NAKAHANDA nang tugisin ng pambansang pulisya ang ilan sa 27 local government officials na isinasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon sa ilegal na droga. Ito’y kahit hindi pa ibinibigay sa PNP ang opisyal na listahan na nakapaloob ang pangalan ng 27 local government executives na sangkot sa illegal drug trade. Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, …
Read More »Masonry Layout
Pagtumba sa drug users, pushers may basbas ni Digong (Sa police operations)
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, may basbas niya ang serye nang pagpatay ng mga awtoridad sa sinasabing drug users at pushers mula nang maluklok siya sa Palasyo. Wala aniya siyang pakialam sa human rights sa isinusulong na giyera kontra droga dahil sinisira ng mga sangkot dito ang Filipinas. “P—— i— kayo. Hindi kayo nag-isip kung saan natin ilalagay ang problemang …
Read More »Pinoy champs sa olympics pambansang pensionado
NAIS gawing pambansang pensionado ang mga atletang Filipino na mananalo ng medalya sa Olympics. Sakaling maisabatas ang House bill 14800 ni Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon III, magkakaroon ng kaparehong benepisyo ang mananalong Filipino Olympians sa mga atleta sa ibang bansa. Sa nasabing panukala, bibigyan ng pribilehiyo ang Filipino Olympian champions na maging tax-free citizen habambuhay, bukod pa …
Read More »Base pay ng pulis, itataas sa P50-K kada buwan
INIHAIN sa Kamara ang panukalang naglalayong taasan ang matatanggap na minimum na sahod ng mga pulis kada buwan. Sa House Bill 1325 ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, makatatanggap ang mga pulis ng P50,000 buwanang minimum na sahod mula sa kasalukyang P14,834 base pay ng mga pulis na may ranggong PO1. Ang umento aniya sa sahod ng mga pulis …
Read More »4 sports officials guilty sa overpriced equipment — Sandigan
HINATULAN ng Sandiganbayan na guilty ang apat opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at dalawang opisyal na supplier ng sports equipment. Ayon sa Sandiganbayan, makukulong mula anim hanggang 10 taon ang kasalukuyang PSC Deputy Executive Cesar Pradas, mga dating opisyal na sina Simeon Gabriel Rivera, Marilou Cantancio at Eduardo Clariza. Inihayag ng korte, dapat silang panagutin sa paglabag sa Section …
Read More »Demand ni Kerwin para sa pagsuko ibinasura ng PNP
IBINASURA ng Philippine National Police (PNP) ang kahilingan nang inaakusahang drug lord na si Kerwin Espinosa, na sunduin siya ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pagsuko. Ngunit nag-deploy ang pulisya nang sapat na bilang ng mga tauhan na sasalubong kay Espinosa, kung matutuloy ang kanyang pagbabalik-bansa. Si Kerwin ang sinasabing responsable sa pagpapakalat ng droga sa Eastern …
Read More »Anak ng Isabel, Leyte mayor patay sa ambush
TACLOBAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang anak ng alkalde sa Isabel, Leyte makaraan barilin sa Brgy. San Isidro, Ormoc City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Eric Fuentes, anak ni Isabel, Leyte, Mayor Jun Fuentes Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binaril ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo. Inaalam pa ngayon kung …
Read More »4 tulak tigbak sa parak sa Toledo, Cebu
NAPATAY ng mga pulis ang apat hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa Toledo, Cebu makaraan lumaban sa mga awtoridad sa anti-drug operation sa nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa isa sa mga suspek na si Jerome Gara. Ngunit natunugan ni Gara na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya bumunot ng baril …
Read More »4 Sandiganbayan justices nag-courtesy call kay Digong (May hawak sa graft vs GMA)
