LAOAG CITY – Hindi na umabot nang buhay sa Laoag City General Hospital ang isang padre de pamilya makaraan saksakin ng mismong kanyang kapatid. Ang biktima ay si Leopoldo Salvador Ramos, 59, may asawa, habang ang kapatid na suspek ay si Joselito Salvador Ramos, 51, parehong residente ng Brgy. 35, Gabu Sur, Laoag City. Ang biktima ay tinamaan ng saksak …
Read More »Masonry Layout
Sahod ng PNP, AFP members itataas sa P50K
PINAG-AARALAN ni President-elect Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga militar at pulis sa bansa. Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano, maaaring gawing P50,000 ang sahod ng mga miyembro ng AFP at PNP. Nais aniya ng Davao City Mayor na tuparin ang naipangako niya noong kasagsagan ng kampanya at umaasa na maisakatuparan bago ang Pasko basta suportado ng Kongreso. …
Read More »Kelot tigbak sa truck
PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki nang masagasaan ng trailer truck habang tumatawid sa kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang patuloy pa rin inaalam ng mga pulis ang pagkakilanlan. Nakapiit sa Valenzuela City Police ang driver ng trailer truck (AUA-6712) na si …
Read More »Motorcycle rider patay, angkas kritikal sa truck
PATAY ang isang 25-anyos lalaki habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang angkas makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Johnlee De Jesus, ng 29 Yanga St., Brgy. Maysilo, dahil sa pinsala sa ulo at katawan habang ginagamot sa nasabing …
Read More »Pinay dedbol sa bundol ng SUV sa Italy
BINAWIAN ng buhay ang isang Filipina domestic helper makaraang mabundol ng Sports Utility Vehicle (SUV) sa Milan, Italy nitong Sabado. Para sa agarang repatriation ng labi ng Filipina worker, inaayos na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kailangang mga dokumento para rito. Kinilala ang overseas Filipino worker (OFW) na si Myrna Reyes, isang kasambahay, nabagok ang ulo sa insidente. …
Read More »Digong ‘di natinag sa P50-M bounty
INIHAYAG ni incoming Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa kahapon, hindi natinag si President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa P50 milyon patong sa kanyang ulo. Sinabi ni Dela Rosa makaraan ang event sa restaurant sa isang hotel sa Davao City, tumawa lamang si Duterte hinggil sa sinasabing banta sa kanyang buhay. Ayon sa incoming PNP chief, may nakatalaga nang …
Read More »Facebook nag-sorry sa baliktad na PH flag
AGAD humingi ng paumanhin ang social networking service na Facebook kaugnay sa nakabaliktad na watawat ng Filipinas, ang kulay pula ang nasa itaas at asul ang sa ilalim, sa Independence Day greeting nila kahapon. Sa statement na inilabas ng social media giant, sinabi nitong hindi nila sinasadya ang pagkakamaling nangyari. Malaki raw ang kanilang pagpapahalaga sa taong-bayan ng Filipinas na …
Read More »Bebot pinalakol ni bayaw, patay
NAGA CITY – Patay ang isang babae makaraan palakulin ng kanyang bayaw sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Vevencia Borasca, nasa hustong gulang. Ayon sa ulat ng pulisya, biglang pinalakol ng suspek na si Efren Cariño ang biktima pati na rin ang kanyang sariling kapatid na si Ruel Cariño. Hindi pa matukoy ng mga …
Read More »Police asset pinugutan sa Rizal
NATAGPUANG pugot ang ulo ng isang 25-anyos tricycle driver na sinasabing asset ng pulis, sa masukal na bahagi ng Brgy. Calumpang, Binangonan, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Mark James Nadora, 25, nakatira sa Katipunan St., Brgy. Calumpang ng nabanggit na bayan. Sa naantalang ulat ng mga …
Read More »50 timbog sa Oplan Galugad sa QC
UMABOT sa 50 indibidwal ang nahuli nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga opisyal ng barangay sa isinagawang Oplan Galugad sa Payatas, Quezon City nitong Sabado ng gabi. Tatlumpo sa mga dinampot ay pawang menor de edad na lumabag sa ordinansa ng curfew. Sinuyod ng 120 pulis at tanod ang mga eskinita sa Payatas, bukod sa mga menor de …
Read More »Duterte ‘No Show’ sa Independence Day sa Davao
NABIGO ang mga nag-abang kay President-elect Rodrigo Duterte sa aktibidad ng 118th Independence Day celebration sa Davao City, na siya ang kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde. Ngunit ayon sa kampo ni Duterte, hindi naman talaga dumadalo sa ganitong event ang incoming president, kahit noong nakaraang mga taon. Sa kabila nito, natuloy pa rin ang aktibidad sa Davao.
