Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Korean-American new US Ambassador to PH

IKINATUWA ng Palasyo ang pag-hirang ng Washington kay Sung Kim, isang Korean-American, bilang bagong US Ambassador to the Philippines kapalit ni Philip Goldberg. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagtalaga kay Kim ang hudyat nang pagnanais ng Amerika na higit maunawaan ang kultura ng Filipinas at Estados Unidos. “It’s very significant po that they chose an Asian… I’m sure …

Read More »

Ex-Sen. Bong Revilla isinugod sa ospital

bong revilla

ISINUGOD si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Saint Luke Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bago magtang-hali kahapon. Nakaranas nang matinding migraine attack at tumaas nang bahagya ang kanyang pres-yon kung kaya’t isinugod sa ospital. Unang dinala sa PNP General Hospital ang dating senador na binigyan ng paunang lunas, ngunit sa tindi ng migraine na nararanasan …

Read More »

2 binatilyo, 4 pa tiklo sa drug raid (P1-M shabu nakompiska)

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakompiska sa buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Prk 13B, Brgy. Fatima sa lungsod. Sa impormasyon mula kay Senior Insp. Oliver Pauya ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (CAIDSOTG), anim suspek ang nahuli, kabilang ang dalawang menor-de-edad, pawang mga residente sa nasabing lugar. Habang dalawang …

Read More »

Grade 7 todas sa tractor

PATAY ang isang 15-anyos Grade 7 student makaraan mahulog mula sa likurang bahagi nang sinasakyang tractor at masagasaan ng kaliwang gulong sa hulihan kahapon ng ma-daling araw sa Gate 5 ng Parola Compound, Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Mark Coronel Munez, estudyante ng Harmony High School sa San Jose Del Monte Bulacan, at residente ng Blk. 37, …

Read More »

3 tulak patay sa buy-bust

TATLONG hinihinalang tulak ng shabu ang napatay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District sa Novaliches, Quezon City kamakalawa. Sa ulat ni Supt. April Mark Young, hepe ng Novaliches Police Station 4, kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang napatay ay sina Anthony Pelicano, Roberto Saragoza at Edgar Enim, pawang nasa hustong gulang at …

Read More »

2 patay sa shootout sa parak

PATAY  ang isang most wanted drug personality at ang kanyang kasama makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Jomar Serrano alyas Boknoy at ang hindi pa nakilalang kasama niya makaraan ang insidente. Ayon kay Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) Supt. Jose Ali Duterte, nakatanggap sila …

Read More »

3 drug suspect itinumba ng vigilante

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Senior Supt. Johnson Almazan,hepe ng Caloocan City Police, dakong 2:00 am nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa 1939 Molave St., Bagbaguin si Josefina Buenaventura, alyas Mamita, 57, nang pasukin …

Read More »

Kidnap plan sa Cebu kinompirma ng Palasyo

INAMIN ng Palasyo na may ulat ng banta nang pagdukot sa Cebu makaraan maglabas ng travel advisory ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan na iwasan magpunta sa Southern Cebu dahil sa banta ng kidnapping. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong ulat ang pulisya hinggil sa planong pagdukot sa mga dayuhan ngunit kasalukuyang bina-validate pa ito ng mga awtoridad. …

Read More »

KFR sa Binondo aktibo — Digong

AKTIBO ang kidnap-for-ransom syndicate sa Binondo, Maynila mula nang ilarga nang todo ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra-droga. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Regional Convention sa Manila Hotel kagabi, lumipat sa operasyon ng kidnap-for-ransom ang drug syndicate. Sa katunayan aniya ay anim na kaso ng KFR ang naitala sa nakalipas …

Read More »

De Lima kinasuhan ni Jaybee Sebastian

PORMAL nang naghain ng reklamo sa Department of Justice ang kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian laban kay Senador Leila de Lima. Ang patong-patong na reklamo ay inihain ng kanyang abogado na si Atty. Eduardo Arriba kasama ang maybahay ni Sebastian na si Roxanne Sebastian. Reklamong paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA …

Read More »

Bangsamoro Transition Commission kasado na

LALAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order sa Lunes, Nobyembre 7, ang pagbuo ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) para magkaroon ng tsansa ang iba pang grupo sa Mindanao na lumahok sa prosesong pangkapayaan sa Mindanao. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang positibong pagtugon ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari ang …

Read More »

3-anyos FilBrit twins patay sa sunog sa Cebu

CEBU CITY – Patay ang 3-anyos Filipino-British twins nang masunog ang kanilang dalawang palapag na bahay sa Acacia Place Subdivision, Salvador Extension Labangon, Cebu City, dakong 3:15 am kahapon. Habang ligtas ang ina ng kambal na si June Myatt, 35, at ang kasambahay nilang si Lovelyn Espender, 18-anyos. Ayon sa fire investigator na si SFO1 Rogelio Nabalos, natagpuang walang malay …

Read More »

Pananagutan ni Misuari sa Zambo siege mananatili – AFP

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi  makalilimutan ang naging pananagutan ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa madugong Zamboanga siege noong 2013. Ito’y kahit inaprobahan pansamantala ng korte na huwag siyang arestuhin. Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, may tamang pagkakataon para sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima nang marahas na insidente. Sinabi ni Padilla, …

Read More »

Paratang vs Malaysia personal opinion ni Misuari — Palasyo

PINAWI ng gobyerno ang pangambang magkakaroon ng lamat sa pagitan ng Filipinas at Malaysia kasunod ng paratang ni MNLF chairman Nur Misuari. Magugunitang kamakalawa, sa loob mismo ng Malacañang kaharap si Pangulong Rodrigo Duterte, tahasang inakusahan ni Misuari ang Malaysia na sangkot sa kidnapping for ranson. Inihayag ni Misuari, balang araw sasampahan niya ng kaso sa International Criminal Court (ICC) …

Read More »

Rep. Pichay panagutin sa illegal mining — NDF

DAPAT managot ang sagadsaring corrupt na o-pisyal ng pamahalaan gaya ni Surigao del Sur First District Rep. Prospero “Butch” Pichay sa paglapastangan sa kalikasan sa rehiyon ng CARAGA at talamak na paglabag sa batas. Sa kalatas ng National Democratic Front- North Eastern Mindanao Region (NDF-NEMR), si-nabi ng tagapagsalitang si Maria Malaya, patuloy ang operasyon ng Claver Mining and Development Corporation …

Read More »

5 todas sa death squad sa Caloocan

LIMA katao na hinihinalang sangkot sa droga, ang namatay makaraan atakehin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang dalawa sa mga napatay na sina Jay-M Soriano, 17, at Jefferson Beltran, 21, pinagbabaril ng mga suspek sa Berong St. dakong …

Read More »

Suspensiyon vs JV kinatigan ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang suspension order ng Sandiganbayan kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay sa kinahaharap ni-yang graft case dahil sa  maanomalyang pagbili ng matataas na kalibre ng baril noong 2008. Iginiit ng Supreme Court first division, walang nilabag ang Sandiganbayan fifth division sa pagpataw ng 90 araw suspensiyon sa senador noong Agosto. Bukod kay Ejercito, dawit sa …

Read More »

EO sa nationwide firecracker ban, ipinarerepaso ni Duterte

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DoH) na pangunahan ang pag-aaral sa panukalang executive order na may layuning magpatupad ng nationwide firecracker ban. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa isinagawang cabinet meeting kamakalawa, pinatitiyak ng Pangulo na matugunan ang pagkawala ng trabaho ng mga umaasa sa paggawa ng mga paputok kapag ipinatupad ang firecracker ban. Hiindi …

Read More »

2 obrero todas, 7 sugatan nang madaganan ng truck at backhoe

GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay ang da-lawang construction worker habang pito ang sugatan nang madaganan ng 10-wheeler truck na may kargang backhoe at mga materyales, pasado 10:00 pm kamakalawa. Ayon sa ulat, nawalan ng break ang cargo truck nang kumurba sa Buayan Bridge Malandag sa Malu-ngon, Sarangani, kaya nahulog sa matarik na bangin. Idineklarang dead-on-arrival sa Malungon Municipal …

Read More »

Mag-asawa itinumba sa Las Piñas

TINADTAD ng bala ng tatlong armadong lalaki ang isang mag-asawa kahapon sa Las Piñas City. Kinilala ang mga biktimang sina Jose Bongalon Sr., 60, at  Marilou, 58, kapwa ng Molave St.,  Samantha Village, Brgy. Talon 5 ng nasabing lungsod. Base sa ulat kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 5:45 am kagagaling lamang ng mag-asawa …

Read More »

2 patay sa anti-drug ops sa Navotas

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki makaraan pumalag sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Navotas City kamakalawa. Kinilala ang mga na-patay na si Emmanuel Villa alyas Emman, 35-40 anyos, at alyas Arnie, habang tinutugis ang isa pa nilang kasama na si June Menioso. Batay sa ulat nina PO2 Phillip Edgar Valera at PO1 June Paolo Apellido, dakong 4:00 pm …

Read More »

Flood alert nakataas sa Bicol iba pang lugar

NAKATAAS ang heavy rainfall at flood warning sa mga lalawigan ng Camarines Norte at Sorsogon dahil sa interrtropical convergence zone (ITCZ). Ang ITCZ ay nagsasalubong na hanging may magkakaibang direksiyon at temperatura na karaniwang pinagmumulan ng low pressure area (LPA) at bagyo. Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang naitatalang ulan sa Bicol region. …

Read More »

Adik pumalag, utas sa parak

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang lu-maban sa anti-drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na si alyas Rodel, kabilang sa drug personalities ng Brgy. Old Balara, Quezon City. Dakong 3:00 am nang …

Read More »

68-anyos lola ginahasa ng 47-anyos driver/helper

ARESTADO ang isang lalaki makaraan akusahan ng panggagahasa ng isang 68-anyos lola sa Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula sa Sta. Maria Police, kinilala ang suspek na si Raymundo Sandico, 47-anyos, driver at helper ng biktima na isang biyuda. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente makaraan makipag-ino-man ang suspek sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Natutulog ang biktima sa …

Read More »