Sanata. Ayon ito sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management council dakong 6 a.m. kahapon. Natukoy sa kanilang talaan na karamihan sa mga namatay kasabay sa pagdiriwang ng Holy Week ay dahil sa pagkalunod. Habang karamihan sa …
Read More »Kelot nagbigti sa selos (Dyowa dumalaw sa ex-BF)
NAGBIGTI ang isang 38-anyos lalaki nitong Linggo dahil sa matinding selos nang dalawin ng kanyang kinakasama ang dating kasintahan sa Pasay City Jail. Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria ang biktimang si Erwin Delfin, walang trabaho, ng 150 Road 4, Pildera2 ng siyudad. Sa pagsisiyasat ni PO3 Mario Golondrina, natagpuan ang nakabigting biktima ng kanyang 9-anyos …
Read More »Climate change responsibilidad ng lahat
BUNSOD ng kabiguan ng gobyerno na tugunan ng komprehensibong national policy ang hinggil sa posibleng panganib na maaaring idulot ng climate change, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat na ring kumilos para mapigilan ang destructive phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., inventor/businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Kailangan nang kumilos, ayon kay Catan, upang mapahupa …
Read More »5-anyos totoy patay sa bumagsak na scaffolding
PATAY ang isang 5-anyos batang lalaki makaraan mabagsakan ng scaffolding habang naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. Nagawa pang itakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Amir Butuan ng 307 Rizal Avenue Ext., Sta. Cruz, Maynila ngunit binawian ng buhay bunsod nang pagkabasag ng bungo. Habang inaresto ng mga pulis ang itinurong …
Read More »TESDA Man inendoso ni Miriam
NANINIWALA si TESDAMAN Joel Villanueva na ang rock star appeal ni presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago ay malaking tulong sa kanyang kandidatura upang lalong mapalakas ang kanyang tsansa na manalo sa senatorial elections sa May 9 matapos siyang iendoso ng mambabatas. “Senator Miriam Is no doubt a rock star politician, especially among the youth. The hope is that some of …
Read More »P.3-B shabu nasakote sa 3 intsik at 3 pinoy (Sa Pasay at QC)
UMABOT sa P.3 bilyon halaga ng shabu ang nasakote ng mga awtoridad mula sa tatlong Chinese national at tatlong Filipino sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay City at Quezon City. Sa Pasay City kahapon ng umaga, nakompiska ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Unit (DAID-SOU) ng Southern Police District (SPD) ang 42 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga …
Read More »Libreng Serbisyo sentro ng kampanya ni Mayor Fred Lim
UUMPISAHAN ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim ang kanyang kam-panya sa pamamagitan ng isang motorcade na iikot sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa Linggo (March 27). Ito ang napag-alaman sa kanyang chief of staff na si Ric de Guzman, na nagsabing bilang paggalang sa Semana Santa ay hindi mangangampanya si Lim sa Sabado de Gloria at sa …
Read More »Ina, 3 anak na paslit patay sa Tondo fire
PATAY ang isang ginang at tatlo niyang mga anak habang isa pa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa itaas ng isang palengke sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga biktimamg si Evelyn Verzosa, nasa hustong gulang, at kanyang mga anak na sina Marky, 4; Micaela, 6, at Edison, 7, pawang mga residente sa Carmen Planas St., …
Read More »Menorca No Show sa CA Hearing (Walang paliwanag)
HINDI na naman sinipot ni Lowell Menorca II, itiniwalag na dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC), ang sariling pagdinig sa Court of Appeals nitong Lunes. Hindi nakapagbigay ng magandang paliwanag ang abogado niya kung bakit ilang ulit nang wala sa korte ang kliyente. Naghain si Menorca ng petisyon noong isang taon at humingi ng writ of habeas corpus at …
Read More »P1-B inilabas ng DBM para sa pailaw (Tatlong buwan bago eleksiyon)
MAHIGIT tatlong buwan bago bumaba sa puwesto, naglabas pa ang Department of Budget and Management (DBM) nang mahigit isang bilyong piso para sa pagpapailaw sa mga liblib na lugar sa bansa. Sa kalatas ng DBM kahapon, nakasaad na naglabas ito ng P1,041,966,000 pondo ang para sa pagpapatupad ng ilang proyekto ng Department of Energy (DoE). Magagamit anila ang pondo para …
Read More »Eleksiyon sigurado — Comelec (Mayo 9 o 23?)
TINIYAK ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na matutuloy ang eleksiyon Mayo 9. Ito ay sa kabila nang pagpapatibay ng Supreme Court sa naunang desisyon nito kaugnay sa pag-imprenta ng Comelec ng voter verification paper audit trail (VVPAT) na gagamitin sa darating na halalan. Ipinangako ni Bautista, sisikapin nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya matuloy lamang sa …
Read More »3 alas ni PNoy tanggal kay Grace — Chiz (Yes sa 4Ps, No sa 3As)
KAHIT minsan nang naihayag ni independent presidential frontrunner Sen. Grace Poe ang planong magtalaga ng ilan sa mga kasalukuyang miyembro ng gabinete sa kanyang pangasiwaan, inilinaw naman ng kanyang katambal na si Sen. Chiz Escudero na hindi kabilang sa kanila sina Budget Secretary Florencio Abad, Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya, at Agriculture Secretary Proceso Alcala. “Ire-retain natin ang …
Read More »P1.2-B plunder vs Gazmin sa chopper deal
NAHAHARAP sa P1.2 bilyon plunder case sa Office of the Ombudsman si Defense Sec. Voltaire Gazmin kaugnay sa pinasok na deal noong 2013 ukol sa pagbili ng chopper. Isang Rhoda Alvarez na empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang naghain ng reklamo laban sa kalihim. Ayon kay Alvarez, nakatanggap ng seven percent commission ang kalihim sa nasabing kontrata. Bukod …
Read More »2 prison guard ng BuCor, 11 pa tiklo sa drug den malapit sa NBP
DALAWANG prison guard ng Bureau of Corrections (BuCor) ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at 11 iba pa sa pagsalakay sa hinihinalang drug den malapit sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga. Sina Prison Guard 1 Ferdie Tensua at PG1 Arturo Abellera, nakatalaga sa BuCor, ay dinakip ng NBI, …
Read More »P10 rollback sa pasahe ipinababawi ng taxi ops
IPINABABAWI ng grupo ng taxi drivers ang ipatutupad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na P10 rollback sa singil sa pamasahe. Nais din hadlangan ng transport groups ang bagong ipatutupad na distance charge na P3.50 bawat 500 meters at P3.50 sa 90 seconds na waiting time dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo Habang gagawing …
Read More »Kapatiran solido – INC
“PAGPAPALAGANAP ng pamamahayag, pagsasakatuparan sa aming misyon sa pamamagitan ng mas malaking Iglesia at mas mabuting paglilingkod, ito ang direksyon na piniling tahakin ng Iglesia ni Cristo (INC) upang tugunan ang negatibong litanya ng mga kritiko at dating mga miyembro,” paliwanag ni INC spokesperson Edwil Zabala. “Hindi ho kami manhid. Minsan ay apektado rin kami ng sunod-sunod na negatibong balita …
Read More »TUCP para kay Mar ‘di kay Binay
ANG buong suporta ng pinakamalaking national labor group sa ating bansa na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay ipinagkaloob sa tambalan ng Liberal Party standard bearer na sina presidential candidate Mar Roxas at kay vice-presidential candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo at hindi sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay para sa May 2016 presidential elections. Ito ang …
Read More »EX-PNP Chief nagpiyansa sa graft case
NAGLAGAK ng piyansa si dating PNP chief Director General Avelino Razon Jr., at 13 iba pang akusado kaugnay ng kasong malversation at falsification of public documents bunsod nang pagkakasangkot sa maanomalyang pagkukumpuni ng PNP armored vehicles noong 2007. Ito ay makaraan payagan ng Sandiganbayan Fourt Division na makapagpiyansa sina Razon kasunod nang pagpayag ng anti-graft court sa hirit ni dating …
Read More »‘Manalo’ humakot ng parangal (Sa 32nd PMPC Star Awards)
UMANI ng parangal mula sa 32nd PMPC Star Awards nitong Linggo, March 6, ang Felix Manalo, ang talambuhay ng tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo (INC) na isinapelikula at itinanghal sa mga sinehan noong Oktubre. Iniuwi ng nasabing historical drama ang parangal para sa Movie of the Year, Best Director para kay Direk Joel Lamangan at Best Actor para kay Dennis …
Read More »