Read More »PNoy nanguna sa kanyang last Independence Day
PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang sa 118th Independence Day sa Luneta Park, Ermita, Maynila kahapon. Kasama ng pangulo sa pagdiriwang sina Executive Secretary Paquito “Jojo’ Ochoa, Defense Sec. Voltaire Gazmin, acting AFP Chief Gen. Glorioso Miranda, DepEd Sec. Armin Luistro at Foreign Affairs Sec. Rene Almendras. Dumating din sina outgoing Vice President Jejomar “Jojo” Binay at Manila …
Read More »Mag-ingat laban sa abo ng Mt. Bulusan – DoH
NAGA CITY – Bagama’t tahimik nang muli ang Bulkang Bulusan makaraan ang phreatic erruption noong nakaraang araw, patuloy pa ring pinag-iingat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Bicol ang mga residente malapit sa bulkan. Sa magdamag ay wala nang naitalang volcanic quakes sa loob ng naturang bulkan. Ayon kay Dr. Ed Laguerta, Regional Director ng Phivolcs-Bicol, nasa karakter …
Read More »Bike rider utas sa truck
PATAY ang isang 50-anyos bike rider nang masagasaan ng 10 wheeler truck sa Pedro Gil Avenue sa Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Gil Garcia, nasa hustong gulang, habang arestado ang suspek na si Editho Paulin, truck driver. Sa pahayag ng suspek, nag-counter flow ang biktima at pagkaraan ay nakarinig siya nang malakas na kalabog sa gilid ng …
Read More »Hired killer arestado sa Laguna
ARESTADO ng pulisya ang isang ex-convict na hinihinalang gun-for-hire, sa operasyon ng mga awtoridad nitong Linggo sa Sta. Maria, Laguna. Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Steve Requitud, residente ng Brgy. Inayapan sa nasabing bayan. Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation Group (CIDG), ang suspek ay hinihinalang gun-for-hire. Tinangka ng suspek na dumampot ng Magnum .357 handgun …
Read More »P5.18-M marijuna sinunog sa Kalinga
BAGUIO CITY – Aabot sa P5.18 milyon halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng pulisya sa isinagawa nilang marijuana eradication sa tatlong plantation sites sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga. Ayon sa Police Regional Office-Cordillera, aabot sa 6,000 piraso ng marijuana plants ang binunot at sinira ng mga operatiba sa Sitio Balete, na nagkakahalaga ng P1.2 milyon, habang aabot sa …
Read More »Piskalya umalma sa isyung droga
CAGAYAN DE ORO CITY – Idinepensa ng Cagayan de Oro City Prosecutor’s Office ang local prosecutors na sinasabing ilan sa kanila ang sabit sa illegal drug trade sa bansa. Ito ay makaraan ibulgar ni incoming Department of Justice (DoJ) Secretary Atty. Vitaliano Aguirre II na mayroong ilang gov’t prosecutors na sangkot sa nagpupuslit ng droga. Ayon kay Chief City Prosecutor …
Read More »Digong, Bato target ng drug lords (P50-M patong sa ulo ng dalawa)
KINOMPIRMA ni incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald Dela Rosa, tinaasan pa umano ang alok para sila ay i-liquidate kasama si President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Dela Rosa, mula sa P10 milyon na bounty, itinaas pa sa P50 milyon ang alok ng mga drug lord sa kung sino mang makapapatay sa kanilang dalawa. Sinabi ni Dela Rosa, walang kumagat sa …
Read More »‘Constitutional dictatorship’ kabaliwan — Nene
