SIYAM katao ang sugatan, dalawa sa kanila ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan, makaraan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Diosdado Macapagal Blvd., sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni SPO4 Mario Inserto, ng Pasay Traffic Bureau, ang tatlong sasakyang sangkot sa karambola ay isang black Toyota Fortuner, may conduction plate VX 2767, isang L300 van, at isang …
Read More »Masonry Layout
Ampon na bebot bangkay na natagpuan sa Quezon (Apat buwan nawala)
LUCENA, Quezon – Makaraan ang apat buwan pagkawala, nahukay ang bangkay ng isang babae sa tabing-dagat ng lungsod na ito, nitong Biyernes ng gabi. Nitong Hulyo pa hinahanap ang biktimang si Clariza Ong, 31, ng kaniyang ina na si Evelyn Mercado. Ani Mercado, kahit ipinaampon niya sa isang mayamang pamilya si Ong noong bata pa ang biktima, may komunikasyon sila …
Read More »4.7-M pakete ng yosi susunugin sa Davao (Mula sa Mighty Corp.)
SUSUNUGIN ng mga awtoridad ang 4.7 milyong pakete ng Mighty Corp. cigarettes na may pekeng stamps sa Davao City. Ayon sa ulat, susunugin ang nasabing mga sigarilyo sa Holcim plant. Ang mga sigarilyo, nagkakahalaga ng P142.440 milyon, ay kinompiska ng mga awtoridad mula sa Sunshine Cornmill Co. sa General Santos City noong 6 Marso 2017. Sinabi ng Department of Finance, …
Read More »Seal of Good Local Governance nakamit ng Navotas
MAKARAAN makakuha ng unqualified opinion, ang pinakamataas na marka mula sa Commission on Audit, nakamit ng Navotas ang 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Isa ang Navotas sa walong siyudad sa kalakhang Maynila ang nabigyan ng SGLG. “Lubos kaming nagpapasalamat na nakatanggap kami ng pinakamataas na parangal na binibigay …
Read More »Madrasah ginamit sa ISIS rekrut
SINAMANTALA ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang kapabayaan ng gobyerno sa Madrasah school kaya nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa sa Marawi City. Ito ang inihayag kahapon ni Marawi City Mayor Jamul Gandamra sa press briefing sa Palasyo. Sinabi ni Gandamra, nagbigay ng suportang pinansiyal ang ISIS sa mga Madrasah school upang ituro ang lihis na aral ng Islam …
Read More »HR standard ni Digong tumpak — Roque (Sa war on drugs)
SA kabila ng taguri ng mga kritiko bilang “mass murderer” tumpak ang pamantayan sa karapatang pantao ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayam, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pareho sila ng pananaw sa human rights ni Duterte. Ayon kay Roque, gaya ni Duterte, naniniwala siya na hindi bawal ang paggamit ng dahas basta kailangan itong gawin sa isang sitwasyon. “Tama …
Read More »Extortion money kinuha sa kyusi ‘NPA’ arestado
INARESTO ng mga pulis-Del Gallego, Camarines Sur sa Fairview, Quezon City ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng New People’s Army. Ayon sa mga pulis, nag-withdraw umano ng “extortion money” mula sa isang remittance center sa Fairview ang suspek na kinilalang si Alejandro Concepcion, 27-anyos. Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis-probinsiya batay sa reklamo ng mga negosyante sa Del Gallego laban …
Read More »VP Leni umaasang no revgov, ML wala rin (Matapos pabulaanan ni Duterte)
UMAASA si Vice President Leni Robredo na matitigil na ang pagpapalutang ng posibilidad na magtatag ng isang revolutionary government sa Filipinas at Martial Law matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi niya gagawin ito. Sinabi ni Robredo, isang ‘mabuting hakbang’ ang pahayag ng Pangulo “upang mapawi ang kahit anong takot at pag-aalala ng taong bayan na tayo ay …
Read More »Anti-terror law isasampol sa grupong prente (Sa pakikipagsabwatan sa CPP-NPA)
REBELYON at paglabag sa Anti-Terror Law o Human Security Act ang isasampang kaso sa mga lider at kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at kanilang mga prenteng organisasyon, ayon sa Palasyo. “Ang legal basis ng ating Presidente ay conspiracy in the commission of the crime of both rebellion, and acts punishable under the Human Security Act. …
Read More »Beteranong journalist binantaang itutumba
ISANG 61-anyos dating editor at kasalukuyang kolumnista at media consultant ang nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng short messaging services (SMS) o text messages makaraang lumabas ang kanyang kolum na kritikal sa isang opisyal ng pamahalaan. Sa pangambang may mangyari sa kanyang buhay, kahapon, dakong tanghali, nagdesisyon si Mateo A. Vicencio, beteranong mamamahayag, dating editor at kasalukuyang …
Read More »UN Special Rapporteur suhetohin — Palasyo
DAPAT suhetohin ng United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) ang human rights experts upang gampanan ang kanilang tungkulin nang walang kinikilingan at alinsunod sa umiiral na “code of conduct and ethics.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa pagkondena ni UNHCHR Spokesperson Rupert Colville sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin si UN Special Rapporteur Agnes Callamard dahil …
Read More »Roque new HR adviser ni Digong
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesperson Harry Roque bilang presidential adviser on human rights. Sinabi ni Roque, ang kanyang bagong papel sa administrasyong Duterte ay gumawa ng mga hakbang upang masiguro na gagampanan ng gobyerno ng Filipinas ang mga obligasyon na bigyan proteksiyon at isulong ang karapatang pantao, lalo na ang karapatang mabuhay. Naging sentro ng kritisismo sa loob …
Read More »Taguba, Dong inasunto sa P6.4-B shabu shipment (Faeldon inabsuwelto ng DoJ)
