Wednesday , January 26 2022

Dagdag na pondo para sa COVID-19 vaccine, isinusulong ni Sen. Go

ISUSULONG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagka­karoon ng karagdagang pondo para sa pagbili ng bakuna para sa corona­virus disease 2019 (COVID-19) upang mas maraming mamamayan ang mapagkalooban nito.

Ayon kay Go, karagdagan ito sa P20 bilyon na una nang inilaan ng Department of Finance (DOF) para makabili ng bakuna para sa 20 milyong indibidwal.

“In addition to the P20 billion that the Finance Department is setting aside to procure COVID-19 vaccines to cover 20 million of our people, as chair of the Senate Committee on Health, I will also push for additional funds for the purchase of the same,” ayon kay Go.

“Ito’y upang upang mas marami pang mga kababayan natin, lalo ang pinakanangangailangan, ang mabigyan ng libreng bakuna.  Ito ay linsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna lalo ang mga poorest of the poor and other vulnerable sectors,” aniya.

Kaugnay nito, muling umapela ang senador sa pamahalaan na ngayon pa lang, habang wala pa aniyang bakunang dumarating sa bansa, ay magkaroon na ng isang national vaccine program.

“Dapat pantay-pantay at uunahin ang mahihirap at vulnerable sectors,” aniya pa.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …

Leave a Reply