Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Reklamo ng NAMFREL aksiyonan (Panawagan ni Lim sa Comelec)

SA gitna ng paghahanda para pormal na kuwestiyonin ang pagkakaproklama kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang mayor ng Maynila ng Manila board of canvassers, nanawagan ang kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Commission on Elections (Comelec) na aksiyonan ang reklamo ng National Movement for Free Elections (NAMFREL) na sinasabing hindi sila binigyan ng ‘full access’ sa random …

Read More »

Ayon sa Comelec commissioner: Smartmatic personnel ‘di maaaring umalis sa PH

HINDI maaaring umalis ng bansa ang mga tauhan ng poll technology provider na Smartmatic, ayon kay Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon. Sinabi ni Guanzon, gagawa siya ngayong araw ng memo sa Comelec en banc at sa binuong investigation committe na sulatan ang Smartmatic president na dapat walang aalis sa kanila habang sila ay iniimbestigahan. Ito ay kaugnay sa nangyaring …

Read More »

Digong cover ng Time Magazine

NAPILI ng Time magazine si presumptive president Rodrigo Duterte bilang cover nila sa kanilang May 23 issue. Makikita sa nasabing magazine ang larawan ng Davao City mayor at may nakasulat na “The Punisher” at “Why Rodrigo Duterte is the Philippines next leader.” Mababasa rin dito ang mga mananahin niyang mga problema mula sa nagdaang administrasyon. Kahanay na ni Duterte ang …

Read More »

‘DU30’ decorative plate bawal – LTO

DAVAO CITY – Nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) Region 11 sa supporters ni President-elect Rodrigo Duterte na ipinagbabawal ang paggamit ng decorative plates gaya ng “DU30 El Presidente.” Ayon kay Eleanor Calderon, regional operations chief ng LTO, isa itong paglabag sa batas at maaaring pagmultahin ng P5,000, at kokompiskahin ang nasabing plaka at lisensiya ng driver. Matatandaan, maraming kumita …

Read More »

Palace transition team handang makipagtulungan sa Duterte Camp

HANDA na ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na makipagpulong sa kanilang counterpart mula sa kampo ni presumptive president Rodrigo Duterte. Ang Malacañang team, sa pangunguna ni Executive Secretary Paquito Ochoa, ay nagsimula nang i-consolidate ang mga ulat ng lahat ng department, bureaus, at mga ahensiya na isusumite sa Duterte team sa pagtatapos ng buwan na ito. Samantala, nanawagan …

Read More »

Cayetano, Pimentel pupulungin ni Digong

PUPULUNGIN ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang dalawang malapit na kaalyado sa Senado upang balangkasin ang hakbang sa pagpili nang susunod na presidente ng Senado. Kinompirma kahapon ni PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel, magpupulong sila ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa Davao City upang makipag-usap kay Duterte. Ang kanilang pagtitipon ay kasunod na rin ng isyu kung sino …

Read More »

Mid-year bonus sa gov’t employees ipamimigay na

NAKATAKDANG ipalabas ngayong araw ang kabuuang P31 bilyon mid-year bonus ng mga empleyado ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Ayon sa DBM, kanila nang ini-release sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang special allotment release order (SARO) para sa ekstrang pasahod sa government employees. Ang matatanggap na mid-year bonus ng bawat empleyado ng gobyerno ay katumbas …

Read More »

Barangay chairman itinumba sa Batangas

BATANGAS – Patay ang isang 62-anyos barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa bayan ng Laurel nitong Sabado ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nejemias Ariola, chairman ng Brgy. Leviste sa Laurel, Batangas. Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi ang biktima sa kanilang bahay lulan ng kanyang motorsiklo dakong 2:35 p.m. Biglang sumulpot ang dalawang …

Read More »

Tserman malubha sa taga ng may topak

DOLORES, Quezon – Nasa malubhang kalagayan sa San Pablo, City Medical Center ang isang barangay chairman makaraan pagtatagain ng isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Kinabuhayan ng bayang ito. Ang biktimang si Romeo Reyes Diala, 56, biyudo, residente ng nabanggit na lugar, ay tinamaan ng mga taga sa pisngi, likod at dibdib. Habang agad nadakip ang suspek na …

Read More »

Transparency server binago (Bautista umamin)

KINOMPIRMA ni Commission on Elections chief Andres Bautista kahapon na binago ang script ng transparency server, ngunit ito ay para iwasto lamang ang character sa pangalan ng isang kandidato. Sinabi ni Bautista, binago ng isang opisyal mula sa technology provider Smartmatic ang question mark (?) para maging letrang “ñ” upang iwasto ang nasabing pangalan. “Ang sabi sa akin, wala itong …

Read More »

Babae pupuno sa gabinete ni Duterte

INIHAYAG ni Sen. Pia Cayetano na 50 porsiyento ng gabinete ng Duterte administration ay pawang mga babae at sila ay iluluklok sa mga ahensiya na tututok sa kapakanan ng mga kababaihan upang masiguro ang lideratong “gender balance.” Napag-alaman, kinuha na rin ni President-elect Rodrigo Duterte si Sen. Pia Cayetano bilang adviser para sa selection committee. Si Pia ay kapatid ng …

Read More »

Digong babalik sa City Hall para magtrabaho

DAVAO CITY – Babalik pa rin sa trabaho si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sa ngayon ay nagpapahinga pa. Ito ang tiniyak ni Christopher “Bong” Go, executive assistant ni Duterte. Ito aniya ang payo ng doktor sa alkalde dahil masama pa ang pakiramdam at nagpapatuloy ang medikasyon. Samantala, sa Lunes muling babalik sa trabaho sa city hall si Duterte.

