IBINIDA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang resulta ng Pulse Asia survey, nagsasabing 82 porsiyento ng taga-Metro Manila ang nagsabing mas ligtas ang pakiramdam nila kasunod nang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Ang nasabing survey na ipinamahagi ng NCRPO, ay isinagawa noong 6-11 Disyembre 2016, limang buwan makaraan ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Masonry Layout
CPP handa sa unilateral ceasefire
NAKATAKDANG maglabas ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng unilateral declaration of interim ceasefire bago 31 Marso, para bigyang-daan ang ika-apat na round ng peace talks ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP), na isasagawa mula 2-6 Abril sa The Netherlands. Ang pahayag ng CPP ay kasunod ng pag-anunsiyo …
Read More »Magdyowa niratrat sa bahay, patay
PATAY ang mag-live-in partner na dating nagtutulak at gumagamit ng droga, makaraan pasukin sa kanilang bahay at pinagbabaril ng apat hindi nakilalang mga suspek sa Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga biktimang sina Ariesto Sanchez, 29, at Gina Sepida, 35, kapwa …
Read More »NPA naging kasangga ni Duterte (Kangaroo court hanggang Palasyo)
NAGSIMULA ang magandang relasyon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista nang naging prisoner of war (POW) siya ng New People’s Army noong 1987, habang acting vice mayor siya ng Davao City matapos ang EDSA People Power 1. Sa kanyang talumpati sa 30th PNPA Commencement Exercises sa Silang, Cavite kahapon, inamin ni Pangulong Duterte na naging POW siya ng …
Read More »P86.5-M pekeng Nike, Converse shoes kompiskado
NAKOMPISKA ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), ang P86.5 milyon halaga ng pekeng Nike at Converse rubber shoes sa isinagawang raid sa Pasay City. Sinalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rainelda H. Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46, ang mga unit na inookupa nina Ana Chua, Wang Yu Bo, at …
Read More »P3-B yosi kompiskado sa Mighty Corp. warehouse
HALOS P3 bilyon halaga ng mga produktong hinihinalang may fake tax stamps ang nakompiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa dalawang warehouse ng kontrobersiyal na Mighty Corporation, kahapon. Ang nasabing kompanya ng sigarilyo ay una nang kinasuhan ng P9.5 bilyon tax evasion case ng BIR, dahil sa kabiguang magbayad ng wastong buwis. Sinalakay ng BoC ang compound …
Read More »Kill Digong plot bistado (Impeachment butata)
IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte, na seryoso ang mga hakbang para patalsikin siya sa puwesto sukdulang itumba siya para makaupo agad si Vice President Leni Robredo sa Palasyo. Sa kanyang talumpati sa 16th National Convention of Lawyer ng Integrated Bar of the Philippines sa Marriott Hotel sa Pasay City, isiniwalat ni Pangulong Duterte na magkakasabwat sina Vice President Leni Robredo, …
Read More »Barangay officials itatalaga (Walang eleksiyon)
HUMAHANAP ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte upang kanselahin ang barangay elections, at italaga na lamang niya ang mga opis-yal ng barangay sa buong bansa. “We are looking for a way to appoint na lang the barangay captains but the mechanism of how to go about it, select them. Ako I can, but you know, it’s always the President who …
Read More »Batas sa postponement ng barangay, SK poll kailangan — Comelec
HINIMOK ni Comelec Chairman Andres Bautista ang Malacañang, na ibigay ang direktiba sa Kongreso para sa kaukulang batas para sa election postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa 23 Oktubre 2017. Ayon kay Bautista, verbal information pa lang ang hawak nila ngayon kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o maipagpapaliban muli ang halalang pambarangay. Hiling ni Bautista, maisabatas …
Read More »Titser kritikal 3 estudyante naospitaL (Asoge tumapon sa MaSci lab)
SINUSPENDI ng lokal na pamahalaan ng Maynila, ang klase sa Manila Science High School sa Taft Avenue simula nitong Huwebes, dahil sa pagkakatapon ng nakalalasong kemikal na mercury sa isang silid-aralan. Natapon ang mercury nang matabig ang pinaglalagyan nito habang nililinis ng dalawang estudyante at dalawang guro ang stockroom ng isang science laboratory noong 11 Marso, ayon kay Manila City …
Read More »Impeach Leni ipinababasura ni Digong
IBASURA ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas hinggil sa inihaing impeachment complaint laban kay Robredo, kaugnay sa pagpapadala niya ng video message sa isang pagtitipon ng United Nations anti-drugs convention sa Vienna, Austria kamakailan, na binatikos ang extrajudicial killings kaugnay sa drug war ng administrasyon. Anang Pangulo, …
Read More »Leni apurado maging pangulo (Utak ng destab plot) — Duterte
BANGKOK, Thailand – TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na utak ng mga pagkilos para patalsikin siya sa puwesto, dahil nagmamadali nang maging pangulo. Sa mahigit dalawang oras na talumpati ng Pa-ngulo sa harap ng 2,000 migranteng Filipino na nakabase rito sa Royal Thai Navy Convention Center, sinabi ng Pangulo, nagkamali sila sa hindi pagboto kay …
Read More »Baguio City nilindol
BAGUIO CITY – Niyanig ng magnitude 3.0 o intensity 2 lindol ang lungsod ng Baguio dakong 11:34 am, kahapon. Ayon kay Dandy Camero, science research specialist ng Philvolcs-Baguio, naitala ang sentro ng pagyanig sa 6km sa timog, o 67 degrees Celsius sa kanluran ng Baguio City. Aniya, ito ay “tectonic in origin” at may lalim na 15km. Sinundan pa ito …
