Friday , November 15 2024

Masonry Layout

2 pulis kritikal sa ratrat ng tandem

KRITIKAL ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng riding in-tandem habang nagkukuwentohan sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina SPO3 Rommel Fermin Rey, nakatalaga sa Manila Police District – Police Station 4; at PO3 Joel Rosales, nakatalaga sa Northern Police District, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na …

Read More »

Utol ni Tesdaman proklamadong mayor sa Bocaue sa toss coin

NAIPROKLAMA na ang mayoralty candidate sa Bocaue, Bulacan na nanalo sa pamamagitan ng toss coin. Ito’y makaraang magtabla ang dalawa sa tatlong kandidato roon na sina Jim Valerio at Joni Villanueva na nakakuha ng tablang boto na 16,694. Bunsod nito, nagdesisyon ang Comelec officer na idaan na lamang ang laban sa toss coin para maideklara na ang nanalong kandidato. Sa …

Read More »

Smooth transition kay Duterte (Pangako ni PNoy)

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na bumalangkas ng isang executive order para bumuo ng Transition Committee para maging maayos ang pagsasalin ng kapangyarihan kay presumptive president Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo, naiparating na niya ang pagbati kay Duterte sa pamamagitan ng executive assistant ng dating alkalde na si Bong Go. “I talked to …

Read More »

Parliamentary System panukala ni Duterte (Konstitusyon gusto i-overhaul)

BINABALANGKAS na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga balak kung siya na ang nakaupo bilang pangulo. Nangunguna ngayon si Duterte batay sa partial, unofficial result sa presidential race. Sinabi ng tagapagsa-lita ni Duterte na si Peter Lavina, balak ng alkalde na i-overhaul ang Konstitusyon at ipanukala ang paglipat sa parliamentary system. Ngunit sinabi ni Lavina, kailangan itong …

Read More »

Orange Team ni Mayor Oca landslide sa Caloocan

MATAGUMPAY na nairaos ang proklamasyon ng mga kandidatong naihalal ng mga residente ng Caloocan upang muling makapaglingkod ng panibagong termino sa kanilang nasasakupan. Hindi mahulugang karayom ang nagnais makasaksi sa isinagawang proklamasyon sa mga kandidato mula sa alkalde, bise-alkalde, kongresista at mga konsehal mula sa dalawang distrito ng lungsod. Nagtilian ang supporters, mga opisyal at media sabay ugong ng palakpakan …

Read More »

Election-related violent incidents (ERVIs) umakyat na sa 25-AFP

PUMALO na sa 25 ang election-related violent incidents (ERVIs) ang naitala ng Armed For-ces of the Philippines (AFP). Inilahad ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato ang nasabing impormasyon. Kabilang sa naitalang ERVIs ang insidente nang pag-ambush sa dalawang miyembro ng 9th Infantry Division na sugatan sa insidente habang tumutupad sa kanilang election duty sa Matnog, Sorsogon. Inihayag …

Read More »

Pasya ng sambayanan iginagalang ng Palasyo

KINIKILALA at iginagalang ng Palasyo ang pasya ng sambayanang Filipino sa nakalipas na halalan o ang pagwawagi ni presumptive president Rodrigo Duterte. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang landas ng mabuting pamamahala o “Daang Matuwid” ay naitatag na at lahat ng presidentiables ay kontra-korupsiyon at pabor sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng kasalukuyang pro-poor programs at isusulong ang mga …

Read More »

Move-on, healing na — Digong (Panawagan sa presidentiables)

INIHAYAG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam makaraan makalamang nang ilang milyon laban sa mga katunggali sa presidential race. Sinabi ni Duterte, naniniwala siyang ‘destiny’ o kaloob ng Diyos ang kanyang napipintong panalo sa eleksiyon. Ayon kay Duterte, kung mananalo nga siya, ipinangangako niyang magtatrabaho siya para mapagsilbihan ang mga kababayan. Ipinarating na rin …

Read More »

Sen. Poe, Roxas nag-concede na

NAG-CONCEDE na sa presidential race sina Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kanilang pagkatalo sa katatapos na halalan. Sa press conference kahapon ng madaling-araw, sinabi ng senadora, ginawa niya ang lahat na makakaya, lumaban nang malinis at patas kaya wala siyang pinagsisihan kahit na nabigo. Binati ni Poe si Duterte at nangako ng pakikiisa para …

Read More »

Digong tumangis sa puntod ng magulang (Humingi ng tulong para sa bayan)

DAVAO CITY – Ilang oras makaraan ang partial, unofficial election results na nagpapakita na na-ngunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, binisita ng alkalde ang puntod ng kanyang mga magulang sa Wireless Cemetery sa lungsod. Dakong 3 a.m. kahapon, nagtungo ang alkalde sa puntod ng inang si Soledad at napahagulgol habang hinihingi ang tulong para sa …

Read More »

Winners sa Metro Manila iprinoklama ng Comelec

KATULAD sa national elections, naging mainit din ang labanan sa local polls sa Metro Manila, ang mga kandidato mula sa political families at mga alyansa ay naging pukpukan din ang sagupaan. Sa Makati City, muling nakuha ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang lungsod sa panalo ni Congresswoman Abby Binay at proklamasyon kahapon bilang bagong mayor. Ang nakababatang Binay …

Read More »

Unofficial canvass ipinatigil ng kampo ni Bongbong Marcos

NANINIWALA si Rep. Jonathan Dela Cruz, campaign adviser ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyak niyang mananalo si Marcos sa official canvass ng mga boto sa maliit na lamang na nakatala sa unofficial count ng kanyang kalaban na si Rep. Leni Robredo. “We are certain that after all of these things, we will emerge victorious. …

Read More »