CAGAYAN DE ORO CITY – Tinuligsa ni dating Senate president at PDP-Laban founding chairman Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., si incoming presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa ipinalutang na posibleng constitutional dictatorship sa ilalim ng Duterte administration. Ito ay makaraan igiit ni Panelo na tanging nasa katauhan lamang ni President-elect Rodrigo Duterte ang pagsisilbi bilang constitutional dictator dahil sa taglay na …
Read More »20-anyos epileptic ginahasa ng utol at ama
NAGA CITY – Ginahasa ng kanyang ama at 14-anyos kapatid ang 20-anyos babaeng may sakit na epilepsy sa bayan ng San Pascual, Masbate. Ayon kay Chief Insp. Edgar Butch Moraleda, hepe ng San Pascual PNP, natutulog ang biktima nang mangyari ang panggagahasa ng kanyang lasing na 42-anyos ama. Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin makaraan ang insidente. Sa imbestigasyon ng …
Read More »Tsap-tsap victim sa Senado tukoy na
NATUKOY na ang pagkakakilanlan ng tsap-tsap victim na isinilid sa sako at itinapon sa tapat ng gusali ng Senado sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sa pamamagitan ng peklat sa putol na kaliwang binti at deskripsiyon sa pares ng kamay, kinilala ni Helen Bacordo, 43, ng 137 Brgy. E, Rosario, Batangas, ang nasabing bahagi ng katawan ay sa nawawala …
Read More »3 tao sinaksak ng praning (4 araw walang tulog)
SUGATAN ang tatlo katao, kabilang ang 4-anyos paslit, sa pananaksak ng isang lalaking napraning makalipas ang apat araw na walang tulog sa Navotas City kahapon ng umaga. Kinilala ang suspek na si Jayson Turla, 24, nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police. Pawang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mga biktimang sina Joan Termulo, 30, live-in partner …
Read More »78-anyos buko vendor utas sa lover ng live-in partner
VIGAN CITY – Love triangle ang tinitingnan dahilan ng pagpatay sa isang 78-anyos lolo sa Brgy. Pussuac, Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Edgardo Medrano, chief of police ng Sto. Domingo municipal police station, ang suspek na si Rodolfo Bautista alyas Rudy, residente sa Brgy. Sagsagat, San Ildefonso. Halos mabiyak ang ulo ng biktimang si Cesar Tobias …
Read More »P3-M ecstacy nasabat, suspek arestado
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang tinatayang P3 milyong halaga ng party drug na ecstacy at naaresto ang tatanggap sana ng nasabing kargamento. Ayon sa BOC Enforcement Group, nagsagawa sila ng controlled delivery ng 2,009 piraso ng orange-colored tablets mula sa The Netherlands, nagresulta sa pagkaaresto sa tatanggap sana nito sa Adriatico Residences sa Mabini Street, Malate, …
Read More »Boycott sa media ng Duterte admin nakababahala
NAGPAHAYAG nang pagkabahala si Atty. Romulo Macalintal sa boycott ni President elect Rodrigo Duterte sa media. Ayon kay Macalintal, mahirap para sa publiko kung limitado ang lumalabas na balita at pawang nanggagaling lamang sa government stations. Hindi aniya malayong isipin na sinasala lamang ang bawat impormasyong naisasapubliko, taliwas kung bukas ang mga isyu maging sa private companies. Kinilala rin ng …
Read More »