Monday , December 23 2024

Masonry Layout

2 pa itinumba sa Bulacan

NADAGDAGAN pa ang kaso nang pagpatay ng nakilalang mga salarin sa sinasabing mga sangkot sa ilegal na droga sa City of San Jose del Monte, Bulacan at karatig-bayan. Dakong 9:30 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo si alyas Michael sa CSJD, Bulacan. Habang natagpuan ang bangkay ng isang Renato Nicolas, 32, sa madamong bahagi ng Garden Village, …

Read More »

2 high value target (HVT) sa drug war tinukoy ni Digong

TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang isang alkalde at isang barangay captain bilang mga high value target (HVT) sa drug war ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Pangulong Duterte na sina Naguilian, La Union Mayor Reynaldo Flores at Boni Sultan, barangay captain sa Barangay Lumatil, Maasin, Saranggani Province ay positibong sangkot sa operasyon ng illegal drugs, batay sa pagsisiyasat ng mga …

Read More »

1,138 patay, 17,319 arestado sa drug ops

INIULAT ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa 1,138 drug personalities ang napatay sa buong bansa sa pagpapatupad ng “Oplan Double Barrel” mula Hulyo 1 hanggang dakong 6:00 am kahapon, Setyembre 17. Batay sa pinakabagong report ng PNP kahapon, sa nasabing panahon, nasa 17,319 drug personalities ang naaresto sa isinagawang 18,832 police operations. Ang “Oplan Double Barrel” ay pinasimulan …

Read More »

EJKs sa CSJDM itinanggi ng Bulacan PNP

MARIING itinanggi ni PNP Bulacan Provincial Director, Senior Superintendent Romeo Caramat na may kinalaman ang mga pulis sa sunod-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga residente ng City of San Jose Del Monte (CSJDM). Ayon kay Caramat, inatasan niya ang mga tauhan na patindihin pa ang pagbabantay at pagmamanman upang mahuli ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga taong …

Read More »

Payo ni Duterte sa AFP: Magsanay sa profiling, long fight vs terrorism

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susi sa tagumpay ng giyera kontra-terorismo ay kilalanin ang kaaway. Sa kanyang pagbisita sa 5th Infantry Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Gamu, Isabela kahapon, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na ipatupad ang estratehiyang militar na kilalanin nang husto ang kaaway ng estado, partikular ang teroristang Abu Sayyaf Group …

Read More »

Preso ng MPD patay sa bully

PATAY ang isang bilanggo sa Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila makaraan ang sinasabing pagdagan ng kapwa bilanggo. Ayon sa ilang saksi, madalas i-bully ng suspek na si Noriel Orbeta si Mario Santos, bago binawian ng buhay ang biktima. Pinaniniwalaang kinapos ang paghinga ni Santos dahil sa pagdagan ni Orbeta habang natutulog ang biktima. Napag-alaman, isang linggo pa lang …

Read More »

Puri ng grade 1 ‘tinapalan’ ng kendi

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan ireklamo ng panghahalay sa isang Grade I pupil kapalit ng candy sa Malabon city kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Senior Insp. Rosilitt Avila ang suspek na si Roger Marabiran, 40, ng Brgy. Concepcion sa nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 …

Read More »

DepEd kailangan ng maraming math at science teacher

MALAKI ang pangangailangan ngayon ng Department of Education (DepEd) ng Math at Science teachers. Ito ay makaraan ang pagbubukas ng karagadagang teaching items dahil sa pagpapatupad ng K-12 program. Hinikayat ni DepEd Secretary Leonor Briones ang qualified teachers na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DepEd offices. ( ROWENA DELLOMAS-HUGO )

Read More »

P30-M ransom sa paglaya ng Norwegian

ZAMBOANGA CITY- Umaabot sa halagang P30 milyon halaga ng ransom money ang binayaran sa teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu kapalit nang pagpapalaya sa Norwegian national kidnap victim na si Kjartan Sekkingstad. Ayon sa impormasyon, isang Tahil Sali, commander ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nag-facilitate sa pagbayad ng ransom at pagpapalaya kay Sekkingstad. Napag-alaman, dakong 8:00 pm …

Read More »

Presentasyon kay Digong ng Norwegian hostage naunsiyami

NAUNSIYAMI ang presentasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pinalayang Norwegian hostage na halos isang taon bihag ng teroristang Abu Sayyaf Group. Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, nakansela ang pagharap kay Duterte ni Norwegian national Kjartan Sekkingstad sa Davao City dahil masama ang panahon sa Sulu. Si Sekkingstad ay pinalaya ng ASG kahapon dakong 4:00 pm sa Sulu sa …

Read More »

DDS paiimbestigahan ng rights watch sa UN

HINIKAYAT ng Human Rights Watch na nakabase sa Estados Unidos, ang gobyerno ng Filipinas na hayaan ang United Nations (UN) na imbestigahan ang mga ibinulgar ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Brad Admas, Asia director ng grupo, imposibleng imbestigahan ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili kaya mahalagang papasukin ang UN para pangunahan ang imbestigasyon. Noong 2009, …

Read More »

2 drug suspect patay, 14 arestado sa tokhang

PATAY ang dalawang hinihinalang drug suspect habang 14 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na Oplan Tokhang, Oplan Galugad, at buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa mga lungsod ng Taguig, Makati, Las Piñas at Muntinlupa. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na si Ferdinand Moldez makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Muntinlupa City. Naaresto sa nasabing insidente …

Read More »

Anti-illegal gambling ops ‘di aabutin ng 6 months (Ayon sa PNP)

