Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Medalya ‘di kuwalipikasyon sa Libingan — Palasyo (Buwelta sa NHCP)

HINDI kuwalipikasyon ang natanggap na mga medalya ng isang sundalo para maihimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City. Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa sinabi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na peke ang mga medalya ng kabayanihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya hindi siya maaaring ilibing sa Libingan ng mga Bayani. …

Read More »

Metro Manila mayors sunod na tutukuyin

ISUSUNOD na tutukuyin ang Metro Manila mayors na sangkot sa illegal drug trade kaya hindi dapat maging kampante lalo’t hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubunyag ng mga pangalan ng narco politicians, pahayag ni Interior Secretary Ismael Sueno kahapon. Ayon kay Sueno, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang mga awtoridad laban sa mga mga opisyal sa Metro Manila …

Read More »

168 drug suspects napatay, 1,365 arestado sa 38 araw

shabu drugs dead

INIULAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, umabot na sa 168 drug suspects ang napapatay magmula nitong nakaraang buwan. Ayon sa NCRPO, ang napatay na drug suspects ay naitala mula Hulyo 1 hanggang Agosto 7 sa limang police district offices. May kabuang 66 drug personalities ang napatay ng Manila Police District (MPD) sa nasabing period. Ang MPD …

Read More »

2 QC cops sa Narco-list iginigisa na

INIUTOS ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang masusing imbestigasyon sa dalawang pulis-Kyusi, kapwa dating nakatalaga sa anti-illegal drugs unit, at kasama sa ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na sangkot sa droga. Ayon kay Eleazar, ang District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) ang kanyang inutusan na imbestigahan ang pagkakasangkot sa …

Read More »

Caloocan, most improved sa nutrition program management

Ginawaran kamakailan ng National Nutrition Council (NNC) ng Department of Health (DOH) ang pamahalaang lokal ng Caloocan bilang Most Improved Nutrition Program Management. Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Heritage Hotel, Pasay tinanggap ni Mayor Oscar Malapitan ang parangal. Ang Lungsod na ginawaran ng Most Improved Nutrition Program Management Award alinsunod sa mga kompletong “overhaul” ng mga nutrition programs …

Read More »

Pulis na rape suspect sinibak

crime scene yellow tape

INIUTOS ni Northern Police District (NPD) director, Sr. Supt. Roberto Fajardo ang pagsibak sa tungkulin sa isang bagitong pulis na nanghalay sa isang babae sa Caloocan City noong Agosto 5, 2016. Bukod sa pagsibak sa tungkulin, inatasan din ni Fajardo si Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City, na bawiin ang service pistol at police badge ng pulis na …

Read More »

Politiko et al sa narco-list bistado na (Ultimatum: Sumuko o tugisin)

IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng 158 nasa gobyerno na sinasabing sangkot sa operasyon ng illegal drugs sa bansa kahapon ng madaling araw sa Camp Panacan sa Davao City. Sa kanyang talumpati, isa-isang binasa ng Pangulo ang nakasulat na mga pangalan sa “Duterte list” ng pitong hukom, 52 dati at kasalukuyang alkalde at vice mayors, tatlong congressman, …

Read More »

Duterte Narco-list

Judges Judge Mupas, Dasmariñas, Cavite Judge Reyes, Baguio City Judge Savilo, RTC Branch 13, Iloilo City Judge Casiple, Kalibo, Aklan Judge Rene Gonzales, MTC (no location mentioned) Judge Navidad, RTC Calbayog City Judge Ezekiel Dagala, MTC Dapa, Siargao Current and former LGU officials, Luzon Mayor Renaldo Flores, Naguilian, La Union Dante Garcia, Tubao, La Union Martin De Guzman, Bauang, La …

Read More »

Peace talk sa CPP-NPA kakanselahin (Landmines pag ‘di itinigil)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ikakansela ang usapang pangkapayapaan kapag nabigo ang Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na itigil ang paggamit ng landmines at isama ito sa agenda sa idaraos na peace talks sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27. “Either you stop it or we stop talking,” ayon sa Pangulo sa press briefing …

Read More »

Pulis o sundalo ‘di makukulong sa drug war – Duterte

duterte gun

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala ni isa mang pulis o sundalo na tumalima sa kanyang direktiba na utasin ang mga sangkot sa illegal drugs, ang makukulong habang siya ang presidente ng bansa. Ito ang sinabi ni Duterte kaugnay sa panawagan ng 350 non-governmental organizations (NGOs) sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at International Narcotics Control Board …

Read More »

Brgy/SK poll balik sa manual voting & counting method

KINOMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na gagawing mano-mano ang proseso ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls sa Oktubre 31. Ayon kay sa tagapagsalita ng poll body na si James Jimenez, ang dating manual voting at counting method ang gagamitin sa nasabing eleksyon. Gagamit aniya ng blangkong balota ang mga botante na isusulat ang mga pangalan ng mga kandidato …

Read More »

13-anyos, 1 pa sugatan sa parak

SUGATAN ang dalawa katao kabilang ang isang 13-anyos binatilyo na sinasabing tulak ng ilegal na droga nang tamaan ng bala makaraan tangkang agawin ng isa sa kanila ang baril ng pulis sa isinagawang “Oplan Tokhang” ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa hita ang 13-anyos …

Read More »

Wikang Filipino gawing midyum sa iskul – KWF (500 delegado lumagda)