SINAMPAHAN ng kaso ng Department of Justice (DoJ) kahapon ng kasong kriminal ang hinihinalang customs fixer na si Mark Taguba, negosyanteng si Kenneth Dong, at pitong indibiduwal na isinangkot sa P6.4-bilyong shabu shipment na ipinuslit sa bansa mula sa China nitong Mayo, habang inabsuwelto sa kaso si ex-Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Sina Taguba at Dong ay sinampahan sa Valenzuela City …
Read More »FGASPAPI panagutin (Binawian ng rehistrasyon, may operasyon)
PUWEDENG papanagutin sa batas ang Federation of Goat and Sheep Producers and Association of the Philippines (FGASPAPI). Ito’y dahil patuloy ang kanilang operasyon kahit paso na ang rehistrasyon ng kanilang kompanya sa Securities and Exchange Commission (SEC). Nabatid na patuloy na nagsasagawa ng seminar ang FGASPAPI sa kabila ng pasong SEC registration. Ito umano ay malinaw na paglabag sa batas. …
Read More »Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)
PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Katipunan Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Hindi umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center si James Francis Aragan, 27, habang patuloy na inoobserbahan ang sugatang si Joshua Maria Cinco. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police …
Read More »P236-M malulugi sa MRT kada buwan — Chavez (Operasyon kapag itinigil)
MAWAWALA ang P236 milyong potensiyal na kita kapag sinunod ng Department of Transportation (DOTr) ang panawagan para sa pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). “Our average monthly income is P236 million,” pahayag ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez. “‘Yan ang mawawala per month at ‘yan din ang madadagdag sa hihingin nating subsidy sa government …
Read More »Fare discount na pinalawak ikinasa ni Angara (Maagang Pamasko sa estudyante)
MAKATITIPID na sa pasahe at pabaon sa kanilang mga anak na estudyante ang mga magulang kapag naaprobahan ang sponsor na panukalang batas ni Senator Sonny Angara, na naglalayong palawakin ang 20% fare discount ng mga mag-aaral. Sa panukalang ito, sakop ng diskuwento ang iba pang uri ng transportasyon tulad ng eroplano, barko at tren. “Ito po ay isang maagang Pamasko sa …
Read More »All-out war vs CPP-NPA-NDF idineklara ni Duterte
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war laban sa New People’s Army kahapon. Sa kanyang talumpati sa programang “Isang Pagpupugay sa Huling Tikas Pahinga” sa Bonifacio Global City sa Taguig City, sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na abisohan ang matataas …
Read More »‘Chedeng’ ng Indonesian diplomat nagliyab sa EDSA
NASUNOG ang isang bagong diplomat vehicle sa bahagi ng EDSA at Buendia, Makati City, nitong Lunes ng gabi Ayon sa Makati Bureau of Fire Protection, nasunog ang isang itim na Mercedes Benz, may plakang 1457, isang diplomat vehicle ng Indonesia, dakong 9:30 ng gabi. HALOS hindi na mapakikinabangan ang diplomatic vehicle ng Indonesian Embassy na isang itim na Mercedes Benz …
Read More »Impeachment vs CJ Sereno plantsado na
HINDI pa man nagsisimula ang hearing sa kongreso tungkol sa impeachment kay Supreme Court (SC) Chief Justice (CJ) Maria Lourdes Sereno, pinaniniwalaang nakalatag na ang gagawin ng mga kongresistang galamay ng Malacañang. Ilang reliable source sa hanay ng staff ng mga kongresista, ang nagpahiwatig na ‘formality’ na lang umano ang hearing at walang ibang pakay kundi siraan at hiyain si …
Read More »Roxas, Abaya 7 pa swak sa plunder — Palasyo
TINIYAK ng Palasyo, pagbabayarin ang mga dating opisyal ng administrasyong Aquino na sanhi ng pagdurusa ng mga pasahero ng MRT 3. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan managot ang mga nasa likod nang nararanasang inhustisya ni Juan dela Cruz na pumapasan sa P54-M kada buwan at P1.8 bilyon fixed fee na ibinayad ng mga opisyal ng gobyernong Aquino para …
Read More »Hiling ng Pinoys: Philippine consulate sa Texas muling buksan
HOUSTON, Texas – Dapat muling buksan ng Department of Foreign Affairs ang Philippine consulate sa lungsod na ito upang tugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng mga Filipino sa Texas, ang pangalawa sa pinakamalaking estado ng Estados Unidos kasunod ng Alaska. Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga Filipino expatriates na naninirahan sa Houston na hindi makapag-renew ng kanilang pasaporte sa …
Read More »Ex-DoTC chief Abaya, BURI officials inasunto sa ‘anomalous’ MRT3 contract
SINAMPAHAN ng mga militanteng grupo si dating Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at mga opisyal ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) sa Office of the Ombudsman bunsod nang umano’y pagpasok sa maanomalyang maintenance contract para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). Inihain ng grupong Agham, Bayan Muna, Train Riders Network, at Bagong Alyansang Makabayan ang mga kasong …
Read More »Medical scholarship bill aprub sa Kamara
INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang naglalayong lumikha ng medical scholarship program para matugunan ang kakulangan sa mga doktor sa bansa. Sa botong 223 yes, walang no, zero abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6571 o ang panukalang Medical Scholarship and Return Service Program Act. Ang panukala ay nagtatakda …
Read More »Reward vs suspects itinaas sa P.3-M (Sa rape-slay ng bank teller)
ITINAAS sa P300,000 mula sa P100,000 ni Pasig Mayor Bobby Eusebio ang pabuya sa makapagtuturo sa natitira pang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa sa Pasig City. Magugunitang sinabi ng pulisya, isang saksi ang huling nakakitang buhay sa biktimang si Mabel Cama habang kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nitong …
Read More »