Read More »

2 Chinese national arestado sa buy-bust

ARESTADO ang dalawang Chinese national makaraan makompsikahan ng isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District—District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa Brgy. UP Campus, Quezon City kahapon. Sa ulat ni Chief Insp. Enrico Figueroa, DAID chief, kinilala ang mga nadakip na sina Xiongwei Chen, 42, tubong Fujian, China, at Weier Chen, may mga alyas na “Willy Ang Tan” at …

Read More »

PNoy abala sa paper works, monitoring

NILINAW ng Malacañang na abala si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paglagda nang nakabinbing mga dokumento sa kanyang tanggapan. Magugunitang marami ang nagtataka dahil wala pang public engagement si Pangulong Aquino simula nitong Martes o pagkatapos ng eleksiyon na ikinatalo ng kanyang pambatong si Sec. Mar Roxas. Naging abala rin ang punong ehekutibo sa pag-iikot sa pangangampanya sa iba’t …

Read More »

Robin Padilla nagreklamo sa NBI (Napikon sa basher)

PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Robin Padilla para ireklamo ang kanyang basher na nag-post sa twitter nang sinasabing kamay niya na nagpapakita na siya ay bumoto sa halalan at pinakuhaan ng retrato ang kanyang balota. Dakong 2 p.m. nang magtungo si Padilla sa NBI-Anti Cyber Crime Division kasama ang kanyang abogado na …

Read More »

1 patay, 1 sugatan sa Lanao Sur ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang isa ang sugatan makaraan tambangan habang sakay ng van sa  Brgy. Maguing proper, Maguing, Lanao del Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Hasanal Macabando Dimal habang sugatan si Amin Macabando Dimal, residente sa nasabing lalawigan. Inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt Rustom Duran, binabaybay ng …

Read More »

20 pamilya nawalan ng bahay sa Pasay fire

NAWALAN ng bahay ang 20 pamilya makaraan tupukin ng apoy ang apat paupahang bahay at nadamay ang isang day care center sa sunog bunsod nang hinihinalang electrical short circuit sa Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi. Base sa inisyal na ulat ni Pasay Fire Department Supt. Doug-las Guiyab, nagsimula ang sunog sa kisame ng inuupahang bahay ng isang Noli Tugade …

Read More »

Lola dedbol sa bundol ng bus sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang isang lola makaraan mabundol ng isang pampasaherong bus sa Pagbilao, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Milanda Tiñana, 69-anyos. Napag-alaman, tumatawid ang biktima sa kalsada sa Maharlika Highway sa Brgy. Binahaan sa nasabing lugar nang mabundol ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni Marlon Danao, 34-anyos. Agad isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead …

Read More »

Alerto ibinaba na ng AFP sa blue alert

TATLONG araw makaraan ang halalan, ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alert level mula sa red alert patungo sa blue alert. Ayon kay acting AFP chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda, ang pagbaba ng kanilang alert level ay dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon makaraan ang halalan nitong Lunes. Paglilinaw ni Miranda, …

Read More »

Rebelde todas, 1 sugatan sa sagupaan sa Agusan Sur

BUTUAN CITY – Kinikilala pa ang bangkay ng isang rebelde na narekober makaraan ang pakikisagupa sa militar sa Purok 9, Tiniwisan, Brgy. San Jose, sa bayan ng Prosperidad, sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa. Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, public information officer ng 401st Brigade Philippine Army, nakasagupa ng 3rd Special Forces na kasama sa Law Enforcement Operation, ang …

Read More »

Political prisoners hiniling palayain (CPP todo-suporta kay Digong)

NAGPAHAYAG ng suporta ang Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon sa incoming administration ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa Facebook post, sinabi ni National Democratic From chief political consultant Jose Maria Sison, si Duterte ay mula sa kilusan, at hinikayat siyang palayain ang lahat ng political prisoners, pabilisin ang peace negotiations at tugunan ang ugat ng civil war. …

Read More »

DFA handa sa foreign policy strat sa WPS case (Sa pag-upo ni Duterte)

NAKAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa foreign policy strategy para sa nalalapit na pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Malacañang bilang bagong halal na Pangulo, kaugnay sa arbitration case at usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ayon kay DFA Undersecretary for Policy Enrique Manalo, nag-ambag na ang mga Embahada ng Filipinas at …

Read More »

Recount sigaw ng Lim supporters

VIRAL ang resulta ng bilangan ng boto sa Maynila na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) dakong 7:00 p.m. nitong Mayo 9 at lumikha ng panawagan para sa agarang ‘recount’ at ‘people power’ sa lungsod. Nagtungo kahapon ang libong supporters ni dating Mayor Alfredo S. Lim sa tower building na kanyang tinitirhan, dala ang reklamo ukol sa malaking diperensiya ng …

Read More »

Nationwide curfew, liquor ban ni Duterte nilinaw

INILINAW ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ilang detalye tungkol sa pinaplanong nationwide curfew at liquor ban ng susunod na administrasyon. Ipinaliwanag ni Peter Laviña kung bakit iniisip ni Duterte na ipatupad ang curfew at liquor ban sa buong bansa, na ipinatutupad niya ngayon sa Davao city. “The curfew is principally for minors, unescorted minors, past 10 …

Read More »

Apelang recount ni Bongbong ipaubaya sa Kongreso

IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na ipaubaya na lamang sa canvassing ng Kongreso ang reklamo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa sinasabing ‘discrepancy’ sa bilangan ng resulta ng halalan. Magugunitang kahapon, umapela si Marcos na ihinto muna ang bilangan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil baka magdulot ito nang pagdududa kapag magkaiba ang resulta ng …

Read More »