Tuesday , July 5 2022
SOLID ERAP. Buong puwersang nagtungo sa San Andres Sports Complex ang libo-libong miyembro at opisyal ng Manila Muslim Solidarity group upang magpahayag ng suporta kay Mayor Joseph Estrada na patuloy ang pagtaas ng rating sa lahat ng pre-election surveys. Napayakap pa kay Mayor Erap ang isa sa mga dumalo bilang pasasalamat sa pagtulong sa kanilang grupo. (BONG SON)

Capital, educational assistance palalawakin ni Erap

PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling termino.

Layon ni Estrada na makapagbigay ng maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod.

Ani Estrada, binibigyan ng pagkakataon ang small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni Estrada noong 2013 ang CAP na may capital P5,000 hanggang P10,000.

Bukod sa CAP, nasa 20,000 beneficiaries ang nabigyan ng educational assistance mula 2013-2019 na umaabot sa P90 milyon sa ilallim ng educational assistance program (EAP).

Giit ni Estrada, malaking tulong ang EAP dahil ito ang magbibigay inspirasyon sa mga estudyante na  magtapos ng pag aaral at abutin ang kanilang pangarap.

Ang EAP ang tumutulong sa mga estudyante upang makabili ng uniporme, notebooks at  project sa school.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply