WALA nang extension para sa paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa nalalapit na barangay elections sa darating na Mayo, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa Kapihan sa Manila Bay sa Cafe Adriatico sa Malate, Maynila. Nakatakda sa Biyernes ang huling araw ng paghahain ng mga kadidato ng kanilang CoC kaya wala nang tatanggapin pa pagkatapos …
Read More »Masonry Layout
OFW na pinainom ng chlorine bumubuti na
MAAARI nang ilipat sa regular ward mula sa Intensive Care Unit (ICU) anomang oras ang Filipina worker na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng amo sa Saudi Arabia. Sinabi ni Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA), bumubuti na ang kalagayan ni Agnes Mancilla makaraan maratay ng mahigit sa isang linggo sa King Fahad …
Read More »Bebot inatake sa puso sa motel
PATAY ang isang babae makaraan umanong atakehin sa puso habang nasa loob ng motel sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay S/Insp. Ferdinand Espiritu, ang biktima ay tinatayang 20-30 anyos, maliit ang pangangatawan, 5’1” ang taas, at nakasuot ng pink shirt at asul na maong pants. Batay sa ulat ni PO2 Rockymar Binayug, dakong 3:54 pm nang mag-check-in ang …
Read More »Libo-libong kandidato dumagsa sa Comelec (Sa barangay at SK polls)
DUMAGSA sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila ang libo-libong kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections para maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC). Tinatayang 4,000 katao ang pumila sa opisina ng Comelec nitong Miyerkoles. Marami umano sa kanila ay 4:00 pa ng madaling-araw pumila. Napag-alaman, dahil sa sobrang siksikan at init ng panahon, may …
Read More »Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den
ARESTADO ang isang mag-ama, at anim iba pang hinihinalang drug user makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat, dakong 9:25 pm nang salakayin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Jowi-louie Bilaro, kasama ang Philippine Air Force 300th Air Intelligence Security Wing, Special Mission Group, PDEA-Camanava …
Read More »Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga
NADAKIP ng mga pulis ang isang South Korean national at kaniyang Filipina wife sa isinagawang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa. Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jake Lee, 36, at Joy Ann Casuparan, 18, mga residente sa Brgy. Balibago, Angeles City. Sinabi ni Supt. Ruel Cagape, hepe ng Mabalacat Police, inaresto ang mag-asawa makaraan ang isinagawang …
Read More »Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)
PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan. Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. …
Read More »19-anyos kelot kritikal sa boga ng AWOL na pulis
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan. Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na …
Read More »2 PNP official, 2 pulis sinibak sa P60-M SAF allowance scam
SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers. Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern …
Read More »VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust
NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pangkat sa Holocaust …
Read More »BI wow mali kay Sister Fox
INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang …
Read More »Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung …
Read More »6 sakada patay 16 sugatan sa talim ng kidlat (Sa Sipalay City)
SIPALAY CITY, Negros Occidental – Patay ang anim na sakada, habang 16 ang sugatan, makaraan tamaan ng matalim na kidlat sa Brgy. Manlocahoc, sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Sinabi ni C/Insp. Nasser Canja, hepe ng Sipalay City Police, sumilong ang mga sakadang nananagpas ng tubo sa ilalim ng truck dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nasa …
Read More »Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)
DAVAO CITY—Nagbigti sa loob ng Sasa Police Station ang isang lalaki nitong Miyerkoles, isang buwan nang nakakulong matapos niyang sunugin ang sariling anak. Ayon sa ulat, natagpuang nakabitin sa kisame, gamit ang benda, ang katawan ng bilanggong si alias Roger, 4:30 ng umaga. Salaysay ng ibang bilanggo, ilang araw nang tuliro si Roger nang malaman niyang ililipat na siya sa …
Read More »Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)