LEGAZPI CITY- Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na susuportahan ng taongbayan sakaling ipatupad na ang mahigpit na kampanya kontra illegal gambling. Ayon kay PNP chief, Director General NP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, itutuon ng pulisya ang atensiyon sa illegal gambling kapag tiyak na panalo na sa laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin din ng PNP chief, …

Read More »

4 tulak utas sa buy-bust

PATAY ang apat hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila. Agad binawian ng buhay ang mga suspek na sina alyas Khairo at alyas Bentong, residente sa Norzagaray St., Quiapo, sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar kahapon. Ayon kay Major Michael Garcia, PCP Commander …

Read More »

11 drug surrenderees balik-droga, arestado

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang 11 drug surrenderee makaraan mahuli ng mga tauhan ng CIDG-10 na muling gumagamit nang ilegal na droga sa Block 4, Celrai, Brgy. Puntod ng lungsod ng Cagayan kamakalawa. Ayon kay CIDG-10 chief investigator, SP04 Noel Oclarit, kanilang nahuli ang drug surrenderee na si Rommel Mag-away alias Omir, …

Read More »

56 drug suspects arestado sa QC

KARAGDAGANG 56 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa anti-drug operation ng mga pulis, barangay officials at Muslim tribal leaders sa Quezon City nitong Sabado. Sa nasabing pag-aresto na isinagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Salam compound ng Brgy. Culiat, umabot na sa kabuuang 141 suspek ang nadakip ng mga awtoridad, ayon sa …

Read More »

Ex-transport leader patay sa ambush (Sa Albay)

LEGAZPI CITY – Patay ang isang dating transport leader sa Albay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem suspects sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Inarado, Daraga, Albay kahapon. Ayon sa mga saksi, naglalakad ang biktima at ang kanyang apo nang dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo ang biglang nagpaputok ng baril kay Oscar Magallon, dating pangulo ng Albay Jeepney …

Read More »

9 sugatan, 1 kritikal sa bumaliKtad na jeep

CAUAYAN CITY, Isabela – Sampu ang sugatan, kabilang ang isang kritikal ang kalagayan, makaraan bumaliktad ang sinasakyang jeep sa Alicia, Isabela kamakalawa. Ang mga kabataang miyembro ng Praise of God Church ay dinala sa Integrated hospital ng San Mateo, Isabela para malapatan ng lunas. Malubha ang kalagayan ng isa sa mga biktima na kinilalang si Jessiebeth Mesa kaya inilipat sa …

Read More »

Duterte magaling sa psywar — Palasyo (Kalaban nangangamote)

KAMOTE ang mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-iisip ng paraan para wasakin siya dahil magaling siya sa psywar at eksperto sa ‘geopolitics.’ Sa panayam sa Palasyo, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa husay sa psywar o psychological warfare ni Pangulong Duterte ay nahihirapan ang mga kritiko na siya ay basahin. Ang psywar ay tumutukoy sa …

Read More »

Ayon sa Palasyo: Testimonya ni Matobato kuwentong kutsero

KUWENTONG kutsero ang mga inilahad ni Edgar Matobato, ang testigong inilantad ni Sen. Leila de Lima bilang pangunahing testigo kaugnay sa sinasabing matagal nang pagkakasangkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, puro kasinungalingan ang inilako ni Matobato sa Senate hearing kamakalawa at masyadong halata na ginagamit lang siya para siraan si …

Read More »

Cojuangco, Gatchalian ‘di magkasundo sa usaping BNPP

ISA sa mga pangunahing isyu na tinilakay ni Mark Cojuangco, da-ting kongresista ng 5th district ng Pangasinan, ang aniya’y ikinatatakot nang marami ukol sa pla-nong pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), ang nangyari sa Chernobyl Nuclear Power Plant sa Pripyat, Ukraine noong 1986. “Hindi dapat ikonsidera ang Chernobyl disaster,” pahayag ni Cojuangco sa media briefing ng BNPP sa National …

Read More »

LCP kinatawan ni Malapitan sa UCLG-AsPac

KINATAWAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang League of Cities of the Philippines nang maghalal ng mga kakatawan sa international executive councils. Naihalal ang Caloocan sa dalawang international executive councils kabilang ang United Cities and Local Governments in Asia-Pacific (UCLG-AsPac), at sa World Executive Bureau (WEB). Sa ika-anim na UCLG-AsPac Congress and Executive Bureau and Council Meetings na ginanap …

Read More »

National summit sa pagsugpo ng krimen, socio-economic dev’t (Sa Setyembre 27-28)

ALINSUNOD sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na magkaroon ng malayang patakaran ang bansa, magsasagawa ang Citizens Crime Watch (CCW) ng national summit on crime and corruption prevention and socio-economic development  sa Setyembre 27 at 28 sa University of Asia and the Pacific (UA&P) sa Pearl Drive, Ortigas Business Center, Pasig City. Ang pagpupulong ay sa pakikipagtulungan sa Center for Research …

Read More »

Colangco, drug lords kakanta vs De Lima (Tiniyak ni Aguirre)

INIHAYAG ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, dapat abangan ang nakatakdang pagdinig ng House Committee on Justice sa susunod na linggo kaugnay sa pamamayagpag ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP). Sinabi ni Sec. Aguirre, dito malalaman at ilalahad ng mga testigo kung bakit naipagpapatuloy ng drug lords ang kanilang operasyon kahit nakakulong na. Ayon kay Aguirre, aasahan ang …

Read More »