NAG-COURTESY call kay Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na mahistrado ng Sandiganbayan Fourth Division kamakalawa ng gabi. Nagtungo sa Presidential guest house o tinaguriang Panacanyang sa Davao City, sina Justices Jose Hernandez, Alex Quiroz, Samuel Martires, at Geraldine Faith Ong Wala pang detalye na inilalabas ang Malacañang kung ano ang mahahalagang napag-usapan sa pulong Ngunit hawak ngayon ng Sandigabayann 4th …
Read More »2 NDF consultants pansamantalang pinalaya (Para sa peace talks sa Norway)
PANSAMANTALANG pinalaya ng Supreme Court ang dalawang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magiging bahagi ng peace negotiations ng pamahalaan at NDFP sa Oslo, Norway. Kasunod nito, nanawagan ang Office of the Solicitor General (OSG) na pagbigyan din ng SC ang kanilang hirit na palayain na rin ang nakadetineng political prisoners. Kabilang sa mga binigyan ng …
Read More »Nat’l minimum wage proposal ihahain sa Kongreso
INIHAHANDA na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang panukala para sa National Minimum Wage Law. Ayon kay Bello, idudulog nila ito sa Kongreso sa susunod na mga araw para maihabol sa priority bills. Layunin ng nationwide minimum wage na maging pantay ang sahod mula sa Metro Manila at sa mga probinsya. Sa ganitong paraan, masosolusyunan na rin ang “congestion” …
Read More »Dengue patay kay Malapitan
MULING pinangunahan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang “Oplan Clean Agad,” isang tuloy-tuloy na kampanya ng kalinisan para sa mga lugar na pinamumugaran ng dengue-carrier mosquitoes. Sinimulan kahapon ang tatlong-araw kada cluster na kampanya kontra dengue at matatapos ito hanggang Agosto 21. Layon ng Mayor na magkaroon sa bawat cluster ng 16 na zona ng information campaign; door-to-door flyer …
Read More »Selective justice hindi pinalusot (PCC supalpal sa CA)
SINOPLA ng Court of Appeals (CA) ang Philippine Competition Commission (PCC) makaraang aprubahan ang urgent motion ng Globe Telecom na pag-isahin ang petisyon nito at ng PLDT. Nauna nang tinutulan ng PCC ang konsolidasyon ng mga kaso ng Globe at PLDT, isang hakbang ng anti-trust body na maituturing umanong isang ‘selective justice.’ Ayon kay Globe General Counsel Froilan Castelo, ang …
Read More »Gulf Air flight nag-emergency landing sa NAIA
LIGTAS na nakalabas mula sa eroplanong nag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang 207 pasahero ng Gulf Air flight 155. Nangyari ito bandang 12:30 nn kahapon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), umusok ang internal engine ng sasakyan kaya napilitan ang piloto na humingi ng clearance para sa emergency landing. Nabatid na patungo sana sa …
Read More »Pinay tiklo sa $750K Cocaine sa HK
SUSUDSURIN ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung paanong nakalabas ng bansa nang hindi napapansin ang isang turistang Filipina dala ang 700 gramo ng cocaine at naipuslit sa Hong Kong. Inatasan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang kanyang security officials na magsagawa nang masusing imbestigasyon at kuwestiyonin ang lahat ng mga opisyal na nakatalaga sa inisyal at final security …
Read More »2 heneral protektor ng mag-amang Espinosa
KINOMPIRMA ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang lumutang na ulat na protektor ng mag-amang Rolando at Kerwin Espinosa ang dalawang dating heneral ng pulisya. Ayon kay Dela Rosa, bago pa man lumutang ang sinasabing koneksiyon nina retired General Marcelo Garbo at dating heneral at ngayon ay Daanbantayan Mayor Vicente Loot sa mga Espinosa ay alam na niya …
Read More »Pangalan sa drug list kinokompleto pa (Bago ibunyag ni Digong)
NILINAW ng Palasyo na hindi nagmamadali si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang iba pang mga opisyal at personalidad na sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ni Presidential Management Staff chief Sec. Bong Go, nais muna ni Pangulong Duterte na makompleto ang listahan para isahan na lang ang pagbanggit ng mga pangalan. Una rito kamakalawa ng gabi, muling nasentro sa …