Digong Bongbong nanguna (Sa Comelec unofficial, partial result, Lim, Malapitan umarangkada kontra sa kalaban)

NANGUNGUNA si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections, base sa partial and unofficial results mula sa transparency server ng Commission on Elections. Sa inisyal na canvassing, nakakuha si Duterte ng 9,039,620 boto. Habang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nangunguna sa vice presidential race na nakuha ng 7,223,906 boto, kasunod si Camarines Sur Representative Leni Robredo, …

Read More »

Reporter, cameraman bugbog-sarado sa mayoralty supporter (Sa Zambo Sibugay)

ZAMBOANGA CITY – Bugbog-sarado ang isang reporter ng local television station na nakabase sa Pagadian City at ang kanyang cameraman makaraan kuyugin ng supporters ng isang mayoralty aspirant. Kinilala ang reporter na si Jay Apales habang ang kanyang cameraman ay si Clint John Ceniza, nagtatrabaho sa local station na TV-One sa Pagadian City. Ayon sa ulat mula sa Pagadian City, …

Read More »

2 political supporter ng LP patay sa ambush

CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang dalawang political supporters ng isang mayoralty candidate ng Liberal Party sa Brgy. Kapingan, Marawi City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang isa sa mga biktimang na si Al Hapis Usman, supporter ni Majul Gandamra, tumakbo bilang alkalde sa nasabing lungsod. Inihayag ni Lanao del Sur provincial director, Sr. Supt. Rustom Duran, boluntaryong sumama ang …

Read More »

400-K ang naitala sa overseas voting

UMABOT sa mahigit 400,000 ang bumoto sa overseas absentee voting (OAV). Ito ang iniulat ni Comelec Comm. Rowena Guanzon, batay sa kanilang monitoring. Nabatid na hindi pa umabot sa kalahati ng kabuuang registered OAV voters na nasa 1.38 milyon. Kabilang sa mga bansang may malaking bilang ng mga lumahok sa overseas voting, ang Singapore, Hong Kong, Estados Unidos at ilang …

Read More »

Mayor Lim dinumog ng botante

ANG nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim ang kauna-unahang mayoral candidate na bumoto kahapon, nagtungo siya sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila dakong 8 a.m. Dinumog si Lim ng mga botante na nagsipagkamay, yumakap, nagsisigaw ng kanyang pangalan at kumuha ng retrato na kasama siya, gamit ang kanilang mga cellphone, bago at matapos niyang …

Read More »

7 patay sa barilan sa Rosario, Cavite

HINDI inaalis ng mga awtoridad na may kinalaman sa halalan ang shooting incident sa Rosario, Cavite na ikinamatay ng pito katao kamakalawa. Ayon sa hepe ng Rosario PNP na si Supt. Rommel Javier, bukod sa mga namatay ay isa rin ang sugatan sa nasabing insidente. Isinusulat ang balitang ito ay tinutugis pa ng mga awtoridad ang mga suspek at may mga …

Read More »

Kelot tigok sa boga

PATAY ang isang 39-anyos lalaki makaraan barilin sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Larry Galang Laygo, ng Building 10, Unit 215, Permanent Housing, Balut, Tondo. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa imbestigasyon …

Read More »

Sarangani inmates nagtangkang mag-boycott

GENERAL SANTOS CITY- Napigilan ang tangkang boycott ng mga preso sa Sarangani Provincial Jail sa Baluntay, Alabel Sarangani province. Ayon kay Provincial Jail Warden Manuel Sales Jr., ilang inmates ang nagtampo at umalma dahil hindi maaaring bumoto sa local positions. Karamihan sa kanila ay nais sanang bumoto sa mga kandidato na  tumulong sa kanila. Sinabi ni Sales, sumusunod lamang sila …

Read More »

Rider todas sa riding in tandem

PATAY ang isang motorcycle rider makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ryan Mata, 29, residente ng 802 BGISIS Mansion, N. S. Amoranto, Quezon City. Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga …

Read More »

Relax Lang – PNP Chief (Kandidato, supporters sinabihan)

UMAPELA si PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang supporters na maging mahinahon, kalmado at respetohin ang ‘rule of law.’ Huwag din daw gumawa ng mga aksiyon na hindi magdudulot nang maganda. Ito ang panawagan ni Marquez kasunod sa mga report na ilang supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas. Tiniyak …

Read More »

‘Wag iboto mamamatay tao – Simbahan

HINIMOK ng Simbahang Katoliko ang taumbayan na maging maingat sa pagpili ng kanilang ihahalal na Pangulo ngayong araw sa kanilang pagtungo sa mga presinto upang bumoto. Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng makapangyarihang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hinihiling niya na huwag ihalal ng mga tapat na Katoliko ang kandidato na aminadong isang mamamatay tao. “Kahit ano …

Read More »

Chiz piniling VP ng progresibo

“MATAPANG siya at may paninindigan.” Ito dahilan kung bakit sinuportahan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na kumakandidatong Senador, ang pagtakbong bise presidente ni Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Colmenares, subok ang pagsulong ni Escudero sa mga isyung makamasa kaya naman siya ang napupusuan ng mga lider at tauhan ng sektor na progresibo. Matapang na nanindigan si Chiz at makailang …

Read More »

Lim kumasa sa ‘guerilla style’ na caucus sa Baseco

LIBO-LIBONG residente ng Baseco ang humarang sa motorcade nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim nang magtungo siya roon para kumampanya, dahilan upang mapilitang magsagawa ng caucus, ‘guerrilla style.’ Sa gitna ng hiyawan at patuloy na pagtawag sa pangalan ni Lim, nagtipon ang mga residente sa mismong gitna ng kalsada, kung kaya’t hindi kinayang umandar ng …

Read More »