Tuesday , December 16 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

Aiko Melendez

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga tarpaulin ng isang tumatakbong congresswoman, na ayon sa kanya ay walang katotahan. Kaya naman handa niyang idemanda ang naninira o gumagamit sa pangalan niya. Sa pamamagitan ng Facebook post ay ipinagtanggol ni Aiko ang sarili. Post niya as it is,”Magandang gabi po wala po akong pinapabaklas na …

Read More »

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

Pope Francis Tacloban

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang mga public officials at Waraynons sa isang mataimtim na Banal na Misa sa tarmac ng bagong Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport, upang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis noong 2015 at bilang pagpupugay sa Santo Papa na binigyan ang mga mamamayan …

Read More »

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni Pangulong Ferdinand “PBBM” Marcos Jr., partikular sa mga proyektong kaugnay ng pagpapaunlad ng mga pantalan, na layuning magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino. Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni PBBM ang ₱430.39-milyong Balingoan Port Expansion Project sa Misamis Oriental, na nagpapakita …

Read More »

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

Comelec Money Batangas

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot sa P273 milyon sa lalawigan ng Batangas dahil posibleng maging anyo ng pagbili ng boto. Sa desisyon ng Comelec en banc, may petsang 21 Abril 2025, sinuspinde nito ang exemption na ibinigay sa provincial government ng Batangas, na pinamumunuan ni Gov. Hermilando Mandanas, para magpamahagi …

Read More »

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

Vote Buying

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Sam Versoza kaugnay ng vote-buying o pamimili ng mga boto, isang uri ng paglabag sa mga regulasyon ng ahensiya na maaaring maging batayan ng deskalipikasyon. Magkasunod sa listahan ng Comelec sa mga inisyuhan ng ‘show cause orders’ sina Moreno at Versoza, kasama ang pitong kandidato, …

Read More »

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang Local Pension Fund na magbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa mga senior citizen ng lungsod. Layunin ng inisyatibong ito na maibsan ang araw-araw na pasanin ng libo-libong matatanda na umaasa sa limitadong tulong mula sa pamahalaan. Sa kasalukuyan, tinatayang 11,000 sa mga senior citizen ng …

Read More »

Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap

Manny Pacquiao

DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik nitong Huwebes matapos ilabas ang pinakabagong pambansang survey na nagpapakita ng kanyang pagpasok sa “Magic 12” para sa 2025  Midterm elections. Sa panayam ng mga mamamahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa patuloy na tiwala ng mga Filipino. “Lubos akong nagpapasalamat at kasama tayo sa magic 12 …

Read More »

50th Grand Santacruzan sa Barangay Libid, Binangonan, kasado na sa Mayo 4!

Faith da Silva Gil Aga Anore

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING makulay at masaya ang ihahandog ng Barangay Libid para sa kanilang 50th Grand Santacruzan. Ito ay magaganap sa Mayo 4, 2025 sa ganap na ika-5 ng hapon, bilang bahagi ng Alay sa “Pista ng Krus”. Upang lalong painitin pa at ma-promote ang nabanggit na event, naging matagumpay ang isinagawang meet the press guesting sa program …

Read More »

Liriko: An Intimate Night of Music show para Sa Golden Gays at Gabay ng Landas

Liriko An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa 

ISANG Filipino producer na nasa LA sa Amerika, si Jensen Carlo Quijano, ang nag-produce ng show na ang lahat ng proceeds ay ibibigay sa Home for the Golden Gays at Gabay Sa Landas dito sa Pilipinas. Ito ay ang Liriko: An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa at marami pang iba na gaganapin sa April 26 ng gabi, US time, sa Kusina Filipina sa Cerritos, California. Alam kasi …

Read More »

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

Miles Ocampo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. Kahanay na ni Miles sa naturang artist’s management company sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at Carla Abellana among other talents nina direk Mike Tuviera, Jojo Oconer, at Ms. Jacqui Cara. “Masaya po. Hindi ko po talaga sukat akalain na aabot sa ganito dahil sabi nga nina direk Mike, years ago pa nila …

Read More »

Aira Lopez may kilig birthday surprise

Aira Lopez bday Mark Leviste

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, mga mahal sa buhay, at malalapit na kaibigan. Present din ang kanyang boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste na may pa-surprise para sa kanyang birthday girl. Kapansin-pansin ang sweetness ng dalawa sa buong gabi, kaya’t hindi maikakailang blooming si Aira.  Spotted din sa event ang …

Read More »

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NASA pangangalaga na ng All Access to Artists (Triple A) Management si Miles Ocampo. Noong Martes, Abril 22 ginanap ang contract signing sa Lola Ote kasama ang mga big boos na sina Direk Mike Tuviera (President and CEO), Jojo Oconer (CFO and COO), at Jacqui Cara (Head of Operations and Sales). Sobrang saya ni Miles sa contract signing at panay ang sabing first time …

Read More »

Sue super happy sa relasyon nila ni Dominic, umaasang ‘the one’ na ang aktor

Sue Ramirez Dominic Roque Diego Loyzaga Gino M Santos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KITANG-KITA ang kasiyahan sa aura ni Sue Ramirez nang humarap ito sa media conference ng pinakabago niyang pelikula sa Viva Films, ang In Between kasama si Diego Loyzaga. Kaya naman iyon agad ang napagdiskitahan namin sa kanya. Blooming at fresh na fresh kasi ang aktres. Ang dahilan—masaya siya sa kanyang lovelife ngayon. Masaya siya kay Dominic Roque na hindi naman nila itinatago ang kanilang …

Read More »

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its efforts in promoting science-based solutions for nutrition and technology transfer through commercialization through the formal signing of three Technology Licensing Agreements (TLAs) during the Ceremonial TLA Signing at the 2025 North Luzon Innovation and Technology Transfer Summit, held at the Newtown Plaza Convention Center. The …

Read More »

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

Arrest Posas Handcuff

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa tala ng Marilao, Bulacan, dahil sa kasong panggagahasa. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Marilao MPS ang suspek dakong 12:30 ng hapon, nitong Martes, 22 Abril. …

Read More »

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

Anglees Pampanga PNP Police

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maaresto ang salarin ng isang turistang Korean national. Ayon sa lokal na pamahalaan, binawian ng buhay ang Korean national na kinilala sa pangalang “Kim” matapos barilin sa Korean Town area sa lungsod ng Angeles, Pampanga, nitong Linggo, 20 Abril. Sa …

Read More »

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad ng safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon dahil maaaring ikamatay ng mga manggagawa ang kasalukuyang temperatura. Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo na nga sa 50°C o “dangerous level” ng heat index ang temperatura …

Read More »

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

Neri Colmenares

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong impeachment complaint na isinampa laban sa ikalawang mataas na opisyal ng bansa. Inihayag ni Colmenares sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, malate, Maynila, malakas ang kasong isinampa at inihain nila laban sa bise presidente kung …

Read More »

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

042425 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) nang madiskubreng ibinangketa o hindi isinuko ang mga nakompiskang marijuana sa limang sugarol na inaresto sa isinagawang Oplan Galugad sa lungsod sa bisperas ng Semana Santa. Batay sa ulat, nasa restrictive custody ngayon ang 10 operatiba mula sa Holy Spirit Police Station 14, kasunod ng …

Read More »

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

Vico Sotto

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto ay nahaharap sa mga panawagan na gumawa ng mas matinding hakbang upang tugunan ang mga patuloy na isyu sa konseho ng lungsod. May mga residente ng Pasig na nag-aalala at humihiling na disiplinahin ang mga konsehal na diumano’y nagdudulot ng hindi kinakailangang kontrobersiya. …

Read More »

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

Joey Salceda

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa pagtatapos ng kanyang termino sa Kamara sa darating na Hunyo. Mga limang milyon sa naturang SCs ang mahirap. Nangangampanya siya ngayon sa muling pagka-gubernador ng Albay. Nitong nakaraang 2024, pinamunuan ni Salceda ang ‘joint House Ways and Means, …

Read More »

Sa gitna ng lumalalang trapiko sa Metro Manila
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod na trabaho sa mga probinsiya bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding trapiko sa Metro Manila. Ibinahagi ng grupo ang panawagan kasunod ng obserbasyon nitong nakaraang Semana Santa, na bumaba ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan, isang patunay sa tindi ng karaniwang trapiko …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches