TUGUEGARAO CITY – Nakatakas ang 18 Vietnamese na nahuling ilegal na nangingisda sa Calayan island, Cagayan. Sa impormasyong nakalap, nakatakas ang nasabing foreign poachers habang nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Irene sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan. Napag-alaman, pasado 10:00 pm nitong Huwebes nang tumakas ang mga mangingisdang Vietnamese gamit ang kanilang fishing vessel. Nagsasagawa nang …
Read More »Masonry Layout
300 pamilya nasunugan sa Parañaque
NAWALAN ng tirahan ang 300 pamilya sa naganap na sunog sa Brgy. Moonwalk, Parañaque City nitong Sabado ng gabi. Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 10:30 pm nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Linda Dejumo. Mabilis na kumalat ang apoy dahilan para itaas ang alarma sa Task Force Alpha makalipas ang isang oras. Bagama’t …
Read More »‘Chinese drug lord’ itinumba sa Tondo
NATAGPUANG patay ang isang hindi nakilalang ‘Chinese drug lord’ sa IBP Road kanto ng Road 10, Brgy. 20, Zone 2, District 1, Tondo, Maynila dakong 3 a.m. kamakalawa. Ayon sa ulat ni Francisco Gaban, barangay tanod, isang lalaking concerned citizen ang nakakita sa hindi nakilalang biktimang 25 hanggang 30-anyos, habang nakadapa at wala nang buhay sa nasabing lugar. Sa bangkay …
Read More »Katawan ng pinugutang Canadian natagpuan na
NATAGPUAN na ang katawan ng pinugutang Canadian na si Robert Hall sa lalawigan ng Sulu. Ayon sa Western Mindanao Command, naaagnas na ang bangkay nang matagpuan kahapon. Matatandaan, noong isang buwan pa pinugutan ng ulo si Hall ng mga bandidong Abu Sayyaf dahil sa hindi pagbabayad ng milyon-milyong ranson. Sadyang hindi agad inilabas ang katawan dahil sa galit ng ASG …
Read More »2-anyos dinukot nasagip, 3 arestado (Sa Zambo City)
ZAMBOANGA CITY – Arestado sa joint operation ng PNP at militar sa lalawign ng Sulu ang tatlong lalaking responsable sa pagdukot sa 2-anyos paslit sa Brgy. Arena Blanco sa Zamboanag City. Nasagip ang biktimang si Haima Taji na ngayon ay kapiling na ang kanyang mga magulang sa Zamboanga City. Personal na pumunta sa lalawigan ng Sulu para sa operasyon ang …
Read More »‘Carnapper, drug trafficker todas sa shootout
KORONADAL CITY – Bumagsak na walang buhay ang isang sinasabing notoryos na carnapper at drug trafficker makaraan manlaban sa tropa ng pulisya at Higway Patrol Group sa Gensan Drive, Bo. 2, Koronadal City, sa harap mismo Gaisano Mall kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Francis Rano Patricio, residente ng Sto. Niño, South Cotabato. Napag-alaman, nirentahan ng suspek ang …
Read More »Casino financier na Koreano nagbaril patay
HINDI nakayanan ng isang Korean casino financier ang problemang kinakaharap kaya tinapos ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili makaraan malustay ang P25 milyon na puhunang ibinigay ng kanyang boss sa Pasay City kahapon. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Jeoyoung Shin, 37, may asawa, tubong South Korea, nanunuluyan sa Fine …
Read More »Bisor 7-oras nakulong sa elevator ng nasusunog na gusali
NAILIGTAS nang buhay ng mga bombero ang plant supervisor na pitong oras nakulong sa elevator ng nasusunog na gusali sa Pasig City nitong Sabado ng umaga. Labis ang pasasalamat ni Jovil Ong, plant head supervisor, sa mga sumagip sa kanya makaraan ang halos pitong oras na pagkaka-trap sa elevator sa ika-anim na palapag ng nasunog na Verizon Building sa J. …
Read More »Duterte sa NPA: Drug lords patayin
HINIKAYAT na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA) na tumulong sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Una rito, iniutos ni Pangulong Duterte sa PNP at AFP na magtulungan para tugisin ang mga drug lord sa bansa na matagal nang salot sa lipunan. Sinabi ni Duterte, mas madaling masolusyonan ang problema sa droga kung …
Read More »16 hi-profile inmates mananatili sa Bilibid
MANANATILI muna sa Building 14 ang high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguiree ll, hangga’t walang final ruling ang reklamo ng drug lords ay mananatali sila sa nasabing gusali. Inihayag ni Aguirre, mayroon silang ikinokonsiderang puwedeng paglagyan sa mga bilanggo. Maaari silang ilipat sa Tanay at sa Camp Aguinaldo na may seldang ginamit …
Read More »1st media attack sa Duterte admin kinondena
MARIING kinondena ng Malacañang ang pananambang sa broadcaster na si Saturnino “Jan” Estanio at anak niyang 12-anyos sa Surigao City. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, mabuti na lamang at nakaligtas ang mag-ama para maikuwento ang pangyayari. Ayon kay Andanar, makaaasa ng suporta sina Estanio at makakamit nila ang hustisya. Inihayag ni Andanar, kilalang aktibo si Estanio …
Read More »Pulong ng MILF, MNLF inihahanda na ni Digong
PINAPLANTSA na ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang maipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan. Bukod sa MILF, balak na rin niyang puntahan sa Jolo, Sulu ang pinuno ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuri. Una rito, sinabi ni Duterte, handa siyang bigyan ang mga lider ng safe conduct passes.
Read More »Sangkot sa DAP walang utos panagutin — DoJ
WALANG direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga nagkasala sa Disbursement Accelaration Program (DAP) at Priority Development Assistance Funds o PDAF. Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre ll, wala siyang natatanggap na utos mula sa Pangulo na imbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno na dawit sa PDAF at DAP. Sinabi ng kalihim, tatanggapin nila kung may maghahain ng …
Read More »Ex-vice mayor ng Cavite, 2 pa hinatulan makulong (Sa pagdukot at pagpatay)
HINATULAN ng reclusion perpetua o hanggang 20-taon pagkakakulong ang dating vice mayor at dalawang police officials sa Cavite dahil sa pagdukot at pagpatay sa negosyante at driver noong Hunyo 2008. Sa desisyon na inilabas ni Judge Eugenio dela Cruz ng Pasay City Regional Trial Court Branch 117, napatunayang guilty si dating Dasmariñas Vice Mayor Victor Carungcong, ang mag-asawang sina Chief …
Read More »Mag-ama patay sa tama ng kidlat
LAOAG CITY – Kapwa namatay ang mag-ama nang sila’y tamaan ng kidlat habang nasa bukid sa Brgy. Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang si Fernando Pelaracio, 47, at ang anak niyang si Freddie Flores, 13, kapwa residente sa Brgy. Poblacion Dos sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ng PNP Pagudpud, nangyari ang insidente habang nagbubungkal ng lupa …
Read More »Suspek sa sexual abuse arestado
HINULI ng mga operatiba ng Las Piñas City Police ang 35-anyos lalaking may kasong sexual abuse sa isang dalagita kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod. Base sa tanggapan ni Las Piñas Police chief, Sr.Supt. Jemar Modequillo, nahuli ng mga tauhan ng Warrant Section ang akusadong si Russel Tolentino, ng 138 Satima Compound, Pilar Talon 2, Brgy. Las Piñas City …
Read More »2 NPA patay sa enkwentro sa N. Cotabato
KORONADAL CITY – Inaalam ang pagkakilanlan ng dalawang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na namatay sa magkasunod na enkwentro sa bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa. Ayon kay Captain Danny Boy A. Tapang, civil military operations officer ng 39th IB, Philippine Army, nakasagupa ng mga sundalo ang hindi pa malamang bilang ng mga rebelde dakong 4:40 am …
Read More »Divorce bill mas madaling maisasabatas — Lagman
NANINIWALA si Albay First District Rep. Edcel Lagman, mas madaling maisasabatas ang kanyang inihaing House Bill No 116 o Divorce Bill kung ikukompara sa RH Law. Ayon kay Lagman, maraming nangyaring debate patungkol sa RH Law kung ikukompara sa Divorce Bill na pinapaboran ng mas maraming tao. Dagdag ni Lagman, batay sa survey ng SWS, lumalabas na majority sa …
Read More »CDO mayor suspendido
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng tatlong buwan suspensiyon habang pinasasagot sa kasong kriminal ang kontrobersiyal na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, kasama ang dalawa niyang department heads sa Sandiganbayan. Ito ay sa kabila nang nauna nang dismissal order na ipinataw ng Ombudsman kay Moreno, at kasong administratibo. Nakitaan ng probable cause ng Ombudsman ang …
Read More »4 obrero patay sa aksidente sa Bacolod (14 pa sugatan)
BACOLOD CITY – Umabot na sa apat katao ang namatay sa vehicular accident na nangyari sa Circumferential Road, Brgy. Taculing, lungsod ng Bacolod bandang -8:30 am kahapon. Kinilala ang namatay na construction workers na sina Lito Toyogan, Arman Algabre, Jerwin Hotosmi at Regie Vargas. Ito ang kinompirma ni Jeser Mansueto, project manager ng DK2 Construction & Consultancy Corporation ng …
Read More »Parking collector inutas sa tabi ng anak
MISMONG sa harap ng kanyang 12-anyos anak binaril at napatay ang isang 47-anyos parking collector sa Binondo, Maynilakahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Zaldo Cualing, may asawa, ng 1136 Wagas St., Tondo, habang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek. Base sa ulat na isinumite ni Det. Milbert Balinggan kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police …
Read More »Tulak na ex-parak, 1 pa utas sa sagupaan
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga, kabilang ang isang dating pulis, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa drug-bust operation sa Caloocan Citykamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga supek na sina Elmer Nicdao, sinasabing number 1 tulak sa kanilang lugar sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City, at dating PO1 Aljen Jaquines, residente sa Longos, Malabon City. Ayon sa …
Read More »44 homicide cases inihain vs PNoy, Purisima, Napeñas
INIHAIN na ang kasong homicide sa Ombudsman ng mga kaanak ng mga namatay na 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP), laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas. Sinamahan mismo ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman Dante Jimenez sa Ombudsman, para magsampa ng …
Read More »Emergency powers kay Duterte inihain sa Senado (Sa pagresolba sa trapik)
INIHAIN na ni Senate President Franklin Drilon ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers o dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang suliranin ng trapiko sa bansa. Nakapaloob sa naturang panukala ni Drilon ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte para sa agarang solusyon sa problema sa trapiko sa iba’t ibang panig ng bansa. Naniniwala si Drilon, …
Read More »Digong, Leni nagkita sa Camp Aguinaldo
NAGKITA nang personal sa kauna-unahang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Change of Command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo kahapon. Nilapitan ni Duterte si Robredo sa entablado makaraan ang full military honors, nakangiting nagkamayan at nag-usap nang sandali bago umupo ang Pangulo katabi ni outgoing AFP Chief of Staff …
Read More »