HALOS hindi na makilala ang bangkay ng 2-anyos babaeng paslit nang matagpuan makaraan maiwan sa nasusunog nilang bahay, sa Brgy. Kamuning, Quezon City, kahapon ng hapon. Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang biktimang si Kyna Labasog, residente sa 8 K7 St., Brgy. Kamuning. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng pamilya Nobregasa dakong 1:10 …
Read More »Masonry Layout
Ginang itinumba sa harap ng anak
PATAY ang isang 47-anyos ginang makaraan paputukan ng dalawang beses ng hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harap ng kanyang anak sa tapat ng isang depot store sa Brgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, kamakalawa. Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gregoria Sugita, residente sa Buensamino St., Brgy. BF Homes ng nasabing …
Read More »Ex-Palawan gov Reyes sumuko sa Sandiganbayan
SUMUKO si dating Palawan governor Joel Reyes makaraan iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa graft kaugnay sa mining permit case. Ang dating local government official ay nagtungo sa Sandiganbayan 3rd Division pasado 3:00 pm kahapon. Nauna rito, nagpalabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kanya dakong umaga kahapon. Ang order ay ipinalabas halos isang …
Read More »3 Caloocan police swak sa Kian slay
MAY nakitang probable cause ang Department of Justice (DoJ) para sampahan ng kaso ang tatlong pulis hinggil sa pagkamatay ng Grade 12 student na si Kian delos Santos sa anti-drug operation sa Caloocan nitong nakaraang taon. Ayon sa testigo, ang 17-anyos na si Delos Santos, sinasabi ng mga pulis na isang drug courier, ay binugbog ng mga suspek, binigyan ng …
Read More »P75-M para sa Mayon evacuees (Inilaan ni Duterte)
NAGLAAN si Pangulong Rodrigo Duterte ng P25-M para sa relief operations sa mga lumikas dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon. Sa kanyang pagbisita kahapon sa Albay, ipinangako ni Duterte na magbibigay pa ng dagdag na P50 milyon para sa Mayon evacuees. Itinalaga ni Pangulong Duterte si Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino bilang special emissary niya sa nasabing lalawigan. …
Read More »Faeldon ibiyahe sa Pasay City Jail (Utos ng Senado)
NAGPASYA ang mga senador na i-cite ng contempt si dating Customs commissioner Nicanor Faeldon ngunit sa pagkakataong ito ay ini-utos na ikulong siya sa Pasay City Jail. “The Senate unanimously declared that Mr. Faeldon, formerly of Customs, will remain charged with contempt, and he will now be remanded to the custody of the Pasay City Jail upon order of commitment …
Read More »‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido
SUSPENDIDO ng 90-araw at kinasuhan ng Palasyo si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, ang sinasabing ‘mole’ ni Sen. Antonio Trillanes IV sa akusasyong may ill-gotten wealth ang pamilya Duterte. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pormal nang sinampahan ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng mga kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa ‘di-awtorisadong …
Read More »Security of tenure bill aprobado sa Kamara (Kinontra ng Makabayan Bloc)
INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa ikatlong pagbasa ang panukalang magtatapos sa “end labor only contracting, o “endo.” Ang House Bill 6908 o Security of Tenure Bill, ay tumanggap ng suporta ng 199 congressmen, habang pitong solon ang nagbasura sa panukala. Ang lahat ng pitong no votes ay mula sa Makabayan bloc. Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene …
Read More »Katok-pakiusap hindi katok-putok (Pangako ng Caloocan police)
TINIYAK ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, walang mangyayaring “katok-putok” sa isasagawang operasyon ng kanilang “Tokhangers.” “Katok at pakiusap lang po tayo, walang puwersahan. Walang pahiyaan. Mahigpit ang guidelines natin,” aniya. “‘Yang katok-putok, wala na ngayon. Nagkaroon lang ng negative impact dati kasi may mga maling nagawa.” Matatandaan, mga pulis-Caloocan ang isinasangkot sa kaso ng pagpatay sa …
Read More »‘Bloodless’ tokhang wish ng Palasyo
UMAASA ang Palasyo na hindi na magiging ‘madugo’ ang muling pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) ng Oplan Tokhang. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring natuto na sa karanasan ang PNP kaya’t tiniyak sa publiko na iiral ang rule of law sa implementasyon ng anti-illegal drugs operation. “(T)he PNP has said they want this tokhang operation to be less …
Read More »LMWD BODs pumalag laban sa pekeng officials
PUMALAG na ang mga lehitimong Leyte Metropolitan Water District (LMWD) Board of Directors (BODs) na itinalaga ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na kinompirma ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Sa pahayag ng BODs, hiniling nila ang tugon ng LWUA sa patuloy na kaguluhan sa LMWD dulot ng mga pekeng BODs, dating general mana-ger na isang Pastor Homeres at ilang …
Read More »‘Tokhangers’ ‘di maaaring umaresto ng drug users
HINDI maaaring arestohin ng mga pulis na lalahok sa bagong “Oplan Tokhang” o Toktok-Hangyo (katok at pakiusap), ang hinihinalang drug users sa halip ay hihikayatin silang magpa-rehab, ayon sa isang opisyal ng pulisya nitong Linggo. “Puwede naman pong mag-voluntary surrender o pumunta po sa estasyon para magpalista or mag-surrender, magpa-rehab voluntarily, pero hanggang doon lang po iyan,” pahayag ni NCRPO …
Read More »P3-M pekeng OTC meds kompiskado
KINOMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kahon-kahong pekeng over- the-counter (OTC) medicines sa isinawagang follow-up operation sa isang bahay na ginawang bodega sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa. Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno R.Ph., mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan sa pangunguna ni FDA Regulations Enforcement Unit (REU) Officer-In-Charge ret. General Allen …
Read More »P11-M shabu kompiskado sa Aussie (Sa Cebu)
CEBU CITY – Inaresto ang isang babaeng Australian national makaraang makompiskahan ng P11 milyon halaga ng hinihinalang shabu, sa lungsod na ito nitong Sabado. Sa ulat, dumating sa Cebu mula sa Australia ang suspek na si Dorotea Moyes, 61, nitong Miyerkoles upang makipagkita sa dayuhang nobyo na nakilala niya sa internet, ayon sa pulisya. Ngunit hindi umano tumuloy sa Cebu …
Read More »Ex-parak tiklo sa P430-K shabu (Tangkang manuhol)
ARESTADO ang isang dating pulis makaraan makompiskahan ng 36 gramo ng shabu, P430, 000 ang street value, sa bayan ng Mabolo, Cebu City, nitong Sabado. Ayon sa suspek na si Antonio Tabug, pumunta siya sa estasyon dahil inutusan siya ng isang alyas Boltek na suhulan ang mga pulis ng P50,000 para pababain ang kaso ng isa pang suspek na ina-resto …
Read More »2 drug pusher patay sa P90-K buy-bust sa QC
PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina alyas Abis, at alyas Jom-Jom. Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng QCPD-PS 6, …
Read More »‘Passport on Wheels’ sa Caloocan
MAGHAHANDOG ng “Passport on Wheels” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Caloocan sa 8 Pebrero. Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng Lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oscar Malapitan, nagsimula nang tumanggap ng applications simula 25 Enero hanggang 2 Pebrero 2018. Ang mga aplikante ay maaaring kumuha ng application …
Read More »Magnitude 4.9 quake sa Surigao Sur
NIYANIG ang lalawigan ng Surigao del Sur ng magnitude 4.9 earthquake nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naganap ang pagyanig dakong 10:19 ng umaga. Ang epicenter nito ay nasa 20 kilometers southeast ng bayan ng Marihatag, ayon sa Phi-volcs. May lawak na 16 kilometro, ang pagyanig ay naramdaman sa Intensity 2 sa Bislig …
Read More »Narco-politician na pinsan ng senador, itatapon pabalik sa bansa (Kapag inasunto sa droga)
INAMIN ng Palasyo, may isinusulong na imbestigasyon kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog, isa sa mga tinagurian ni Pangulong Rodrigo Duterte na narco-politician at pinsan ni Sen. Franklin Drilon. “Let’s just say, there’s an ongoing investigation. If they decide to file a case, extradition of course is the option – because he’s out of the country,” sabi ni Presidential …
Read More »2,000 Albay residents dinapuan ng acute respiratory infection
HALOS 2,000 residente sa lalawigan ng Albay ang dinapuan ng respiratory infection (ARI) bunsod nang pagbuga ng abo ng nag-aalborotong Mayon Volcano, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa inilabas na ulat nitong Linggo, sinabi ng NDRRMC, mula sa bilang na 516 ay umakyat sa 1,972 ang bilang ng mga dinapuan ng nasabing sakit. …
Read More »Responsable sa Dengvaxia scam may kalalagyan
TINIYAK ng Palasyo, ang gobyerno at hindi non-government organization (NGO) ang magsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa Dengvaxia scam. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, ang pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko, hintayin matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Health, Department of Justice at Senado bago gagawa ng legal na hakbang ang kanyang administrasyon. Nakasalalay …
Read More »‘Jaywalker’ ginahasa ng sekyu sa ospital (Nagtangkang magbigti)
NAGTANGKANG magbigti ang isang dalagitang lumabag sa pedestrian rule, makaraan gahasain ng isang guwardiya sa isang ospital sa Laguna. Kinilala ang suspek na si Gerald Yulas, inaresto ng mga operatiba ng Calamba Police nitong Sabado. Ayon sa ulat ng pulisya, nakita sa CCTV camera footage ang pagpasok ni Yulas at ng biktima sa ospital pasado 1:00 am nitong 23 Enero …
Read More »Ilegal ni Atong ipinatigil ni Digong
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinompronta niya ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang para ihinto ang mga trabahong ilegal at tumulong na lang sa gobyerno. Sinabi ng Pangulo, walang ibang dahilan ang pagtawag niya kay Ang maliban sa ipatigil ang ilegal na gawain niya at papuntahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang umayuda sa ahensiya. “Ito …
Read More »STL/Jueteng namamayagpag sa CamSur (PCSO ID, uniform ginagamit) – Gov
ISINIWALAT ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na ang STL operation ay ginagamit sa ilegal na operasyon ng jueteng partikular sa kanilang probinsiya. Inihayag ito ni Villafuerte sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, hinggil sa sinasabing sa bonggang Christmas party ng PCSO, at sa alegasyong front ang STL ng …
Read More »Dental surgeon sinuspende ng board of dentistry
ANIM na buwang suspensiyon ang ipinataw ng Board of Dentistry ng Professional Regulation Commission (PRC) sa isang oral surgeon and dental implantologist matapos mabatid na ‘incompetent’ sa kanyang propesyon matapos mapatunayan na ang kanyang sertipiko para sa kanyang specialization ay hindi kinikilala ng Board of Dentistry dahil sa dishonorable conduct. Sinuspende nang anim na buwan ng Board of Dentistry ang …
Read More »