ISASARA ang ilang pangunahing lansangan sa lungsod ng Makati bunsod ng gaganaping Grand Motorcade at Ticker Tape Parade kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kaya asahan na makararanas ng mabigat na daloy ng trapiko ang ilang mga motorist at commuters ngayong araw ng Huwebes (21 Pebrero). Kahapon sa traffic advisory ng Makati City government, isasagawa ang parada sa kahabaan ng …
Read More »Masonry Layout
Mobile Number Act nilagdaan ni Duterte
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mobile Number Portability Act o ang Republic Act number 11202 na may layuning mabigyan ng mas malawak na kalayaan ang consumer sa pagpili ng kanilang mobile service provider base sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number. Sa ilalim ng batas, maaari na rin lumipat ang mga subscriber …
Read More »1 patay 2 nasakote sa drug-bust sa Lubao
NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug pusher habang patay ang isa pa sa ikinasang anti-drug operation sa Lubao, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ni Supt. Jerry Corpus, Chief of Police ng Lubao kay PRO3 Director C/Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Alfie Sadsad, 34, at Rolando Santos, 40, dati nang sumuko sa awtoridad dahil sa droga at kabilang …
Read More »Dalawang tulak bumulagta sa buy-bust
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Kinilala ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police ang mga napatay na sina James Taruc at isang alyas Inad samantala nakatakas ang isa nilang kasama na si Jason Panti alyas Goryo. Nabatid …
Read More »Death threat, talbog na tseke, sa ambush kay Yulo
HUMAHARAP sa patong-patong na reklamo dahil sa mga talbog na tseke at nakatatanggap ng mga banta sa buhay bago pinaslang ang negosyanteng si Jose Luis Yulo noong Linggo sa EDSA. Dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang walang habas na namaril sa sinasakyang Toyota HiAce van ng biktima na kanyang ikinamatay at ng driver na si Allan Nomer Santos habang …
Read More »Paring Kano muling inaresto sa pagmolestiya sa 5 sakristan
MULING inaresto ang isang paring Katoliko kahapon dahil sa reklamong pangmomolestiya sa 50 bagong biktima na karamihan ay mga batang sakristan. Inaresto ng awtoridad si Kenneth Pius Hendricks matapos ang higit dalawang buwan mula nang unang madetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa reklamong pang-aabuso. Unang nahuli si Hendricks noong 5 Disyembre 2018 sa lalawigan ng Biliran province …
Read More »Pakistani nasakote sa karnap-sanla modus
ARESTADO ang isang Pakistani sa mga operatiba ng Makati City Police Station Anti-Carnapping Unit sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos tanggapin ang natitirang bayad sa isinanlang karnap na sasakyan sa lungsod, kamakalawa ng hapon. Kasong carnapping (RA 10883) at estafa ang kakaharapin ng suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., y Motwani, 37, binata, naninirahan sa Teresa Street, Barangay …
Read More »Lady service crew tinapik sa puwit Koreano arestado
HINULI ang isang Korean nang bastusin ang isang service ambassador crew sa loob ng isang hotel-casino sa Pasay City, nitong Lunes. Nasa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Lim Deuk Youl, 49, may asawa, isang Korean national, at naninirahan sa Saracota Residential Resort Cluster 5, Room 23, Newport City, Barangay 183, Villamor sa nasabing lungsod. Kinilala …
Read More »Human settlements department muling binuo ni Duterte
IBINALIK ng administrasyong Duterte ang isang kagawaran na mangangasiwa sa murang pabahay para sa mahihirap na Pinoy gaya noong panahon ng rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ito ng ipinalabas na Republic Act number 11201 o ang batas na lumilikha sa Department of Human Settlements and Urban Development. Ang naturang kagawaran ay dating Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni dating First …
