Thursday , June 4 2026
PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na excited siya sa paghaharap nila ni Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bukas sa Rizal Memorial Coliseum.

Ayon kay Torre, ang kanyang excitement ay  bunsod ng pagnanais na makatulong mula sa kikitain ng charity boxing sa mga nasalanta ng tatlong bagyo at Habagat.

Hindi lamang iilang sponsor ang nagparating ng kanilang mga suporta sa laban — marami na sila, ayon kay Torre.

Una nang sinabi ni Torre na dakong 9:00 am pa lang ay nasa Rizal Memorial Coliseum na siya at handang maghintay sa pagdating ni  Duterte.

Patuloy sa pag-eensayo si Torre na kahapon ay tumakbo ng 10 rounds sa oval ng Camp Crame kahit patuloy ang pag-ulan.

Samantala, pangangasiwaan ng Games and Amusements Board (GAB) ang boxing match nina Torre at Duterte alinsunod sa inilabas nilang  Resolution No. 2025-08, Series of 2025 nitong Biyernes sa layuning matiyak ang seguridad at integridad ng laban ng high-profile sporting event at magbigay ng technical support at medical supervision sa mga kalahok.

Isang kalipikado, accredited, at professional na referee ang hahawak sa laban sa ilalim ng rules at standard sa laro ng boksing.

Nagtalaga ng medical personnel na binubuo ng lisensiyadong mga doktor at paramedics, para tumugon sakaling may agarang pangangailangan sa panahon ng bakbakan.

Nilagdaan ang resolusyon kahapon, 25 Hulyo 2025 nina GAB Chairman Atty. Francisco Rivera, dalawang commissioners, at ni GAB Executive Assistant II & Acting Board Secretary Mark Anthony Libunao.

Sinisimulan na rin ang pagtatayo ng boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …