Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

Arrest Caloocan

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 hinggil sa pinagtataguang lugar ng 44-anyos wanted kaya nagsagawa sila ng validation. Nang positibo ang report, agad nagsagawa ang mga tauhan …

Read More »

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia.                Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang …

Read More »

Taclobanon faithful tutol sa mga bastos, kalapastanganan na rally — Mayor Romualdez

Santo Niño de Tacloban Leyte

MAS gugustuhin ng mga Taclobanon faithful na ipagdiwang ang kapistahan ng Santo Niño de Tacloban kaysa salubungin ang mga kalapastanganan at bastos na protesta tulad ng isinagawa ng mga Maisug rallyist, ayon kay Tacloban City Mayor Alfred S. Romualdez. Sinabi ni Romualdez, dapat magpokus ang mga Maisug rallyist na aniya’y pinangunahan ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa ibang isyu dahil …

Read More »

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

Paolo Ballesteros Kira

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito sa kanyang anak na si Kira sa prom. Ibinahagi ni Katrina Nevada mommy ni Kira at ni Chiqui Ballesteros- Belen ang pagsasama ng mag-ama sa prom sa kanilang Facebook page. Suot ni Kira ang isang backless royal blue dress na may matching sparkling black floor-length shawl, at black tulle gloves, habang suot naman …

Read More »

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

Kathryn Bernardo FAMAS

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay niyang pagganap sa A Very Good Girl. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya nakalimutang pasalamatan si Dolly de Leon, na co-star niya sa nasabing pelikula. Narito ang acceptance speech ni  Kathryn. “This is my first (best actress award sa FAMAS). Thank you so much po FAMAS. …

Read More »

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

LA Santos FAMAS

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos na 72nd FAMAS Awards, na ginanap sa Manila Hotel noong Linggo ng gabi para sa pelikulang In His Mother’s Eyes. In fairness, deserving ang young actor-singer sa award na kanyang natanggap. Ang husay-husay niya sa nasabing pelikula.  Nagampanan niya wth flying colors ang role niya bilang isang …

Read More »

FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos ma-snub, magreklamo ang anak

Eva Darren FAMAS

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng 72nd FAMAS awards sa veteran actress na si Eva Darren matapos na hindi ito makapag-present kasama ang premyadong actor na si Tirso Cruz III  noong Linggo, May 26, dahil sa rason nilang hindi ito ma-locate ng kanilang production team. Ilang oras matapos tawagin ang pansin ng anak ni Ms Eva na si Fernando de la Peña sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-apologized ang …

Read More »

Alfred sa sobrang saya FAMAS trophy ginawang unan

Alfred Vargas FAMAS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “TOTALLY unexpected,” ito ang unang nasabi sa amin ni Alfred Vargas nang tanungin ito ukol sa natanggap na pagkilala bilang Best Actor para sa pelikulang Pieta sa 72nd FAMAS (Filipino Movie Arts and Sciences) awards noong Linggo ng gabi sa Manila Hotel. Sobra-sobra nga ang kasiyahan ni Alfred sa award na natanggap dahil ito ang kauna-unahan niyang FAMAS trophy kaya walang pagsidlan ang …

Read More »

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

052824 Hataw Frontpage

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog. Ayon kay Pangandaman, aprobado at pirmado na niya ang Special Allotment Release Order …

Read More »

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

052824 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang kay Land Transportation Office (LTO) Registration Division Chief Mercedita Gutierrez nitong nakaraang Biyernes, 24 Mayo 2024 makaraang maaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation. Kinompirma ang pagkakalutas ng kaso ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa isang pulong …

Read More »

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

Tacloban Leyte

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang mabigong makakuha ng suporta at magtala ng mababang turnout ng protesters, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre. Dahil sa pumalpak na rally, nagsisisihan ngayon ang Maisug anti-government rallyists upang makaiwas sa kahihiyan, kung saan binigyang-katuwiran ni dating Presidente  Rodrigo Duterte ang kanilang nakadedesmayang mababang  …

Read More »

Cleanup drive at road clearing operation sa mga vendors at informal settlers sa PNR Bicutan

Cleanup drive at road clearing operation sa mga vendors at informal settlers sa PNR Bicutan

PERSONAL na pinangasiwaan ni Parañaque City Police Chief PCol Melvin Montante ang isinagawang clean-up drive at road clearing operations alinsunod na rin sa kautusan ni NCRPO RD PMGen Jose Melencio Nartatez Jr at gabay ni SPD DD PBGen Leon Victor Z Rosete kung saan ang ilang dekada nang lugar ng mga side-walk, illegal vendors at informal settlers mapayapang nalinis sa …

Read More »

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan na pinaniniwalaang kuta ng mga durugista at tulak nitong Sabado, 25 Mayo. Nadakip sa operasyon ang drug den maintainer at tatlo niyang galamay habang nasamsam mula sa kanila ang P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Upper …

Read More »

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ isang fashion show na nagtatampok ng mga makabagong disenyo ng barong, Filipiniana, gowns, bags, wearables at jewelries na likha ng mga designers at mananahi mula sa Gitnang Luzon. Ayon kay DTI-Region III Regional Director officer-in-charge Brigida Pili, isa itong pangunahing proyekto ng ahensiya upang itaguyod …

Read More »

P1.3-M droga ipupuslit sa Bulacan, Mag-asawa mula Nueva Ecija timbog

P1.3-M droga ipupuslit sa Bulacan, Mag-asawa mula Nueva Ecija timbog

ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mag-asawang mula sa Nueva Ecija na nagtangkang magpuslit ng ilegal na droga sa bayan ng Guiguinto, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado ng umaga, 25 Mayo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isinigawa ang isang anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Unit …

Read More »

Nagwala sa kalasingan  
SENGLOT NA MISTER ARESTADO SA BARIL

Arrest Posas Handcuff

ARMADO ng baril ang isang lasing na mister habang nagwawala at naghahasik ng takot sa pagwawasiwas ng armas sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Sa nakarating na ulat kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking lasing …

Read More »

Tulak na lola timbog sa P69K ilegal na droga

shabu drug arrest

NASAKOTE ang isang lolang 64-anyos, itinuturing na isang high value individual (HVI) kabilang ang isa pang alalay nita makaraang kumagat sa buybust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Tam, 62 anyos, HVI, at alyas Vinz, 45 anyos, kapwa residente sa lungsod. Sa kanyang …

Read More »

Matapos mapatalsik si Zubiri sa puwesto
LABOR GROUP NANGAMBA PARA SA ISINUSULONG NA LEGISLATIVE WAGE HIKE

salary increase pay hike

NANGANGAMBA ang labor group na mabaon sa limot ang isinusulong na legislative wage hike matapos na mapatalsik sa puwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon kay Ka Leody De Guzman sa kanyang pagdalo sa lingguhang “The Agenda” media forum sa Club Filipino, nangangamba sila sa kahihinatnan ng naturang panukala matapos nilang mabatid na isa ito sa dahilan kung bakit …

Read More »

QCPD bumuo ng SITG sa pagpaslang sa LTO employee

QCPD LTO

BUMUO ang Quezon City Police District (QCPD) ng  Special Investigation Task Group (SITG) para sa malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Mercedita Gutierrez,  LTO employee, na tinambangan nitong  Biyernes ng gabi, 24 Mayo 2024. Sa direktiba ni QCPD director P/Brig. Gen. Redrico Maranan, layunin ng SITG GUTIERREZ na pamumunuan ni P/Col. Amante Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), ay …

Read More »

Alden tinuligsa sa pagalit, pasigaw na pagho-host sa MUPH

Alden Richards Miss Universe MUPH

HATAWANni Ed de Leon USAP-USAPAN ngayon ang tila “galit daw” na tono ni Alden Richards habang tinatawag ang mga nakapasok sa finals ng Miss Univere Philippines. Sa tingin namin, hindi naman galit si Alden dahil nakangiti pa nga siya, siguro dahil din iyon sa excitement kaya naisisigaw niya ang mga bayang kinakatawan ng mga finalist. Mahirap din ang mag-host ng isang live pageant. …

Read More »

SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G, at Puregold may bonggang kolaborasyon sa Nasa Atin ang Panalo music video

Puregold SB19 BINI SunKissed Lola Flow G

INILABAS na ng Puregold ang music video ng bagong kantang Nasa Atin ang Panalo matapos ang ilang linggong pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa kani-kanilang social media. Inilabas ang awitin noong Mayo 25, na nabuo mula sa kolaborasyon ng apat sa pinaka-inaabangang talento sa musika: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G. “Itong apat na mga talentong ito ay pinakabigatin ngayon sa mundo ng musikang Pilipino. Isang …

Read More »

Ogie-Martin collaboration tuloy na tuloy na, Streetboys muling magsasama-sama

Martin Nievera Ogie Alcasid Regine Velasquez Streetboys

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SIKSIKAN at ‘di makamayaw ang mga dumalo sa trade launch ng  A-Team (Alcasid Total Entertainment & Artist Management) ni Ogie Alcasid noong Huwebes sa  CWC Interiors sa BGC, Taguig.  Star-studded ang event na nagsilbing host sina Randy Santiago at Amy Perez. Dumalo sa pagtitipon sina Martin Nievera, Lara Maigue, Jed Madela, Streetboys sa pangunguna nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, Ryan Bang, Ara Mina at asawang si Dave …

Read More »

4th Watch nagluksa sa pagpanaw ng founder na si Apostle Arcenio Ferriol

Apostle Arsenio Ferriol

NAGLUKSA ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pagpanaw ng kanilang founder na si Apostle Arsenio Ferriol. Ayon Kay Bishop Jonathan Ferriol, Deputy Minister ng PMCC, isa sa mga anak ni Apostle Ferriol, mabigat man sa kalooban pero kailangan tanggapin ang kaloob ng Diyos. Ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ ay nagbibigay-pugay sa buhay ni Apostle …

Read More »