Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Babae pupuno sa gabinete ni Duterte

INIHAYAG ni Sen. Pia Cayetano na 50 porsiyento ng gabinete ng Duterte administration ay pawang mga babae at sila ay iluluklok sa mga ahensiya na tututok sa kapakanan ng mga kababaihan upang masiguro ang lideratong “gender balance.” Napag-alaman, kinuha na rin ni President-elect Rodrigo Duterte si Sen. Pia Cayetano bilang adviser para sa selection committee. Si Pia ay kapatid ng …

Read More »

Digong babalik sa City Hall para magtrabaho

DAVAO CITY – Babalik pa rin sa trabaho si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sa ngayon ay nagpapahinga pa. Ito ang tiniyak ni Christopher “Bong” Go, executive assistant ni Duterte. Ito aniya ang payo ng doktor sa alkalde dahil masama pa ang pakiramdam at nagpapatuloy ang medikasyon. Samantala, sa Lunes muling babalik sa trabaho sa city hall si Duterte.

Read More »

2 Chinese national arestado sa buy-bust

ARESTADO ang dalawang Chinese national makaraan makompsikahan ng isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District—District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa Brgy. UP Campus, Quezon City kahapon. Sa ulat ni Chief Insp. Enrico Figueroa, DAID chief, kinilala ang mga nadakip na sina Xiongwei Chen, 42, tubong Fujian, China, at Weier Chen, may mga alyas na “Willy Ang Tan” at …

Read More »

PNoy abala sa paper works, monitoring

NILINAW ng Malacañang na abala si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paglagda nang nakabinbing mga dokumento sa kanyang tanggapan. Magugunitang marami ang nagtataka dahil wala pang public engagement si Pangulong Aquino simula nitong Martes o pagkatapos ng eleksiyon na ikinatalo ng kanyang pambatong si Sec. Mar Roxas. Naging abala rin ang punong ehekutibo sa pag-iikot sa pangangampanya sa iba’t …

Read More »

Robin Padilla nagreklamo sa NBI (Napikon sa basher)

PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Robin Padilla para ireklamo ang kanyang basher na nag-post sa twitter nang sinasabing kamay niya na nagpapakita na siya ay bumoto sa halalan at pinakuhaan ng retrato ang kanyang balota. Dakong 2 p.m. nang magtungo si Padilla sa NBI-Anti Cyber Crime Division kasama ang kanyang abogado na …

Read More »

1 patay, 1 sugatan sa Lanao Sur ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang isa ang sugatan makaraan tambangan habang sakay ng van sa  Brgy. Maguing proper, Maguing, Lanao del Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Hasanal Macabando Dimal habang sugatan si Amin Macabando Dimal, residente sa nasabing lalawigan. Inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt Rustom Duran, binabaybay ng …

Read More »

20 pamilya nawalan ng bahay sa Pasay fire

NAWALAN ng bahay ang 20 pamilya makaraan tupukin ng apoy ang apat paupahang bahay at nadamay ang isang day care center sa sunog bunsod nang hinihinalang electrical short circuit sa Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi. Base sa inisyal na ulat ni Pasay Fire Department Supt. Doug-las Guiyab, nagsimula ang sunog sa kisame ng inuupahang bahay ng isang Noli Tugade …

Read More »

Lola dedbol sa bundol ng bus sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang isang lola makaraan mabundol ng isang pampasaherong bus sa Pagbilao, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Milanda Tiñana, 69-anyos. Napag-alaman, tumatawid ang biktima sa kalsada sa Maharlika Highway sa Brgy. Binahaan sa nasabing lugar nang mabundol ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni Marlon Danao, 34-anyos. Agad isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead …

Read More »

Alerto ibinaba na ng AFP sa blue alert

TATLONG araw makaraan ang halalan, ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alert level mula sa red alert patungo sa blue alert. Ayon kay acting AFP chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda, ang pagbaba ng kanilang alert level ay dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon makaraan ang halalan nitong Lunes. Paglilinaw ni Miranda, …