Read More »DoLE D.O. 174 mahigpit na ipatutupad – Bello
TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa grupo ng mga manggagawa, mahigpit na ipatutupad ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang bagong Department Order, na mahigpit na nagbabawal sa labor-only contracting, at iba pang uri ng ilegal na pangongontrata. “Kahit na anong ganda ng order, kung sa implementas-yon e walang saysay, wala ring mangyayari riyan. Ito ang …
Read More »Revolutionary tax ‘di pa ititigil ng CPP-NPA-NDF
WALANG balak sa ngayon ang National Democratic Front (NDF), na sundin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na itigil ang koleksiyon ng revolutionary taxes. Sinabi ni National Democratic Front peace negotiator Rey Casambre, ang mga kondisyong itinakda ni Pangulong Duterte sa pagbabalik ng peace talks, ay isasailalim pa sa diskusyon. Ayon kay Casambre, mapapasama ito sa agenda na tatalakayin, at …
Read More »Dagoy new PSG chief
BANGKOK, Thailand – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya sa pagtatalaga kay bagong Presidential Security Group (PSG) commander, Col. Louie Dagoy ngayong hapon, sa PSG Headquarters sa Otis, Paco, Manila. Isasalin ni B/Gen. Rolando Bautista, Philippine Military Academy (PMA) Class ‘85, ang posisyon kay Dagoy, mula sa PMA Hinirang Class 1987. Si Dagoy, kasalukuyang senior military adviser ni Pangulong …
Read More »P9-B tax evasion case inihain vs Mighty Corp
SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Mighty Corporation ng tax evasion case sa Department of Justice (DoJ). Aabot sa P9.56 bil-yon ang halaga ng excise tax na ipinababayad ng BIR sa naturang kompanya ng sigarilyo. Kasama sa mga sinampahan ng reklamo ang presidente ng kompanya na si retired Lt. Gen. Edilberto Adan, executive vice president; retired Judge Oscar …
Read More »Upak sa EJKs ni Leni wa epek sa diplomatic relations
BANGKOK,Thailand – Walang epekto sa diplomatikong relasyon ng Filipinas sa ibang bansa, ang naunang pagtatambol ni Vice President Leni Robredo, na laganap ang patayan sa bansa dahil sa isinusulong na drug war ng administrasyon. Sa katunayan, ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, lalong naging matatag ang relasyon ng Filipinas sa lahat ng mga bansa, mula nang maluklok sa …
Read More »3-araw tigil-pasada banta ng transport groups
INIANUNSIYO ng transport group Stop and Go Coalition kahapon, maglulunsad sila ng isa pang transport strike bilang protesta sa plano ng gobyerno na i-phase out ang 15-anyos jeepneys, at pag-modernize sa public transport vehicle. “Magkakaroon kami ng three-day transport holiday. This is again to protest the government’s plan to modernize and phase out jeepneys,” pahayag ni Stop and Go president …
Read More »Igigiit ni Digong: Western world hands-off sa ASEAN
BANGKOK,Thailand – Ang 11 bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dapat magpasya sa kapalaran ng rehiyon, at hindi mga taga-Kanlurang nasyon. Ito ang igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong chairman ang Filipinas sa 30th ASEAN Summit, at suportado ang kanyang paninindigan nina Aung Sun Suu Kyi, democracy leader ng Myanmar, at Prime Minister Prayut Chan-o-Cha. “We …
Read More »Sa isyu ng South China Sea: China, ASEAN maghaharap sa Beijing
BANGKOK,Thailand – MAGSISILBING host ang China sa isasagawang pagpupulong sa 11 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), may layuning magbuo ng framework agreement na magpapatupad ng Declaration of the Conduct sa South China Sea (SCS). “’Yung meeting na ‘yun will be the ASEAN – China DOC, ASEAN – China Declaration of the Code of Conduct meeting. They will …
Read More »Maute member arestado sa Kyusi (Sa tangkang atake sa US Embassy)
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang isa sa mga teroristang miyembro ng Maute terrorist group, na respon-sable sa tangkang pagpapasabog sa US embassy noong 28 Nobyembre 2016 sa Roxas Boulevard, Maynila. Sa ulat ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, naaresto si Nasip Ibrahim alyas Nasip Sarip, 35, tubong Marawi City, sa kanyang …
Read More »Giit ng AFP: Walang Maute group sa Metro Manila
NANINDIGAN ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), wala silang namo-monitor na mga miyembro ng Maute Terror Group, na nakapag-penetrate sa Metro Manila. Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Edgard Arevalo, walang report sa kanila ang kanilang intelligence community ukol dito. Pinayohan ng AFP ang publiko, na manatiling mapagmasid sa kanilang kapaligiran, sa harap nang …
Read More »4th round ng GRP-NDFP peace talks tuloy na
HARANGAN man ng sibat, hindi na kayang hadlangan ng sino man ang pag-usad ng peace talks ng pamahalaang Duterte at National Democratic Front (NDFP), at tuloy na ang 4th round ng usapan sa 2-6 Abril sa Norway. Inihayag ni dating Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner, ang kagalakan sa pag-arangkada ng peace talks, sa kabila ng mga naging hamon …
Read More »Drug war ni Digong ‘di kinontra ni Bishop
WALANG kontradiksiyon sa mga naging pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Australian Foreign Minister Julie Bishop, kaugnay sa kanilang bilateral meeting, may pagkakaiba lang sa perspektiba. Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, produtikbo ang dialogo nina Duterte at Bishop noong 17 Marso sa Davao City, na tumuon sa mga posibleng pagkakasundo sa konstruktibong kooperasyon sa drug war, kaya’t hindi …
Read More »