Read More »Peter Lim na lumapit kay Duterte nasa PDEA watch list
IISA ang Peter Lim na lumapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Peter Lim na isa sa drug lords sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ito ang kinompirma ni PDEA Director General Isidro Lapeña. Ayon kay Lapeña, kasama ang pangalan ng Cebuanong negosyante sa listahan ng mga target drug personalities na isinumite nila kay Duterte. Ang nasabing listahan ay …
Read More »Suweldo ng doktor at nurse itataas din — Duterte
TATAPATAN ng administrasyong Duterte ang suweldo ng mga doctor at nurse na nagtatrabaho sa pribadong sektor. Ito ay para maakit ang mga doctor at nurse na magtrabaho sa itatayong rehabilitation center ng pamahalaan para sa drug addicts sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ayon sa Pangulo, imbes pagsilbihan ang mga dayuhan, mas makabubuti kung uunahin muna ng mga doktor at …
Read More »OFWs sa Saudi Arabia pauwiin — Digong (Napikon sa pang-aabuso ng mga Arabo)
NAPIKON si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pang-aabuso ng mga Arabo sa overseas Filipino workers (OFWs) kaya pauuwiin na niya ang ating mga kababayan. Ayon sa Pangulo, nakasasama ng loob na nakararanas ang OFWs ng sexual abuses at iba pang uri nang pagmamalabis gaya nang hindi pagpapasuweldo, pagpapakain at pagtrato na parang hayop. “May sentimiyento ako sa mga Arabo e. …
Read More »Palaisdaan ng malalaking korporasyon ipinabubuwag ni Digong (Sa Laguna de Bay)
IPABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga palaisdaan ng pagmamay-ari ng malalaking korporasyon at mayayamang negosyante na umookupa sa malaking bahagi ng Laguna de Bay. Sa kanyang talumpati sa courtesy call ng volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Palasyo kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, tuwing nagbibiyahe siya sakay ng chopper o eroplano ay nakikita …
Read More »Mocha bilang consultant, itinanggi ng Customs
TODO paliwanag ang Bureau of Customs sa unang pahayag na napipisil para maging “social media consultant” ng ahensiya ang sexy singer/dancer na si Margaux “Mocha” Uson. Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, na-misquote lamang siya at hindi itatalaga si Mocha sa nasabing posisyon ngunit maaari raw magsulat ng articles tungkol sa BoC lalo’t isang active blogger ang 34-anyos performer. Pahayag …
Read More »Sumukong drug users isasalang sa ALS — DepEd
NAIS ng Department of Education (DepEd) na isama ang alternative learning system (ALS) sa rehabilitation program ng gobyerno para sa drug users. Umaasa si DepEd Secretary Leonor Briones na maiaalok ang ALS sa kabataang drug users na nasa rehabilitation centers at sa mga sumuko sa mga awtoridad. Napag-alaman, hiningi na ng DepEd ang listahan ng school-age drug dependents mula sa …
Read More »Guidelines sa Oplan Tokhang ilalabas
MAGLALABAS ng guidelines ang Dangerous Drug Board (DDB) kaugnay sa patuloy na isinasagawang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Ito ay bilang proteksiyon sa sumusukong drug pushers at users. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas Jr., isa sa naiisip nilang paraan ang posibleng paglalagay ng mga abogado para lubusang maintindihan ng drug pushers ang ginagawa nilang pagsuko. Dagdag ni …
Read More »Banta sa oligarch: ‘Umayos o patayin ko kayo’ – Duterte
IPINABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y “oligarchs” o malalaking negosyanteng financier ng ilang politiko sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang na rito si Roberto Ongpin na sangkot sa malaking operasyon ng online gambling at namamayagpag mula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasabay nito, muling nagbabala si Pangulong Duterte sa ibang “oligarchs” na tapusin na ang …
Read More »