Thursday , January 20 2022

1 patay, 5 sugatan sa CDO demolition

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang sugatan ang lima pa kabilang ang dalawang pulis sa demolisyon sa Purok 1, Brgy. Calangahan, sa bayan ng Lugait sa lungsod na ito kamakalawa.

Nabatid na makaraan ang insidente ay agad pinulong ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano ang daan-daang apektadong pamilya, mga kinatawan at mga awtoridad na naatasan ng korte sa pagsasagawa ng demolisyon sa nabanggit na lugar.

Ito’y matapos humantong sa kaguluhan ang pagpapatupad ng court order ng demolition team para gibain ang kabahayan sa grupo ng ALBIDEL Organization na kinabilangan ng mga magsasaka at mangingisdang miyembro na umuukupa sa 37-ektaryang lupain sa nasabing bayan.

Sinabi ni Emano, labis siyang nabahala nang malaman na isa ang namatay sa insidente na si Nickson Tungao, tinamaan ng bala mula sa hindi pa matukoy na suspek.

Tinamaan din sa pamamaril ang mga sibilyan na sina Julius Oclarit at Jimmy Arcadio habang sugatan din ang dalawang pulis na sila SPO1 Jason Magno at PO1 Elnes Concha ng Regional Public Safety Battalion (RPSB-10). Napag-alaman umaabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa demolisyon. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

3 prison guards, 1 pa sugatan vs puganteng preso ng NBP

APAT katao ang sugatan kabilang ang tatlong prison guard ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos …

Ina nagpapataya ng jueteng
2-ANYOS PASLIT PATAY SA PINAGLARUANG LIGHTER NG 2 UTOL

ISANG 2-taong gulang na batang babae ang namatay nang masunog ang kanilang bahay dahil sa …

Tinambangan sa Montalban NEGOSYANTENG BABAE PATAY

Tinambangan sa Montalban
NEGOSYANTENG BABAE PATAY

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang negosyanteng babae, sinabing ang mister ay kaanak ng isang …

Sa Tacurong, Sultan Kudarat DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

Sa Tacurong, Sultan Kudarat
DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

PATAY ang isang opisyal ng Department of Education habang sugatan ang kaniyang asawa nang tambangan …

shabu drug arrest

5 tulak tiklo sa bitag ng Bulacan police

NAGWAKAS ang maliligayang sandali ng limang pinaniniwalaang mga talamak na tulak ng ilegal na droga …

Leave a Reply