Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Tesorero, tanod patay sa ambush (Tserman, driver sugatan)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Annanuman, bayan ng San Pablo, Isabela, nitong Miyerkoles. Ayon sa imbestigas-yon, lulan ng owner-type jeep sina barangay captain Briscio Gammaru, barangay treasurer Rey Mabborang, barangay tanod Bonifacio Lumabi at driver na si Kingberly Antonio ng Brgy. Dalena, San Pablo. Papunta sila …

Read More »

Mag-lola sugatan sa landslide sa Tacloban (Bahay nabagsakan ng poste)

SUGATAN ang dalawa katao makaraan mabagsakan ng poste ng koryente ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Tacloban City, nitong Huwebes ng tanghali. Ayon sa ulat, nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang 12:00 ng tanghali. Salaysay ni Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at pagkaraan ay nabagsakan ng poste ang kanilang bahay. Nasugatan sa paa …

Read More »

GMA pinayagan magbiyahe

PINAHINTULUTAN ng korte na makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Ito ay kaugnay sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage sa Pasay City court. Sa ipinalabas na release order ni Pasay City Regional Trial Court (RCT) Branch 112 Presiding Judge Jesus Mu­pas, pinayagan ng korte na makabiyahe patungo sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang …

Read More »

TRAIN bill ratipikado na sa Senado (Take home pay ng 7-M obrero tataas)

PINAGTIBAY ng Senado nitong Miyerkoles ang report ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill. Ang batas na ito ang sisiguro sa pagtaas ng take home pay ng mahigit pitong milyong manggagawa sa buong bansa. Bagama’t nauna nang inaprobahan ng dalawang Kapulungan na ilibre sa buwis ang taunang sahod na may …

Read More »

Urduja lumakas nagbanta sa Timog Luzon, Visayas

BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon. Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras. Ang bagyo ay huling namataan sa …

Read More »

Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

Stab saksak dead

PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Habang arestado …

Read More »

14,000 pulis babantayan ng PNP (Tinurukan ng Dengvaxia)

INIUTOS ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-monitor sa kondisyon ng 14,000 pulis na tinurukan ng dengue vaccine Dengvaxia. “To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instructions to Dr. [Edward] Carranza, director of Health Service, to monitor everything…kawawa naman kung may mangyari,” pahayag ni Dela Rosa makaraan bisitahin ang mga sugatang pulis …

Read More »

Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)

HUMARAP si dating Pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino III sa mga senador sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na dengue vaccine. Katulad ng inaasahan, mariing pinabulananan ni Aquino ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ukol sa kontrobersiyal na bakuna. Ayon kay Aquino, walang ano mang anomalyang naganap sa naging transaksiyon sa naturang programa ng pamahalaan …

Read More »

Kahit si Noynoy ‘di sasantohin sa Dengvaxia probe — Palasyo

WALANG sasantohin ang adminis­tras­yong Duterte sa imbestigasyon sa Dengvaxia scam kahit umabot pa kay dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang matataas na opisyal ng kanyang gobyerno. “Basta ang sabi ni Presidente, ituloy ang imbestigasyon ng DoJ, ituloy ang imbestigasyon ng Senado, at kung mayroong dapat managot, pananagutin niya,” tugon ni Roque sa pag-usisa ng media kung hanggang kay …

Read More »

77-anyos lolo, 1 pa patay sa posporo (5 sugatan, Senior citizen nawawala)

fire sunog bombero

PATAY ang dalawa katao habang lima ang sugatan at isa ang nawawala makaraan masunog ang ilang kabahayan sa Loreto St., Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan matupok ang 10 bahay. Napag-alaman, nagsimula ang sunog bandang 10:20 at naapula dakong 11:23 am. Umabot ang sunog sa ikaapat na …

Read More »

Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagpayag sa kanyang hirit na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018. “I would like to thank Congress for understanding the plight of Filipinos… Mahirapan talaga ako ‘pag walang martial law sa Mindanao,” aniya sa talumpati sa Fort Bonifacio kagabi. Ang pasya ni Duterte ay batay sa rekomendasyon ng Armed Forces …

Read More »

Curfew ordinance sa Navotas ihahabol sa Simbang Gabi

POSIBLENG maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa “curfew” sa Navotas City na una nang ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad. Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na “for signature” ang bagong ordinansa na iniakda ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre. “The draft ordinance …

Read More »

Ridon umabuso sa puwesto — Duterte

KINOMPIRMA  ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya si Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon dahil sa hilig magbiyahe sa ibang bansa imbes kapakanan ng maralitang tagalungsod ang atupagin. Simula aniya nang italaga niya si Ridon noong Setyembre 2016 ay pito o walong beses nang nagpunta sa ibang bansa ngunit halos dalawang beses pa lang pinulong …

Read More »

5 PCUP officials na junketeers sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang commissioners ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), kasama si chairman Terry Ridon, dahil notoryus ang mga opisyal sa pagiging “junketeers.” “The President stated two grounds behind his decision, number one, it is — according to him, a collegial body and they have not met as a collegial body. And number two, that …

Read More »

Dismissal order ni Omb Clemente personal grudge (Politika vs Gov. Roel Degamo)

ILANG araw lamang ang nakalipas mula nang sampahan ng reklamo ni Negros Oriental Governor Roel Degamo si Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente kabilang ang ibang opisyal, nang muling maglabas ng dismissal order laban sa gobernardor. Sinabing ang dismissal order ay resulta ng Intelligence Confidential Fund Audit (ICFA) na nauna nang naiayos ng gobernador. Sa liham na ipinadala ng …

Read More »

Tatang, Onyok tiklo sa amok

INARESTO ng mga pulis ang mag-ama nang mag-amok gamit ang baril at samurai sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang mag-amang sina Renato Ibisate, Sr., 63, at Renato Ibisate, Jr., 30, kapwa residente sa Maricaban. Ayon sa pulisya, hinuli si Renato, Jr. sa harap ng kanilang bahay sa naturang lugar nang mag-amok dakong …

Read More »

Sanofi Pasteur idiniin ni Garin

INIHAYAG ni dating health secretary Janette Garin nitong Lunes, da-pat panagutin ang pharmaceutical giant Sanofi Pasteur kapag napatunayang may itinagong impormasyon kaugnay sa kontrobersiyal na dengue vaccine Dengvaxia. Sa kanyang pagsasa-lita sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Garin, hindi batid ng DoH kung may itinagong impormasyon ang Sanofi hinggil sa bakuna bago inaprubahan ang P3.4 billion deal. “Kung saka-sakali …

Read More »

Noynoy dapat magpaliwanag sa Dengvaxia — Gordon

PLANO ni Senador Richard Gordon na imbitahan si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para dumalo sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa kontrobersiyal na P3.5-bilyong dengue vaccine program na inaprobahan ng kaniyang administrasyon. Sinabi ni Gordon, tagapangulo ng komite, kakausapin niya ang mga miyembro ng lupon kung kailangang ipatawag sa pagdinig ang dating pangulo. “I’ll talk …

Read More »

Tanong ng isang ina kay Garin: Nakatutulog ka pa ba nang mahimbing?

ITINUON ng isang magulang ng isang batang naturukan ng Dengvaxia vaccine, ang kanyang pagkadesmaya sa gobyerno kaugnay sa kontrobersiyal na programang ipinatupad ng Department of Health (DoH). “Gusto ko pong maiparating po sa lahat ng kinauukulan ang nararamdaman ko bilang ina. Ang takot na nararamdaman ko, ang kaba at lahat. Ang mga gabi na halos hindi ako makatulog,” pahayag ni …

Read More »

‘Blogger’ sinibak sa PCOO

PINAGBITIW ni Communications Secretary Martin Andanar ang isang blogger na may kaugna-yan sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) nang mabasa ang mga pagbatikos niya sa ilang taga-mainstream media. Ito ang nabatid ng HATAW sa isang source sa PCOO. Anang source, sina-bihan ni Andanar na magbitiw si Paul Farol nang mabasa ang mga pagbatikos sa getrealphilippines.com. laban sa beteranong mamamahayag na …

Read More »

Abu Turaifie bagong ISIS emir sa Southeast Asia

NA-MONITOR ng militar ang balak na pambobo-bomba sa Cotabato ng Turaifie Group, anang Pangulo sa kanyang li­ham. Si Abu Turaifie, ani­ya, ang pinaniniwalaang pumalit kay Isnilon Hapilon bilang ISIS emir sa Southeast Asia. Batay sa ulat, si Sheikh Esmail Abdulmalik alyas Abu Turaifie, ay itinawalag sa Bangsa-moro Islamic Freedom Fighter (BIFF) makaraan direktang makipag-ugnayan  sa ISIS. Itinatag ni Turaifie ang Jamaatul Muhaajireen Wal …

Read More »

Pro-ISIS, pro-NPA sa Mindanao dudurugin (Sa 1-year martial law extension)

TARGET ng administrasyong Duterte na durugin ang lahat ng teroristang grupo na nagkukuta sa Mindanao sa loob ng dagdag na isang taong implementasyon ng batas militar. Sa kanyang liham kina Senate President Aquilino Pimentel III at Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi ni Duterte, inirekomenda ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawigin nang isang taon ang umiiral na …

Read More »

2 bigtime pusher tiklo sa P2.9-M shabu sa MOA

shabu drug arrest

ARESTADO ang dalawang hinihinalang bigtime pusher makaraan makompiskahan ng P2.9 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang shopping mall sa Pasay City, nitong Sabado. Iniharap sa mga mamamahayag kahapon ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang dalawang suspek na sina Randy Gatdula, 38, residente sa Type B, …

Read More »

Martial law todo-puwersa vs NPA — Palasyo

GAGAMITIN nang todo ang bisa ng martial law laban sa New People’s Army (NPA), ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon, ang rebelyon na isinusulong ng NPA ay isang “continuing crime” kaya itatapat sa rebeldeng grupo ang batas militar. “For as long there are acts of rebellion committed in the island province …

Read More »

‘Attack dog’ vs media taga-PCOO

INAMIN ni Communications Secretary Martin Andanar na konektado sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang isang blogger na bumatikos sa isang kolumnista ng Hataw na nakatatanggap ng death threats nitong mga nakaraang araw. Sinabi ni Andanar, si Paul Farol, may blog na getrealphilippines.com, ang namamahala sa “news conferences” ng PCOO. Sa kanyang blog, ilang beses binatikos ni Farol ang kolumnista ng …

Read More »