Read More »Presyo ng palay bumagsak sa rice tariffication law
ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffication Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsasaka. Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongresista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo. Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil …
Read More »62-anyos lolo todas sa sunog
KOMPIRMADONG patay ang 62-anyos lolo nang masunog ang kanyang dalawang-palapag na bahay sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni F/Supt. Christine Pula, fire chief, ang biktima na si Raymundo Liwanag Jr., nakatira sa Ayala Homes Subd., Brgy., Barangka sa lungsod. Base sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog dakong 1:41 am, at naapula ng mga bomber dakong 2:25 am. Sa …
Read More »Chinese firms butata sa P67.99-B Marawi rehab
IBA’T IBANG ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng local contractors ang magsasagawa ng rehabilitasyon ng Marawi City at hindi na sa pamamagitan ng joint venture sa foreign firms, ayon sa Task Force Bangon Marawi. Ang desisyon na lumipat sa local contractors ay ginawa matapos ang isang taon pagpupursigi sa joint venture agreement sa Filipino-Chinese consortium. “The joint venture was not …
Read More »Pamilyang Pinoy patay sa car crash (Sa Delano California)
ISANG pamilyang Pinoy na kinabibilangan ng mag-asawa at mga anak na sanggol at 5-anyos totoy ang namatay kasama ang kanilang kaibigan nang mabangga ang sinasakyang Mitsubishi SUV sa isang malaking puno sa Highway 99 ng Delano, California. Sa hindi pa nalalamang dahilan, tumatakbo ang sasakyan sa bilis na 70mph nang mapunta sa gilid ng kalsada at bumangga sa isang puno. …
Read More »Helper ginulpi dishwasher hoyo
SWAK sa kulungan ang isang dishwasher matapos bugbugin ang ka-barangay makaraan siyang tapunan ng tubig sa Malabon City, kamakalawa gabi. Nilapatan ng lunas sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Ian Angeles, 22-anyos, na pinauwi rin matapos magamot ang sugat sa mukha. Arestado ang suspek na si Romer Cruz, 19-anyos, ng Langaray St., Brgy. Longos, nahaharap sa kaukulang kaso. Batay …
Read More »“Womb to tomb” program, magpapatuloy sa 3rd & final term ni Mayor Estrada
KUNG mayroon mang centerpiece program na gustong ipagpatuloy ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang huli at ikatlong termino, ito ang “womb to tomb” projects na pinakikinabangan ng daan-daang libong residente ng lungsod. Ayon kay Estrada, dinatnan niya ang lungsod ng Maynila na nasa miserableng kondisyon na ang mga ospital ay walang maayos na pasilidad, walang gamot, walang doktor at …
Read More »Pagsasaka, hindi basketball na kailangan ng import — Mar Roxas
MAS malakas na suporta ng gobyerno ang kailangan para mapasigla ang pagsasaka at hindi sagot ang importasyon. Ito ang tahasang tugon ni former DTI at dating senador Mar Roxas sa mga nagsusulong ng rice importation at pag-aangkat ng mga produktong agrikultura. Ayon kay Roxas, ang pagsasaka ay hindi katulad ng PBA na may All-Filipino Conference at Reinforced Conference na kailangan …
Read More »Bahay ng 71-anyos mag-asawa natupok sa electric fan (Misis patay, mister may 2nd degree burn)
PINANINIWALAANG electrical short circuit ang sanhi ng pagkatupok ng isang bahay na ikinamatay ng isang lola at pagkasunog ng balat ng kaniyang asawa sa Dammang East, Echague, Isabela. Namatay sa sunog si Virginia Matterig, 71, na hindi agad nakalabas sa kanyang kuwarto bunsod ng kapansanan. Samantala, inabot ng second degree burn ang sunog sa balat ng asawang si Villamor Matterig, …
Read More »Isa arestado, 2 wanted
ISA sa tatlong holdaper na mapangahas na nambiktima sa driver at pahinante ng isang cargo truck ang nadakip ng pulisya sa ginawang follow-up operation kahapon ng tanghali sa Caloocan City. Kinilala ni S/Insp. Rammel Ebarle, hepe ng Caloocan Police Station Special Operation Unit (SSOU) ang naarestong suspek na si Carlito Pesimo, 22, ng Block 3, Tanigue St, Brgy. 14, Dagat …
Read More »Stop ‘job invasion’ — Mar Roxas (Pinoy workers vs Chinese workers)
NANAWAGAN si former Trade and Industry secretary Mar Roxas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatigil sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng work permit sa mga Chinese na dumagsa sa bansa magmula pa noong nakaraang taon. Ayon kay Roxas na kilalang father of call centers, walang problema kung Chinese language ang expertise ng mga kinukuhang manggagawang Tsino …
Read More »Jiggy Manicad nanawagan ng hazard, overtime pay para sa media ngayong kampanya
NANAWAGAN ang batikang broadcast journalist at kandidato sa Senado na si Jiggy Manicad na mabigyan nang higit na kabayaran lalo ang mga miyembro ng media na mag-o-overtime at mapupunta sa mga delikadong lugar. “Marami pa sa amin na walang overtime pay at walang hazard pay kahit minsa’y ilang araw kaming nasa isang lugar at hindi makaalis o kahit na nalalagay ang …
Read More »Grace Poe, matatag sa No. 1 sa Pulse Asia survey
NANGUNGUNA pa rin sa pinakapinipiling kandidato sa pagka-senador ang reeleksiyonistang si Sen. Grace Poe, batay sa bagong survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa nalalapit na 2019 elections. Nakakuha ng 74.9 porsiyentong (%) vote preference si Poe at hindi natinag sa unang posisyon ng listahan ng mga kumakandidatong senador. Malayo naman ang agwat ng sumunod kay Poe na si …
Read More »Gobyerno uunlad, magsasaka gutom (Sa rice tariffication)
ANG inaasahan ng administrasyong Duterte na Rice Tariffication Law para umunlad ang bansa ay isang nakatatakot na batas na papatay sa sektor ng lokal na agrikultura. Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang tamang pagpapatupad ng batas – pagtanggal sa “import restrictions” at pagpataw ng 35 porsiyento sa mga inangkat na bigas mula sa mga bansa sa Southeast Asian – …
Read More »Yulo patay sa ambush? (babae sugatan, driver ‘di nakaligtas)
PATAY ang isang negosyante at ang kanyang driver habang sugatan ang kasama nilang babae sa pamamaril na naganap sa southbound lane ng EDSA malapit sa Reliance St., sa lungsod ng Mandaluyong, kahapon ng hapon. Idineklarang patay sa ospital ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, 62 anyos, ng Ayala Alabang, Muntinlupa, at ang kanyang driver na si Nomer Santos, 51 anyos, …
Read More »3-mos baby girl tostado sa sunog
TOSTADO ang tatlong-buwang sanggol na babae makaraan masunog ang kanilang bahay nitong Miyerkoles ng hapon. Halos uling na nang matagpuan ang bangkay ng sanggol na si Alex Cabil. Ayon kay Supt. Paul Pili, fire marshal ng Pasay City Bureau of Fire and Protection (BFP), sa Saint Francis St., Bgy. 178, Maricaban, sa kapitbahay ng mga magulang ng biktima na sina …
Read More »Dausan ng pot session natupok sa iniwanang kandila ng mga bumatak
DAHIL sa napabayaang kandila nauwi sa pagkasunog ng dalawang bahay na sinabing pinagbatakan ng droga ng isang drug suspect sa Makati City, kahapon ng umaga. Hinuli agad ng awtoridad ang inginusong suspek na si Jhayson Camposano, 27, scavenger, ng H. Santos St., Barangay Tejeros, Makati City. Inireklamo siya nina Armando Serrano, 58, may kinakasama, contractual maintenance, may-ari ng bahay, at Maria …
Read More »