UMABOT sa 500 delegado at tagamasid sa Pambansang Kongreso 2016 ang lumagda sa Intelektuwalisasyon ng Wikang  Filipino   nitong  5  Agosto sa Teachers’ Camp, Lungsod ng Baguio. Sa pangunguna ng Komis-yon sa Wikang Filipino (KWF), matagumpay na nagtapos ang tatlong-araw na komperensiya sa pagtatala ng mga kapasiyahan na nagmula mismo sa mga suhestiyon ng mga kalahok sa nasabing gawain. Inirerekomenda ng …

Read More »

Iregularidad sa PUP nais paimbestigahan kay Pres. Duterte

“HANGGA’T maaari ay gusto namin lutasin ang mga isyu sa loob ng unibersidad pero parang may martial law nga-yon, bawal magsalita, kahit hindi na namin matiis ang baho, dumi at init, kailangan, tahimik lang kami.” Ito ang nagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng iba’t ibang samahan ng mga estudyante at mga guro sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa …

Read More »

Digong ‘baliw’ sa drug war (Humingi ng tawad sa publiko)

HUMINGI ng patawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kung bakit parang ‘baliw’ na siya sa pag-uutos sa mga awtoridad na utasin ang mga sangkot sa illegal drugs. Sa kanyang talumpati sa Ateneo de Davao University kamakalawa, inilahad ni Pangulong Duterte ang mga karumal-dumal na krimen na ginagawa ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot. “Kaya patawarin na po ninyo …

Read More »

Goldberg bakla! — Duterte

HINDI makalimutan at hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag noong panahon ng kampanya ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg. Sa kanyang pagsasalita sa harapan ng mga sundalo kamakalawa ng gabi sa Cebu City, tahasang sinabi ni Pangulong Duterte na ‘bakla’ si Goldberg at nabubuwisit siya sa diplomat. Ayon kay Duterte, nag-away sila ni Goldberg dahil …

Read More »

Kongresista, judges, pulis susunod na tutukuyin

SUNOD na papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kongresista, hukom at pulis na sangkot sa illegal na droga. Sa ngayon, hinihintay pang pangalanan ng pangulo ang mga mayor at gobernador na sangkot din sa illegal drugs operation. Sinabi ni Pangulong Duterte, gagawin niya ang pag-aanunsiyo sa mga pangalan sa susunod mga na araw. Ayon kay Duterte, wala siyang intensiyong …

Read More »

Destroy Abu Sayyaf — Duterte (Walang ititira)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang matitirang Abu Sayyaf bago matapos ang kanyang termino. Sinabi ni Pangulong Duterte, kinokompleto lamang niya ang kinakailangang puwersa ng sundalo at pulis gayondin ang mga makabagong gamit pandigma bago lusubin ang mga terorista sa Mindanao. Ayon kay Duterte, kailangan tapusin ang Abu Sayyaf at ihanda ang militar dahil sa loob daw ng lima …

Read More »

8 sundalo patay, 11 sugatan sa NPA (Sa Compostela Valley)

WALONG sundalo ang napatay at 11 ang sugatan sa serye nang opensiba ng New People’s Army (NPA) sa Monkayo, Compostela Valley noong Agosto 2, 4 at 5. Batay sa pahayag ni Rogoberto Sanchez, tagapagsalita ng NPA Regional Operations Command, Southern Mindanao Region, pinarusahan ng 8th Pulang Bagani Company ng NPA ang tropa ng 25th Infantry Battalion dahil sa aniya’y pag-aabuso …

Read More »

Vice mayor sa Cagayan patay sa ambush

TUGUEGARAO CITY – Patay ang vice mayor ng bayan ng Pamplona, Cagayan makaraan pagbabarilinn ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi. Ayon sa PNP Pamplona, agad silang nagtungo sa lugar at nadatnang patay na si Vice Mayor Aaron Sampaga sa bahay ng isa niyang kaibigan sa Brgy. Masi. Ayon sa PNP, dumaan sa river control ang mga suspek at …

Read More »

Bebot, ex-tanod utas sa vigilante

BINAWIAN ng buhay ang isang babae at isang dating tanod na hinihinalang sangkot sa illegal na droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang mga napatay na sina Cristine De Luna, 29, ng Phase 5, Flovi Homes 2, Letre, Brgy. Tonsuya, at Ricky Alabon, 44, caretaker …

Read More »

Top 6 drug personality patay sa tandem

BINISTAY ng bala ang isang lalaking “top 6 drug personality” sa lungsod ng Pasay nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dante De Paz, ng Apelo Cruz, Brgy. 157 ng nasabing siyudad, natagpuang may nakapatong na placard na may nakasaad na katagang “Pusher na ayaw tumigil, huwag tularan”. ( JAJA GARCIA )

Read More »

2 tulak tepok sa parak

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Gabriel, Teresa, Rizal. Kinilala ang mga biktimang sina alyas Caloy at Mark Jayson Pasahol, pinaputukan ng mga pulis nang pumalag sa buy-bust operation dakong 11:45 pm sa nabanggit na barangay. ( ED MORENO )

Read More »

Narco-politicians shoot-to-kill kay Duterte

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang “shoot-to-kill” laban sa mga politikong sangkot sa ilegal na droga. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kahapon ng madaling araw nang dumalaw sa sugatang pulis sa Davao City. Sinabi ni Duterte, mas mabuting unahan na ng mga pulis ang narco-politicians bago sila ang mabaril gaya nang nangyari sa chief of police na tinamaan …

Read More »