Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

December, 2013

  • 6 December

    ACTO kasado sa ‘strike’ ngayon

    NAKAKASA na ang gagawing transport holiday ngayong araw ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) kapag hindi natugunan ang kanilang hiling na dagdag pasahe. Banta ni ACTO President Efren de Luna, magsasagawa sila ng kilos protesta upang iparating sa gobyerno ang matinding pagtutol sa sunod-sunod  na pagtaas  sa  presyo ng diesel. Hiling ng ACTO ang P2.00 dagdag pasahe sa pampasaherong …

    Read More »
  • 6 December

    Paliwanag ni Kapunan iniutos ng SC (Sa ‘korupsiyon sa hudikatura’)

    PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa naging pahayag na may isang corrupt na mahistrado. Kaugnay nito, binigyan ng SC en banc ng 10 araw si Kapunan para magpaliwanag sa binitawan niyang salita sa isang interview hinggil sa kanyang nalalaman sa katiwalian sa hudikatura. Batay sa resolusyon na nilagdaan …

    Read More »
  • 6 December

    Gag order sa Pacman case inilabas ng CTA

    MAAARING maharap sa contempt charges ang sino mang maglalabas ng mga pahayag ukol sa tax case ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Ayon sa Court of Tax Appeals (CTA), sakop ng kanilang gag order ang kampo ni Pacquiao at ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Magugunitang naging mainitan ang palitan ng pahayag nina Pacman at BIR Comm. Kim Henares dahil sa …

    Read More »
  • 6 December

    P275K nadale ng ‘Dugo-dugo’ sa magtiyahin

    NAPANIWALA ang 18-anyos estudyanteng babae ng miyembro ng “Dugo-dugo gang,” na naaksidente ang kanyang tiyahin kaya nakulimbat ang P275,000 halaga ng salapi at mga alahas sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Michel Filart ang biktimang si Jan Veda Marie Pajarillo, ng #3919 A. Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati City. Batay sa salaysay …

    Read More »
  • 6 December

    6-anyos nene napisak sa delivery van

    PATAY ang 6-anyos batang babae makaraang masagasaan ng delivery van na may kargang isda habang tumatawid sa kalsada sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Josephine Garganta, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod Pinaghahap naman ang driver ng delivery van na hindi man lamang huminto upang tingnan …

    Read More »
  • 6 December

    2 bata ikinulong ikinadena ng ama

    DAGUPAN CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang magkapatid na menor de edad na ikinulong at ikinadena ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay habang siya ay nasa trabaho sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa suspek, napilitan lamang siyang gawin ito sa kanyang dalawang anak dahil sa kawalan ng mag-aalaga sa kanila habang siya ay …

    Read More »
  • 6 December

    Dalagita inatado ng rapist

    NAGA CITY – Patay ang 18-anyos dalagita matapos pagtatagain sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Santiago, Balatan, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Jennylyn Olieres. Batay sa inisyal na imbestigasyon, mag-isa lamang si Jennylyn sa kanilang bahay dakong 3 p.m. nang pasukin ng suspek na si Espelito Novelo. Posibleng tinangka ng suspek na gahasain ang biktima ngunit nanlaban ang …

    Read More »
  • 6 December

    1 patay, 5 sugatan sa CDO demolition

    CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang sugatan ang lima pa kabilang ang dalawang pulis sa demolisyon sa Purok 1, Brgy. Calangahan, sa bayan ng Lugait sa lungsod na ito kamakalawa. Nabatid na makaraan ang insidente ay agad pinulong ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano ang daan-daang apektadong pamilya, mga kinatawan at mga awtoridad na naatasan ng …

    Read More »
  • 6 December

    2 dalagita nilamas, lolo kalaboso

    KALABOSO ang 65-anyos lolo matapos lamasin ang maselang bahagi ng katawan ng dalawang dalagita sa Mandaluyong City kamakalawa. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Shiela, 15, at Miriam, 14, kapwa nakatira sa Brgy. Mauway, ng nasabing lungsod. Nadakip ang suspek na si Reynaldo Borja y Rialez, biyudo, at residente ng #956, M. Cruz St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City. Ayon …

    Read More »
  • 6 December

    Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, pinaka-challenging kay Uge

    ITINUTURING ni Eugene Domingo na ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ang pinaka-challenging sa lahat ng series ng Kimmy Dora. “This is the most challenging Kimmy Dora due to training and fight scenes. Challenging also to think na prequel ito so, dapat parang uurong ang characterization ni Kimmy at ni Dora. I have discovered mas enjoy pala makipag-fight scene kaysa …

    Read More »