Thursday , June 1 2023

Senators dadalo sa pagbubukas ng sesyon —Sotto

KAILANGAN munang pisikal na dumalo ang mga senador sa pagbubukas ng session ng kongreso bukas, 5 Mayo, nang sa ganoon ay kanilang maamyendahan ang senate rules para aprobahan ang teleconference para sa kaligtasan ng mga mambabatas.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kasunod ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga taong tutungo sa senado bukas sa pagbubukas ng session.

Ayon kay Sotto, ilan sa tiyak na hindi makadadalo sa session ay sina Senador Sonny Angara, na muling nagpositibo sa COVID-19, at si Senador Koko Pimentel, at maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mayroong pacemaker at pinayohan ng kanyang doktor na manatili sa bahay dahil sa panganib dulot ng coronavirus.

Sinabi ni Sotto, inaasahan niyang mayorya ng mga senador ang dadalo sa sesyon at sa loob ng isang araw ay kanilang maaamyendahan ang senate rules.

Aminado si Sotto na kanilang isasaalang-alang ang publikasyon ng mga aamyendahang rules at inaasahan ang buong linggo ay ilalaan para rito upang sa mga susunod na linggo ay teleconferencing na ang kanilang session.

Ngunit sa kabuuan ng mga session, kailangang araw-araw ay naroon ang presensiya ni Sotto bilang presiding officer.

Aamyendahan din ang senate rules na papayagan din ang mga committee hearings sa pamamagitan ng teleconferencing.

Tiniyak ni Sotto na inihanda ng senado ang lahat ng pamamaraam para matiyak ng kaligtasan ng mga tutungo sa senado.

Sa elevator, apat na tao lamang ang papayagan sa loob kasama ang operator.

Disinfected na rin ang buong gusali lalo ang bawat tanggapan ng mga senador at iba’t ibang departamento, thermal scanning, disinfectant ng mga sapatos at iba pang protocols. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *