Tuesday , March 11 2025

Masonry Layout

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging “dark horse” ang ngayo’y tumatakbo sa pagka-senador na si Luis “Chavit” Singson, ayon sa pinakahuling datos na isinagawa ng Tangere, isang online polling body. Base sa “The 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey”, 11.29% ang itinaas ng grado ni Chavit kung ikokompara sa nakaraang buwan, laban …

Read More »

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

Vilma Santos Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat ang mga showbiz-related news. May dalawang colleagues tayong yumao at may isang hinuli at ikinulong. Ang kapatid natin sa panulat na si kuya Ed de Leon, 69, ay tuluyan na ngang sumuko sa laban niya sa kanyang sakit sa puso. Isa nga si kuyang Ed …

Read More »

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

Barasoain Malolos Bulacan

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang kultural gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan nitong Sabado, 14 Disyembre, sa La Consolacion University – Barasoain Campus …

Read More »

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga paputok sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan, nitong Miyerkoles, 18 Disyembre, naglabas ang PNP-Civil Security Group ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at iba pang pyrotechnic device, alinsunod sa Executive Order (EO) 28 at Republic Act (RA) 7183. Ang mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic …

Read More »

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

dead gun

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak anim na araw matapos pumasa sa Licensure Exam for Teachers (LET), nang pagbabarilin sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, nitong Miyerkoles ng hapon, 18 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Arvin John Cambang, hepe ng Pikit MPS, pauwi mula sa kaniyang trabaho bilang tesorero ng Barangay …

Read More »

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

Senate CHED

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state universities at colleges (SUCs) sa mga probinsiya sa bansa. Sa pagdinig na isinagawa ng Senate committee on higher, technical, and vocational education na kaniyang pinamumunuan, tinalakay ni Cayetano ang hindi bababa sa 20 panukalang batas na magpapalakas sa tertiary education sa iba’t ibang lalawigan, kabilang …

Read More »

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

Sim Cards

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM registration sa bansa. Ginawa ng CICC ang pahayag, kasunod ng ikalawang anibersaryo ng implementasyon ng Republic Act No. 11934 o mas kilala bilang SIM Registration Act. Ayon kay CICC Executive Director Alexander K. Ramos, inilabas niya ang naturang paalala bunsod ng patuloy na paglaganap ng …

Read More »

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

Motorcycle Hand

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban sa patuloy na pagdadagdag ng mga motorcycle  (MC) taxi sa bansa. Ayon kay Ariel Lim, pangulo ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) at National Public Transport Coalition (NPTC), mistulang nababalewala ang kanilang karapatan at kabuhayan. Binigyag-diin ni Lim, …

Read More »

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

Dead body, feet

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na magkabit ng kable sa Islang Puting Bato, sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkoles, 18 Disyembre. Ayon sa ulat, may mga bahay pang walang koryente dahil sa malaking insidente ng sunog na naganap sa lugar ilang linggo na ang nakalipas. Dahil dito, naisipang ikabit ng biktima ang …

Read More »

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

Arrest Shabu

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw, 17 Disyembre. Ayon kay P/Lt. Col. Rolando Baula, Station Commander ng QCPD Station 13, nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa suspek para sa P1,500 halaga ng ilegal na droga. Naging hudyat ang palitan ng pera at ilegal na droga …

Read More »

Ron Angeles dream come true makatrabaho sina Vilma, Nadine, at Aga

Ron Angeles Aga Muhlach Nadine Lustre Vilma Santos Uninvited

MALAKING karangalan para sa guwapong aktor na si Ron Angeles ang mapasama sa pelikulang Uninvited na entry ng Mentorque Productions sa MMFF 2024. Dream come true para kay Ron ang makatrabaho ang Star For All Seasons Vilma Santos, award winning actress  Nadine Lustre, at award winning Actor Aga Muhalch. “Isang malaking karangalan po sa akin ang makatrabaho ang Star For …

Read More »

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz sa 25th anniversary (Silver) ng kanyang Aficionado Germany Perfume next year. “Ang sabi ko kasi sa kanila ‘uy 25 taon na tayo magpa- raffle tayo, magbigay tayo sa ating mga loyal customer,’ kaya nandito na ang ating raffle dropbox na mayroong milyones. “Were giving aways …

Read More »

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito  sa 10 pelikula ang pamilyang Filipino. Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop …

Read More »

Bulacan, ibinida ang kultural na pamana sa PH Experience Program ng DOT

Barasoain Malolos Bulacan

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang kanilang kultural na pamana gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan noong Sabado, Disyembre 14, sa La Consolacion University – …

Read More »

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

MMFF 2024 MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito  sa 10 pelikula ang pam-pamilyang Filipino. Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop na klasipikasyon ang mga pelikula batay sa umiiral na pamantayan …

Read More »

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom noong  Lunes sa Director’s Club SM Megamall. Pinuri ang magandang produksiyon at world-class na pagganap ng mga artista na pinangunahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.  Sa pagganap nila sa bawat karakter talaga namang tumatak sa puso ng …

Read More »

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

Makapili Vlogger

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy at Tsinoy at kanilang mga bayarang troll ay vlogger na nagsisilbing ‘parrot’ ng China. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairperson ng House Quad Committee, at House Committee on Dangerous Drugs ang mga ‘Makabaging Makapili’ ang dumedepensa at nagkakalat ng maling impormasyon …

Read More »

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

121924 Hataw Frontpage

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang mga pangunahing probisyon sa panukalang batas para sa pagpapalawig ng prankisa ng Manila Electric Co. (Meralco) upang protektahan ang mga mamamayan sa karagdagang pagtaas ng singil sa koryente. Sa isang liham na ipinadala kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at iba pang senador, sinabi ng …

Read More »

VBank inilunsad ni Manong Chavit

Chavit Singson VBank

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa. Pangungunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, 15 Disyembre, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez, Jr., Avenue, Ugong Norte, Quezon City. Kasama ni Manong Chavit si veteran comedienne …

Read More »

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

121924 Hataw Frontpage

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, health workers, at medical advocates sa makasaysayang tulay ng Mendiola sa San Miguel, Manila kahapon upang igiit ang pagbibitiw ni Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget. Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan …

Read More »

Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT

Bulacan Police PNP

SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 18 Disyembre. Nasamsam din sa serye ng operasyon ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P48,960, at buybust money. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur …

Read More »

Anak ni Dulce na si David naisakatuparan pagganap sa Himala

Ezra David Isang Himala

HARD TALKni Pilar Mateo KINSE-ANYOS pa lang pumasok na sa kamalayan ni David Ezra ang musikal na Himala. Bakit? Ang nanay niyang si Dulce ang gumanap na Aling Saling nang ipalabas ito noong 2023.  Wala siyang kaalam-alam at kamalay-malay. At sa panonood niya nito sa Tanghalang Batute ng CCP (Cultural Center of the Philippines), hindi na ito humiwalay sa kanyang …

Read More »

Seth Fedelin napakahusay sa My Future You, pwedeng itapat kina Arjo, Dennis, Piolo, at Aga

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You Arjo Atayde Dennis Trillo Piolo Pascual Aga Muhlach

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAWIWINDANG ang pelikulang My Future You. Bago namin panoorin ang pelikula sa celebrity premiere nito, wala kami kahit anong expectations mula sa pelikula nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Basta ang alam namin, manonood kami ng isang pelikulang pampakilig. Bago pa man magsimula ang screening, isang kasamahan sa panulat na katabi namin ang nagsabing ang dinig …

Read More »