Read More »

Rebelde todas, 1 sugatan sa sagupaan sa Agusan Sur

BUTUAN CITY – Kinikilala pa ang bangkay ng isang rebelde na narekober makaraan ang pakikisagupa sa militar sa Purok 9, Tiniwisan, Brgy. San Jose, sa bayan ng Prosperidad, sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa. Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, public information officer ng 401st Brigade Philippine Army, nakasagupa ng 3rd Special Forces na kasama sa Law Enforcement Operation, ang …

Read More »

Political prisoners hiniling palayain (CPP todo-suporta kay Digong)

NAGPAHAYAG ng suporta ang Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon sa incoming administration ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa Facebook post, sinabi ni National Democratic From chief political consultant Jose Maria Sison, si Duterte ay mula sa kilusan, at hinikayat siyang palayain ang lahat ng political prisoners, pabilisin ang peace negotiations at tugunan ang ugat ng civil war. …

Read More »

DFA handa sa foreign policy strat sa WPS case (Sa pag-upo ni Duterte)

NAKAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa foreign policy strategy para sa nalalapit na pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Malacañang bilang bagong halal na Pangulo, kaugnay sa arbitration case at usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ayon kay DFA Undersecretary for Policy Enrique Manalo, nag-ambag na ang mga Embahada ng Filipinas at …

Read More »

Recount sigaw ng Lim supporters

VIRAL ang resulta ng bilangan ng boto sa Maynila na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) dakong 7:00 p.m. nitong Mayo 9 at lumikha ng panawagan para sa agarang ‘recount’ at ‘people power’ sa lungsod. Nagtungo kahapon ang libong supporters ni dating Mayor Alfredo S. Lim sa tower building na kanyang tinitirhan, dala ang reklamo ukol sa malaking diperensiya ng …

Read More »

Nationwide curfew, liquor ban ni Duterte nilinaw

INILINAW ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ilang detalye tungkol sa pinaplanong nationwide curfew at liquor ban ng susunod na administrasyon. Ipinaliwanag ni Peter Laviña kung bakit iniisip ni Duterte na ipatupad ang curfew at liquor ban sa buong bansa, na ipinatutupad niya ngayon sa Davao city. “The curfew is principally for minors, unescorted minors, past 10 …

Read More »

Apelang recount ni Bongbong ipaubaya sa Kongreso

IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na ipaubaya na lamang sa canvassing ng Kongreso ang reklamo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa sinasabing ‘discrepancy’ sa bilangan ng resulta ng halalan. Magugunitang kahapon, umapela si Marcos na ihinto muna ang bilangan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil baka magdulot ito nang pagdududa kapag magkaiba ang resulta ng …

Read More »

DPWH puspusan sa ‘Oplan Baklas’

ABALA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbabaklas ng campaign posters na iniwan ng mga kandidato sa mga pampublikong estruktura. Sa pagtaya ng Oplan Baklas team, aabutin sila ng isang linggo bago tuluyang matapos sa paglilinis sa Merto Manila. Sa ngayon, katuwang nila ang MMDA ngunit mas mapapadadali raw ang kanilang aktibidad kung may dagdag na tulong …

Read More »

Ex-Comelec chief Abalos absuwelto sa kasong graft

ABSUWELTO sa kasong graft sa Sandiganbayan si dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos. Ito ay may kaugnayan sa kinasasangkutan niyang kontrobersiyal na $329-milyon ZTE-National Broadband Network (NBN) deal noong 2007. Matatandaan, sinampahan ng kasong graft si Abalos makaraan ang sinasabing paggamit ng kanyang posisyon sa gobyerno upang matuloy ang maanomalyang NBN-ZTE deal kapalit ang malaking halaga ng komisyon.