HINAMON ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ipagpatuloy ang nasimulang transpormasyon sa mga sistema ng NFA Council upang maipatupad sa National Food Authority. Si Piñol ang pumalit kay Evasco bilang bagong NFA Council chairman. “I call the new Chairperson to take advantage of what we have started and continue the systems transformation, so that …
Read More »18-30-anyos 2 beses boboto — COMELEC (Sa Barangay, SK polls)
INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang tinatayang 20 milyon botante para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo, dahil ang age bracket para sa mga eligible bomoto sa kategoryang ito ay pinalawig hanggang 30-anyos. “Mas maraming boto ang bibilangin. Sa SK elections, we’re looking at about 20 million voters now, na dati ang average mo, mga two, three, …
Read More »Kadiwa ibalik (Para siguradong walang gutom) — Imee
UPANG makontrol ang presyo ng mga batayang bilihin at pangangailangan at upang matulungan ang mga magsasaka na mabigyan ng tamang halaga ang kanilang mga ani, sinabi ni Gov. Imee R. Marcos, kailangan ibalik ang Kadiwa market system na matagumpay na ipinatupad noong panahon ng kanyang yumaong amang si President Ferdinand Marcos, Sr. Pangunahing pinaglilingkuran ng Kadiwa outlets noong 1970s ang …
Read More »Ayon kay Duterte: Palarong Pambansa hulmaan ng next PH leaders
NAGSISILBING hulmaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang Palarong Pambansa dahil ito’y nagtataguyod nang pagsusumikap, disiplina, teamwork, integridad at pagmamahal sa bayan. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur kahapon. Binigyan diin ng Pangulo, ang sports ang nagsisilbing daan upang maiwaksi ang …
Read More »SAP Bong Go kabalikat ng OFWs
TINIYAK ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, makakamit ng pamilya ng OFW na si Ronald Jumamoy ang hustisya sa pagkamatay niya sa Saudi Arabia noong 2016. Dininig kahapon ni Go, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Attache Nasser Mustafa, ang hinaing ng pamilya Jumamoy sa Davao City at siniguro ang masusing pagsisiyasat sa …
Read More »Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo
INIUTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT na sampahan ng kaso ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren. Magugunitang nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa nang magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito. Ito ang unang unloading …
Read More »3 patay, 5 kritikal sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Argao Cebu)
PATAY ang tatlo katao habang lima ang nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan makaraan magkarambola ang apat sasakyan sa bayan ng Argao sa lalawigan ng Cebu, nitong Linggo. Kabilang sa sangkot sa karambola dakong 10:30 am sa Brgy. Taloot, ang kotse, SUV, trailer truck, at multi-cab. Ayon sa ulat, nahulog sa gilid ng highway at bumaliktad ang trailer truck. Mabilis …
Read More »4 bata, 1 pa tigok sa amok (suspek utas sa parak)
SIRAWAI, Zamboanga del Norte – Patay ang apat bata at isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang amok na hinihinalang adik, nitong Sabado. Ngunit napatay rin ang 34-anyos suspek makaraan mang-agaw ng baril sa pulis. Ayon sa pulisya, unang inatake ng suspek ang dalawang batang edad 10 at 11 habang naglalaro kasama ang kanilang ama sa isang abandonadong bahay sa Brgy. …
Read More »Lola, 5 pa arestado sa P1-M shabu
ARESTADO ang limang hinihinalang drug perso-nalities, kabilang ang isang 65-anyos lola sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni PO3 Rodney Dela Roma, dakong 10:30 pm nang magsagawa ng buy-bust ope-ration ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD), sa pamumuno ni PSI Cecilio Tomas …
Read More »13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga elemento ng Minalin Police Anti-Illegal Drug Operation Unit at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) ang isang 13-anyos drug runner, habang nadakip ang kanyang ina at dalawang drug user sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Minalin, kamakalawa. Ayon sa ulat ni C/Insp. Pearl Joy C. Gollayan, hepe …
Read More »4 Chinese nat’l, 4 Pinoy tiklo sa shabu lab
APAT Chinese national chemist at apat Filipino ang arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagawaan ng shabu at ecstasy sa isang farm sa Brgy. Sto. Niño, Ibaan, Batangas kahapon. Sa ulat kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang dayuhan ay sina Tian Baoquan at Guo Zixing, kapwa ng Jianjiang, Fujian, …
Read More »