Read More »

2 pulis kritikal sa ratrat ng tandem

KRITIKAL ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng riding in-tandem habang nagkukuwentohan sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina SPO3 Rommel Fermin Rey, nakatalaga sa Manila Police District – Police Station 4; at PO3 Joel Rosales, nakatalaga sa Northern Police District, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na …

Read More »

Utol ni Tesdaman proklamadong mayor sa Bocaue sa toss coin

NAIPROKLAMA na ang mayoralty candidate sa Bocaue, Bulacan na nanalo sa pamamagitan ng toss coin. Ito’y makaraang magtabla ang dalawa sa tatlong kandidato roon na sina Jim Valerio at Joni Villanueva na nakakuha ng tablang boto na 16,694. Bunsod nito, nagdesisyon ang Comelec officer na idaan na lamang ang laban sa toss coin para maideklara na ang nanalong kandidato. Sa …

Read More »

Smooth transition kay Duterte (Pangako ni PNoy)

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na bumalangkas ng isang executive order para bumuo ng Transition Committee para maging maayos ang pagsasalin ng kapangyarihan kay presumptive president Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo, naiparating na niya ang pagbati kay Duterte sa pamamagitan ng executive assistant ng dating alkalde na si Bong Go. “I talked to …

Read More »

Parliamentary System panukala ni Duterte (Konstitusyon gusto i-overhaul)

BINABALANGKAS na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga balak kung siya na ang nakaupo bilang pangulo. Nangunguna ngayon si Duterte batay sa partial, unofficial result sa presidential race. Sinabi ng tagapagsa-lita ni Duterte na si Peter Lavina, balak ng alkalde na i-overhaul ang Konstitusyon at ipanukala ang paglipat sa parliamentary system. Ngunit sinabi ni Lavina, kailangan itong …

Read More »

Orange Team ni Mayor Oca landslide sa Caloocan

MATAGUMPAY na nairaos ang proklamasyon ng mga kandidatong naihalal ng mga residente ng Caloocan upang muling makapaglingkod ng panibagong termino sa kanilang nasasakupan. Hindi mahulugang karayom ang nagnais makasaksi sa isinagawang proklamasyon sa mga kandidato mula sa alkalde, bise-alkalde, kongresista at mga konsehal mula sa dalawang distrito ng lungsod. Nagtilian ang supporters, mga opisyal at media sabay ugong ng palakpakan …

Read More »

Election-related violent incidents (ERVIs) umakyat na sa 25-AFP

PUMALO na sa 25 ang election-related violent incidents (ERVIs) ang naitala ng Armed For-ces of the Philippines (AFP). Inilahad ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato ang nasabing impormasyon. Kabilang sa naitalang ERVIs ang insidente nang pag-ambush sa dalawang miyembro ng 9th Infantry Division na sugatan sa insidente habang tumutupad sa kanilang election duty sa Matnog, Sorsogon. Inihayag …

Read More »

Pasya ng sambayanan iginagalang ng Palasyo

KINIKILALA at iginagalang ng Palasyo ang pasya ng sambayanang Filipino sa nakalipas na halalan o ang pagwawagi ni presumptive president Rodrigo Duterte. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang landas ng mabuting pamamahala o “Daang Matuwid” ay naitatag na at lahat ng presidentiables ay kontra-korupsiyon at pabor sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng kasalukuyang pro-poor programs at isusulong ang mga …

Read More »

Move-on, healing na — Digong (Panawagan sa presidentiables)

INIHAYAG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam makaraan makalamang nang ilang milyon laban sa mga katunggali sa presidential race. Sinabi ni Duterte, naniniwala siyang ‘destiny’ o kaloob ng Diyos ang kanyang napipintong panalo sa eleksiyon. Ayon kay Duterte, kung mananalo nga siya, ipinangangako niyang magtatrabaho siya para mapagsilbihan ang mga kababayan. Ipinarating na rin …

Read More »